`Sugar Coated Delusions`

Torpe ch6-10

Chapter 6:

Di nagtagal umalis na rin yung mokong na yun. Okay na sana kaso tinalakan na naman ako ni Marielle.

Marielle: “KUUUUYAAA!! Anong problema mo? Kulang na lang eh subuan mo ng lasagna si TJ. Grabe.”

“Teka.. Kinakausap ko lang naman ah.. Pero.. Oo nga noh? Next taym nga.. Gagawin ko yan.”

Marielle: “Urrrggh! Kaibigan ko lang yun noh!” (sabay dabog papuntang kwarto niya)

“Friends lang daw.. Showbiz ah..”

Papa: “JC naman.. Sa uulitin wag mo na gagawin yun.. Nakakahiya dun sa bata..”

“Pero Pa..”

Mama: “Haay.. Wala ng pero pero.. Lagi mo na lang ginaganyan kapatid mo. Imbes na maging open yan sa atin baka matuto pang magtago ng sikreto..”

Okay. Pagtulungan ba ko ng mga magulang ko. In-on ko na lang yun TV baka mas may mapala pa ako. Mga 7:30 kami kumain ng dinner. Si Marielle di sumabay sa amin, busog na raw siya. Ewan ko ba dun.

“Sige po. Akyat na ako sa kwarto.”

Mama: “Sige goodnight iho. Patayin mo yung ilaw sa kwarto mo ah minsan nakakatulugan mo eh.”

Umakyat ako sa taas. Naghilamos saka nagtoothbrush. Pagkahiga ko sa kama, di pa ako makatulog. Umidlip kasi ako kaninang tanghali eh. In-on ko muna yung radyo pampalipas oras lang…

Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin akoy
Napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga.
Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan,
Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

Ang swerte nga nman ni ding, lagi ka nyang kapiling
Kung ako sa kanya niligawan na kita
Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka

Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,
Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

Tumalon kaya ako sa bangin,para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan para mayakap ka
Darating kayasa dame ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila paano na kaya?

Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,
Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

“Kahit sulyap lang darna.. Sapul. Naaalala ko tuloy siya..” Undecided

FLASHBACK: (First Year First Sem)

Ang tagal naman nung prof namin. Four na ah. Baka wala siguro kaming class pero third day of classes na eh. Tumingin ako sa mga tao sa classroom. Nagkukuwentuhan lang karamihan. Wala man lang akong naging classmate na kabatch ko nung highschool. Biglang may pumasok sa pinto.. Napatingin ako baka yun na yung prof.

Natulala ako..

Ang ganda niya..

Di ko namalayan lumapit siya sa akin..

Girl: “Kay Prof. Garcia po ba to? Math 17?”

Nagulat ako. Titingin sana ako sa likod ko baka iba yung kinakausap niya pero mukhang ako naman talaga ang kinakausap. Roll Eyes

“Ah. Oo”

Girl: “May nakaupo po ba dito?”

“Ah. Wala. Wala.”

Umupo yung babae sa upuan sa kaliwa ko. Di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Sobrang kabado ko kasi.

Girl: “Hi. Ako nga pala si Larisse. Freshie ka rin ba?”

Sobrang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakausap lang naman ako ng babae ah? Ang labo talaga. Napatingin ako sa kanya. Ang cute niya. Naka-smile siya’t kitang-kita yung dimples niya. Cool

“Ah. Oo. First year din ako.”

Girl: “Haay, kinakabahan ako. Sana mabait yung teacher natin. Ay, ano nga pala name mo?”

Napangiti ako. Parang ang bait-bait niya. Ngayon pa lang kami nagkausap pero ang gaan-gaan ng loob ko kanya.

“Oo nga.. Sana nga mabait siya.. saka magaling magturo.. Ako si —–“

Biglang may pumasok na matandang lalaki sa classroom.

“Good Afternood class, I’m Professor Rovan Garcia.”

Prof. Garcia: “I’ll just give you your classcards for you to sign and your syllabus. To make it easier for me to record your recitation and recognize everyone, I’ll arrange your seats alphabetically.”

Waaah! O Hinde! Napatingin ako kay Larisse. Sana letter D ang apelyido niya, Dela Cruz, Del Norte, Del Sur, o basta D. GrinNung tinatawag na kami isa-isa, Wala akong ibang iniisip kung hindi sana makatabi ko siya.

“Delgado”

Pang-lima ako sa harapan. Ang tagaaaaaaal bago ko siya nakitang umupo.

“Vergara”

Haaay. Ang layo naman ng letter D sa V. Pesteng Alphabet yan! Sa may pinakalikod tuloy siya nakaupo. Nag-start mag-discuss si Sir. Ako naman sulat ng notes. Natapos ang class nang hindi ko namalayan. Lumingon ako sa likod. Pero wala na siya!

Nagmadali akong bumaba. Ayun nakita ko siyang pinagbuksan ng pinto ng driver ata nila. Hindi ko man lang siya nakita uli. Tapos bigla kong na-realize… Di ko pala nasabi na..

“..ako si Toph..” iyak

##########################################

Chapter 7:

Di nagtagal inabutan na rin ako ng antok. Pinikit ko ang mga mata ko. Napangiti ako.. Isa lang ang nasa isip ko bago matulog…

Siya… Smiley

RiiiiiiiiiNNNGGggg!!

Nagising ako sa alarm. YaaAAaaWWwnn! Inaantok pa ko. Haay.. Pero ayun, tumayo na ko. Nag-ayos at pumasok sa banyo para maligo na. Bumaba ako para makisabay magbreakfast kina Mama.

“Good Morning, pipol!”

Mama: “Good Morning, ayos ba tulog mo?”

“Okay lang naman..”

Papa: “Ano oras ba pasok mo? (sabay tingin sa orasan) 6:30 na ah.”

” 10:00 pa po. Pero dirediretso na yun hanggang 4:00. Walang break.”

Mama: “Ah. Ganyan ba sked mo ngayong sem pag Tuesdays saka Friday? Eh di kumain ka ng heavy breakfast niyan ah.”

“Opo.”

Tinignan ko si Marielle. Mukhang tahimik pa rin siya. Nagtatampo pa rin ata.

“Uy. Marielle.. Sorry na nga kahapon ah.. Lam mo naman ganun lang talaga ako eh.. Bati na tayo ah? Dadalhan kita ng Chocnut?”

Marielle: “Sa tingin mo ba, madadaan mo ko sa Chocnut?” Grin

“Sige na..”

Marielle: “Haay nako.. Sige na nga..”

Mga 6:50 umalis sina Papa saka Marielle kasi ihahatid pa ni Papa sa school yung kapatid ko. Pasok nun 7:30 eh. Si Mama naman sumunod umalis ng 7:15 papuntang ospital, doktora kasi si Mama, pediatrician siya. Si Papa naman lawyer. Isa siya sa may ari ng isang law firm dito sa Pilipinas.

Naiwan akong mag-isa sa bahay. Si Ate Tess naman, yung maid namin inutasan ni Mama na magbayad ng bills namin eh. In-on ko muna yung PC para may magawa naman ako. Nag-check ako ng e-mail tapos naisipan ko na rin mag-check ng friendster ko. Mag-iisang buwan na ata akong di nagbubukas ng friendster eh.

10 New Testimonials
15 New Friend Requests

Karamihan ng mga testi galing sa mga pinsan ko saka kabatch ko nung highschool. Nangangamusta. Yung mga ganun.

Tapos bigla kong naalala..

Nagpunta kong USER SEARCH.

Tinayp ko Larisse Vergara. Lumabas yung profile niya. Nagdadalawang-isip pa ko kung iki-click ko eh dati ko pa to ginagawa eh. Saka yung Profile niya naman can be viewed by friends o closely connected members lang. Alam ko ang solusyon ay i-add ko siya. Simpleng pag-add lang sa kanya di ko magawa eh. Ewan ko ba. Nakukuntento na nga lang ako sa pagtingin sa picture niya. Yun lang ang tanging magagawa ko..

Yun lang.. Haay.. Undecided

FLASHBACK ULIT (First Year First Sem)

Ilang beses ko inisip kung pano ko sasabihin pangalan ko sa kanya. Nagpapraktis pa man din ako sa harap ng salamin. Ang labo ko talaga. Roll Eyes

“Hi.. Ako pala yung nakatabi mo nung first day ng class. Di ba tinanong mo pangalan ko? John Christopher pero Toph na lang..”

“Panget.. Di kaya maweirduhan sa akin yun?..” Roll Eyes

“Kung ano kaya..” “Hi.. I’m Toph.. You’re Larisse, am I right?”

“Ang Presko ng dating eh.. Di pwede..” Cheesy

Haay. Wala. Palpak. I had the chance and I blew it.. Right there and then. Bad Trip.

Dumaan ang mga araw at linggo. Yun na ang una at huli naming pag-uusap. Nakakalungkot nga eh. Kasi pag dumarating ako sa classroom halos kasabay ko yung prof. kaya discussion agad. Pagkadismiss naman, bumababa rin siya agad papunta sa sundo niya. Kaya di kami nagkakalapit..

Madalas bumababa rin ako tapos sisilipin ko sa may gilid kung nakasakay na siya. Lagi naman siyang maagang sinusundo eh. Maliban sa isang araw..

Mga 5:40 na nun. Wala pa rin yung sundo niya. Nagtataka nga ako eh. Ayun, nandun lang siya nakaupo sa bench. Wala na masyadong tao dun sa Math Building. Umalis na rin yung mga kaklase ko. Ako nandun lang nakatago sa bandang hagdan. Hinihintay ko siyang makauwi eh.

“Ang ganda niya talaga..” Cool

Oo. Simple pero iba ang dating niya. Nung nakaupo siya dun, hinahangin pa nga yun buhok niya eh. Para tuloy siyang nasa commercial, nakakatuwa. Naglabas din siya ng libro, Tuesdays with Morrie. Mahilig din pala siya magbasa? Gusto ko rin si Mitch Albom eh yung author nung librong yun.

“At least may alam na ko tungkol sa kanya, may something in common na kami??” Cool

Natawa ko sa sarili ko. Talagang naghanap talaga ko ng similarity namin eh no? Nung nakasilip ako sa kanya, biglang napatingin siya dun sa pinagtataguan ko.

Hala. Kinabahan ako. Parang nakahalata ata siya eh..

Tumayo siya..

Papalapit na..

Ayan na.

OH NO!! Shocked

####################################

Chapter 8:

FLASHBACK PA RIN (First Year First Sem)

Pinagpapawisan talaga ako nung papalapit na siya. Dinig na dinig ko na yung tibok ng puso ko eh.

VRrOOOOOoooMMM…

Parang motor sa bilis.

Ang Tindi! Cheesy

Beeeeeeeeeep!! Beeep!!

Dumating na yung sundo niya!! Whooo! Buti na lang.. WinkPagsilip ko, nakita ko kinuha na niya yung mga gamit niya tapos papasok na sa kotse nila. Tapos, bigla siyang tumigil. Lumingon siya dun sa pinagtataguan ko. Mga ilang segundo rin siyang nakatangin dun tapos saka siya pumasok.

“Pucha. Muntik na ko dun ah!”

Mula noon, medyo naging maingat na ko. Pero hindi na rin naman nasundan na nalate siya ng sundo. Lagi na ulet on time ang sundo niya. Araw-araw yun hanggang sa patapos na ang sem.

Oo. Mabilis lang pala ang isang sem. Hindi mo namamalayan patapos na. Parang ayaw ko nga matapos ang sem na to dahil sa kanya. Iba pala ang pakiramdam pag may matindi kang dahilan para pumasok eh ano? Wink

Magkahalong excitement saka lungkot ang nararamdaman ko nung last day na namin sa Math. Parang farewell party kasi namin sa class. Nakakalungkot kasi mamimiss ko rin mga classmates ko kahit papaano saka..

..syempre di ko na siya madalas makikita. Haay..

Excited din kasi nagdala ako ng camera at balak ko sana kumuha ng mga pictures. Siyempre, sa picture, nandun siya, nandun ako. Ang saya! Smiley

Prof. Rovan Garcia: “Aba, ang sarap ng mga pagkain ah”

Kanya-kanyang dalang food yung mga kaklase ko. Ako dinala ko dalawang malaking Doritos. Yung iba may dalang pizza, doughnut etc.

Tumingin ako sa watch ko.

Four na ah.. Nasan na kaya siya?

Four Fifteen..

Four Thirty…

Five..

Wala pa ring anino man lang ni Larisse. Kumuha na ako ng pictures namin. Ang kulit nga nila eh. Pero.. Nalungkot ako.. Wala siya eh..

Sayang last day pa naman.. Pero naisip ko baka naman late lang siya.. Baka..baka sakaling dumating pa siya.. Kaya kahit umalis na lahat.. Dun muna ko tumambay sa may bench sa labas ng Math Building dun sa mismong inupuan niya nung isang beses.. Naghintay ako hanggang mga five thirty.. Habang nandoon.. Narealize ko..

Mahirap pa lang maghintay sa wala.. iyak

################################################

Chapter 9:

Miyerkules. Wala akong pasok pero ang aga ko nagising. Bakit ganun kung kailan kailangan gumising ng maaga hindi ako makabangon.. Ngayon naman pwede akong matulog ng matagal ang aga ko naman magising.. Haay Buhay. At least, makakasabay kong magbreakfast sina Mama .

“Wow. Tapsilog for breakfast. Busog na naman ako nito! Sarap talaga ng buhay pag may nanay kang magaling magluto ah..”

Papa: “Aba. May ipapabili ka ba?” Roll Eyes

“Papa, naman.. Totoo naman yung sinasabi ko ah..” (sabay tawa)

Marielle: “Ay, Mama late po pala ako makakauwi, gagawa po kami ng project eh para sa Biology.”

“Anong oras ka na uuwi? Sino maghahatid sayo? Kailangan mo ba talaga pumunta diyan? Pano kung gabihin ka na, delikado na yan, kaya mo ba umuwi?” Grin

Marielle: “Kuya naman, exagge ka ah. Alin ba dun ang sasagutin ko? Ang dami mong tanong eh..” Huh

Mama: “San ba kayo gagawa ng project niyo?”

Marielle: “Kina TJ po yata..”

“ANOO?!!”

Papa: “Puso mo, JC, puso mo..”

Tinignan ko si Papa. Parang nang-aasar pa eh. Di ba siya nag-aalala??

Marielle: “Marami naman kami eh. Seven kami sa group. Apat na babae saka tatlong lalaki. Nandun naman yung parents ni TJ eh. Nagkausap pa nga si Papa saka Tito Bert.”

Papa: “Kinausap ko nga kanina kasi nagkasabay kami nung hinatid ko sa school tong si Marielle eh. Nasabi nga ni Bert na dun gagawin yung project nila. Okay nga yun at least panatag ang loob natin.”

“Teka.. mga what time ka na niyan makakauwi? Pano ka uuwi?”

Marielle: “Depende kung anong oras kami matatapos.”

“Eh di susunduin na lang kita.”

Marielle: “Ha?”

Papa: “Sa bagay, may meeting kasi Mama niyo mamaya kaya ihahatid ko siya kaya pwede gamitin ni JC yung kotse ni Mama.”

“O kitams.. tamang-tama pala eh”

Mama: “Gagawan na rin ako ng lasagna para may maibigay ka naman kina Tito Bert niyo”

“Buti pa sila may lasagna..”

Mama: “Sige na, gagawa rin ako para sa inyo may meryenda kayo rito.”

“Yahoo!”

Inihatid ni Papa si Marielle ng mga 7 o’clock pero bumalik din siya agad kasi ihahatid niya nga si Mama sa meeting. Umalis sina Mama, mga 10 o’clock na rin kasi 11 yung meeting nila saka tinapos pa niya yung ginagawa niyang lasagna.

Ako naman nasa kuwarto lang buong hapon. Tinapos ko yung last four episodes ng Naruto. Ibabalik ko na rin kasi siya kay Stephen bukas kasi hiniram ko lang sa kanya yun.

Tinignan ko yung watch ko. 3:30 na pala.

“Naku, nakalimutan ko pala itanong kay Marielle kung san yung address nung bahay nung TJ na yun saka kung anong oras ko siya dadaanan.”

Kinuha ko yung phone ko para itext yung utol ko.

To: Marielle
Ano oras kita sundo? Ska san bhay ni Tender Juicy?

Ilang minuto lang nag-reply naman siya.

From: Marielle
Anong Tender Juicy?!! TJ noh! Ano mga 6:30 cguro, dun daw sa Crystal Village, Sampaguita st.. Mlapit lng cya s skul nmin. Kulay peach yung bahay.. txt txt na lng maya.
Roll Eyes

“6:30 pa? Punta na lang muna kaya ko sa Qbix. Bili ako bago DVD.”

Nagpaalam ako kay Ate Tess na aalis na ako. Pinaandar ko na yung kotse tapos pumunta na akong Qbix. Nagpark ako dun sa bandang harapan.

“Oi. Mang Nestor. Ano po bago ngayon?”

Ang Qbix ang madalas kong bilihan ng DVD. Suki na ako niyan kaya magaganda yung mga kopya na nakukuha ko. Saka kasundo ko si Mang Nestor yung nagbabantay nung store. Di ko rin naman kasi afford na bumili ng orig eh.

Mang Nestor: “Long time no see ah. Tapos mo na ba yung mga binili mo dati?”

“Oo nga ho eh kaya eto napapabili ako ng di oras.”

Nagtingin-tingin ako kung ano magandang bilhin. Yung kinuha ko na lang yung Season 6 ng CSI Las Vegas. Pagkatapos, pumunta ako dun sa Mitsubishi Photo sa katabi lang naman ng Qbix. Nagpappicture na rin ako para sa 1×1 kasi madalas kailangan yun sa class eh. Hinintay ko rin siya ng mga 30 minutes para madevelop. Pagtingin ko sa watch, six o’clock na pala kaya tinext ko na si Marielle na papunta na ko.

“Patay! Yung Lasagna pa pala ni Mama!” Ayun binalikan ko pa tuloy sa bahay.

Mga 7 na ata ako nakarating dun sa bahay ni Tender Juicy. Medyo nawala kasi ako eh. Malaki rin pala yung Crystal Village kaya nakakalito yung mga streets niya.

Bumaba ako sa kotse tapos kinuha ko yung lasagna. Naglakad ako papunta sa gate. Tumigil ako sa saglit. Ewan ko pero naisipan kong buksan at silipin yung lasagna.

Eh di binuksan ko naman. “Hmmm.. ang bango talaga.. ginugutom ako..”

Tapos may narinig akong boses papalapit dun sa gate.

“O sige po.. Bye.. Balik na lang po ulit ako.”

Nagpanic ako bigla. Inayos ko ulit yung takip nung lalagyan ng lasagna. Lalapit na sana ako sa gate kasi baka pagbubuksan ako’t tinext ko na kasi si Marielle na nandun ako.

Kaso..

Di pala patag yung daan dun!

Natisod tuloy ako..

Nabitawan ko yung lasagna..

Lumipad yung lalagyan..

Sakto pa at bumukas yung gate!

Pinikit ko ang mga mata ko..

… hala! … Cool

#########################################
Chapter 10:

“UgghH!! Yung Shirt ko… Yung Pants ko! Pano ko uuwi nito??!”

Binuksan ko ang mga mata ko. Patay! Babae pa. Nilapitan ako nung babae. Galit na galit. Hinablot niya yung shirt ko.

“Ano bang problema mo ah?!”

“Sorry.. Sorry na.. Natisod kasi ako eh.. Nahulog tuloy yung dala-dala ko..”

Kinilabutan ako. Talagang sinisigawan niya ko.

“Teka.. Teka.. Kilala kita ah..”

Binitawan niya yung shirt ko. Napaatras siya ng onti.

“Ikaw nga!! Ikaw rin yung lalaking bumunggo sa akin nung isang araw kaya nahulog yung cellphone ko!” Shocked

Pucha. Oo nga. Siya nga yung babaeng macho. Ano ba namang buhay to ah. Baka bugbugin na ko nito.

Biglang may lumabas na lalaki sa gate.

“Anong problema, Alex? Sinong kaaway mo diyan?”

“Tito Bert, eto kasing lalaking to eh. Tingnan mo naman nangyari sa akin?! Pano ko uuwi sa amin nang ganito itsura ko?”

Tinignan ni Tito Bert yung babae. Parang natatawa siya sa itsura niya.

“Pasok ka na lang sa loob at magpalit ka. May damit pa naman diyang extra si Tita mo. Kasya naman siguro sayo yun..”

Papasok na sana siya tapos biglang lumingon siya sa akin.

“Teka nga, ano bang ginagawa mo dito ah? Hindi naman kami nagpadeliver ng lasagna ah?”

Aba. Aba. Ang kapal! Mukha ba kong delivery boy? Roll Eyes

“Iho, bat ka nga pala napadpad dito?”

“Kasi po susunduin ko sana yung kapatid ko si Marielle. Pinadalhan din po pala kayo ni Mama ng lasagna kaso..uhmm..” Napatingin ako dun sa babae. Parang tigreng kakagatin ako. “nabitawan ko po..” Undecided

“Ah. Ikaw ba yung anak ni Lito? Teka tatawagin ko siya ah.” Pumasok uli si Tito Bert sa loob.

Naiwan kami nung babae sa labas. Tinititigan talaga niya ko. Marielle, asan ka na ba? Labas na dali. Baka ihawin ako ng buhay dito.

Marielle: “O kuya..” (napatingin sa babae) “Uh.. Ano nangyari?” Huh

“Ewan ko diyan sa magaling mong kapatid! Tatanga-t anga kasi.” grrrr

“Sige.. mauna na kami.”

Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Marielle tapos pumasok na siya. Ako naman papasok na sana ko sa kotse. Pero napansin ko, nandun pa rin yung babae. Nginitian ko nga siya.

“Uy.. Masarap yung lasagna ni Mama no?” Tongue

Chapter 10 part 2:

“Ayun sinugod niya ko sa kotse pagkasabi ko nun.. Buti na lang nakapasok ako agad.. Pinaandar ko agad yung kotse ni Mama.. “

Stephen: “Eh sira ka pala pare.. Inasar mo pa! Teka maganda ba yung chick na sinasabi mo?”

“Anong chick? Chicken ka mo! Grabe magtatalak!” Huh

Stephen: “Alam mo parang kakaiba yang babaeng yan..”

“Sinabi mo pa.”

Stephen: “..kasi biro mo ngayon lang sa taaagaaal nang pagkakakilala ko sayo ah.. ngayon ka lang nagkwento tungkol sa isang babae..”

“Teka.. Teka.. anong ibig mong sabihin?”

Stephen: “Wala.. Wala.. “

Tinignan ko si Stephen. Napaisip tuloy ako. Oo nga. Di pala ako nagkukuwento tungkol sa mga baba-babae. Eh wala naman talaga ako dapat ikwento eh. Pwera lang yung kay Larisse. Wala namang may alam tungkol dun eh.

Tumingin ako sa orasan sa may canteen. 11:15 na pala. Di ko namalayan yung oras ah. Kanina ko pa kasi kinukwento yung nangyari sa bahay ni Tender Juicy kay Stephen.

Stephen: “Oi, punta na ko class ko.. Kaw?”

“Punta na rin akong Math Building. Sige..”

Stephen: “Teka, wag mo kalimutan ah. Yung App’s Party sa Saturday.”

“Ah. Ngayong sabado na ba yun? Sige, sabihin ko sa erpats at ermats ko.”

Sumali kami ni Stephen sa isang academic org. Parehas kami ni Stephen na ECE ang course. Balak namin sana sumali last year pero hindi natuloy kaya ngayon namin naisipan ituloy.

Pagkatapos ng Math ko. Pumunta muna ko sa library. 2:30 pa kasi next class ko. Kumuha ako ng MALAKING libro. Di ko siya babasahin ah. Roll EyesInayos ko lang na parang babasahin ko sa harap ko. Tapos.. Ayun natulog ako. Para di obvious di ba? Tongue

ZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..

Zzzzzzzzzzzzzzzzz..

zzzzzzzz..

“Wah.. Wah??” Cheesy

Nagulat ako. Kala ko kung ano. Nag-vibrate pala yung cellphone ko. In-alarm ko kasi siya ng 2:15 para magising ako. Nagpunta muna kong c.r para mag-ayos kasi mukhang binagyo yung itsura ko eh saka ako nagpuntang next class.

Pagpasok ko sa room. Wow. Ang daming tao. Konti na nga lang yung upuan eh. Balita ko astig daw yung prof. Kaya maraming kumukuha sa class niya. Buti nga nakakuha ako ng slot.

Ayun nakakita ako ng upuan sa bandang gitna at umupo. “Jackpot! Suwerte ko talaga..”

“Malas..” Tongue

Lumingon ako sa likod. Oh no. Oh no. Hindi ito maaari. Lord, Bakit? Bakit?

“Mukhang nagulat ka. Ako rin nagulat eh.”

Nilapit niya yung mukha niya sa akin.

“Tandaan mo, may atraso ka pa sa akin. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa bading..” grrrr

Nginitian ko siya.

“Bakit? Ayaw mo yun, sister? Aayusan kita.. Libre manicure.. pedicure..” Roll Eyes

Mas lalong naasar yung Alex. Akala niya ah. Humarap na lang ako sa board. Nasan na ba yung prof.? Ang tagal ah.

After 100 years, dumating din yung prof. Ang bata ng itsura niya parang estudyante.

Prof: “Hi, class. This is SocSci 1. I’m Professor Jennifer Lucas. But you guys from now on will call me Ma’am J. Okay?”

Aba. Kaya pala. Mabait talaga tong prof. na to. Ang saya naman.

Ma’am J: “Look around you. Ayan ang mga tao na makakasama niyo sa buong sem na to.”

Tinignan ko yung mga classmates ko. Mukhang okay naman. Pwera lang dun sa nasa likod ko. Haay.. Naku.

Ma’am J: “Saka eto pa. Magkakaroon tayo ng project. Bale by group naman siya saka you can work on it the whole sem so you don’t have to worry. Hahatiin natin ang class into five groups, tig-anim sa isang group. So start na tayo.. count off na lang siguro..”

Nag-count off kami. 1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 1.. 2 .. 3.. 4.. 5

“Four..”

Tapos nag-grupo grupo na. Nakita ko nag-raise ng hands yung mga ka-grupo ko na four rin ang number kaya lumapit ako sa kanila. Uupo na ko dun sa natitirang upuan dun biglang..

“Hoy, Diyan ako noh..”

Lumingon ako. Ano ba yan? Wag mong sabihing.. Magkagroup pa kami??!

Kung mamalasin ka nga naman.. iyak

4 Comments »

  1. bitin grabe ganda na sana ng love story nyu ni alex bitin ako hayy naku!! pero halos parehas tyo ng mga nagyayari sa buhay ah…

    Comment by bm — April 25, 2008 @ 11:18 am

  2. hehe may nagbabasa pala nito…hayaan mo update ko 🙂

    Comment by rhycel — April 28, 2008 @ 7:06 am

  3. Kuya okay ahh.. nagsesearch lng ako ng CABAL Online Guide napadpad ako dito tapos na-hook na ako hehe.. susubaybayan ko ito kuya.

    Ganda ganda keep up the good word 🙂

    Comment by Christian — July 18, 2008 @ 5:54 am

  4. Thanks

    Comment by melfabro — July 19, 2008 @ 12:14 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Create a free website or blog at WordPress.com.