`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch2

Chapter 2:

Okay. Wala pa akong girlfriend. Ako lang ang walang syota sa tropa. Aba. Sino kamo ang date ko nung prom at gradball namin? Sino pa nga ba? Ang napakaganda kong kapatid. Oo. Kahit Grade 6 pa lang siya noon. Matangkad naman siya kaya hindi halata.

Stephen: “Pare, ang KJ mo naman. Sana man lang naghanap ka ng ibang date. Utol mo pa dinala mo.”

“Bakit pa ayaw mo pa magkagirlfriend?” Yan ang laging tanong sa akin ng tropa ko. Ang lagi ko naming sagot?

“Sus. Gastos lang yan.”

Okay Fine. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanila. Ang suwerte ko nga raw kasi ang daming nagkakagusto sa akin sa school namin. Uy. Sila nagsabi nun ah. Kasi nung Valentines, may chocolates at card ba naman ako sa upuan ko?? Nakakahiya kaya yun. Di ko nga alam kung pinagtripan lang ako nina Stephen eh. Sabi naman nila, wala raw silang ginagawa.

Hanggang pagdating ko sa college. Wala pa rin. Subsob lang ako sa pag-aaral saka sa basketball. Binabalak ko nga magtry-outs sa team next sem eh kaso natatakot ako baka mapabayaan ko studies ko. Mahirap na di ba?

Hanggang isang araw…

“Whaaaat??!! 7 am na??”

Nagmadali akong lumabas sa kuwarto. Pasok sa banyo. Ligo agad. Bihis. Lagay ng gel. Takbo!

“Bye Ma.. Bye Pa. Oi Marielle, maaga uwi ah?”

Marielle: “OOooopooo.. kuuyaaa”

Ayun. Pagkatapos, kumaripas na ko papuntang sakayan. Sumakay ako sa unang jeep na makita ko na papuntang MRT. After 20 minutes, nasa may MRT na ako. Hala. Ang haba ng pila. Bumili na ko ng ticket papuntang Quezon Ave.

“7:40 na.. Di bale. Aabot ako sa class ko niyan. Kaya yan.”

8:30 kasi first class ko. First day naman ng class ngayon kaya medyo wala pa masyadong nagpapasok niyan. Pero dahil masipag ako, pasok pa rin ako. Sayang din allowance ah.

Ang daming tao sa loob. Ang hirap talaga magcommute. Buti na lang nakahanap agad ako ng upuan. Kaso may nakita kong matandang babae eh nakatayo, naguilty tuloy ako.

“Lola, Dito na ho kayo maupo.” (sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko)

Tinignan ako nung matanda. Umupo siya. “Salamat iho. Pero di pa ko lola, miss pa lang” grrrr

Hala. ShockedPahiya ata ako dun. Lumipat tuloy ako ng puwesto.

“Haay. Salamat..”

Mga 8:10 na ako nakarating sa Quezon Ave. Nagmadali akong bumaba at naghanap ng jeep papuntang UP. Jackpot. May dumating kaso puno na sa likod kaya dun ako sumakay sa harap sa tabi ni manong drayber.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni manong. Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likod.

“Hoy, Manong yung sukli ko.. Kanina ko pa hinihingi ah.. Bingi ba kayo?”

Napatingin ako sa Rearview mirror. Ang aga-aga ang sungit sungit naman nun. Di ko masyado makita yung mukha eh. Naka-cap kasi. Nanlaki mata ko. Teka, Babae yun?? Ang angas ah.

Iniabot ni Manong yung sukli nung babae. Tapos pumara siya sa may McDo.

Manong: “Siya na na naman? Ang malas ko naman nasakay ko na naman yun.”

“Bakit ho?”

Manong: “Nasakay ko rin yun kahapon eh. Ewan ko ba dun. Ang sungit. Tapos kung kumilos, machong macho.”

Tinignan ako ni manong saglit. Tapos parang natawa siya.

Manong:”Daig ka pa nga eh..” Grin

Aba. Ang kapal ni Manong ah. Napahawak tuloy ako sa biceps and triceps ko.

Sinong hindi macho? Roll Eyes

Back

Chapter 3

3 Comments »

  1. Genuinely actually very good web site article which has received me considering. I in no way looked at this from a stage of look at.

    Comment by ip camera — January 9, 2011 @ 5:14 pm

  2. kaw b tlga gumawa niyan or kinopya mo lng sa cm8 ko,,,,,how poor cant you make your own story?…..WEML

    Comment by JANDEE DOLORES — February 22, 2011 @ 5:38 pm

  3. hmmm…grow up and learn to read. Napansin mo ba yung title : Torpe by ???. Of course kinopya ko ‘to di ko naman sinab i na ako nagsulat kaya nga may Torpe by ???

    The main reason I posted it kase nagandahan ako.. and please read the this: https://melfabro.wordpress.com/torpe-ch91-100/

    comment 14 from me:

    “sakin no problem pre, nakita ko lang rin saomewhere to tpos nagandahan ako kaya nilagay ko dito sayang nga di nakalagay dun yung author”

    Next time grow some IQ before commenting…Iwan ang katangahan sa bahay ha…

    Comment by melfabro — February 22, 2011 @ 5:54 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: