`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch11-20

Chapter 11:

Stephen: “Yaan mo ipagdadasal kita pare..”

“Bakit naman kasi ganun? Biro mo magkagroup pa kami? Ano na ang gagawin ko ngayon.. Bad trip talaga! Aaargh..”

Stephen: “Alam mo tawag diyan Toph?”

“Ano?”

Stephen: “..destiny..”

“Anak ng.. Destiny. Destiny ka diyan.. “

Stephen: “To naman.. di mabiro.. Wag mo na nga isipin yun.”

“Teka, nasan na ba tayo? Naliligaw na ata tayo. Tama ba yang address na nasa sayo?”

Stephen: “Oo, Dela Rosa St. na to o”

“Ayun na ata. Tignan mo. Yung maraming nakapark na kotse.”

Nagpark si Stephen dun sa may malaking bahay. App’s party na kasi nung org na sasalihan namin. Parang dun mo makikilala yung ibang mga miyembro saka kasamang applikante.

Naghintay kami sa labas. Pinindot namin yung doorbell. Maya-maya pinagbuksan kami ng maid tapos tinuro kami sa garden. Wow. Ang ganda sa loob!

Stephen: “Pare, tignan mo yung mga babae dun o. Ganda..”

Tinignan ko yung mga babaeng tinuturo niya. Okay lang. Maganda nga. Lumingon-lingon ako. Medyo marami-rami na rin ang tao. Pero may nakita akong babae dun sa may sulok. Mag-isang nakaupo. Nagmumukmok ata. Medyo malayo kaya di ko masyado makita yung mukha niya.

Biglang kinalabit ako ni Stephen.

Stephen: “Toph, si Joey nga pala, siya yung head ng application ngayon. Siya rin yung may-ari ng bahay.”

Kinamayan ko yung Joey. “Uy.. Toph pare”

Joey: “Kain muna kayo. Maya-maya na tayo magsisimula.”

Chibugan na. Naunang pumila si Stephen. Buffet style siya. Ako nag-cr muna. Pagbalik ko saka ako kumuha ng pagkain.

Nung kukuha na ako ng plato, may.. may nakasabay akong humawak nung plate eh. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

Pagtingin ko kung sino..

“Uh.. Sige, sayo na..”

Tumalon yung puso ko! Totoo ba to?? Totoo ba to??

Larisse?? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

“Hiiinde, sige.. ma.. mauna ka na.. ladies first..”

Pinauna ko siya saka ko kumuha ng sarili kong plate.

“Thanks.. Uhmm.. Parang naging classmate na kita dati?”

Parang di ako makahinga. Pinagpapawisan na naman ako.

OO!! Magkaklase nga tayo! Talaga naaalala mo ko? Talaga??! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

“Uh.. Uhmm.. Oo ata..”

Larisse: “Sa Math 17? Tama ba?”

Tama! Tama! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cheesy

“Oo nga ata..”

Larisse: “Naaalala mo pa ba ko? Larisse nga pala..”

Ha? Naaalala? Oo naman! OO!

“Larisse? Ah.. To..Toph pala..”

Larisse: “Ah.. nice.. Sige.. una na ko..”

Tinignan ko siya pag-alis niya. Wow. As in WOW.

“Uh.. Steak sir? Uh.. Sir?”

Nagulat ako. Hinihintay na pala ko nung nagseserve.

“Ah. Sorry..”

Hinanap ko kung saan umupo si Stephen. Pagkakita ko, nilapag ko yung plato ko’t umupo.

“Pare, kurutin mo nga ako?”

Tinignan ako ni Stephen.

Stephen: “Okay ka lang?”

“Nanaginip ba ko?”

Hinawakan ni Stephen yung noo ko.

Stephen: “Tol, dapat sinabi mong may sakit ka.. para di ka na sumama..”

“Hindi.. Wala kong sakit.. Wala..”

Lumingon ako. Nandun siya sa kabilang table. Tapos, naalala ko. Siya ata yung babaeng napansin ko kanina. Siya nga yun!

Biglang lumapit sa amin si Joey.

Joey: “Kain lang kayo ah. Oo nga pala. Yung mga nasa kabilang table saka yung sa isa pang table.. Yan ang mga kasama niyong mag-aaply. Bale 25 kayo ngayon.”

Tinignan ko ulit si Larisse. ECE din pala siya? Haay.. Di ako makapaniwala..

Stephen: “Uy, Toph.. Mukha ka na namang sira diyan.. Nakangiti ka diyan mag-isa..”

“Ah. Wala. Wala to.”

Kilala na niya ko!! Alam na niya pangalan ko! Yahoo! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

##################################
Chapter 12:

Pagkatapos kumain. Pina-form kami ng circle. Sabi ni Joey informal lang naman daw. Usap-usap. Nag-share ng experiences yung mga members.

Joey: “O, tapos na yung mga members kayo namang mga apps. Ganito ah. Kwento lang kayo kahit ano basta makilala namin kayo kahit papaano tapos sabihin niyo kung sino crush niyo sa apps din. Kahit yung nagagandahan o nagwagwapuhan na lang. Katuwaan lang naman..”

ANOOO??!! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

Hala. Nag-panic ako. Tinignan ko naman yung ibang kasama ko. Bat ganun? Parang wala lang sa kanila.

Ayun. Kwento-kwento. May mga 3rd year na saka 4th year. May mga nagkwento tungkol sa family sa friends, sa lovelife at kung anu-ano. Pagdating sa akin..

“Hi. Ako pala si John Christopher Delgado. Sa bahay JC tawag sa akin. Sa school, madalas Toph naman. Sumali ako sa org kasi gusto ko maexperience kasi mukhang masaya naman saka sa tingin ko makakatulong naman siya sa acads. Saka marami kang mamimeet na ibang tao. Wala naman kaming problema sa family. May kapatid akong babae, second year highschool na siya ngayon. Sabi nila, medyo strict daw ako sa kanya..”

Stephen: “Sobra..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

“Uy. Grabe ka. Oo nga pala. Si Stephen din. Tropa ko na yan since highschool. The best yan. I love you pare.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cheesy

Tawanan naman lahat.

Joey: “Lovelife?”

“Ah. Wala.. Wala..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Pasimple akong tumingin kay Larisse.

Joey: “O sige.. Ano na lang crush sa apps?”

“Uh.. Wala eh..”

Joey: “Ganun? Ibig mong sabihin walang maganda sa kanila?”

“Hindi naman… Wala eh.. Wala talaga.”

Joey: “Imposible.. Sige yung nagagandahan ka na lang..”

Napalunok ako. Hindi ba ko makakalusot dito?

Stephen: “Naku po. Wag niyong pilitin yan. Walang kataste-taste yan sa babae. Ang type niyan si Mahal saka Madam Auring.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Tawanan naman yung mga pipol. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Stephen o Babatukan ko siya? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Sumunod na nagkuwento yung mga katabi namin. Hinihintay kong magkwento si Larisse.

Maya-maya si Larisse na yung nagkwento.

Larisse: “Larisse Abigail Vergara. Larisse yung tawag sa akin madalas. Second year. Uhmm.. Only child pala ako. Mahilig akong magbadminton saka bowling. Hobby ko magluto. Kasi yung Mom ko saka Dad ko mahilig magluto eh.”

Joey: “Lovelife?”

Larisse: “Ah..Eh..”

Joey: “Ba’t parang ayaw niyo magkwentong lahat tungkol sa lovelife.. Kayo ah.. sige crush na lang sa apps..”

Larisse: “Wala pa kasi akong masyado kilala sa kanila..”

Joey: “Sige.. kahit yung sa tingin mo okay….”

Larisse: “Uhmm.. si Toph na lang siguro?”

Napalingon sila sa akin.

Tama ba yung narinig ko? AKO? AKO? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

############################################

Chapter 13:

“Waah.. Wah?”

Marielle: “Kuya? Kuya? Gising na..”

Binuksan ko mga mata ko. Nandun si Marielle sa harap ko.

Marielle: “Nananaginip ka ata at nagsasalita ka diyan.”

“Ha?”

Haay. Di ko talaga malimutan yung nangyari nung Sabado. Sana totoo na lang yung panaginip ko.

Sana.. Sana ako na lang yung sinabi niya. Ang babaw ko…

Ewan ko ba pagkasabi niya nung “Si Jeffrey na lang siguro…” Parang may kumurot sa dibdib ko. Ang labo talaga. Sa bagay, Para namang may ibubuga ko dun. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>UndecidedAt least kilala na niya ko.

Marielle: “Bumangon ka na nga.. Di ba 8:30 pasok mo?”

Bumangon ako at nag-ayos. Naligo’t kumain ng breakfast. Dumating ako sa class pero wala pa naman yung prof.

Stephen: “Toph sa Wednesday daw may meeting tayo.”

“Talaga?!”

Stephen: “Di ka naman masyado excited?”

Makikita ko na naman siya. Tignan mo nga naman o.

“Ah. Hindi naman. Wala kasi magawa sa bahay eh.”

Buong period hanggang sa sunod na class ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang gusto ko na mag-Miyerkules.

Kaso pagdating ng Socsci 1, nag-iba ng ihip ng hangin.

“Groupmate, halika dali, usap tayo saglit tungkol sa topic natin sa project. Wala pa naman si Ma’am.”

Umupo ko sa tabi ng mga ka-grupo ko.

“Di pa pala tayo nagpapakilala ng maayos. Ako si Mara,” sabi nung babaeng nakaponytail at nakaglasses na tumawag sa akin.

“Emm,” pakilala naman nung payat na bading na katabi ni Mara.

“Trina,” yung nakapigtails na medyo chubby na babae.

“Rex” yung chinito at matangkad na lalaki.

“Alexandra.. pero Alex na lang,” yung.. yung… babaeng macho.

“Toph”

Alex: “Hay nako.. ang malas naman ng group na to..kasi naman yung iba diyan..”

“Ano sabi mo? Ako ba pinariringgan mo?”

Alex: “Batu-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit”

Mara: “Uhmm. Okaay.. So magkakilala kayo?”

Alex at Toph: “HINDE!”

Biglang dumating si Ma’am J. Kaya bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan. Tinignan ko si Alex. Ano bang problema niya?

Ma’am J: “Dahil di pa tayo masyado magkakakilala, magkakaroon tayo ng activity. Kuha kayo ng paper kahit anong size.”

Wala akong dalang papel. Napansin ko meron si Alex. Pero wala akong balak humingi sa kanya at alam kong wala ring siyang balak bigyan ako. Humingi na lang ako dun sa isa pa naming classmate.

Ma’am J: “Bago tayo, magsimula.. Pakilala muna kayo isa-isa. Sabihin niyo yung name or nickname niyo.”

Eh di nagpakilala naman isa-isa.

Ma’am J: “Isulat niyo yung name niyo sa paper then at the count of three ipass niyo sa katabi niyo. Pagkapass, isulat niyo kung anong first impression niyo sa taong yun.”

Ma’am J: “Okay.. Let’s start.. 1.. 2.. 3”

Kadalasan sinusulat ko.. Mukhang mabait.. Maganda.. Mukhang Matalino.. Mukhang mataray.. Ganun naman pag first impresssion di ba?

Pagdating sa akin ng paper ni Alex. Pinag-isipan ko talaga kung anong ilalagay ko. Naisip ko.. ako naman talaga may kasalanan kung bakit siya nagalit sa akin eh. Kaya nilagay ko na lang..

Boyish.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

Ma’am J: “Now you have your papers now.. Tignan niyo..”

Pagdating sa akin nung sarili kong papel. Tinignan ko kung anong mga nakalagay..

Gwapo.

Aba naman. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Mukhang mabait.

Talaga? Good Boy pala dating ko.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cheesy

Tapos biglang may nakita ako sa bandang gilid, kaya di mo agad mapapansin.. ALL CAPS pa talaga.

MAYABANG! ANTIPATIKO! BADING!

Isa lang ang magsusulat nito.. Lumingon ako sa likod ko..

Aba. Ang kapal. Nginitian ba ko? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>grrrr

####################################

Chapter 14:

Di nagtagal dinismiss na kami ni Ma’am. Nung palabas ng class, hinabol ko si Alex. Hinawakan ko siya para pigilan.

“Alex, I’m sorry.. Alam mo dapat ayusin natin to kasi magkaklase tayo eh.. Alam mo yun.. Tapos magkagrupo pa..”

Emm: “Uuuuyy.. Deny deny pa.. LQ lang pala kayo. Parang.. Parang eksena sa movie..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Grin

Bumitaw si Alex sa pagkakahawak ko.

“Ah. Hinde ah. Anong LQ?”

Tinignan lang ako ni Alex. Tapos naglakad siya paalis. Hindi ko na siya hinabol. Pakiramdam ko kinausap ko ang hangin.

Naglakad na rin ako palabas ng Palma Hall. Papunta na akong sakayan. Napansin ko bigla si Alex. Parang wala siya sa sarili? Tatawid siya papuntang sakayan.

Paglingon ko sa kanan, may paparating na kotse.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

“Hala.. Si Alex.. ALEX!!”

Pero di ata ako marinig eh. Tumakbo ko tapos hinila ko siya. Tamang-tama kung hindi nasagi siya nung kotse.

“Magpapakamatay ka ba?”

Tinignan lang niya ko. Tapos..

Bigla siyang nahimatay. Hinawakan ko yung noo niya. Inaapoy siya ng lagnat! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>ShockedKaya pala parang hinang-hina siya eh. Binuhat ko siya.

Hala. Ang bigat naman nito! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

“Ano nang gagawin ko ngayon? Medyo malayo pa clinic dito. Baka mamatay ako pag nilakad ko hanggang dun?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Grin

BEEP.. BEEP!

Dumating yung CRV ni Stephen. Binuksan niya yung bintana.

Stephen: “O, bat may buhat-buhat kang chicks diyan?”

“Nahimatay siya.. Eh kung tulungan mo na lang ako.”

Dinala namin ni Stephen si Alex sa clinic. Naghintay kami sa labas. Di nagtagal may lumabas na nurse.

Nurse: “Okay na siya. Natutulog lang. Maya-maya gigising din yun. Ang taas ng lagnat niya. Dapat nagpahinga na lang sa bahay at hindi pumasok.” (Tumingin sa akin) “Paalala mo yung gamot ng girlfriend mo inumin niya mamayang 8 pm uli ah.”

GIRLFRIEND? Ano daw? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh

“Ay. Classmate ko lang po siya. Nakita ko po kasi siya kanina..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Nurse: “Ah ganun ba. Basta paalala mo na lang sa kanya.”

Pagkaalis nung nurse..

Stephen: “Girlfriend.”

“Tumahimik ka.”

Stephen: “Halika, pasok tayo sa loob.”

“Baka magising siya eh.”

Stephen: “Basta.. Halika na.. dali..”

Binuksan namin yung pinto. Nandun si Alex. Nakahiga. Natutulog.

Stephen: “Siya ba yung kinukwento mo sa akin?”

“Uh.”

Gumalaw si Alex. Tapos bumukas yung mga mata niya.

Alex: “Na..Nasan ako?”

“Sa clinic. Nahimatay ka kanina eh.”

Alex: “Ganun ba..”

Stephen: “Niligtas ka nitong tropa ko.. Siya ang iyong tagapagligtas.. hero.. savior..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Tinapakan ko nga si Stephen.

Stephen: “Aray!” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

*SILENCE*

“Uh.. Uy, Pwede bati na tayo?”

Wala. Di pa rin siya sumasagot.

“Alam mo kahit man lang maging civil lang tayo sa isa’t isa. Yun man lang.”

Alex: “Fine with me.”

“Sige.. Mauna na kami.. Sabi nung nurse tinawagan na raw niya family mo eh.. Oo nga pala.. Yung gamot mo raw inumin mo mayang 8 pm ah.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Wink

Di pa rin siya nagsasalita. Wala man lang bye o kung ano.

Nung pasara ko na yung pinto..

Alex: “Wait..”

Alex: “Uhmm.. Thanks..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Smiley

##############################################

Chapter 15:

RIIIiiiiiiiiinGG!!

Binuksan ko mga mata ko. In-off ko yung alarm.

YaaaWWwwnn!

“Ano ba ngayon? Wednesday na pala.. WEDNESDAY?!”

“Ngayon nga pala yung meeting namin nina Stephen..”

Tinignan ko yung watch ko. 6:30. Medyo Maaga pa. 10:00 kasi yung meeting namin nina Stephen sa may Philcoa sa McDo.

Pumasok akong banyo’t nag-ayos saka bumaba. Sumabay akong magbreakfast kina Mama’t Papa.

Papa: “May lakad ka ba ngayon, iho?”

“Meron po eh. Punta akong Philcoa kasi may meeting po kami nung mga kasama kong nag-aaply sa org.”

Mama: “Ah ganun ba. What time ka uwi?”

“Di ko lang po sigurado. Pero saglit lang naman yun eh.”

Pagkatapos kumain, nagpaalam na rin ako kina Mama saka Papa kasi papasok na sila sa trabaho.

Ako naman umakyat akong kwarto.

“7:30 na. Ano kayang susuotin ko?”

Binuksan ko yung cabinet ko. Naglabas ako ng pantalon. Kaso hindi ko alam kung anong isusuot kong pantaas eh.

“T-shirt ba? Ano kayang kulay maganda?”

Nilabas ko yung tatlong paborito kong t-shirt. Sabi kasi ni Marielle, bagay daw sa akin yung tatlong yun.

Nilagay ko sa kama yung tatlo para pagpilian.

“Hmm.. Pano kaya to.. Alam ko na!”

“Mini.. Mini.. Mayni.. Moo…” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

“Uh.. JC.. Ano ginagawa mo?”

Nagulat ako. Paglingon ko si Ate Tess pala, yung maid namin nasa pinto.

“Ah. Eh. Teka, may kailangan po ba kayo?”

Ate Tess: “Hindi. Dala-dala ko lang tong damit mo. Kakaplantsa ko lang kasi.”

“Ay. Akin na po. Ako na lang maglalagay sa cabinet.”

Kinuha ko yung hawak-hawak niyang mga damit na nakahanger. Pinasok ko sa loob ng cabinet. Tapos napansin ko yung isang polo shirt ko. Nilabas ko.

“Eto na lang. Gusto ko rin tong kulay na to. Blue.”

Pinasok ko ulit sa cabinet yung mga t-shirt na nilatag ko sa kama. Tapos nagbihis na ako. Naglagay ako ng onting gel tapos inayos ko yung buhok ko.

Kumuha ako ng pabango. Ginamit ko yung regalo sa akin ni Papa nung Christmas.

Humarap ako sa salamin. “Yan. Okay na.” Tinignan ko uli yung watch ko.

8:30?? Ganun ba ako katagal nag-ayos? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

Bumaba na ako tapos nagpaalam kay Ate Tess.

Ate Tess: “Parang bihis na bihis ka ata..”

“Mas gwumapo ba ko?”

Ate Tess: “Pwede na rin.. Sige ingat ka.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

Pumunta na akong sakayan at dumirechong MRT.

“Sana nandun si Larisse…”

Mga 9:45 ako nakarating ng McDo. Nandun na sina Stephen at yung iba pa pero wala pa si Larisse eh.

Stephen: “Aba. May okasyon ba at nagpolo shirt ka ngayon? Bihira ka lang mag-ganyan ah..”

“Wala lang.. Gusto ko lang..”

Stephen: “Inspired ka no..”

“Ha?”

Teka, obvious na ba ko na may gusto ako kay Larisse? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Stephen: “Eh kasi bati na kayo nung Alex..”

“Ano??”

Stephen: “Yaan mo na nga.. Kumpleto na ba tayo?”

“Hindi pa eh.. Wala pa si Amy, Carmina, Larisse, Randy, Arvin at Jason.” Sabi ni Hannah, siya yung head namin eh. 3rd year na siya.

Nasan na kaya siya?

“Si Larisse di raw sigurado kung pupunta eh..” sabi ni Leila, isa sa kaclose ni Larisse.

Parang nalaglag yung puso ko. Pagkasabi niya nun. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>iyak

“C.R muna ko.”

Parang nawalan na ako ng gana. Dapat naisip ko agad na baka nga naman di sya makapunta di ba. Haay..

Pagkalabas ko ng C.R, nagulat ako kung sino yung papalapit kina Stephen…

“Dumating siya!”

Nagmadali akong lumapit sa kanila.

Larisse: “Hi..”

Tapos napansin ko parang natatawa yung iba. Uh. May dumi ba sa mukha ko?

Stephen: “Teka, oorder lang kami ni Toph ng food”

“Ha.. ano? Wal—“

Bigla akong hinila ni Stephen palayo.

Stephen: “Uy, zipper mo raw tol.. bukas..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

Chapter 16:

Pagkasabi sa akin ni Stephen. Gusto ko na mawala ng parang bula. Pucha. Nakakahiya! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

“Eh kung, umuwi na lang ako?”

Stephen: “Grabe ka naman.. Teka, order na nga tayo baka magtaka sila ala tayong binili.. Saka.. gutom na rin ako..”

Pagbalik namin, parang wala na lang nangyari KUNYARI. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Grin

Stephen: “Ano na nga pala pag-uusapan natin?”

Hannah: “Eto na pala yung applicant’s sheet. Bale magpasign daw tayo sa members na makikita natin sa tambayan pag pupunta tayo dun. Saka magset na pala tayo ng date para sa outreach.”

Leila: “Teka, dapat magkaroon tayo ng directory.” (Naglabas ng papel) “Eto, pakisulat naman yung name, schedule saka contact nos.”

Hannah: “At saka, medyo marami kasi tayo. Twenty Five. Bale limang First Year, siyam na Second Year, pitong Third Year saka apat na fourth year. Mag-assign siguro ko ng dalawang taga-contact o taga-inform. Isa para sa First at Second year at isa rin para sa Third at Fourth Year.”

Leila: “Kami na lang ni Larisse. Siya yung sa First at Second Year. Ako sa Third at Fourth Year.”

Hannah: “O sige guys, pakisulat na lang yung sked dun sa papel na pinapass ah. Kailan niyo nga pala gusto gawin yung outreach?”

Jeffrey: “Bandang mga August siguro.”

Stephen: “Oo nga. Pagkatapos ng midterms?”

“Eh kung sa Quezon city day? August 19?”

Hannah:”Teka.. Oo nga. Ano bang araw yun?” (Tingin sa cellphone calendar) “Saturday? Pwede rin”

Larisse: “Eh di yun muna yung tentative schedule natin..”

Hannah: “Ayan at least may naachieve na tayo ngayon.”

Stephen: “Ano na gagawin natin? Uwian na ba?”

Hannah: “Gusto niyo pumunta sa amin? Isang sakay lang mula rito. Kahit kwentuhan lang.. Kailangan din kasi nating makilala isat-isa para di na tayo nagkakailangan. Yun eh kung pwede kayo..”

Leila: “Sa bagay..”

Sabay-sabay kaming umalis sa Mcdo. 19 kaming pumunta sa bahay nina Hannah. Wala kasi yung anim. Yung iba nakisabay kay Hannah papunta, tapos yung iba naman sa amin ni Stephen.

Hinintay namin sina Hannah dumating kasi nauna kami sa kanila.

Hannah: “Pagpasensiyahan niyo na tong bahay namin ah. Di ganun kalaki.”

Jeffrey: “Okay lang yun..”

Binuksan niya yung gate.

Hannah: “Pasok kayo..”

Nagstay lang kami dun sa living room nila. Kanya-kanyang hanap ng pwesto. Sa dami ba naman namin?

Hannah: “Teka, kuha lang ako ng juice para may inumin tayo..”

Pagbalik ni Hannah, may dala-dala na siyang isang pitsel ng orange juice saka mga plastic na baso. May dala-dala rin siyang cards.

Jeffrey: “Ano lalaruin natin at may dala kang cards?”

Hannah: “Kayo bahala.. pampalipas oras lang naman..”

Stephen: “Ano na lang yung 1.. 2.. 3.. pass?”

Hannah: “Sige ba..” (tapos kumuha na siya ng cards) “Kaso 13 lang pwede maglaro eh”

Yung iba di muna sumali. In-on muna yung TV at nanood. Eh di nagstart na yung game.

Leila: “1.. 2. 3.. pass”

“1.. 2. 3.. pass”

“1.. 2. 3.. pass”

Isang Ace na lang kumpleto na ko. Isa na lang!

“1.. 2. 3.. pass”

Yes! 4 na Ace ko! Nilagay ko agad yung kamay ko sa gitna. Tapos nagulat ako..

Napatong ni Larisse yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

Leila: “Ang bilis naman ni Toph.. Baka nandadaya na kayo ah”

“Hinde ah..”

Hannah: “Teka.. Bat parang namumula ka Toph?”

Larisse: “Okay ka lang?”

“Ah. Eh. Oo naman.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Stephen: “Oo nga noh.. Teka, di ba namumula ka pag nahihiy—-“ (siniko ko nga siya)

“Wala to.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Jeffrey: “Toph, Pahangin ka kaya muna sa labas kung gusto mo..”

Tumayo si Larisse.

Leila: “San ka pupunta Larisse?”

Larisse: “Bili lang ako saglit sa may tindahan diyan sa kanto.” (Tumingin kay Hannah) “Malapit lang naman yun dito di ba?”

Hannah: “Oo, pwedeng lakarin..”

Leila: “Naku.. Toph.. Mas mabuti pa samahan mo na lang din si Larisse kung lalabas ka rin..”

“Uhmm.. Sige.”

HA? Kaming dalawa lang. Siya. Ako. As in? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

#################################################

Chapter 17:

Nung papunta na kaming tindahan, ang tahiiimiiik. Naririnig ko pati ihip ng hangin eh.

Gusto ko naman magsalita ka.. kausapin siya.. Pero parang natuyo lalamunan ko.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Larisse: “Uy, Bat tahimik ka? Masama ba pakiramdamdam mo.. Namumula ka kanina..”

“Ha? Hindi okay lang ako..”

Haay.. Nahiya kasi ako kanina eh. Nagulat kasi ako nung nahawakan mo kamay ko.

Larisse: “Sure ka ah..”

~ SILENCE ~

Pasimple kong tinitignan si Larisse. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh

Eh kung kwentuhan ko siya? Ano naman kukwento ko?

Eh kung joke kaya? Baka sabihin niya corny?

Eh kung bumalik na lang kaya ako kina Hannah? Naku po.

~ SILENCE pa rin ~

Pagdating sa tindahan..

Larisse: “Manang pabilhan nga po.. Dalawang malaking V-Cut.

“Uh.. Mauubos mo yan?”

Napatingin si Larisse bigla. Nagulat ata nung nagsalita ko. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

Larisse: “Hinde kay Leila yan.. Saka ho 20 pisong chocnut..”

“Kay Leila pa rin yun?”

Larisse: “Eto yung akin.. Takaw ko no.. Mahilig kasi ako dito eh.”

Ngumiti lang ako.

Nung naglalakad kami pabalik kina Hannah, tinignan ko ulit siya..

Toph, naman magsalita ka.. Ilang salita pa lang nababanggit mo.. Baka sabihin niya pipi ka.. Eto na..

Hinga ng malalim..

“Uh.. Mahilig ka pala sa Chocnut?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh<!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Ay Sus. Mali! Obvious ba? Kakasabi niya nga lang pala yun..

Larisse: “Oo nga eh.. Ewan ko ba.. Sarap eh.”

~ SILENCE ulit ~

“Uhmm.. Eh Ano mas gusto mo Chocnut o Hany?”

Larisse: “Ha?”

Ano ba yan? Ayoko na! Dapat di na lang ako nagtanong.. Palpak na naman..

Larisse: (sabay tawa) “Chocnut? Di ko pa na-try Hany eh. Halos parehas lang din ata sila di ba?”

“Ah..” Ngumiti na lang ako. “Ganun ba? Next taym try mo..”

Haay. Anak ng Chocnut naman o! Dapat pala di na lang ako nagsalita.

Napatingin kami sa bahay nina Hannah.

Larisse: “Uy, Dito na pala tayo.. muntik na nating malagpasan” (sabay bukas nung gate)

Haay. Palpak talaga ko kahit kailan.. Sa tagal naming naglakad, Chocnut pa ang ginawa kong topic? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Grin

Pagpasok namin sa gate.. Bago pumasok sa loob.. Napatigil si Larisse.

Nagulat ako kinuha niya yung kamay ko.. Tapos kumuha siya dun sa supot na dala niya ng isang chocnut at pinatong niya sa kamay ko.

Larisse: “Ayan.. Salamat ah.. sinamahan mo ko..” Nginitian niya ko. “Binigyan na kita kasi sigurado hihingi na sila pagpasok natin.. ubos to sigurado..” (sabay tawa)

Nauna nang pumasok si Larisse sa bahay. Napatitig ako dun sa binigay sa akin ni Larisse..

Dahan-dahan kong binuksan yung balot..

Kinain ko..

Habang ninanamnam ko siya..

Di ko maiwasang isipin..

“Good Shot kaya ko.. o Bad shot?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

##########################################

Chapter 18:

Nakakahiya.. Siguro iniisip nun ang weird ko.. Haay.. Badtrip talaga..

Stephen: “HOY!”

“Ah?”

Stephen: “Kanina ka pa wala sa sarili? Salita ko ng salita dito.. Di ka naman nakikinig.”

“Sorry.. may iniisip lang ako..”

Stephen: “Ayan.. time na.. punta na ko sa class ko..”

“Sige.. Wala akong Math ngayon eh. Wala yung prof. ko.”

Stephen: “San ka punta ngayon?”

Toot.. Toot.. Toot..

“Wait lang ah..” (sabay kuha ng cellphone)

From: +63917*******
Hi! Groupmates, si Mara to.. Kung may wala kayo class punta
Kayo sa main library sa Social Science Section tapos sabay-sabay na tayo puntang class.

Stephen: “Himala may mga textmates ka na.. dati rati bumagyo na’t umulan.. di ka pa rin nagtetext..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Grin

“Ano to.. groupmate ko sa Socsci1.. magkita daw sa main lib”

Stephen: “O Sige.. Sabi mo eh.. mauna na ko..”

Naglakad ako papuntang library galing canteen. Pagpasok ko sa lib, hinanap ko kung nasan yung mga kagroup ko. Tapos nakita ko si Emm tinatawag ako. Dun sila nakaupo malapit sa GIANT electric fan.

Emm: “Hi.. Toph.. Ang gwapo mo ngayon ah..”

“Siyempre..”

Emm: “Aba. Sineryoso mo naman..”

Mara: “So ang wala ay si Rex, Trina at Alex. May class siguro sila..”

Emm: “Wait, di ba si Alex yun?”

Mara: “Oo nga noh.” (sabay senyas kay Alex)

Alex: “Hi..” (umupo sa tabi ni Emm)

“Uhmm.. Okay ka na?”

Alex: “Okay na..”

“Bat ka pala pumasok nung Monday eh may lagnat ka pala?”

Alex: “Ganun kasi ako eh ayokong may namimiss na class kaya kahit may sakit ako pumapasok pa rin ako..”

“Naku.. Mahirap yan.. Magpahinga ka na lang sa bahay pag may sakit ka..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Wink

Emm: “Uhmm.. Wait a minute.. Bati na kayo?”

Tumungo lang kami ni Alex.

Emm: “Wow. Ano nangyari?”

Kwinento naman ni Alex na dinala ko siya sa clinic nung nahimatay siya nung Monday.

Emm: “OMG. Toph? Talaga ginawa mo yun? Gusto ko na ring mahimatay..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

“Sira… Di kita kaya buhatin no..”

Mara: “Bat ba kayo nag-away in the first place?”

“Ah.. Mababaw lang eh.. Kasi ganito..”

Alex: “Ha? Anong mababaw dun?”

“I mean. Parang di naman dapat pinag-awayan..”

Alex: “Ikaw kaya tapunan ko ng lasagna saka ihulog ko phone mo?”

Emm: “Uhmm.. Okay? Di ba bati na kayo?”

“Hindi ko naman sinasadya eh.. Nagsorry na ko..”

Alex: “So napilitan ka lang magsorry?”

“Uy.. Wala akong sinasabing ganyan ah..”

Mara: “Wait lang.. yung group project pala..”

Alex: “Pero ganun na rin yung pinopoint out mo..”

“Ewan ko sayo. Labo mo.”

Emm: “Ah, Mara C.R lang ako ah..”

Mara: “Wait ako rin.. Uy, C.R lang kami..”

Alex: “Mas malabo ka..”

“Ano? Ako pa ngayon malabo?”

“Excuse me..”

Alex at Toph: “Ano?!!”

Paglingon namin.

Hala! Yung librarian pala! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

Tumaas yung kilay nung librarian. Sabay turo dun sa PLEASE KEEP SILENT na karatula.

“Kung may tampuhan kayo, dun.. Dun sa labas!” Sabay talikod. “Mga kabataan talaga o..”

Tapos napansin ko dalawa na lang pala kami dun sa table.

“Teka, sina Mara?”

Alex: “Oo nga noh? Ikaw kasi eh!”

“Anong kasalanan ko? Ikaw kaya nagsimula..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Lips Sealed

“Toph!”

Napalingon ako.

“Uy.”

Larisse?

Lumapit siya sa amin.

Larisse: “Buti nandito ka. Eto pala directory. Nandiyan yung sched saka contact nos. ng mga co-applicants natin.”

Alex: “Larisse!?”

“Uh. Magkakilala kayo?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh

###########################################

Chapter 19:

Larisse: “Alexandra Santillan? Alex?”

Alex: “Yup.”

Larisse: “Teka, di ata kita masyado nakikita sa campus?”

Alex: “Last sem lang ako lumipat dito eh.. galing akong UP manila..”

“Uh.. Hello?”

Nakalimutan ata nung dalawa na nandun ako ah.

Larisse: “Uy Pasensiya na. Tagal ko na kasi nung huling nakita si Alex. Batchmates kami nung highschool.. Pero nagtransfer siya bago kami mag- 3rd year eh.” (Tumingin uli kay Alex) “Musta na?”

Alex: “Okay lang naman.. Nabanggit sa akin.. Salutatorian ka pala ng batch ah.. Galing ah..”

Napatingin ako kay Larisse. Salutatorian siya? Wow. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

Larisse: “Parang ikaw hinde.. Di ba nung 2nd year tayo.. Top 1 ka pa nga.. Sayang kung di ka lang talaga lumipat.”

Tumingin naman ako kay Alex. Matalino rin pala tong babaeng to ah. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Alex: “Ikaw mustah na.. Yung tungkol pala kay ano..” Tumingin muna sa akin. “Alam mo na.. Sorry ah..”

Ano daw? Ano bang pinagsasabi nito? <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh

Larisse: “Hayaan mo na yun.. Tapos naman na.. Sige.. Alis na pala ako kasi may dadaanan pa ako.. Ingat..” (Tumingin naman sa akin) “Bye.”

“Magkakilala pala kayo ni Larisse?”

Aba. Di ako pinansin ni macho.

“Hoy.”

Alex: “Yah.. Di ba kakasabi nga niya batchmates kami? Saka ano siya nung —- Teka nga, Paki mo nga pala? Ha?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

Nakita ko si Emm saka Mara pabalik sa table namin.

“Bat bigla kayong nawala?”

Mara: “Ha? Busy kasi kayong dalawa kaya di niyo siguro napansin.. Tara na nga, dun na lang tayo sa classroom magstay.” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Alex: “Mabuti pa nga.. Masyadong..” (tumingin sa akin) “Mainit dito eh”

Dumirecho na lang kami sa classroom at dun naghintay. Maya-maya dumating din yung prof. namin.

Ma’am J: “May activity tayo ngayon.. Group yourselves according to your group number..”

Eh di lipat-lipat uli ng upuan. Lumapit ako kina Mara saka iba pang groupmates ko.

Ma’am J: “Socsci 1 is about behavioral sciences. But for now, let’s try to start at our homes, at our families. Family as they say is the basic unit of society. Ngayon may pieces of paper ako dito, each group bubunot ng isa.”

Nilapitan isa-isa ni Ma’am per group. Si Emm yung bumunot sa group namin.

Ma’am J: “I’ll give you 30 minutes to prepare. Maximum of 10 minutes siguro ang skit. Just make it modern if you want..”

“Ano nabunot mo Emm?”

Emm: “Uh.. Romeo and Juliet??”

Mara: “Ha? At least madali na lang..”

Emm: “I guess it’s something about dun sa pag-aaaway nung dalawang families..”

Mara: “Gawin nating modern saka nakakatawa..”

Emm: “Sige.. Pwede ako yung wicked stepmom?”

Mara: “Sira.. Sa Cinderella saka Snow White lang yun..”

Emm: “Oo nga pala.. Basta gusto ko anak ko si Juliet..”

Trina: “Oo nga.. Modern naman.. Pano kung si Emm anak si Juliet.. Tapos si Rex saka Mara.. siguro anak si Romeo.. Ako narrator ah..”

Emm: “I like that.. So that leaves Alex and Toph as Romeo and Juliet?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Alex: “Joke ba yan..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh

“Si Rex na lang yung Romeo.. Bat ako?”

Rex: “Mas bagay sayu pare..”

Mara: “Pwede happy ending naman? Yokong mamatay si Romeo and Juliet ah..”

Emm: “Tapos siyempre di mawawala ang… KISS.. Haay.. So romantic..”

Alex at Toph: “ANO???!” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

#######################################

Chapter 20:

Mara: SssHH!

Emm: Whoa.. Huwag kayo maingay..

Alex: Ha?! Eh ano ba namang klaseng story yun?

Emm: Girl, kailangan talaga ang kiss sa mga lovestory.. Paano mabubuhay si Sleeping Beauty.. Snow—

Alex: Ha? Eh di ikaw na lang si Juliet.

Tinignan ko si Alex.

“Okay lang sa akin.. Di naman ako maarte eh..”

Alex: Baka ikaw ang maarte.. Sige Fine, game ako..

Eh di ayun. Ginawa na namin yung script. Medyo maikli lang naman kasi for ten-fifteen minutes lang. Si Emm mostly yung gumawa nung script. Tagalog yung ginawa niya. Sabi ni Ma’am okay lang daw.

“Pabasa nga nung script” Kinuha ko yung paper tapos binasa ko.

“Teka, So wala na yung kiss?”

Emm: Eh Akala ko ba ayaw niyo?

“Sabi ko nga..”

Trina: Pero mas maganda kung meron eh..

Emm: Tanungin niyo si Romeo and Juliet..

Mara: Sige na.. Sa forehead na lang..

“Uhmm.. Tanungin niyo na lang si Alex..”

Tinignan namin si Alex. Ang tagaaal bago sumagot ang babae.

Alex: Okaay.. Okaay.. Sa forehead lang ah.. Saka.. (Sabay tingin kay Trina) Paalala nyo sa akin maghilamos ah..

Aba.. Ang Kapal nito! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>grrrr

Tinawag na yung group namin. Okay naman yung naging simula. At mukhang nagugustuhan naman ng mga kaklase namin.

Emm: Juliet.. Ilang beses ko na sinabi sayo ha.. Iwasan mo na yang Romeo na yan.. Yang pamilya niyan mga walang.. Walang modo..

Alex: Mama! Minsan kailangan pakinggan niyo rin ako.. Hindi mo ba inisip ang nararamdaman ko? Si Romeo lang ang tanging minahal ko ng ganito.. Siya lang.. Sana maintindihan niyo..

Emm: Hindi ko naiintindihan at wala akong balak intindihan ka!

Alex: Ganyan naman kayo.. Wala kayong inisip kundi sarili niyo! Si Romeo lang ang nagmamahal sa akin.. Tanggap ako kung sino ko.. Mahal ako ng buong-buo!

Emm: Maldita ka! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>GrinSabay sampal kay Alex. Tumakbo palayo si Alex.

Aba. Talagang in character tong si Emm ah. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll EyesSi Alex maluha-luha na talaga. Tinotoo ata ni Emm yung sampal niya eh. Sakit nun ah.

Trina: Nagpakalayo-layo si Juliet. Bakit hindi sila maintindihan ng mga pamilya nila? Hindi ba’t pamilya dapat ang unang makakaunawa.. magmamahal?

Alex: Sabi nila.. Pag nagmahal ka masaya ka.. bakit ganito? Bat ako umiiyak?

“Minsan kailangan talaga natin umiyak.. Ibuhos ang nararamdaman..”

Lumingon si Alex at tumingin sa akin.

Alex: Romeo?! Pano mo nalaman na nandito ko?

Hinawakan ko ang dibdib ko. Talaga namang sinulat pa ni Emm yun sa script di ba. Mahilig ata sa telenovela yung baklang yun. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

“Hinahanap-hanap ka nitong puso ko eh.. Dito niya ko dinala.. Saka di ba dito tayo unang nagkita..”

Alex: Romeo.. Ayaw ng pamilya ko sa yo.. Ayaw ng pamilya mo sa akin.. Paano tayo magiging masaya?

“Di ko alam..Mahalaga magkasama tayo ngayon.. Sapat na yun para maging masaya ko..”

Umupo kaming dalawa. Tumingin muna si Alex kina Emm. Tapos sumenyas si Emm.

Kahit alam kong ayaw niya, Humiga si Alex sa lap ko.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Lips Sealed

Alex: “Sana ganito na lang tayo lagi..”

Pinikit ni Alex yung mata niya. Kunyari nakatulog na siya.

“Sana nga Juliet.. Sana..”

Hinawakan ko yung pisngi ni Alex. Muntik na kong matawa kasi sumimangot ba naman ang babae nung hinawakan ko ang mukha niya. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll EyesButi na lang di napansin ng klase.

“Mahal na mahal kita..”

Eto na..

Eto na..

Nilapit ko ang mukha ko kay Alex. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ah.

Emm: (pabulong) “Pssst.. Dali…”

Pinikit ko ang mata ko at..

Ayun hinalikan ko ang noo niya.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

Hiyawan naman ang klase…

Maya-maya natapos din ang skit namin. Natuwa naman si Ma’am. Buti naman..

Pagbalik namin sa mga seats namin.

Mara: “Bat ang tagal mo naman halikan si Juliet ah.. Romeo??”

Hindi ako nakasagot.

-0-0-0-

Kinabukasan.. Biyernes..

Magkasama kami ni Stephen na naglalakad papunta sa klase.

Stephen: “Ha? Akala ko okay na kayo?”

“Ewan ko ba. Basta. Malabo talaga yung babaeng yun eh.”

Stephen: “So.. Ano feeling?”

“Ng ano?”

Stephen: “Nung hinalikan mo siya?”

“Ano ka ba.. Sa forehead lang naman saka skit lang yun..”

Stephen: “Wala kang naramdaman?”

“Wala..”

Stephen: “Owws?”

“Next topic na nga..”

Stephen: “Pero di nga.. kahit konti?”

“Stephen?!”

1 Comment »

  1. ang ganda ng kwento sna ganito rin story ko…kkain in-love..grabe ang ganda ni alex at marielle..pogi rin c toph..

    Comment by angela ocsales — November 28, 2009 @ 11:19 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Create a free website or blog at WordPress.com.