`Sugar Coated Delusions`

Torpe by Lia (iamlia88@yahoo.com)

Chapter 1:

Sayang bakit hindi kita niligawan
Ngayon ako’y nanghihinayang
Kasi naman tatanga-panga pa ako noon
Walang humpay na paghintay
Sa hindi dumarating na pagkakataon

Lagi namang kitang nakakasama
Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
Kahit na napakagaling mong kausapin
Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring angkinin
Madalas naman tayong naglolokohan
Dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
Kaya siguro hindi mo sineryoso aking mga sinabi
Yan tuloy wala…..

*Pak*

Marielle: “Sapul! Hahaha.”

“Marielle! Ano ba naman. Batuhin ba ko ng unan. Saka bakit mo pinatay yung radyo!”

Hay. Nako. Magkaroon ka ba naman ng kapatid na ganyan. Ewan ko na lang ano. Sakit sa ulo as in.

Marielle: “Haay.. Kuya JC.. Di ka pa nagsasawa sa kantang yan. Sa bagay, bagay na bagay sayo.” (sabay ngiting nang-aasar)

Binato ko nga ng unan. Sabay takbo naman siya palabas ng kuwarto ko. Lagi na lang ako inaasar nun. Kala mo naman siya may boyfriend. Subukan lang may manligaw dun nako. Sapok ang aabutin sakin ng mga yun.

O Sige. Fine. Strict na kung Strict. Eh Second Year Higschool pa lang tong kapatid ko. Sabi nina Papa, minsan OA ako. Mas strict pa raw ako sa kanila. Ewan ko ba.

“Eh maghanap ka na kasi ng girlfriend, iho.. Aba, Second Year College ka naman na eh..”

Haay. Yan ang laging sinasabi ng mga magulang ko sa akin. San ka pa? Sila pa nagsasabi na manligaw na ko. Oo. Wala pa akong girlfriend. Naiinis ako minsan natsismis akong bading sa school. Aba naman. Si John Christopher Delgado, bading?? Sa Guwapo kong ito?!

Unfair nga eh. Kapag babae, no boyfriend since birth. Conservative ang dating. Tapos kapag lalaki, no girlfriend since birth, bading. No Way!

Isang malaking katanungan sa sangkatauhan kung bakit wala pa akong girlfriend.

Haay.. Kung alam lang nila….


3 Comments »

  1. kanta yan aa.

    at bakit kba pinabayaan mawala ng di inaasahan..parang nasayang lang nwala na..wula ng nagwa..

    alumni homecoming>>?? by p.n.e??

    i love that song.. :))

    Comment by khatelyn — April 5, 2010 @ 2:16 pm

  2. aiii etchosx! sayang pala by p.n.e.

    haha!!

    Comment by khatelyn — April 5, 2010 @ 2:18 pm

  3. uu kanta yan hehe

    Comment by melfabro — April 5, 2010 @ 7:18 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: