`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch91-102

Chapter 91:

.. am falling for you.

Haay. Sa isip ko na lang nasabi yun. Sino ba naman yun??

Alex: “Uh.. Wait lang ah..”

Tumayo si Alex para magpunta sa may bandang kitchen ata nila yun.

Alex: “Manang Delia.. Patignan naman kung sino yung nagdoorbell sa labas..”

Bumalik si Alex sa may living room.

Alex: “Sorry ah.. Ano ulet yung sasabihin mo?”

Biglang bumukas yung pinto. Napalingon kami parehas.

Manang Delia: “Naku.. iha.. hulaan mo kung sino..”

Alex: “Ha?”

Paglabas dun sa may pinto.. Napatakbo si Alex sabay yakap.

Nagtaka naman ako kung sino yung lalaking yun.

Unang pumasok sa isip ko baka panibagong Matt na naman ito ah.

Pero mukhang mas matanda ng kaunti eh.

Alex: “Kailan ka pa dumating? Bat di ka nagpasabi para nasundo ka namin..”

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Tumayo ako.

Alex: “Ay.. Si Toph pala.. Classmate ko.. Toph.. Si Tristan..”

Kuya ko..”

Kuya?

“Hello po..”

Lumapit silang dalawa sa may living room.

Tristan: “Tsk.. Tsk.. Di lang ako masyado nakakadalaw dito.. May nanliligaw na sa Baby Sister ko..”

Alex: “Baby sister ka diyan.. Saka di ko siya manliligaw noh.. Parang kabarkada ko lang yan eh.. Di ba Toph?”

Ha?

Ako naman. Napangiti lang.

Alex: “Wait lang ah.. Punta lang akong kitchen..”

Tristan: “Sure..”

Ang laking tao naman nung kapatid ni Alex. Matangkad. Siguro, basketball player to. Baka siya nagturo kay Alex magbasketball.

Nung nakaalis na si Alex, tumingin siya akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ako nakatingin lang sa malayo pero ramdam ko yung tingin niya.

Tristan: “Upo ka..”

Umupo naman ako. Kinabahan ako bigla.

Tristan: “Pangalan?”

Teka, kakasabi lang ni Alex kanina ah.

“Toph po..”

Tristan: “Yung buo..”

Buo?

“John Christopher Delgado po..”

Tristan: “Edad?”

“18 ho..”

Tristan: “Course?”

Kinuha ko nga yung panyo ko. Pinagpapawisan ata ako ah. Nakaupo ako dun samantalang siya nakatayo’t palakad lakad.

“ECE po..”

Tristan: “GWA (grade) last sem?”

“Po?”

Ano ba to interview?

“Uh.. 1.6 po..”

Tristan: “Girlfriend? Ilan na ang naging girlfriend mo?”

“Wala pa po..”

Bigla siyang tumigil sa kakalakad.

Tristan: “Sigurado?”

“Uh.. Opo..”

Umupo siya dun sa may katabing upuan.

Tristan: “Bading ka ba?”

“PO?? Di po!”

Tristan: “Kinaklaro lang..”

Tinignan niya ako ng direcho sa mga mata.

Tristan: “Isang tanong.. Isang sagot..”

Napalunok ako.

Tristan: “May balak manligaw.. May gusto.. O kung ano pa man sa kapatid ko? Meron o wala lang ang sagot diyan..”

Rinig na rinig ko yung heartbeat ko.

Tristan: “Hmm.. Silence.. Meaning meron?”

Di pa rin ako sumasagot.

Tristan: “Sinasabi ko sayo.. Nag-iisa lang yang kapatid ko.. Babae pa.. Kaya ayaw ko nasasaktan yan..”

Maya-maya parating na si Alex na may hawak-hawak ng tray ng pagkain sa di kalayuan.

Tristan: “Mukhang okay din pala tong kaibigan mo ha.. Alex..”

Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya sabay bulong pero narinig ko pa rin.

Parang natigil bigla yung paghinga ko.

Tristan: “Don’t worry.. I’ll be watching you..” Undecided

#########################################

Chapter 92:

Alex: “O eto.. meryenda muna..”

Tristan: “Akyat muna ko sa kwarto ko..”

Alex: “Pahinga ka muna.. Tagal din ng biyahe mo eh.. Hanggang kailan ba bakasyon mo?”

Tristan: “Mga 3 weeks..”

Alex: “Ang bilis naman..”

Umakyat yung kapatid ni Alex papunta sa kwarto niya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag-luwag.

“May kapatid ka pala?”

Alex: “Oo.. Tatlo kami eh.. Kaso di ba nga.. alam mo naman na yung nangyari kay James..”

Natahimik ko. Napaalala ko tuloy yung tungkol sa younger brother niya na namatay.

“Ilang taon na yung kuya mo? San siya galing?”

Alex: “Sa San Francisco siya nag-stay ngayon.. Nagtatrabaho siya dun.. He’s uh.. 24.. tama.. mag-25. this year.”

“Ang tangkad naman niya..”

Alex: “Oo nga eh.. Kaya varsity siya ng basketball way back highschool days niya.. Kaya siya nagturo sa akin magbasketball..”

“Parang nakakaintimidate yung dating niya..”

Alex: “Ha? Yun.. Sus.. Mukha lang pero sobrang kenkoy nun.. Sa iba siguro.. suplado dating niya.. saka CAT officer kasi siya before kaya ganun..”

Kaya pala ganun ang paraan ng pagtatanong niya sa akin.

“Aaah..”

Alex: “Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?”

Maya-maya narinig ko na namang bumababa yung kapatid niya. Pagbaba niya tumingin siya sa akin.

“Ano.. Next.. next time na lang siguro.. Sige.. Siguro.. Mauna na ako..”

Hinatid ako ni Alex hanggang gate nila saka ako umuwi. Namomoblema na nga ako kung pano ko sasabihin sa kanya tong nararamdaman ko ngayong lagi nang nandiyan yung utol niya.

Pero..

Teka..

Si Alex naman yung liligawan ko ah hindi naman yung kapatid niya. Papatunayan ko na lang yung sarili ko na aalagaan ko si Alex.

Next Wednesday.. Pagkatapos ng P.E namin..

Nilapitan ko si Alex habang nag-aayos ng gamit.

“Sabay na tayo uwi..”

Alex: “Uh.. Okay lang..”

Sumakay kami ng jeep papuntang MRT. Kwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa sumakay na kami ng MRT. Tinitignan ko siya habang nagkukuwento.

Iba yung pakiramdam ko.

Masaya ko pag nandiyan siya.

Nung nakababa na kami sa may MRT..

“Hatid na kita sa bahay niyo..”

Alex: “Ha? Okay lang ako..”

“Hinde.. Hatid na kita..”

Pumara ako ng taxi para ihatid siya sa bahay nila. Nung nakarating na kami sa bahay nila..

Alex: “Pasok ka muna..”

Nag-stay muna ako sa living room nila. Sa totoo lang, gusto ko sana siya yayaing manood ng movie. Umakyat sa kwarto si Alex kaya naiwan ako mag-isa dun.

Siyempre. Practice muna.

“May gagawin ka ba.. Gusto mo.. Nood tayo movie.. Treat ko..”

Okay na kaya yun.

Maya-maya narinig ko pababa na si Alex sa may hagdan.

“Uhmm.. Alex.. Ano kasi..”

Nagulat ako biglang lumabas yung kuya ni Alex sa may kitchen sa baba tapos papunta na siya sa may living room.

Tristan: “O Alex.. Nakauwi ka na pala..”

Alex: “Kakarating ko lang..”

Tristan: “May gagawin ka ba ngayon?”

Alex: “Wala naman bakit?”

Tristan: “Gusto mo manood ng movie..”

Nagulat naman ako dun. Kung di ako nagkakamali tumingin siya sa akin.

Alex: “Okay lang..”

“Uh.. Sige.. mauna na ako..”

Alex: “Ganun ba.. sige.. ingat..”

Palabas na ako nung living room nung hinarangan ako nung kuya ni Alex.

Tristan: “Gusto mo sumama?”

“Ha?”

Tristan: “The more the merrier.. di ba Alex?”

Alex: “Uh.. Baka may lakad yung tao kuya..”

“Uh.. Sige.. Okay lang..”

Tristan: “Ayan.. Sige.. Bihis lang ako..”

Umakyat na uli siya pati si Alex.

Ano ba tong pinapasukan ko?

Maya-maya bumaba na sila at nakabihis. Nag-taxi kami papuntang Glorietta. Pagdating namin dun, di naman masyado marami ang tao kasi weekday.

Dumirecho kami sa may cinemas.

Nung bumibili na ng ticket..

“Uh.. Ako na lang po bibili ng ticket..”

Tristan: “Huh? Ako nagyaya sayo kaya ako na lang..”

Di na ako nakapagsalita.

Sunud-sunuran lang ako sa kanila papasok sa may sinehan.

Ang position namin? Si Alex. Yung kuya niya. Ako.

Maya-maya biglang dumilim na mag-sisimula na yung movie.

Tristan: “Gusto mo ng popcorn Alex?”

Alex: “Sure..”

Lumingon naman siya sa akin.

Tristan: “Ikaw gusto mo rin?”

“Uh.. Wag na po..”

Tristan: “Wag ka na mahiya..”

Di na ako nakapagsalita. Parang bumabait ata siya.

Maya-maya naglabas siya ng pera.. Nanonood ako nun.. Biglang..

Tristan: “O.. Okay lang.. Bili ka ng popcorn?”

Tinignan ko siya.

“O-okay lang..”

Sabay kuha ko dun sa pera.

Huminga ako ng malalim.

Paglabas ko, ang haba ng pila.

Haay.

Bumalik ako sa loob ng sinehan.. Iniabot ko yung popcorn sa kanila pati na rin yung sukli.

Humarap ako at nanood. Hindi ko nga maintindihan yung nangyayari. Di ko naman napaumpisahan ng maayos.

Natapos yung movie. Parang di ko nagets yung story.

Papanoorin ko na nga lang yun sa DVD.

Tumingin ako sa watch ko.

1:30 pa lang.

Tristan: “San na tayo ngayon?”

Alex: “Timezone!”

Tristan: “Oo ba.. Shootout.. Teka.. Nagpractice ka ba?”

Alex: “Ako pa..”

Sinundan ko na naman sila hanggang timezone. BUti na lang dala ko yung powercard ko.

Una naming nilaro. Yung basketball shoot-out.

Magaling nga yung kapatid ni Alex. Parang.. Wala lang.. Kung mag-shoot ng bola.

Yung score namin?

Si Tristan.. 75.. Ako? 70.. Si Alex.. 60..

Tristan: “Kala ko nagpractice ka Alex?”

Alex: “Oo no.. SIyempre.. Pero Para namang matatalo kita..”

Nagulat naman ako nung nilapitan ako nung kapatid niya.

Tristan: “Uy.. Pare.. Player ka ba?”

Napaisip naman ako dun sa tanong niya.

“Uh.. Member ako ng varsity before..”

Napangiti siya.

Narinig ko bumulong siya.

Tristan: “Marunong sumagot ah..”

Mga 3 pm kami umuwi. Sumama pa rin ako umuwi sa kanila. Nakalimutan ko kasing kunin yung CD na ginawa namin dati sa SocSci 1. Wala kasi akong copy nun.

Alex: “Wait lang.. Kunin ko yung CD..”

Habang naghihintay sa sa living room.. Kinuha ko yung photo album dun sa ilalim ng table. Tinignan-tignan ko yung mga pictures.

Napatigil ako nung nakita ko yung captions dun sa tinitignan ko.

Birthday party ni Alex. January 27

Teka.. Tinignan ko yung date..

Malapit na pala birthday niya..

###########################################

Chapter 93:

Maya-maya narinig ko na pababa na si Alex. Dali-dali kong binalik yung photo album sa lalagyanan.

Alex: “O eto.. Sorry medyo natagalan ako sa paghanap..”

Kinuha ko yung CD sa kanya.

“Ay.. Okay lang yun.. Pano.. Uwi nako.. Thanks..”

Hinatid ako ni Alex hanggang gate nila. Nakita ko si Manang Delia sa may harap nagdidilig.

“Sige po.. Mauna na ko..”

Manang Delia: “Ingat iho..”

Naglakad na ko palayo.. Napatigil ako nang kaunti nung narinig ko yung usapan nilang dalawa.

Manang Delia: “May tumawag pala sayo kanina.. Si Sister Beth.. Yung sa Saturday daw, kung okay lang daw, magdala ka ng camera?”

Alex: “Ah.. Sige po..”

Ano kaya yun? Teka, wala siya sa Sabado. Hmmm..

Nung Sabado na, medyo maaga ako nagising. Sabay-sabay kaming kumain ng family ko. Nung mga 8:30 na, naisipan kong tumawag sa kanila.

RIIIIIINGG..

Medyo matagal bago may sumagot. Maya-maya may narinig na rin akong boses sa kabilang line.

Hello?

Yung kapatid ni Alex.

Nung una hindi ako nakapagsalita..

Tristan: Sino to? Hello?

“Uh.. Si Toph po to..”

Tristan: Ha? Wala si Alex eh..

“Kayo po sana ang gusto ko makausap..”

Tristan: Seryoso ka ba? Bakit?

“Kasi po di ba malapit na yung birthday ni Alex.. Eh magdedebut na pala siya..”

Tristan: Oo nga.. Wala naman siyang balak magpaparty sa araw na yun.. Malamang pupunta lang siya sa Little Angels..

“Little Angels?”

Tristan: Pag Sabado kasi, wala siya.. Dun siya pumupunta.. Bahay-ampunan siya na kumukupkop sa mga bata.. Napalapit na kasi yung loob ni Alex sa mga bata lalo na nung nawala yung kapatid namin..

Natahimik ako. Tapos may naisip akong plano.

“Uh.. Kung papayag po sana kayo.. May isusuggest sana ako..”

Ayun sinabi ko yung plano ko sa kanya. Medyo natagalan nga ng onti eh.

Tristan: Sige.. sasabihin ko muna sa kanya..

“Naku… Wag po.. Sana kung pwede.. Sorpresa na lang natin sa kanya..”

Tristan: Uh.. Okay.. Sabihin ko na rin sa parents namin..

Nakahinga na ako ng maluwag nung pumayag na yung kapatid ni Alex.

Kinabukasan, nakatanggap ako ng text galing kay Tristan. Okay daw. Pumayag yung parents nila.

Napangiti ako.

Two Weeks to prepare. Sana maging okay ang lahat.

Kahit anong mangyari, I want her birthday to be very special.

Very.

####################################

Chapter 94:

January 27

Sa bahay nina Alex..

Tristan: “Good Morning! Happy Birthday!”

Kakababa lang ni Alex nung sinalubong siya ni Tristan pati ng parents niya ng cake.

Mr. Santillan: “Happy Birthday iha..”

Mrs. Santillan: “Mamayang gabi.. kakain tayo sa labas ah..”

Alex: “Of course..”

Sabay-sabay silang nag-breakfast. Habang kumakain..

RIIIIIIINNGGG..

Sinagot ni Manang Delia yung phone.

Manang Delia: “Para kay Alex daw ho..”

Tumayo si Alex para sagutin yung tawag.

Alex: “Hello?”

Sister Beth: “Hello? Alex.. Si Sister Beth to.. Kung pwede mamayang hapon ka na lang pumunta dito..”

Alex: “Po.. Uh.. Kasi.. Sige po..”

Tristan: “Sino daw yun?”

Alex: “Mamayang hapon na lang daw ako pupuntang Little Angels..”

Mr. Santillan: “Pano na tayo magdidinner niyan?”

Tristan: “What time ba?”

Alex: “5 pm.. Siguro, alis na lang ako ng maaga.. Text ko na lang po kayo kung what time niyo ko sunduin..”

Nung kinahapunan, nagpaalam na si Alex na pupuntang Little Angels.

Alex: “Mukhang bihis na bihis kayo ngayon Mang Fred ah..”

Ngumiti lang yung driver nila. Pagdating niya dun..

Alex: “Tao po.. Parang walang tao ah..”

Binuksan ni Alex yung gate tapos pagpasok niya sa loob. Madilim. I-on niya yung ilaw. Dun sa may lobby.. may napakalaking box na may tag na.. Alexandra Santillan.

Alex: “Ano to?”

Binuksan niya. Pag bukas niya..

Alex: “Wow..”

Isang simple pero magandang dress yung nakapaloob dun sa box. Binasa niya yung nasa tag..

A beautiful dress for a beautiful girl like you..

You deserve nothing but the best..

Happy Birthday..

Tristan.

Alex: “Si Kuya talaga..”

Nung napansin ni Alex, na wala na talagang tao dun. Lumabas na siya.. itetext na sana niya yung driver nang..

Alex: “O manong.. di pa kayo umaalis?”

Mang Fred: “May pupuntahan pa po kayo di ba?”

Alex: “Talaga?”

Sabay abot sa kanya nung isang box. Pagbukas niya.. necklace..

You are now a lady..

We are so proud of you..

We love you.

Mom and Dad..

Mang Fred: “Hintayin ko na lang po kayo dito pag nakabihis na kayo..”

Alex: “Ha? Bihis? Ano bang meron ah..”

Nagpunta si Alex ulit sa loob. Bukas nga yung C.R. Sinuot niya yung damit pati yung necklace.

Mang Fred: “Ma’am, mukha kayong prinsesa..”

Alex: “Hindi naman po.. May party ba? Kailangan ko pa ba magpaayos? Di kasi ako sanay ng may make-up..”

Mang Fred: “Maganda pa rin naman kayo kahit walang make-up eh.. Hatid ko na po kayo.. Pero bago ang lahat.. isuot ko lang po ito..”

Nilagyan niya ng blindfold si Alex.
Maya-maya nakarating na sila dun sa venue. Inalalayan ni Mang Fred si Alex, hanggang sa..

Alex: “MAng Fred?”

Tinanggal ni Alex yung blindfold. Pero madilim pa rin.

She
May be the face I can’t forget
The trace of pleasure or regret
May be my treasure or the price I have to pay
She
May be the song that summer sings
May be the chill that autumn brings
May be a hundred different things
Within the measure of a day

Habang tumuttugtog, isa-isang nagsindi ng kandila yung mga tao na nakapalibot kay Alex. Nagsimula dun sa Mom and Dad niya.. paikot..

She
May be the beauty or the beast
May be the famine or the feast
May turn each day into a heaven or a hell
She may be the mirror of my dreams
The smile reflected in a stream
She may not be what she may seem
Inside her shell

She
Who always seems so happy in a crowd
Whose eyes can be so private and so proud
No one’s allowed to see them when they cry
She
May be the love that cannot hope to last
May come to me from shadows of the past
That I’ll remember till the day I die

Hindi nakapagsalita si Alex.

She
May be the reason I survive
The why and wherefore I’m alive
The one I’ll care for through the rough in ready years
Me
I’ll take her laughter and her tears
And make them all my souvenirs
For where she goes I’ve got to be
The meaning of my life is

She
She, oh she

Lumapit yung Mom and Dad niya pati kuya niya tapos hinalikan siya sa cheeks sabay abot ng bouquet ng flowers sa kanya.

“Happy Birthday..” bati nila.

Alex: “Thanks po.. Di ko inexpect na may ganito..”

Nagsimula yung program. Pinaupo muna yung mga guestsa sa mga table nila tapos si Alex dun umupo sa may bandang harap. Ang ganda nga nung likod kasi may mini-falls dun tapos may banner na Alexandra at 18. Tapos, punong-puno ng flowers tapos sa may sahig, puno naman ng nagkalat na blue and white na baloons.

BUmulong sa akin si Stephen habang nasa table kami.

Stephen: “Ikaw talaga nag-isip nito? Adik ka.”

Ngumiti ako.

“Siyempre basta para sa kanya..”

Una yung 18 treasures, lahat ng kasama dun galing Little Angels. Puro mga bata. Kinantahan nila si Alex ng ‘That’s what friends are for..” Tapos, isa-isa silang nagbigay ng mga simpleng gift nila pero meaningful. Sabi ko kasi sa kanila, kahit ano naman maappreciate ni Alex. Pinakanagustuhan ko yung isang batang babae, 10 yrs. old ata. Yung binigay niya.. shell.

“Ate.. Eto.. gift ko kasi.. di ba sabi mo kahit anong bagay.. simple man o engrande.. maliit o malaki.. special.. Parang ikaw.. pinaparamdam mo sa amin, na special kami.. Happy Birthday..”

Mangiyak-ngiyak si Alex nung tinanggap niya yung mga regalo sa kanya tapos nag-group hug pa nga sila
Sumunod naman 18 candles, nagmessage naman yung mom niya, mga lola, tita saka mga kaibigan niya.

Huling parte nung program, first dance niya, yung kuya niya.. Sinundan nung mga pinsan saka tito niya. Bandang huli sinayaw siya nung father niya.

Sumunod, dinner time na. Nagserve ng food per table. Habang kumakain, pinakita yung video na ginawa ko..
Pinaghirapan kong gawin yun ha. SObrang proud ako dun. Pero sabi ko, wag sabihin na ako gumawa.
Hiningan ko ng pictures ni Alex mula pagkabata hanggang sa pagdalaga si Tristan tapos iniscan ko. Kumuha rin ako ng messages nung mga kaklase niya saka classmates namin.Siyempre, di mawawala yung message nung pamilya niya. Sabi ni Stephen, magmessage din daw ako. Kaso sabi ko camera shy ako. Pero sa totoo lang.. Di ko lam kung anong sasabihin ko sa kanya eh.

Sa kalagitnaan ng pagkain ng lahat. Nagpunta ako sa may garden sa may gilid. Medyo tago siya. Gusto ko magpahangin saglit. Kinakabahan ako, di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Iniisip ko rin kung magugustuhan niya yung ibibigay ko. Dun ako umupo sa well. Walang maupuan eh.

Nagulat ako nung may humawak sa balikat ko. Kinabahan nga ako nung una. Kala ko may tutulak sa akin at mahulog ako dun sa balon.

“Uy.. Bat nandito ka.”

Si Tristan.

“Ah.. Nagpapahangin lang po saglit..”

Tristan: “Okay din tong naisip mong party ah.. Nagreet mo na ba siya?”

“Di pa nga po eh.. Dami niya kasing fans.. Di ako makalapit..”

Ngumiti lang si Tristan.

Tristan: “Alam mo.. boto na ako sayo ngayon.. Mukhang seryoso ka talaga sa kapatid ko.. Siguro, tinamaan ka sa kapatid ko no?”

“Oo nga eh. Sapul.”

Sabay tawa ko.

Tristan: “Wag mo siyang sasaktan ah..”

“Di ko po gagawin yun.. Pramis..”

Tristan: “Mula ngayon.. pwede mo na rin akong tawaging kuya.. Yaan mo sasabihin ko na ikaw, may pakana nitong lahat..”

“Naku.. Wag na po..”

Huminga ako ng malalim.

Tristan: “Ha? Ikaw bahala.. Teka, kailan mo nga ba balak sabihin yung tungkol sa nararamdaman mo sa kanya?”

“Mamaya po siguro..”

Tristan: “Sige nga.. praktis lang.. anong sasabihin mo?”

Natahimik ako.

“Ano nga ba?”

Tumingin ako sa malayo.

“Uh.. Siguro.. sasabihin ko.. Alex.. Alam mo, nahulog na yung loob ko sayo.. mas lalo pang nahuhulog.. bawat minuto.. bawat araw na nakakasama kita.. Sobrang, mahalaga ka sa akin.. higit pa sa isang kaibigan.. At pinapangako ko sayo na nandito lang ako kung kailangan mo na.. di kita iiwan.. Saka Pag nakikita ko yung mga mata mo o kaya kapag ngumingiti ka lang.. tumatatak talaga sa isip ko.. Sobrang swerte ko na nakilalala kita.. Kasi kung di kita nakilala.. Baka.. Baka di ako ganito kasaya..”

Huminga ako ng malalim.

“Ayun.. Kaso baka matameme lang ako. Sigurado.”

Tristan: “Kaya mo yan..”

Nagulat ako nung may narinig kami sa likod.

Paglingon ko.. natigilan ako.

Alex: “Anong sabi mo?”

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Chapter 95:

Tristan: “Alex?”

Sabay pa kaming napalingon ni Tristan. Kuya Tristan na pala. Bumilis agad yung tibok ng puso ko.

Alex: “Pi-pinapahanap ka ni daddy..”

Tristan: “Ah ganun ba.. Sige.. Mauna na ako..”

Umalis si Tristan at bumalik sa loob. Naiwan lang kaming dalawa dun. Ilang minuto ding walang nagsasalita sa amin.

Maya-maya nagulat ako biglang tumalikod at naglakad papaalis si Alex.

“Alex.. wait..”

Tumigil siya. Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko siya. Pumunta ako sa harap niya. Nakatingin lang siya sa akin. Walang kahit anong sinasabi.

Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ko. Kabado ko eh.

Tinignan ko siya.

“Alam ko narinig mo lahat.. Lahat ng sinabi ko.. totoo.. at alam ko siguro.. nabigla ka.. Pero may.. may mga bagay na hindi natin mapipigilan.. tu-tulad nitong nararamdaman ko..”

Kinuha ko yung kaliwang kamay niya at pinatong ko sa chest ko.

“Ikaw lang.. yung laman ng isip ko.. lalo na nitong puso ko.. Nararamdaman mo ba yun? Ang bilis no? Ganyan ang epekto mo sa akin.. Natatakot tuloy ako baka atakehin ako sa puso..”

Bumitaw ng kamay si Alex sabay suntok na mahina sa akin sa braso.

Alex: “Puro ka patawa..”

“Seryoso ko dun ah..”

Alex: “Ah ganun?”

Sabay tawa siya.

“Uh.. Alex.. Pwede baka ako mag-apply?”

Alex: “Ha? Ano na naman yan ah..”

“Mag-aaply akong knight in shining armour mo..”

Tumawa na naman si Alex. Napangiti ako kasi gustung-gusto ko pag napapatawa ko siya.

Alex: “Ano ka ba.. You have always been my knight in shining armour..”

Napatahimik naman ako dun.

Alex: “Kahit minsan palpak.. pwede na..”

“Ah ganun ah..”

Sabay nilapitan ko siya tapos kiniliti ko siya sa bewang.

Alex: “Ano ba.. Para kang bata..”

Tawa kami ng tawa tapos biglang natigilan ako nung nagkalapit yung mga mukha naming dalawa.

Hinawakan ko yung face niya.

“Ang ganda mo talaga..”

Alex: “Oo naman..”

Tumawa ko. Ang cute talaga niya.

Nagkatiniginan lang kaming dalawa dun.

Alex: “Alam mo.. dati sabi ko.. swerte yung babaeng mamahalin mo..”

“Talaga? Eh pano yan.. Eh di swerte ka?”

Alex: “Uhmm.. Pwede na..”

“Aaay.. Ganun?”

Ngumiti si Alex. Natahimik na naman kaming dalawa.

Alex: “Uh.. You know what? I’m.. I’m also falling for you..”

Natigilan ako nung sinabi niya yun. Parang gustong tumalon.

Alex: “Pero alam ko naman na may nararamdaman ka kay Larisse nun.. Kaya alam ko.. na kahit kailan.. wala akong space para diyan.”

Sabay turo sa chest ko.

Di ko alam ang sasabihin ko.

“Wala akong ibang masasabi kung hindi ang t a n g a ko.. Ang bulag ko? Kasi yung babaeng para sa akin.. Nasa harap ko na.. noon pa.. Pero di ko pa rin makita.. Ngayon, alam ko na.. kilala ko na.. Di ako papayag na mawala ka.. Hayaan mo.. papatunayan ko sayo.. Na karapat-dapat ako para sayo.. Na karapat-dapat ako para mahalin mo..”

Ngumiti lang si Alex.

Maya-maya may dumating, yung emcee. Tinatawag na si Alex.

“Tawag ka na ng mga fans mo..”

Tumawa lang si Alex.

Pumasok siya sa loob. Sinundan ko siya.

Nagpatuloy yung program. Sumunod yung ibang special numbers tulad nung kinantahan siya ng daddy niya saka kuya niya. Tapos nagmessage din sa kanya yung bestfriend niya nung bata siya, si Gelaine.

Nagkaroon din ng picture-taking kasama yung mga kaibigan niya, family and relatives.

Yung huling part, nagmessage yung parents niya saka siyempre siya.

Alex: “Salamat po sa mga nagpunta.. Di ko inexpect to.. Akala ko kakain lang kami sa labas ng family ko.. You’ve made this day very.. very.. special.. Thank you..”

Pagkatapos nun, nagsiuwian na halos lahat. Di ako makalapit kay Alex. Nandun lang ako sa may gilid.

Stephen: “Uy, pare.. uwi na kami..”

“O sige.. una na kayo.. Bigay ko pa tong regalo ko..”

Stephen: “Ganun ba? Good luck, wag hihimatayin ah..”

“Sira..”

Maya-maya kumonti na yung tao. Mga kamag-anak na lang halos ni Alex yung nandun.

Nilapitan ko siya.

“Ang dami mong fans.. Di ako makalapit..”

Alex: “Hindi naman..”

Naglakad kami palabas papunta dun sa may well kanina.

“Sarap dito noh.. mahangin..”

Alex: “Oo nga..”

“Di pa pala kita nabati.. Happy Birthday..”

Sabay abot ko sa kanya nung regalo.

Alex: “Nag-abala ka pa magbigay ng gift? Eh sobra-sobra na tong naisip mong party?”

“Narinig mo rin ba yun kanina?”

Alex: “Ah.. Hinde.. Sinabi lang ni kuya..”

“Sabi ko wag na sabihin eh..”

Alex: “Thank you ah.. For everything..”

Ngumiti ako.

“You deserve nothing but the best..”

Alex: “Teka, ano ba to?”

Binuksan niya yung regalo ko. Napahawak ako sa batok ko.

“Pangpasensiyahan mo na ha.. Kung simple lang..

Alex: “Ang ganda nga eh..”

“Uh.. Kasi ganito yan.. Nung bata ko.. Buhay pa si Kuya Lester nun.. Nagpunta kaming Hongkong.. Tapos, magkasama kami nun na naglilibot. Pumasok kami sa isang antique shop.. Dalawa yan eh.. Binigay sa akin ni Kuya yung isa, sabi niya, ibigay namin sa babaeng mamahalin namin.. Kaya mula nun, tinago ko yan.”

Alex: “Ha? Naku.. Bat sa akin?”

“Ano ka ba.. tinatanong pa ba yun?”

Kinuha ko yung necklace na may pendant na ring tapos sinuot ko sa kanya.

Tinignan niya yung pendant.

Alex: “Teka, tignan mo o.. Dun sa loob nung ring parang may nakaengrave..”

“Oo meron nga..”

Alex: “Di ko maintindihan eh.. Ancient din ata yung handwriting.. Ano bang nakasulat..”

Ngumiti ako tapos tinignan ko siya sa mga mata niya.

“I love you..”

###############################
Chapter 96:

Di nakapagsalita si Alex pagkasabi ko nun.

“Uh..”

Ako rin nagulat ako pagkasabi ko nun. Pero yun naman talaga yung naka-engrave dun eh. Sabi ni kuya Lester.

Ngumiti lang si Alex.

Maya-maya dumating si Kuya Tristan.

Tristan: “Lex.. Tawag ka nina Tita Bella..”

“Sige.. Mauna na rin ako..”

Alex: “Thanks ulet ah.. Sa lahat-lahat..”

“Wala yun..”

Naglakad na paalis si Alex sinundan niya si Tristan.

“Alex..”

Lumingon siya.

“Happy BIrthday..”

Ngumiti lang siya sabay sabing..

Alex: “Thank you.. Ingat sa pag-uwi ah..”

Ayun.

Ilang araw na ang lumipas. Ilang linggo na ang dumaan. Mahigit isang buwan na akong nanliligaw kay Alex. Pero minsan pag inaasar ko si Alex, sinasabi ko na, ‘mahigit isang buwan ko na pinapatunayan ang pag-ibig ko sayo’.

Sabay sasabihin niya ako ng, ‘ang corny mo’. Tapos tatawa na lang kaming dalawa. Kahit yung mga maliliit na bagay na ganun, sobrang special sa akin eh.

DI ko makakalimutan talaga nung Valentines Day, sobra. Akala ko mahihimatay ako nun eh. DI ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob sa mga panahong yun.

Flashback

Tinutulak ako ni Stephen.

Stephen: “Pare, dali ano ba.. Pumasok ka na sa loob.. Ikaw nag-isipsip ng idea na yan eh..”

“Tol, ang daming tao sa loob..”

Stephen: “Malamang.. Eh canteen yan!”

“Hintayin ko na lang siya dito sa labas..”

Stephen: “Ewan ko sayo.. Pag tayo nalate, naku..”

Huminga ako ng malalim. Pagpasok na pagpasok ko, lahat tinginan sa akin. Pano ba naman, eh may hawak-hawak akong napakalaking teddy bear, saka isang dosenang white roses.

Pinagpapawisan nga ako habang naglalakad papasok. Nilapitan ko siya, kasama niya yung iba niyang
mga kaibigan.
Hiwayan nga halos lahat ng nasa canteen.

Sabay abot ko sa kanya.

“Happy Valentines, Alex..”

Ngumiti siya.

Alex: “Uy.. Naku.. Thank you..”

Ang bilis ng tibok ng puso ko pero sobrang saya ko nun kasi nagawa ko. First time ko kasi ginagawa
yun eh.

End Of Flashback

Eto ngayon, naghihintay ako sa labas ng classroom ni Alex. Minsan pag wala naman akong importanteng
gagawin., sabay kami umuuwi. Ngayon hinahatid ko na siya hanggang bahay nila.

Maya-maya nagsilabasan na sila sa classroom.

“Oi.. Mustah?”

Alex: “Okay lang naman..”

Sabay kuha ko nung backpack niya.

Ewan ko biglang tinignan ako ni Alex. NIlayo ko agad yung tingin ko . MInsan nakakadiyahe
pa rin eh.

“Bat ganyan ka makatingin?”

TUmawa ng kaunti si Alex.

Alex: “Wala naman, parang kahit madalas mo na ako hinahatid.. Di pa rin ako sanay.. Parang
iba pa rin.. Basta..”

“Ako rin eh.. Uh.. Oo nga pala.. Pupunta ka ba dun sa camp natin sa P.E sa batangas..”

Alex: “Siguro.. Ikaw?”

“Depende..”

Alex: “Bakit..”

“Depende kung.. pupunta ka..”

Alex: “Ah ganun.. Sige na nga..”

Pagdating ng Sabado ng umaga, maaga akong pumunta sa school. 5:30 kasi ang usapan. Magkakaroon
kami ng camp dun. Astig nga yung mga activities namin eh. Excited na ako. Sa Blueroze Farm
sa Lipa, Batangas gaganapin yung camp namin. Pero siguro, puro wallclimbing siyempre yung gagawin namin pero may mga dagdag na activities daw eh.

Marami-rami na rin nandun pero wala pa rin si Alex. 6:00 na nga wala pa siya. NAsa loob na kami
ng bus nun.

“Sir, hintayin lang natin saglit baka may nangyari lang..”

Kanina ko pa siya tinatawagan pero out of reach. Kinakabahan na nga ako.

Noel: “Pare, okay lang.. Darating din yun.. O Ayan na pala o..”

Pagtingin ko sa window. Ayun na nga. Nagmamadaling umakyat si Alex sa loob.

Alex: “Sorry sir, I’m late..”

Noel: “Etong katabi ko.. Aatakihin na kakaantay sayo..”

Hiyawan naman lahat ng mga kaklase ko sa loob ng bus.

Noel: “Namumula si Toph o..”

“Magtigil ka nga..”

Napatingin ako kay Alex tapos ngumiti ako.

DI ko alam kung sino yung sumigaw..

“Sagutin mo na yan..”

Nakakahiya na ah. Diyahe.

Mga isang oras at kalahati din yung naging biyahe namin. Maganda nun. Ang laki. DI ko
lam kung ilang hectares yun.

Nilabs na namin yung mga dala-dala namin tapos sabay pasok sa kanya-kanyang assigned tents.
Kasama ko sa tent si Noel saka Fred.

Dahil maaga pa, pinayagan kaming mamasyal-masyal ni sir. HInahanap ko sina Noel saka Fred, pero
bigla na lang nawala. Nakita ko si Alex, nandun sa may swing. Pinuntahan ko siya.

“Uy.. Gusto mo mamasyal..”

Alex: “Uh.. Sige..”

Lakad-lakad kaming dalawa dun. Mahangin dun kaya ang sarap mamasyal.

“ANo yun?”

Sabay turo ko may parang entrance dun.

Alex: “Pasok tayo?”

“Ikaw bahala..”

Pumasok kami sa loob. Maganda din. Lakad-lakad lang kami dun. Tapos tumigil kami sa paglalakad.

Nagkatinginan kami ni Alex.

Pakiramdam ko, parehas kami ng iniisip.

“Parang dito rin tayo galing kanina ah..”

Alex: “Oo nga eh.. Eto ata yung sinasabi sa akin nina Via na parang giant maze..”

“Ha?? Eh Pano tayo makakalabas dito?”

Alex: “Di ko alam.. ano..”

Nakita ko parang kinakabahan na nga si Alex.

Huminga ako ng malalim.

Hinawakan ko siya sa shoulders.

“Tara.. Ano ka.. Makakalabas tayo dito..”

Alex: “EH kanina ba tayo lakad ng lakad dito..”

Ngumiti ako.

Alex: “Toooph.. Anong ginagawa mo..”

“EH di bubuhatin na lang kita para di ka mapagod..”

#######################################

Chapter 97:

Alex: “Ano ka ba.. Ibaba mo ko..”

“Yes.. Ma’am..”

Binaba ko naman siya.

HUminga ng malalim si Alex.

Alex: “Kaya ko pag maglakad.. Ako pa..”

“Pano kaya tayo makakalabas dito..”

Naglakad-lakad pa rin kaming dalawa ni Alex. Tapos, parang may narinig kaming tunog.

“Rinig mo yun? DI ba parang mga boses yun?”

Alex:”Oo nga.. DUn banda.. Parang dun..”

Lumiko kai sa kaliwa, diredirecho hanggang sa nakita namin yung iba naming mga classmates.

Alex: “Thank GOd.. Kala ko maiiwan tayo dito no..”

Bumulong ako.

“Okay lang.. At least kasama kita..”

Alex: “Ano sabi mo?”

“Uh.. Oo nga buti na lang nakita natin sila..”

Sabay-sabay kami lahat lumabas dun sa maze na yun. Eh lagi naming nadadaanan yung labasan. DUn lang pala.

After nun, nagkaroon ng orientation sa mga activities na gagawin. Yung una naming ginawa, orienteering. Masaya nga eh kasi parang mala-Amazing Race siya.

Nauna yung group naming matapos (green team). Sinundan kami nung group nina Alex (blue team). Hinati kami sa apat na groups eh.

Pagkatapos nun, mga rope activities naman saka team building. Siyempre, yung main part eh, yung wallclimbing na mismo.Third to the fastest ako sa pag-akyat. AStig.

Nung mga 6 pm na, nagkaroon kami ng break. Nagpalit na kami ng damit. Yung iba naligo. Pagkatapos nun kasi, dinner na.

Kasama ko nun si Noel, tapos sabay turo niya kina Alex.

Noel: “Sina Alex o.. sa may bonfire..”

Pinuntahan namin sila..

Tinabihan ko siya.

“Napagod ka ba?”

Alex: “Uh.. Medyo.. Puro activities ba naman eh.. Pero enjoy kasi kaya di ko napapansin yung pagod..”

Nagkukuwentuhan yung iba naming classmates. Kami tahimik lang. Si Alex, nakatingin lang dun sa bonfire.

Pasimple ko siyang tinitignan.

“Medyo malamig na ah..”

Inalis ko yung suot-suot kong jacket. Tapos pinatong at sinuot ko sa kanya.

Tinignan niya ko sabay ngumiti siya.

Alex: “Thanks..”

“Ang bilis ng panahon no.. March na.. Bakasyon na naman..”

Alex: “Oo nga eh.. Mag-susummer class ka ba?”

“Ako? Hinde siguro.. Bat ikaw?”

Alex: “Di ko lam.. Pag sinipag ako..”

“Uy.. Mukhang may food na.. Tara.. Kuha na tayo..”

Alex: “Mamaya na lang siguro ako kukuha..”

“Sure ka? Gusto mo kuha nalang kita?”

Alex: “Ha? Wag na nakakahiya..”

“Okay lang.. Sige.. Kuha na lang kita..”

Alex: “Pero..”

Tumayo na ako pati sina Noel saka yung iba naming classmates.

Ella: “UUuuy.. Ang sweet naman ni papa..”

Alex: “Ella?! Papa ka diyan..”

Ella: “Ang cute niyong dalawa.. Bagay kayo.. Kailan mo ba siya balak sagutin?”

Natahimik si Alex.

Ella: “Alex?”

Alex: “I don’t know..”

Ella: “HUh? Wait.. May feelings ka ba naman sa kanya ha?”

Alex: “Oo naman.. Meron.. Masaya ko pag kasama ko siya.. saka sobrang naappreciate ko lahat ng ginagawa niya..pero..”

Ella: “Pero?”

Alex: “I mean.. Di ko kasi alam kung handa na akong pumasok sa alam mo na relationship.. Kasi, pag nagkataon,he’s going to be my first boyfriend.. I’m also his first.. Saka ano.. I want to get to know him better..I want him to get to know me better.. Basta.. AYokong madaliin..”

Ella: “Sa bagay.. Mga ilang centuries ang hihintayin niya?”

Alex: “Sobra ka naman.. Basta pag naramdaman ko na yung alam mo na.. Yung nasa right moment ka.. Yung tama na lahat..Yun na..”

Ella: “Yun na..”

Maya-maya dumating sina Noel saka yung iba pang classmates.

Lumingon-lingon si Alex.

Alex: “Noel, si Toph?”

Noel: “Huh? Eh, nauna na siya sa amin kanina ah..”

Ella: “Wait.. Ayan na siya..”

“O.. Favorite mo yan di ba..”

Sabay abot ko sa kanya nung plate niya. Chicken Barbeque kasi yung kinuha kong food niya.

Alex: “Thanks..”

Maya-maya isa-isa nang umaalis yung mga kaklase namin. Pasimuno na naman yung mga classmates namin.. lalo na si Noel.

Hanggang sa kaming dalawa na lang yung naiwan dun sa may bonfire.

Alex: “Talaga naman.. IWan daw ba tayo..”

“Okay lang yun.. Ayaw mo ba ko kasama..”

Alex: “Ang drama ha..”

“Uh.. Alex.. Na-narinig ko pala kanina lahat..”

Natahimik si Alex.

“Don’t worry.. Gusto ko lang sabihin sayo na.. Di naman kita minamadali..”

Alex: “Thanks..”

“Gusto ko nga.. Mas magkakakilala pa tayo.. Alam mo yun..”

Alex: “Oo naman.. Siguro.. Ano na muna tayo.. Uh.. Best friends?”

“Best friends? Bf? Pweeedeee..”

Alex: “Haha. Sira ka talaga..”

NIlabas niya yung pinkie (littlefinger) niya.

“Ba-bakit?”

Alex: “Di ba nung mga bata tayo.. Pag nagpapramis.. ganito ginagawa..”

“Anong promise?”

Kinabit ko rin yung pinkie sa kanya.

Alex: “Na nandito lang ako para sayo.. Kung kailangan mo ko..”

Ngumiti ako.

“Ako? Na aalagaan at mamahalin kita at hindi kita.. iiwan.. o sasaktan..”

Alex: “Promise?”

“Promise..”

Bibitaw na sana siya nung pinigil ko.

“Wait.. May pahabol lang ako..”

“Na maghihintay ako.. kahit gano katagal.. lalo na ngayon.. nakita ko na yung matagal nang hinahanap ng puso ko..”

##########################################

Chapter 98:

Yahoo! Summer na. Nag-decide ako na hindi na mag-summer class. Marami na nangyari nung nakaraang buwan. Eto nga mag-May na naman. Di na lang namin mamalayan
June na at mag-third year na ko.

Nung April, panay gimik lang kami nung tropa ko nung highschool. Pumunta kaming Boracay. Ang saya kasi ngayon lang kami ulit nagkita-kita eh. Saka pumunta naman kami ng family ko sa La Union. Dun ginanap yung family reunion namin sa mother side.

Flashback

Kwentuhan lang kami nung mga pinsan ko sa may cottage namin. Yung iba kong mga pinsan na mas matanda sa akin. Malapit nang ikasal. Si Kuya Borgie, ikakasal na sa December.

Kuya Borgie: “O ikaw naman, balita ko sabi ni Marielle.. May nililigawan ka na ah.. Buti naman.. Kala ko tatandang binata ka..”

Tony: “Oo nga, Ikaw ang kauna-unahang magiging ganun pagnagkataon..”

Ngumiti lang ako.

Mark: “May picture ka ba niya?”

“Uh.. Sa phone lang.. Teka..”

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko. May mga pictures niya ko sa phone. Karamihan stolen shots niya.

“Eto o..”

Tinignan naman nilang lahat yung mga pictures namin.

Kuya Borgie: “Nagpintas.. (Maganda ah..)”

Tony: “Bagay..”

“Siyempre..”

Tony: “San mo nakilala?”

“Sa school.. Classmate ko siya nun eh..”

Mark: “Jackpot ka, kuya ah..”

Natawa naman ako sa hirit niya.

“Oo naman.. Ayayaten ko dayta.. (Saka Mahal ko yan..)”

Hiyawan naman yung mga pinsan ko sabay gulo sa buhok ko.

Tony: “Tinamaan si insan!”

End of Flashback

Tambay lang kami ni Stephen sa kwarto ko. Naglalaro lang kami ng PS2. Nagpahinga kami saglit kaya pumunta kaming kitchen para maghanap ng makakain.

Stephen: “Tol, malapit na May 12..”

Natigilan ako.

Stephen: “Libre.. Libre.. Libre..”

“Oo ba..”

Stephen: “Tanda mo na.. Nineteen ka na..”

“Parang ikaw, di mag-19 ngayong taon ah..”

Stephen: “San ba lakad mo? Siguro may date kayo ni ‘bestfriend’..”

“Ha? Di ko pa lam..”

Stephen: “Alam naman niya siguro na birthday mo sa may 12 di ba?”

“Ata?”

Stephen: “Tsk.. Tsk.. Dapat sinasabi mo para may regalo ka.. Joke lang..”

“Sira..”

Nung mga kinahapunan, sumibat na rin si Stephen. May ‘date’ daw siya.

Naisip ko yung sinabi niya.

Ako naman, tinawagan ko si Alex.

RIiIIIIING..

Alex: “Hello..”

“Uy..”

Alex: “O Toph..”

“Wala lang.. Gusto ko lang marinig boses mo..”

Alex: “Asus..”

“A-ano kasi.. May.. may lakad ka ba sa 12..”

Alex: “Sa 12.. Ano ba yun? Teka.. Saturday? Di ko lang sigurado..”

“Yayain sana kita..”

Alex: “Bakit? May okasyon ba?”

Natigilan ako.

“Ha? A-Ano kasi.. Wala.. Wala naman.. Gusto lang kita makasama sana..”

Alex: “Aaah.. Sige.. Tignan ko.. San ba?”

“Dito lang sa bahay..”

Alex: “Sige.. Text ko agad kung makakapunta ko..”

Ilang araw matapos..

May 12

Pagkagising na pagkagising ko..

“HAPPY BIRTHDAY!!”

Gulat ako nasa harap ko sina Mama, Papa saka Marielle.

Marielle: “Bangon na.. Maya-maya darating na yung mga bisita mo..”

“Thanks..”

Dali-dali naman akong bumangon. Medyo marami ngang bisita. Nakasanayan na kasi pag birthday ko, may parang kainan sa bahay. Pupunta yung mga barkada ko saka mga pinsan ko. Ganun.

Bago maligo, tinignan ko agad yung phone ko. May mga text na,puro birthday greeting. UNa kong tinignan, baka may text si Alex. Pero wala eh.

Sabi niya, pupunta siya. Kaya siyempre excited ako. Pero di pa rin niya ata alam, na birthday ko eh.

Pagkatapos, maligo, direcho agad akong kwarto para mamili ng isusuot.

“Eheem..”

Paglingon ko nasa pinto si Marielle.

Marielle: “Parang mga barkada mo lang naman yung bisita natin saka mga pinsan ah.. Bat parang bihis na bihis ka ata.. Siguro, pinapunta mo si Ate Alex noh?”

Ngumiti lang ako.

Marielle: “Uuuyy.. Excited siya.. Ano kaya gift niya sayo?”

“Ha? Di nga ata niya alam na birthday ko ngayon eh..”

Marielle: “Ay ganun? Tsk.. Tsk..”

Nung mga 11 am, nagsidatingan na yung mga relatives namin. Tuluy-tuloy na yun hanggang hapon.

Stephen: “O pare, bat di ka mapakali dyan ah?”

“Uh.. Wala.. KAsi si Alex.. Wala pa eh..”

Stephen: “Darating din siguro yun.. Sabi niya pupunta siya di ba?”

“3 pm na.. Wala pa siya.. Tol, kinakabahan na ko eh.. Di ko siya macontact..”

Hanggang sa nag-5 pm na. Karamihan ng mga bisita ko, umalis na. Wala pa rin siya. Sinubukan kong tumawag sa kanila. Pero nag-riring lang walang sumasagot.

Umupo lang ako dun sa may tapat ng bahay namin. Maya-maya lumabas si Papa.

Papa: “O.. JC.. Madilim na ah.. Ano ginagawa mo diyan?”

“Wala po.. Nagpapahangin lang..”

Papa: “Tara na sa loob..”

“O sige po.. Sunod na lang ako..”

Tumayo ako. Sabay lingon, baka sakaling may dumating.

Umakyat ako sa kwarto ko, nagpalit at nagbihis.

Maya-maya tinawag ako para magdinner. Pagkatapos, kumain, dumirecho ako sa kwarto ko.

Tumambay ako dun sa may rooftop. Sa kwarto kasi, may daan dun papuntang rooftop namin. Dun ako dumadaan sa bintana namin. Buti na lang malaki-laki yung window namin. Ganda ng view dun, lalo na pag maraming stars.

“San na kaya yun? Sana naman walang nangyari sa kanya o ano..”

Maya-maya naramdaman ko na lang na nagvibrate yung phone ko.

Parang tumalon yung puso ko nung nakita ko kung sino yung tumatawag..

Sinagot ko agad.

“Alex! Uy.. Okay ka lang.. San ka?”

Alex: “Naku.. Sorry.. Di ako nakapunta ah.. Sorry..”

“Uh.. O-okay lang.. San ka ba? Hello?? Hello?”

Tinignan ko yung phone ko. Bat ganun, biglang naputol yung linya..

Maya-maya nagulat ako biglang may nagtakip nung mata ko.

“Uh.. Marielle??”

Pag-bitaw.. lumingon ako.

Napangiti talaga ako ng sobra nun.

“Alex?!!!”

Sabay may inabot siya sa akin na box.

Alex: “Happy Birthday!!”

Tumabi siya sa akin sa pag-upo sa may rooftop.

Alex: “Kala mo di ko lam na birthday mo noh?”

Ngumiti lang ako.

“Di ko inexpect to ah..”

Alex: “Sorry nalate ako.. Sana magustuhan mo yung gift ko..”

“Siyempre.. Kahit ano.. Basta galing sayo..”

Binuksan ko yung gift niya.

“Astig! Ganda..”

Alex: “Natagalan nga eh..”

Yung regalo niya sa akin parang scrapbook. Yung unang mga page, puro birthday greeting nung mga barkada ko. Yung sumunod, sa family ko. Tapos meron ding mga autograph nung mga paboritong kong players sa PBA.

Tapos pinaka gusto dun yung mga caricature ko. Meron nung baby pa ko, tapos yung
mga pictures ko nung bata hanggang sa nag-highschool at nagcollege na ko.

Saka siyempre pinakanapangiti ako yung caricature naming dalawa.

“Uy.. Thank you..”

Alex: “Ikaw pa.. Ay.. Ang ganda pala dito.. Tinuro lang sa akin ni MArielle, na malamang nandito ka..”

“Madalas ako dito.. Ganda ng view no?”

Alex: “Oo, ganda naman nung stars saka yung moon o..”

“Alam mo.. Akala ko.. Di ka makakapunta talaga..”

Ngumiti lang siya. Sabay sumandal siya sa kaliwang balikat ko.

“Pero ngayong nandito ka na..

“Kumpleto na talaga tong araw na to..”

Chapter 99:

Ilang buwan na ang lumipas. Nagpasukan na. Third year na kami. Binilang ko sa
kamay ko, 7 months na akong nanliligaw kay Alex. Bawat araw na kasama ko siya,
sobrang tinetreasure ko.

These past few months. Medyo busy kami sa paghahanda para sa nalalapit na wedding
nina Mama at Papa this August. 30 Years na silang kasal. Eh gusto ni Papa, parang magkaroon sila ng wedding ulit sa church. DUn sa same church kung san sila kinasal. Simple lang naman, yung tipong mga relaives at kaibigan lang nina Mama’t Papa yung mga kasama.

Nasa may living room kami nina Mama, Papa pati ni Marielle. Inaayos namin yung entourage.

Marielle: “Okay na yung mga abay.. flowergirls.. pero wala pang ringbearer saka kulang tayo ng secondary sponsors..”

Mama: “Yung ringbearer.. Yung anak na lang ni Ate Rose mo..”

*DING DONG*

Ate Tess: “Ako na ho..”

Nagulat ako kung sino yung pinapasok ni Ate Tess.

“Uh.. Alex..”

Napatayo ako bigla eh nung nakita ko siyang pumasok.

Alex: “Good afternoon po..”

Papa: “Pasok ka iha..”

Nagbeso si Alex kina Mama’t Papa.

MArielle: “Tamang-tama si Ate Alex o.. Sama natin siya sa entourage..”

Mama: “I think that’s a good idea..”

Papa: “Okay lang ba sayo?”

Alex: “Po? Naku.. KAyo po bahala..”

MArielle: “Para partner na lang kayo ni kuya sa cord..”

Napangiti ako.

“Oo nga. payag ka na..”

Alex: “Sure..”

Binalik sa kin ni Alex yung hiniram niyang libro sa akin. SUmaglit lang siya. Sabi nga
niya sa akin, nagulat siya nung biglang sinama siya sa entourage. Pero flattered siya
at talagang kinonsider siya na isama.

Siyempre, ako natuwa naman ako. Gusto siya ng pamilya ko. Okay naman din ako sa pamilya niya, minsan nga magkachat pa kami ni Kuya Tristan. BUmalik na kasi siya sa work niya eh.

Pinagawa na namin yung mga invitations. One week after, sinimulan na naming pinadala dun sa mga bisita namin. Mga 200 yung guests na expected namin eh.

Mga two weeks before nung kasal, nakuha na rin nina Mama pati nina Marielle saka iba pang mga abay yung mga gown nila. Yung motiff pala, beige. Pearl wedding Anniversary kasi eh.

August 18

Araw nung kasal. Siyempre, busy na naman lahat ng tao sa bahay. Ang daming tao sa bahay ha. Yung iba mga relatives nina Mama saka Papa.

Akala ko paglabas ko ng kwarto, may sunog. Takbo dito takbo dun yung mga tao. Dali-dali naman akong nag-ayos. 8:00 na eh 10:00 yung kasal.

Mga bago mag-10 pumunta na kami sa simbahan. Siyempre naiwan si Mama sa may bridal car. Ako naman andun, hinintay ko rin si Alex. Maya-maya dumaan na yun kotse nila tapos bumaba siya.

“Hi.. Miss..”

Alex: “Sira..”

Humawak siya sa may braso ko tapos naghintay kami para tawagin nung coordinator.

“Akala ko di mo na sisiputin yung kasal natin..”

Alex: “Ano? Ewan ko sayo..”

Sabay tawa siya.

Nagsimula na yung kasal. Natuwa naman ako habang pinagmamasdan yung parents ko. Biro mo 30 years na rin sila.

Papa: “Father.. Kayo ulit magkasal sa amin pag 50 years na kami ah..”

Tumawa naman kami. Napatingin ako kay Alex sa kabila.

Siya yung gusto kong iharap sa altar. Sana.

Nung natapos na yung kasal, direcho kami dun sa may reception. May mga activities din saka mga pakulo. Mga 4 pm na natapos yun programme eh.

Alex: “Sige.. Mauna na ko.. Nagpaalam na rin ako sa Mama’t Papa mo eh..”

“Wait.. May papakita muna ko sayo..”

Alex: “Ha?”

“Basta.. Tara..”

Pumunta kami sa parking lot sa may kotse ko. Binilhan ako nina Mama’t Papa ng Honda Accord nung Birthday ko.

Pinagbuksan ko siya ng door.

“Uh.. Teka..”

Sabay kuha ko nung panyo ko.. Then tinakip ko sa mga mata niya.

Alex: “Ano ba to? San ba tayo pupunta..”

“Secret.. O Dahan-dahan ah..”

Inalalayan ko siyang pumasok sa loob ng kotse.

Alex: “Ano na namang pakulo to ah..”

“Wait ka lang diyan..”

Inistart ko yung kotse. Medyo malayo-layo na rin yung nadrive ko eh. Sana
magustuhan niya yung hinanda ko.

Alex: “Malayo pa ba..”

“Malapit na..”

Habang nagdadrive ako, napatingin ako sa may odometer. Eh nakita ko bigla yung temperature. Patay.

Tinabi ko yung kotse.

“Uh.. Wait lang. ah..”

Lumabas ako at binuksan yung hood ng kotse. Patay kang bata. Nag-overheat!

“Pano to?”

Buti na lang merong malapit na gasolinahan. Pinarada ko dun tapos kinausap ko yung
gumagawa dun.

Sinilip ko si Alex dun sa kotse.

“Lex..”

Inalalayan ko siya pababa.

Alex: “Ano na bang nangyayari ah?”

Nagtawag ako ng taxi tapos binigay ko yung address nung pupuntahan namin.

Maya-maya nagulat na lang ako tinanggal na ni Alex yung blindfold niya.

Alex: “Uh.. Wait lang.. Akala ko nasa kotse mo tayo kanina? What’s happening..”

“We’ll get there.. Ibalik na muna natin yung blindfold.. Please..”

Tinatali ko na yung panyo ulit nang..

*BOOM*

Alex: “Wait.. Ano yuN??”

Sabay alis na naman ni Alex sa blindfold.

Dali-daling lumabas si Manong. Napalabas din ako. Pagtingin ko.

“Oh no..”

Manong Driver: “Naku.. Ser.. Siyensiya na po..”

Kinuha niya yung spare tire sa likod.

“Matatagalan pa yan ano..”

Manong Driver: “Malapit naman na po yun dito eh.. Teka ho..”

Nagtawag siya ng tricycle driver.

Napatingin na lang ako kay Alex.

Alex: “What an adventure.. Huh?”

Ngumiti na lang ako.

Ano ba naman to ah.

Pinauna kong sumakay si Alex sa tricycle saka bumiyahe papunta dun sa pupuntahan namin.

“Suot mo na yung blindfold uli..”

Alex: “Fine..”

“Ayan..”

Alex: “Aray ko..”

Nagulat ako biglang tumama si Alex sa may tuktuk nung tricycle, napadaan kasi kami sa may malaking hump dun.

Tricycle Driver: “Dito na ho..”

“Haay salamat..”

Binigay ko yung bayad ko kay Manong. Medyo madilim na. Inalalayan ko siya papasok dun sa pupuntahan namin.

“Diyan ka lang ah..”

Alex: “Yes sir..”

Dali-dali akong umalis at iniwan siya dun.

Alex: “Oi.. Anong petsa na.. Kanina pa ko nandito..”

Inalis ni Alex yung blindfold niya.

Natulala si Alex habang pinagmamasdan yung place.

Alex: “Oh. My.. Oh.. My..”

“Some day, when I’m awfully low,
When the world is cold,
I will feel a glow just thinking of you
And the way you look tonight

You’re lovely, with your smile so warm
And your cheeks so soft,
There is nothing for me but to love you,
And the way you look tonight”

Alex: “TOph?? Ikaw yan no.. San ka?”

Dahan-dahang naglakad si Alex dunsa pathway na punung-puno ng rose petals.

“With each word your tenderness grows,
Tearing my fears apart
And that laugh that wrinkles your nose,
Touches my foolish heart.

Yes you’re lovely, never, ever change
Keep that breathless charm.
Won’t you please arrange it?
‘Cause I love you
Just the way you look tonight.

With each word your tenderness grows,
Tearing my fears apart
And that laugh that wrinkles your nose,
Touches my foolish heart”

Alex: “Ano ba.. Nasan ka?”

Pumasok siya dun sa may kubo.

Napatigil si Alex nung nakita niya parang nakaframe na collage ng mga stolen shots niya
na kinuha ko.

Alex: “Ang.. Ang ganda.. Tooph? Nakakainis ka.. Magpakita ka na..”

Nakatalikod nun si Alex nung lumapit ako sa kanya.

“Yes you’re lovely, never, ever change
Keep that breathless charm.
Won’t you please arrange it?
‘Cause I love you
Just the way you look tonight.

With each word your tenderness grows,
Tearing my fears apart
And that laugh that wrinkles your nose,
Touches my foolish heart”

Humarap sa akin si Alex, binigay ko sa kanya yung isang bouquet ng white roses.

Sobrang ngiti si Alex nung kumakanta ko. Lumapit ako sa kanya. Tapos tinignan ko siya sa mata niya.

“Yes you’re lovely, never, ever change
Keep that breathless charm.
Won’t you please arrange it?
‘Cause I love you
Just the way you look tonight.
Just the way you look tonight.
Darling
Just the way you look tonight”

Kinuha ko yung right handa niya tapos pinatong ko sa chest ko.

“Alam mo kung anong sinasabi nitong puso ko.. Alam mo na ikaw lang ang nagpapatibok diyan.. Ms. Alexandra Mercado Santillan, will you be my bestfriend, my partner.. my girlfriend?”

Di nakapagsalita si Alex.

Kinakabahan ako sa isasagot niya.

Hinawakan niya yung face ko.

Alex: “Yes.. Yes.. And a million more YES..”

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Sobrang saya ko.

Sobra.

“I love you..”

Hinintay ko yung sasabihin niya.

Alex: “I’ve always loved you..”

“Alam ko hindi maganda ang naging simula nitong gabing to..”

Tumawa si Alex.

Nagulat na lang ako biglang gumalaw yung cottage. Inalis pala nung manager yung tali. Kaya nagfofloat na yung sinasakyan namin sa tubig.

Alex: “Okay lang yun.. It’s now about how you started it.. It’s about how you end it..”

Ngumiti ako.

Nagkatinginan kami sa mga mata.

Bumilis yung tibok nung puso ko

Pinikit namin yung mga mata namin.. tapos..

We kissed..

Our very first kiss..

#####################################

Chapter 100:

Ilang linggo.. Ilang buwan ang lumipas. Mahigit isang taon na kami ni Alex. Eh hem. ni ‘hon’ pala. Naks. Yan na yung tawagan namin. Nasanay na rin ako. Pero minsan pag trip kong asarin siya, tawag ko sa kanya ‘isaw’ o kaya naman ‘babes’. Asar na asar pag yun yung tinatawag ko sa kanya eh.

Nakakadalawang pasko, dalawang bagong taon, dalawang valentines na kaming magkasama. Siyempre memorable lahat yun, lalo na yung unang Christmas na kami na. Eh may reunion pala sila pag December 24. Inimbitahan ako ni Alex. Grabe. Para akong
ininterview sa The Buzz. Lahat ng mga tita, lola saka mga pinsan niya panay interview sa akin.
Naintriga sila sa akin kasi siyempre first boyfriend nga ako ni Alex.

Tawang-tawa si Alex kasi napasubo ko. Pano eh hinila ba naman ako nung isang lola niya para magballroomdancing?? Eh parehas pa namang kaliwa ang paa ko. Naku po.

Nung Unang Valentines Day namen, may pasok kaya magkasama kami nun…

[Flashback]

Sa Canteen..

Alex: “Up to what time class mo?”

“Hanggang 4 bakit?”

Alex: “Wala lang.. Ako din hanggang 4..”

“Hon.. Di pala kita maihahatid maya kasi may lakad pa ko eh..”

Alex: “Ha? Uh.. Sige..”

Tumingin ako sa watch ko.

“Sige.. Mauna na ko sa class ko..”

Ngumiti ako.

“Ingat..”

Alex: “Sige.. Bye..”

Huminga si Alex ng malalim sabay bulong.

Alex: “Haay.. Di man lang nag-greet ng Happy Valentines Day man lang..”

Pag-uwi ni Alex sa bahay..

Alex: “Hi.. Manang..”

Manang Delia: “O.. Mukhang pagod na pagod ka..”

Alex: “Medyo..”

Dumirecho si Alex papunta sa kwarto niya.

Alex: “Uh.. Bat nakalock to? Di ko naman nilock to kanina ah..”

Sabay hanap ni Alex sa susi niya.

Binuksan ni Alex yung pinto sabay bukas ng ilaw.

Alex: “Uh..”

Biglang napatawa si Alex.

Alex: “Nako.. Yun talaga o.. Kahit kailan..”

Punung-puno ng red roses yung kwarto ni Alex.

“Happy Valentines Day..”

Napalingon si Alex agad sa likod. Dun kasi ako sa may likod ng pinto.

“You like it?”

Alex: “Of COurse..”

Sabay lapit niya sa akin at yakap sa akin.

“Nakalagay na sa kwarto ko agad yung binigay mo sa aking painting kanina..”

Binigyan niya ko ng painting naming dalawa. Ganda nga eh.

“Oo nga pala.. May dala ko..”

Alex: “Ha? Ano..”

Sabay labas ko ng DVD ng 50 first dates. Di pa kasi namin napapanood yun. Eh sabi niya,
sa Valentines Day na lang namin panoorin ng sabay.

Alex: “Tara, dun tayo sa living room.. Nandun yung dvd player eh..”

Pagkalagay ni Alex ng DVD umupo at tumabi siya sa akin sa may sofa.

Sumandal siya sa may kaliwang braso ko.

Sabay kiniss ko siya sa forehead.

[/end of flasback]

Di ko rin makakalimutan yung first anniversary namin. Yun ang malupet. Pano ba naman? Eh hindi kami magkasama nun. Kasi Sunday yun. Eh magmula nung friday, wala sila ng family niya. Nagpunta silang Cebu, kasi namatay yung lolo niya. Monday pa yung balik nila.

[flashback ulet]

Nasa living room ako, nanonood ng TV. Mga 11:00 na nun.

Marielle: “O kuya.. Di ka pa matutulog?”

“Di pa ko inaantok eh.. Kaw matulog ka na.. Panay puyat mo na eh..”

Marielle: “Dami kasi projects sa school.. Sige, good night..”

Panay lipat ko ng channel. Nung mga 5 minutes bago mag-12. Kinuha ko na yung cellphone ko.

“5.. 4.. 3.. 2.. 1..”

Dali-dali kong dinial yung number ni Alex.

RIING…

“Happy Anniversary.. Hon..”

Alex: “HOOOOOON!! Ang daya mo. Naunahan mo ko ah.”

“One Year na pala.”

Alex: “Oo nga eh.. Ang bilis ng panahon no?”

“Miss na kita..”

Alex: “3 days pa lang eh..”

“Siyempre..”

Alex: “Sayang di man lang tayo magkasama sa first year anniv natin..”

“Di na natin magagawa yung sabi natin dati na magsisimba tayo ng sabay..”

Alex: “Okay lang yun.. Simba pa rin tayo.. Magpasalamat pa rin tayo na.. Naka-one year na tayo..”

“Naks..”

Alex: “One year na pala kitang pinagtitiyagaan..”

“Ouch naman..”

Alex: “Uuuy.. Nagtampururot ka naman.. One year na kitang pinagmamalaki.. Naman..”

“Kinikilig ako.. Hon..”

Alex: “Haha.. Sira.. Sige.. Baka magising na sila.. Nasa kabila lang sina Mommy eh.. Baka mabulabog ko..”

“Sige.. Good night..”

Alex: “Night..”

“Hon?”

Alex: “why?”

*Silence..*

“I love you..”

Alex: “Love you too..”

Nung sumunod na Sabado, niyaya ko si Alex lumabas.

Alex: “San ba tayo pupunta ah?”

“Basta.. Siyempre.. Kailangan bumawi ako.. Tara..”

Lumabas kami agad ng bahay nila.

Alex: “O San kotse mo..”

“Wala eh.. Magcocommute tayo.. Adventure to..”

Alex: “Ha? Sige.. Kaw bahala..”

Naglakad lang kami palabas ng Village nila tapos pumunta sa may MRT sumakay kami ng MRT papuntang Quezon Ave.

Alex: “Pupunta tayong school?”

“Secret..”

Naghintay kami ng jeep dun.

Alex: “Ano bang klaseng jeep ang hinihintay mo ha? Ang daming bakanteng jeep diyan o?”

“AYan na pala o..”

Sabay sakay namin sa loob.

Alex: “Uh.. Bat tayo lang pasahero? Kakatakot ah..”

Ngumiti ako.

“Di mo ba alam kung anong jeep to?”

Alex: “Ha? May sakit ka ba?”

“Dito ka kita unang nakita..”

Alex: “Ooowws? Imbento ka ata ah..”

“Promise.. Di ba manong?”

Sabay lingon naman ni Manong driver.

“Namukhaan ko siya nung isang araw eh..”

Alex: “Seryoso?”

“Oo. Kaya.. May significance tong jeep to sa ating love story..”

Sabay tawa si Alex.

Binaba kami ni Manong Driver sa may Philcoa tapos pumunta na kaming UP.

Alex: “San naman tayo pupunta ngayon?”

Dinala ko siya sa may isawan.

Alex: “Kakain lang tayo ng isaw?”

“Hinde naman.. Bibili tayo.. Di ba favorite mo yan? Saka yan ata yung unang kinain natin dalawa dati eh..”

Ngumiti lang ako.

Bumili kami ng isang dosena tapos..

“Teka.. pikit ka muna..”

Alex: “Ganun?”

Tapos dahan-dahan ko siyang inalalayan papuntang lagoon. Maganda dun madaming
puno saka mahangin.

“Ayaan.. Sige.. Okay na..”

Alex: “Woow.. Ikaw gumawa nito?”

“Medyo.. May mga konting kasabwat ako..”

Sabay upo ni Alex dun sa mat.

Alex: “Ang saya naman picnic.. first time ko to..”

Tinabihan ko siya sa pag-upo.

“Pasensiyahan mo na yung iba diyan ah. Kasi.. Uh.. Ako nagluto kaya.. Di gaano.. Alam mo na.. kasarap..”

Ngumiti si Alex.

Alex: “Sus.. Kahit isaw nga lang.. kuntento na ko..”

Dun lang kaming dalawa hanggang mga hapon. Mga 3 pm nag-ayos na kami.

“Tara..”

Alex: “O bat nandito na kotse mo?”

“Sabi ko sayo.. May mga kasabwat ako..”

Alex: “Asus..”

Nilagay ko yung mga gamit sa likod.

Alex: “So uwian na?”

Sabay kindat ko sa kanya.

Hinawakan ni Alex yung pisngi ko.

Alex: “You never fail to surprise me..”

Nagdrive ako hanggang baywalk sa Roxas Boulevard tapos pinarada ko sa may gilid.

Umupo kami dun sa may mga bench dun.

Tumingin ako sa watch ko.

“Ayan na.. malapit na..”

Alex: “Anong malapit na?”

“Di ba sabi mo? Gusto mo makapanood ng sunset..”

Kinuha ko at sabay hinawakan yung kamay nya.

“Gusto ko.. Sabay natin panonoorin..”

Alex: “Ang ganda pala talaga..”

“OO nga..”

Biglang napansin ko nakatitig sa akin si Alex.

“O bat ganyan ka makatingin..”

Alex: “Thank you..”

Sabay sandal niya sa balikat ko habang pinapanood namin yung sunset.

[/end of flashback]

Marami nang nangyari sa mahigit isang taon na yun.

Akala ko okay na lahat.

Pero minsan may mga bagay na lang na di mo inaasahan..

Mga bagay na nangyayari na babago sa takbo ng buhay natin…

at yun ang kinagulat ko..

Chapter 101:

Dali-dali akong tumakbo papasok ng kotse ko. Biglang lakas ng ulan. Buti na lang suot ko
yung jacket ko. Naiwan ko yung payong sa loob ng car eh. Nag-take out ako ng food namin ni Alex.
Nagparada ako sa labas ng Makati Med. Dumirecho akong I.C.U. Nandun sa labas si Alex. Nakasandal sa wall. Tulog.

Tinabihan ko siya’t tinignan.

“Hon..”

Maya-maya nagising na siya.

Ngumiti ako.

“Tara.. Kain ka muna..”

Nilabas ko yung burger na binili ko.

Tahimik lang niyang kinain yung sa kanya.

“Don’t worry everything will be alright..”

Tumingin siya sa akin sabay ngiti.

Mahigit isang linggo na nasa I.C.U yung mom ni Alex. Nahihirapan nga akong makita siyang ganun. Pag malungkot siya, siyempre malungkot din ako.

Kinuha ko yung kanang kamay niya.

“Dito lang ako.. Di kita iiwan..”

Maya-maya dumating si Kuya Tristan. Bumalik siya sa Pinas three days ago.

Kuya Tristan: “Kanina pa kayo dito.. Ako na muna magbantay sa kanya.. Lex, matulog ka muna sa bahay..”

Alex: “Ayaw ko.. Dito na lang muna ko..”

Kuya Tristan: “Tignan mo nga yang mga mata mo.. Mugto na o.. Please.. Pahinga ka muna.. Ayokong pati kaw.. may mangyari pa.. Toph, pakihatid naman siya o..”

“Oo naman.. Uh.. Alex?”

Tumayo si Alex at sabay kaming pumuntang parking lot. Pinayungan ko siya papuntang kotse ko. Sobrang lakas ng ulan. Mukhang may bagyo pa ata.

Tumingin lang si Alex sa may bintana sa labas.

Di ko maatim na makita siyang ganito. Inistart ko yung kotse.

Biglaan nga lahat ng nangyari. Parang kailan lang nung grumaduate si Alex. Sobrang saya ko nung nakita kong tanggapin niya yung diploma niya. Saka proud ako dahil crush ^^ laude ata tong si ‘hon’. Pero ilang araw matapos nun, sinugod sa ospital yung mom niya.

Magkasama kami nung time na yun nung tumawag yung dad niya. Dali-dali kaming nagpuntang ospital agad.

“Lex..”

Lumingon siya sa akin.

“Are you okay?”

Alex: “I guess..”

“Ang lakas ng ulan ah..”

Paliko na kami sa bandang kanan nang..

May nakasalubong kaming FX..

Dali-dali kong iniwasan agad..

*SCREEEEEEEEEEEEEECCCCCCCCCH*

Alex: “Toph?! TOph!!”

Di ko lam kung ano na nangyari. Basta naramdaman ko na lang yung pagtama ng ulo ko.

Wala akong maramdaman. Puro boses lang yung naririnig ko. Di ko pa masyado maintindihan. Di ko alam kung nananaginip ba ko o ano.

Alex: “Hon.. Please.. Do you hear me?!”

Nurse: “Miss.. Sa labas na lang po muna kayo..”

Sabay sarado ng pintuan ng emergency room.

Dumating si Kuya Tristan.

Kuya Tristan: “Lex, what happened..”

Niyakap agad ni Alex si Kuya Tristan. Iyak ng iyak.

Alex: “Ano bang nangyayari.. kuya.. Di ko na alam.. First, mom.. then.. him.. I cannot afford to lose them.. I can’t..”

Kuya Tristan: “Tahan na.. He’ll be fine.. Both of them..”

Naghintay yung dalawa sa labas ng emergency room. Mahigit isang oras din halos. Maya-maya lumabas din yung doctor.

Kuya Tristan: “Doc.. Ano pong nangyari..”

Doctor: “Let’s wait for a few hours.. Medyo maraming nawalang dugo sa kanya.. Saka malakas ang naging tama niya sa head.. Kaya we are not sure kung anong magiging response niya after the operation..”

Nilabas ako mula sa emergency room papunta sa isang kwarto.

Tahimik na pumasok si Alex at Kuya Tristan sa loob. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung kanang kamay ko.

Alex: “Pagaling ka ha.. Please..”

Hinawakan ni Kuya Tristan si Alex sa balikat.

Alex: “Hon.. I love you.. Sobra..”

Maya-maya nagring yung phone ni Kuya Tristan.

Kuya Tristan: “Hello? O.. Dad.. Uh.. Okay.. We’ll be there.. Lex, si Mom..”

Pumunta agad yung dalawa sa room naman ng Mom ni Alex.

Alex: “Dad, what happened..”

Dad ni Alex: “Kinausap ko si Fred (doctor friend nung mom nina Alex).. It’s been more than a week na nasa I.C.U siya.. Critical na yun.. The last resort he recommended was Dr. Winston na kinausap ko na rin kanina through phone.. Meaning we’re going back to California.. In 3-4 days siguro.. ang alis natin.. Aayusin ko lang ang pagtransfer ng mom niyo..”

Maya-maya umalis yung dad ni Alex at umuwi sa bahay para asikasuhin pa yung pag-alis nila.

Kuya Tristan: “Lex?”

Nakaupo lang si Alex sa labas ng I.C.U. Tulala.

Maya-maya biglang tumulo yung luha ni Alex.

Alex: “Anong gagawin ko, kuya.. Pano si Toph? I can’t leave him like this.. But I have to be with Mom..”

Kuya Tristan: “Di ko lam kung anong sasabihin ko.. Pero minsan ganun talaga.. kailangan natin mamili..”

Sinilip ni Alex yung mom niya sa may pinto sa labas.

Sabay hawak naman niya dun sa necklace na binigay ko.

###############################################

Chapter 102:

Kuya Tristan: “Lex.. Lex..”

Ginising ni Kuya Tristan si Alex. Nakatulog siya dun sa may couch sa tabi ng kama ko.

Alex: “Uh.. Ku-kuya..”

Kuya Tristan: “Breakfast mo o.. Kamusta na siya..”

Alex: “Thanks..”

Sabay hinga siya ng malalim.

Alex: “Di pa siya nagigising eh..”

Kuya Tristan: “Three Days from now na ang alis natin..”

Alex: “I know.. Nakausap ko na rin sina Marielle.. Sabi nila.. Kung sakali..”

Sabay tingin sa akin.

Alex: “Maiintindihan naman niya yun.. Pero ang kinakatakot ko.. pano kung.. di sya..”

Kuya Tristan: “Lex.. Wag ka mag-isip ng ganyan..”

Alex: “Di ko alam kung kailan ako makakabalik..”

Sabay hawak niya sa kamay ko.

Alex: “Hon.. sana bago ko umalis.. magaling ka na ha.. please.. di ko maatim na umalis na ganito ka..”

Kuya Tristan: “Teka, may saglitin lang ako sa labas ah.. Okay ka lang ba dito?”

Alex: “Okay lang..”

Lumabas si Kuya Tristan sabay sarado ng pinto. Tumayo naman si Alex sabay pasok ng C.R.

Dahan-dahan kong binuksan yung mata ko. Nung una sobra kong nasilaw dun sa lights, kaya napapikit ako ulit. Pagtingin ko, nasa kwarto ko. Walang tao.

Biglang bumukas yung pinto sabay pasok ni..

Mama: “IHO!!”

Sabay lapit sa akin ni Mama tapos may kasama siyang doctor? Uh. Malamang nasa ospital ako.

Mama: “Diyos ko.. Salamat po.. Anong pakiramdam mo?”

“Me-medyo mabigat ang pakiramdam ko. Ano bang nangyari? Si.. Si Alex?”

Ngumiti si Mama.

Mama: “Don’t worry.. she’s fine.. kanina lang andito yun ah.. Teka..”

Biglang bumukas yung pintuan ng C.R.

Napatingin sa akin si Alex. Natigilan siya. Tapos bigla na lang siyang umiyak.

“O, bat ka umiiyak?”

Tapos lumapit si Alex.

Alex: “Kasi.. ikaw eh..”

Mama: “Naku, panay ang bantay niyan sayo ah..”

“Siyempre. Mahal na mahal ata ako niyan. Halika ka nga dito..”

Sabay lapit sa akin ni Alex tapos pinunasan ko yung luha niya.

Lumapit sa akin yung doctor tapos chineck yung vital signs ko.

Doctor: “Mukhang okay ang operation ah.. Pahinga ka muna ngayong araw.. Bukas, makalawa.. kung okay na.. pwede ka na makalabas..”

Ngumiti ako.

Mama: “Wait lang.. Tatawagin ko lang Papa mo pati si Marielle..”

Sabay labas si Mama sa kwarto sabay sunod na rin nung doctor.

“Sorry..”

Alex: “San?”

“Nag-alala ka pa sa akin.Dumagdag pa ko sa iisipin mo..”

Alex: “Ano ka ba.. Ang mahalaga okay ka na..”

“Mom mo? Kamusta..”

Biglang tumahimik si Alex.

“Lex?”

Huminga siya ng malalim.

Alex: “We’re leaving..”

“Ano? Teka.. San?”

Alex: “Dadalhin namin si Mom sa States.. Dun sa doctor friend ni Mommy…”

Ngumiti ako.

“Bakit? Inaalala mo ba ko? Okay lang.. Para sa Mom mo yun eh..”

Alex: “Kasi.. Baka magtagal kami dun.. Dun na rin magpapagaling si Mommy.. Lahat.. Pwedeng.. weeks.. months..”

Natigilan ako.

“Natatakot ka ba para satin?”

Hinawakan ko yung kamay niya.

“Everything will be fine.. Trust me..”

Ngumiti lang si Alex.

Nakalabas ako ng ospital, kinabukasan. Nagpahinga lang din ako sa bahay ng buong araw, pag-uwi.

Nung sumunod na araw, gumising ako ng maaga. Nung una ayaw akong paalisin ng bahay nina Mama.

“Bukas na yung alis nila..”

Dumirecho ako sa ospital para samahan si Alex.

Alex: “Uy.. Dapat nagpapahinga ka ngayon ah..”

“Sobrang pahinga na nga yun eh.. Saka.. gus.. gusto kitang makasama eh.. bukas na yung..”

Sabay hawak ni Alex sa kamay ko at sandal sa shoulders ko.

“Baka di ko makayanang makita kang paalis sa airport.. Yung parang sa mga movies..”

Alex: “Sira ka talaga.. Di ka rin, naman makakasama kasi may class ka..”

“Lagi kang mag-iingat dun ah.. Yung gamot mo.. lagi mong dalhin..”

Alex: “Opo..”

Sabay tawa.

Buong maghapon lang kaming nasa ospital, nagbabantay. Nung mga 5 pm, dumating si Kuya Tristan.

Kuya Tristan: “Lex.. uwi ka na.. Maghanda ka na ng gamit mo..”

“Hatid na kita..”

Pagdating namin sa kanila..

“Brownout ba?”

Alex: “Oo nga.. Bat ang dilim?”

Pagpasok namin, dahan-dahang umilaw yung pathway papupuntang garden nila sa likod.

Sabay tingin sa akin ni Alex.

Alex: “Hon??”

Ngumiti lang ako.

“Shall we?”

Sabay abot ko sa kanya nung braso ko. Naglakad kami papuntang garden nila.

“Candlelight dinner for two?”

Alex: “Aba.. May ganito talaga ah..”

Pinaupo ko siya tapos kumain kami nung food na pinahanda ko. Kakuntsaba ko dito
yung utol niya.

Tawanan lang kaming dalawa. Nagsusubuan pa nga kami eh.

Nung biglang nagpalit yung music (instrumental), niyaya ko siyang sumayaw.

“May I have this dance..”

Tumayo si Alex sabay abot ng kamay niya.

Pumwesto kami sa gitna ng garden nila.

“Isa to sa favorite mo di ba?”

Alex: “Alam na alam ah..”

“You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know”

Ngumiti si Alex. Sabay kaming kumanta.

“Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know”

Hinawakan ko yung face niya. Tapos pinunasan ko yung papatak na luha sa left eye niya.

“I’ll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I’ll never go far away from you

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know..”

Kinuha ko yung kamay niya sabay patong sa chest ko.

“Hon.. Sana alam at nararamdaman mo yung sinasabi nito.. Mahal na mahal kita.. Distance will never change that..”

Niyakap ko siya ng mahigpit..

na parang walang bukas..

########################################

Mahigit isang taon na yung lumipas. Parang kailan lang nung umalis si Lex kasama yung pamilya niya.

Nung una, parehas kaming nag-adjust kasi medyo nasanay din kaming laging nagkikita o magkasama. Pero kahit papano, okay pa rin naman kaming dalawa. Tawagan pa rin. Kahit medyo gabi na kung tumawag ako sa kanya para lang makausap siya. Saka madalas pa rin naman magkachat kami pag may oras kaming dalawa.

Ang pinakamahalaga medyo okay na yung mom niya. Pero tuloy pa rin yung therapy niya hanggang ngayon. Dahil na-stroke yung mom niya. Medyo nahirapan ako para sa kanya kasi wala ako sa tabi niya pag nakikita niya yung mom niya na ganun.

Awa ng Diyos, okay na naman lahat. Minsan gusto ko itanong sa kanya kung kailan siya babalik pero ayokong isipin niya na minamadali ko siya.

Ako? Eto. Kakagraduate ko lang nung March at kakapasa ko lang din ng board exam nung June. Nagsimula na kong magtrabaho sa silang telecommunications company dito rin sa Makati bilang junior engineer.

RIIIIINNGG!

“Hello?”

Marielle: “Kuya?”

“O? Napatawag ka..”

Marielle: “San ka?”

“Naglulunch.. Break ko eh. Bakit?”

Marielle: “Uy. Mamaya ha. Kain tayo sa Villa Adore. Dinner.”

“Ah. Ganun ba? Anniversary nga pala nina Mama no.. Sige..”

Si Marielle. 2nd year college na rin siya ngayon sa UST. Medtech naman. May boyfriend na rin si Marielle ngayon si Warren. Mabait naman yung tao. Kaya okay na rin siya sa akin, di na rin naman ako masyadong strict sa kanya kasi malaki na rin
siya saka may tiwala naman ako dun.
Yun laging sabi sa akin ni Alex nun eh.

Trust.

Tiwala.

Kaya rin siguro nagtagal kaming dalawa ni Alex, kahit ilang kontinente pa yun layo namin.

Lumabas ako kasama ko yung officemate ko at bumalik na kami sa opisina. Tuloy pa rin ang trabaho. Medyo magaan pa lang naman yung mga ginagawa ko kasi tinetrain pa lang din ako.

Karamihan din naman ng kabatch ko nagtatrabaho na rin. Maliban kay Stephen, pagtapos niyang makapasa sa board exam sumunod na siya sa pamilya niya na nagmigrate na sa Canada.

Pakiramdam ko, lahat ng tao umaalis. Pero ganun naman talaga, parte ng buhay ang pagbabago.

Nung mga 5 pm na nag-ayos na ako ng gamit, at dumirecho sa kotse. Anniversary nina Mama’t Papa.

Anniversary din namin ngayon.

Four Years na kami.

At kahit ganito ang sitwasyon namin ngayon, masaya pa rin ako.

Sana nga lang nandito siya sa tabi ko.

Sana.

Inistart ko yung kotse at nagdrive papuntang Villa Adore. Pagdating ko dun, bago ko bumaba ng kotse sinubukan kong tawagan si Marielle. Pero walang sumasagot.

Bumaba na rin ako at pumasok sa loob ng restaurant. Tinignan ko kung nasan sila. Pero mukhang di pa ata dumadating.

Biglang may lumapit sa aking babae.

Receptionist: “Sir, may I help you?”

“Is there any reservation for Delgado Family..”

Tapos may tinignan siya tapos..

Nginitian niya lang ako.

Receptionist: “Yes sir. Sa rooftop po.. This way sir..”

Tinuro niya sa akin yung stairs tapos umakyat ako. Pagdating ko dun, ang ganda ung view. Pero wala pa rin sina Mama’t Papa.

Walang tao.

Pumunta ako dun sa may terrace overlooking lahat.

Kitang-kita yung buwan pati yung mga stars.

“Sana kasama ko siya.. Kailan kaya babalik yun..”

Tapos narinig ko bumukas yung pinto.

Malamang sila na yun.

“Kanina ko pa kayo hinihin—“

Paglingon ko..

Bumilis yung pagtibok ng puso ko.

Parang tulad ng dati.

Pinikit ko yung mata ko.

Baka naman nananaginip lang ako eh kakaisip sa kanya.

Pagbukas ko ng mata ko, nasa harap ko na siya mismo.

Dahan-dahan kong hinawakan yung face niya.

Biglang nag-clap siya.

Alex: “Huy! Ano ka ba? Para kang nakakita ng multo diyan..”

Sabay suntok sa braso ko.

“Totoo ba to?”

Alex: “Tama na.. O.A ka na ha..”

Sabay tawa.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Namiss kita.. Namiss ko yung ganito..”

Alex: “Ako rin.. Kaya nga kahit kakarating ko lang kanina, dumirecho agad ko dito.”

“Bat di ka man lang nagsabi..”

Alex: “Kaya nga surprise eh.. Sinabihan ko si Marielle na wag sabihin sayo..”

Tinitigan ko siya.

Alex: “O bat ka ganyan makatingin..”

“Wala.. Sa wakas, di puro sa picture na lang ako nakatingin..”

Alex: “Tsk..Tsk.. Siguro, pati picture ko kinakausap mo din no?”

“Hindi naman.. Medyo..”

Sabay tawa kaming dalawa.

Alex: “Alam mo, sa totoo lang, natakot ako..”

“Bakit naman..”

Alex: “Baka kasi.. ano.. di ba mahirap ang long distance relationship.. baka makanahap ka ng iba.. basta..”

“Ang paranoid mo talaga..”

Alex: “Totoo naman di ba.. di natin alam ang pwedeng mangyari..”

“Eh ano bang nangyari..”

Ngumiti siya.

Alex: “Tayo pa rin..”

“Halika ka nga dito..”

Sabay akbay ko sa kanya.

“Ayan ah.. Witness yang buwan saka lahat ng bituin..”

Huminga ako ng malalim.

Sabay sigaw ko.

“Mahal na mahal ko si Ms. Alexandra Santillan!!”

Alex: “Ano ka ba..”

“Ikaw kasi eh.. Alam mo.. Dapat tandaan mo.. na hindi kita pagpapalit kahit kanino.. Saka.. Bat pa ako maghahanap ng iba kung nakita ko na yung matagal ko nang hinahanap.. Ako nga rin.. kinabahan ako baka may makitang kano dun eh..”

Alex: “Sus naman.. Eh sa gwapo ba naman, sa sobrang bait, at lahat lahat na ng boyfriend ko.. Kuntento na ko..”

“Naks naman..”

Sabay tawa kaming dalawa.

“Alam mo dati pinagdadasal ko kay Lord.. Sana ikaw na.. Sana ikaw na.. Pero ngayon alam ngayon hindi na..”

Alex: “Ha?”

Ngumiti ako.

“Sabi ko.. Lord, Siya na po.”

Sabay yakap niya sa akin.

“Ano.. tara kain na tayo? Kaya pala dalawa lang yung upuan ah..”

Alex: “Siyempre.. Pero teka lang..”

Sabay hawak niya sa kamay ko.

Alex: “Gusto ko lang malaman mo .. kung gano ko kasaya na nakilala kita.. at naging parte ka ng buhay ko.. Happy Anniversary..”

Sabay abot niya sa kin nung box.

Pagbukas ko, keychain tapos may nakanengrave na pangalan naming dalawa tapos sa likod. Yung date kung kailan naging kami tapos may nakasulat na

Destiny.

Kiniss ko siya sa forehead.

“I love you..”

Alex: I love you..”

Sabay tingin ko sa kanya sa face.

Nagkalapit yung mukha namin.

Then I kissed her.

Under the moon and the stars.

Like it was our first.

….THE END….

18 Comments »

  1. tnx natapos din tnx sa pag updtae tol

    Comment by bm — May 14, 2008 @ 9:31 am

  2. ano pla name mo sa ran

    Comment by bm — May 14, 2008 @ 9:31 am

  3. redskie po sa havoc
    rhyzel sa TALA =D

    Comment by melfabro — May 15, 2008 @ 9:16 am

  4. pd po palagay ng pics ? ?

    Comment by jay — August 13, 2008 @ 11:38 am

  5. try ko po

    Comment by melfabro — August 16, 2008 @ 9:39 pm

  6. ung ch41-50 kulang. nde ko mkita ung ch42-50..bitiin

    Comment by ching — August 22, 2008 @ 11:44 pm

  7. wla ba, cge check ko

    Comment by melfabro — August 24, 2008 @ 8:44 pm

  8. weeeee^_^! na impress ako natulala na din me even some part of this story was crazy haha… Comments:but u better watch what u wer writing un lng tol from:adik sa ran66 since2006 naks!

    Comment by unknown? adik66 — October 17, 2008 @ 11:26 am

  9. hahaha ang ganda pre!!
    ang astig ng story…
    wala pu bang alab senyu?? enge naman gamit jan..jejeje
    Gudw0rk!!

    Comment by flyn28 — March 29, 2010 @ 3:50 pm

  10. thanks…
    tagal ko na di naglalaro eh limot ko na nga mga account hehe

    Comment by melfabro — March 29, 2010 @ 8:11 pm

  11. pre wala parin 42-50.. T_T
    please pre pa post naman nun..yoko kc skip eh…
    nakaka adik pre..

    Comment by flyn28 — March 30, 2010 @ 8:36 pm

  12. ui sorry hehe, ngsyon ko lang napansin missing nga chapters na to Thanks.

    I’ve updated it medyo wla nga lang formatting, madalian eh nasa office hehe

    Comment by melfabro — March 31, 2010 @ 10:45 am

  13. uy improving ah..jeje
    pare ok lang ba sayu gawa ako ng komiks nito???

    Comment by flyn28 — April 1, 2010 @ 5:57 pm

  14. sakin no problem pre, nakita ko lang rin saomewhere to tpos nagandahan ako kaya nilagay ko dito sayang nga di nakalagay dun yung author

    Comment by melfabro — April 1, 2010 @ 9:04 pm

  15. 43,44,46 idol pa complete na po ^_^
    di pu sa minamadali…
    gustu ku lang poh talaga ma reveal yung mga wala ^_^
    peace ^^<

    Comment by flyn28 — April 16, 2010 @ 3:47 pm

  16. ayus na po… wrong numbering tpos may isa nga chapter di nalagay 🙂

    Comment by melfabro — April 16, 2010 @ 9:49 pm

  17. naku!!…
    thanks fuh talaga sa lahat..
    sori din pu sa kakulitan ku..
    sobrang astig talaga kc ng story kaya yun…naadik ako, at ayoko may ma miss.
    sori pu talaga..
    thanks a lot

    Comment by flyn28 — April 18, 2010 @ 9:23 am

  18. no prob. na-adik din ako dyan, khit ngayon inuulit ko pa din basahin hehe

    Comment by melfabro — April 18, 2010 @ 9:34 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Blog at WordPress.com.