`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch41-50

Chapter 41:

“Haaay.. Napagod ako..”

Kakagaling ko lang ng school. Dire-direcho yung class ko. Tapos, ang sakit ng kamay ko kakagawa ng plates namin kanina. Ang hirap. Drawing ka. Tapos pag mali ng onti. Erase. Drawing ulit.

Naligo ako at nagpalit ng damit tapos humiga sa kama. Nagulat ako nagvibrate yung phone ko.

From: +63915*******
c alex 2. san ba tau magiinterview? common pipol daw di ba?

Si Alex pala. Oo nga pala. Bukas na pala yung interview namin. Kailangan ko pa pala hanapin yung videocam namin.

To: +63915*******
kaw kht san..

From: +63915*******
gus2 mo around makati n lng din.. hassle sau kung pupunta ka png skul..

To: +63915*******
cge. puntahan n lng kta s inyo..

From: +63915*******
ako na lang punta.. diyan.. ano b address nyo? kc may dala kng video cam d b? tpos mgcocommute k lng hrap n tsong..

Napag-isip-isip ko, may punto siya. Tinext ko na rin yung address ko sa kanya. Maya-maya di ko namalayan.. papikit-pikit na yung mata ko. Hanggang sa nakatulog na ako.

*TOK.. TOK.. TOK.*

Nagising ako dun sa katok sa pintuan ko.

“Pasok..”

Bumukas yung pinto.

Ate Tess: Di ka pa ba babangon JC?

Nagising na ako ng tuluyan pagkasabi niya. Tumingin ako agad sa wall clock ko. 7:45 na!

Kinuha ko yung twalya ko at damit tapos direcho agad sa banyo. Binuksan ko yung shower.. Kaso..

“Pucha.. Wag mong sabihing..”

Binuksan ko yung pinto, at sumigaw ako.

“Ate Tess, Walang tubig dito sa taas..”

Haay.. Sana narinig ako.

Maya-maya kumatok na si Ate Tess sa banyo. Tapos narinig ko siya nagsalita

Ate Tess: Iho.. Wala ng tubig eh.. Sa banyo ka na lang sa baba maligo..

Nagtapis ako agad ng twalya at bumaba ng hagdan. Nanlaki yung mata ko.

“ALEX?!” <!–[if gte vml 1]&gt; &lt;![endif]–>Shocked

Tapos napatingin ako sa katawan ko. Nakatwalya lang ako.

Nagulat si Alex tapos biglang talikod.

Alex: Uh..

Biglang dumating si Ate Tess.

Ate Tess: O iho..

Tapos tumingin ako sa kanya.. Sumenyas ako at tinuro ko si Alex. Bat di niya sinabi na nasa baba siya?!

Bumulong siya sa akin.

Ate Tess: Sorry.. Nawala sa isip ko.. Sige dali.. punta ka na sa banyo..

Tumakbo agad ako sa banyo dala-dala yung damit ko at nakatapis lang twalya.

Pagdating ko sa banyo. Humarap ako sa salamin. Huminga ng malalim.

Ano ba naman. Eh sarili ko ngang utol di pa ako nakita kahit half-naked eh. Tapos.. ganito.

“Haay.. si Alex pa talaga ang unang nakakita ng six-pack ko.. Pinakatagu-tago ko naman to..” <!–[if gte vml 1]&gt; &lt;![endif]–>Roll Eyes<!–[if gte vml 1]&gt; &lt;![endif]–>Tongue

“Uy.. narinig ko yun..”

Nagulat ako nagbukas yung pinto sumilip si Ate Tess.

Ate Tess: “Okay na.. Yung tubig.. Maligo ka na at baka maubusan ka pa..”

“Sige po..”

Ate Tess: “JC.. Six-pack ka diyan.. Nangarap ka pa..”

“Ate Tess naman o!”

Sabay sarado niya ng pinto. Binuksan ko na yung shower at naligo. Napahawak ako sa abs ko.

“Bakit ba?

Chapter 42:

Nagbihis na ako ng panlabas at nag-ayos. Bumaba ako at pinuntahan si Alex.

“Sorry ah.. Di ko kasi alam na nasa baba ka..”

Alex: “Uhmm.. Okay lang..”

Parehas kaming natahimik.

“Uh.. So.. Halika na?”

Alex: “Sige.. Tara na..”

“Sino ba gusto mong interviewhn?”

Alex: “Naisip ko yung guard niyo sa village..”

“Okay.. Lakad na lang tayo papunta dun..”

Alex: “Okay lang..”

Habang nalalakad kami, tahimik lang.

“Uh.. So Okay ba?”

Alex: “Anong okay?”

“Pwede na bang pang-model yung katawan ko?”

Tumawa siya. Buti naman kasi nakakabasag tenga yung walang nagsasalita sa amin eh.

Alex: “Asa ka pa..”

“Bakit ba? Malay mo..”

Alex: “So.. mustah na ang the moves mo ha? Umaabante ba naman?”

“Haay.. naku.. kayo kasi.. Pero okay naman..”

Tapos kinuwento ko yung ginawa ko.

Alex: “Aba.. nag-iimprove ka ng.. uhmm.. konti..”

“Hanggang dito pa lang kayo ko.. Di ko pa kaya sa ngayon na alam mo na.. sabihin sa kanya..”

Nilapitan namin yung guard. Nagtanung-tanong kami. Tapos nag-video kami sa mga usual na ginagawa niya. Bukod sa kanya, nag-interview din kami ng Metro-Aide tapos isang teacher dun sa malapit na pre-school sa amin. May nakilala kaming panadero din tapos ininterview din namin.

Pagtingin ko sa relo ko. 11:00 na halos.

“Tara, balik muna tayo sa bahay.. Dun ka na maglunch..”

Alex: “Ha? Uh.. Okay lang ba sa inyo?”

“Sus.. Okay lang yun.. Mas gusto nga ni Ate Tess yun.. Mas maraming kumakain ng luto niya..”

Nakarating kami sa bahay ng mga 11:30. Nakahain na yung pagkain sa table.

Alex: “Uh.. Toph.. San ba yung CR?”

“Direcho ka lang.. Tapos kaliwa..”

Ako naman… kumuha ng tubig sa may kitchen. Tapos sinundan ko si Alex.  Pagtingin ko naman sa CR. Walang tao.

“Ha? Nasan na yun?”

Nagulat ako biglang may kumatok dun sa loob ng pintuan at sa may katapat.

“Hala.. Wag mong sabihing..”

Alex: “Help.. Na-lock ako.. Tulooong!!”

Lumapit ako sa pinto.

“Alex?? Wait lang..”

Sinubukan kong buksan yung pinto pero ayaw pa rin.

“Teka ah.. Kunin ko lang yung susi..”

Hinanap ko yung susi. Kaso isang bungkol ng mga susi yung nakasabit dun! Ano ba naman to?!

Kailangan ko pa isa-isahin. Bumalik ako sa may pinto at inisa-isa yung mga susi.

Alex: “Bilisin mo.. Ang dilim kaya dito!”

“Hala ka.. May mumu pa naman diyan..”

Alex: “Ah ganun ah.. patay ka sakin pag nakalabas ako dito..”

“Bat ka naman kasi napunta diyan ah..”

Alex: “Malay ko ba.. Pumasok ako dito tapos biglang nagsara yung pinto?!”

“Eto na.. Eto na..”

Maya-maya nabuksan ko yung pinto.

Alex: “Haay.. Salamat..”

“Ayan.. Okay na.. Halika na nga..”

Alex: “Uh.. Wait.. Kaninong gitara yun? Nag-gigitara ka?”

Sabay turo niya dun sa gitara sa dulo ng kwarto.

“Hindi na masyado eh.. Hindi sa akin yan.. sa kuya ko..”

Lumapit ako at kinuha yung gitara. Medyo inaalikabok na. Pero sinubukan kong tugtugin.. gumagana pa naman.

Alex: “Tara.. Tamang-tama ikaw tumugtog mamaya..”

“Ha? Ayoko nga.. Saka ano..”

Alex: “Sige na.. Wala ka namang gagawin dito eh..”

“Uh..”

Tapos hinila ako ni Alex kaso biglang ..

*BLAG*

Nabunggo niya yung isang box, nahulog tuloy yung laman.

Alex: “Oops.. Sorry..”

Tapos inayos niya at nilagay ulit sa loob.

“Wait.. Ano ba yan?”

Tinignan ko kung ano..

Alex: “Ewan ko.. Parang mga sulat..”

Tinignan ko yung sinasabi niyang sulat.. Nagulat ako nung nabasa ko yung sobre..

“To: Lester… From: Pia..”

Chapter 43:

Alex: “Huh? You mean.. Galing yan sa gf nung kuya mo?”

“I think so..”

Binuksan ko yung isang letter..

Lester,
Thanks sa letter. Parang kanina lang eh magkausap tayo eh no. Tinanong nga nung nurse kung sino yung kausap ko ng pagkatagal-tagal. Nagulat nung sinabi ko na sa isang room sa third floor. Pagaling ka na ah. I love you. I love you. I love you.

Tinignan ko yung date. Eto yung time na nasa ospital si  Kuya Lester. All this time nagsusulatan sila. At anong ibig sabihin nun nasa iisang lugar sila? nasa ospital din si Ate Pia?

Pia

Binuksan ko na naman yung isang letter at yung isa pa at isa pa. Dalawang sobre na lang ang hindi ko pa nababasa. Binuksan ko yung isa..

Lester,
Gusto kita puntahan diyan sa kwarto mo pero sabi ng doctor di ako pwedeng maglakad-lakad lalo na malapit na operasyon ko.. Sa makalawa na.. Natatakot ako, Lester. Bakit ganito? Kung kailan kailangan natin ang isa’t isa, sabay pa tayong nagkaganito. Sabi ng doctor, pagkatapos ng brain operation ko baka maging okay na ang lahat.. sana.. Ikaw ah. Maaga ka matulog ah.. Nung isang araw lang yung transplant mo hindi ba? Ingat parati. Inom ka ng gamot saka kumain ng marami ah. I love you.

Pia

Tapos huli kong binasa yung isang letter, pagtingin ko dun sa date, eto yung araw na.. araw na nagpaalam si kuya..

“Wait.. Iba na ata to..” Iba yung sobre eh. Pagtingin ko dun sa sobre, nakasulat dun sa likod.

To the girl I love the most.. Pia..

Kay kuya na to galing ah. Binuksan ko at binasa yung sulat…

Pia,
Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ang kulit ko ba? Gusto ko sabihin na paulit-ulit sayo.. Gusto kita puntahan pero ayaw rin ako payagan nung nurse. Para tayong si Romeo and Juliet no?

I am trying to fight and hold on.. You should too.. You must.. Not just for me.. but for yourself.. for your family and everyone who loves you..

Huwag ka mag-alala sa operation. Kaya mo yun. Ikaw pa. Fighter ka di ba?

I may leave.. but that doesn’t mean that it’s the end.  I’ll always be here.. I’m not saying goodbye.. I’m just telling you how much you mean to me.. how much I love you..

I love you. I really do.

Lester

Alex: “Ano ba kasi yan? Ang dami mo na nabasa ah.. Patingin nga..”

“Wait.. Kailangan ko makausap sina Mama.. Tawagan ko nga..Alam kaya nila to?”

Tumayo ako at naglakad palayo.

“Alex?”

Alex: ‘Teka.. handwriting ng tita ko to ah..”

Chapter 44:

“Ha? Di nga?”

Alex: “Oo.. Kilala ko handwriting nun..”

“You mean.. Yung tita mo yung gf ni kuya?”

Alex: “Siguro nga.. Di ko alam yung tungkol dun kasi bata pa ko eh saka bihira ko makita si tita nung bata ko.. ang alam ko lang nagkasakit nga siya tapos pumunta na sa Canada at nagka-amnesia ata or something..”

“So that explains everything..”

Alex: “Uh? Ano ba yung hawak mo?”

Napatingin ako dun sa sulat ni kuya lester.

“Teka,  kung lahat nasa box puro galing kay ate pia bukod dito. Ibig sabihin..”

Alex: “..hindi pa nababasa ni tita yung letter?”

“Tama.. Kaya kailangan mabasa niya.. Nasan na ba yung tita mo?”

Alex: “Wala siya sa bahay eh.. Teka, sa makalawa na yung alis nun eh..”

“Hmm.. Bukas.. Kailangang makausap natin siya..”

Alex: “Uh.. Okay..”

“Tara na.. kain na tayo..”

Alex: “Sige.. this time sa C.R na ako pupunta..”

Tapos lumabas na ako agad dun sa kwarto dala-dala yung box ng mga sulat at pinatong sa sahig sa may living room. Maya-maya, nagulat ako biglang may narinig akong nag-strum ng gitara galing sa kwarto.

Napatigil ako. Bumalik ako dun sa kwarto, dahan-dahan ko binuksan yung pinto. Walang tao. Ang dilim. Kinabahan ako bigla..

“Kuya?!”

Tahimik pa rin.

“Walang ganyanan..”

Alex: “Mumu daw ah?”

Nagulat ako biglang bumulaga sa mukha ko si Alex hawak-hawak yung gitara.

“Ano ka ba naman?! Akala ko kung ano..”

Alex: “Pahiram ah..”

Huminga ako ng malalim.

“Di pwede..” Tapos kinuha ko yung gitara.

Alex: “Ha? Babalik ko bukas..”

Ngumiti ako.

“Ako na lang.. Ako na lang tutugtog..”

Chapter 45:

Ma’am J: “O.. Mr. Delgado.. Ms. Santillan.. Buti nakapunta kayo..”

Alex: “Oo nga ho.. Ano po bang pwedeng maitulong..”

Ma’am J: “Nagmemeryenda sila ngayon eh.. Aba. Okay ah. May gitara kayong dala.. Kung gusto niyo tumugtog kayo habang kumakain sila.. Punta kayo sa may harapan..”

“Okay lang ho.. Tara Alex..”

Alex: “Bakit? Eh ikaw lang namang tutugtog..”

“Ganun? Sinong kakanta.. Ikaw kaya..”

Alex: “Bat ako??”

“Bat hindi ikaw? Halika na nga..”

Hinila ko siya papuntang harapan. Inayos ko yung mike tapos inabot sa kanya yung isang mike.

“Magandang hapon po.. Nais po sana naming handugan kayo ng kanta..”

Alex: “Ayoko ko talaga… Ikaw na.. Go Toph..”

“Ah ganun.. Di ba ho gusto niyong marinig kumanta tong kasama ko?”

Lolo: “Aba’y oo.. Kagandang dilag..”

Palakad na si Alex palayo nung nagsipalakpakan yung mga lolo’t lola. Tumingin sa akin si Alex. Ang sama ng tingin. Bumalik siya tapos kinuha yung mike.

Alex: “Patay ka sa akin mamaya..”

Lola: “Galingan niyo ngay.. Duet ba.. Yung paborito namin ni Jose.. Ano nga bang pamagat nun mahal.. yung tinugtog dire sa atin..”

Alex: “Oo nga naman.. dapat kakanta rin si Toph.. Di ba?”

Ngumiti si Alex. Nang-aasar. Naku po naman.

“Hinde na.. kaya mo yan alex.. Go Alex..”

Alex: “Ah hinde.. Papayag ba kayo na hindi marinig ang napaka.. gandang boses ng kasama ko?”

Nagsigawan yung mga matatanda at pumalakpak. Haay naku.

“Sige na.. sige na..”

Lumapit yung isang babae sa amin at bumulong sa amin.

Miss: “Yun kasi yung tinugtog sa kanila nung isang banda dati.. Nagustuhan nina Lolo Jose saka Lola Magda..”

Alex: “Alam mo ba tugtugin yun..”

“Oo.. Ikaw lam mo lyrics..”

Alex: “Okay lang.. duet naman eh..”

Humarap ako at nagsalita sa mike.

“Eto na po.. Para kay Lolo Jose at Lola Magda..”

“Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kailan ang aking puso’y mayron nang laman..”

Alex: Sana’y nalaman ko na darating ka sa buhay ko
‘Di sana’y naghintay ako..

“Ikaw sana..”

Alex: “ikaw sana..”

ang aking yakap-yakap

Alex: “ang aking yakap-yakap..”

“Ang iyong kamay..”

Alex: “ang iyong kamay..”

“ang aking laging hawak..”

Alex: “lagi ang aking hawak..”

“At hindi kanya..”

Alex: “at hindi kanya..”

“Bakit ngayon..”

Alex: “bakit ngayon ka lang..”

“ka lang dumating sa buhay ko..”

Alex: “dumating sa buhay ko..”

“Pilit binubuksan”

Alex: “pilit binubuksan..”

“ang sarado ko nang puso”

Alex: “ang aking puso..”

Ikaw ba

Alex: “ikaw ba’y..”

“ay nararapat sa akin”

Alex: “nararapat sa akin..”

“At siya ba’y”

Alex: “at siya ba’y..”

“dapat ko nang limutin”

Alex: “dapat limutin..”

“Nais kong malaman”

Alex: “nais malaman..”

“bakit ngayon”

Alex: “bakit ngayon lang..”

“ka lang dumating”

“Nais kong malaman”

Alex: “nais malaman..”

“ba’t ngayon”

Alex: “bakit ngayon lang..”

“ka lang dumating..”

Palakpakan naman yung audience namin.

Lola Magda: “Kaganda..”

“Isang kiss naman diyan lolo kay lola..”

Sigawan yung mga matatanda nung hinalikan nina Lolo Jose si Lola Magda. Kinikilig din pala ang mga matatanda.

Pumunta kaming dalawa sa mga kaklase naming iba.

“May future ka rin pala sa pagkanta kala ko hanggang banyo ka lang..”

Alex: “Ang kapal mo no.. May mga offers nga ko dati.. tinanggihan ko lang..”

“Asus.. Imbento..”

Alex: “Joke lang..”

“Seryoso.. Maganda boses mo..”

Alex: “Well.. Ikaw din magaling mag-gitara saka may bubuga ka rin sa pagkanta..”

“Haay.. Mahirap talaga pag talented..”

Sinuntok ako ni Alex sa bandang kanang braso. Yung mahina lang naman..

Alex: “Ang feeling mo.. haha..”

“Aray.. Aray.. ”

Alex: “Ha.. Naku sorry.. Mahina lang naman yun ah..”

“Ang lakas mo… Pwede mo na talunin si Pacquiao..”

Alex: “O.A ah.. haha..”

Chapter 46:

Stephen: “Talaga.. Akalain mo.. Yung tita ni Alex yung Pia na sinasabi mo?”

“Oo nga eh.. Akala noon baka kamukha lang…”

Stephen: “Kailan niyo ba kakausapin..”

“Baka mamaya siguro.. Pupuntahan ko sana kina Alex..”

Stephen: “Good Luck.. Di kaya magulat yun sa sasabihin mo?”

“Siguro..”

Stephen: “Sige, punta na ako class ko.. Ikaw?” Sabay kuha ng bag niya.

“Wala ako class ngayon eh.. Wala yung prof. kasi kakaexam lang namin nung isang araw di ba? Punta na lang muna akong tambayan..”

Stephen: “Sige.”

Naglakad kami sabay ni Stephen pero naghiwalay din kami. Ako dumirecho na sa tambayan.

“Pssst.. Psstt..”

Habang naglalakad ako, may naririnig akong sitsit. Di ko naman pinapansin.

“Uy..”

Tumigil ako tapos lumingon. Parang tumigil na naman yung paghinga ko.

“La-Larisse.. ikaw pala..”

Larisse: “Akala ko hindi ikaw yan.. Di ka naman lumilingon.. Punta ka ring tambayan?”

“Akala ko kung sino eh.. sorry.. Ah.. oo..”

Tahimik lang kaming naglalakad. Pagdating namin sa tambayan, wala kaming co-applicants. Haay. Awkward na naman to ah.

Larisse: “Uhmm.. Naglunch ka na ba?”

“Di pa..”

Larisse: “Tara.. Canteen tayo..”

“Si-sige..”

Kinuha ko yung panyo ko. Pinagpapawisan ata ako.

Pumila na kami dun para mag-order. Ang cute niya ngumiti talaga. Haay..

Larisse: “Toph? Ano orderin mo?”

“Ah..” Tumingin ako kung anong merong ulam. “Ayun na lang siguro..” Tapos tinuro ko yung beef steak.

Larisse: “Parehas pala tayo.. Fave ko yan eh..”

Ngumiti ako.

Nauna siyang nakakuha ng order niya sa akin. Hinintay ko yung sukli ko tapos sinundan ko siya dun sa table na pinili niya.

Larisse: “Binigay ko na pala kay Hannah yung list nung dates.. Baka mag-meeting daw tayo lahat para i-open up kung kailan gusto gawin yung outreach..”

“Ah..”

Nagsimula na kaming kumaing dalawa.

Larisse: “Uhmm.. Madalas ko kayo nakikita ni Alex ah.. Kayo ah.. Nililigawan mo ba?”

Muntik na akong mabalaukan dun ah. Uminom agad ako ng iced tea.

“Huh? Hi-hinde.. Friends kami nun.. saka kaklase ko kasi siya sa isang subject at groupmate din..”

Larisse: “Oh.. sorry.. Kala ko kasi.. malapit na magka-boyfriend si Alex..”

“Ah.. Bakit naman..” sabay subo ko ulit.

Larisse: “Di pa nagkakaboyfriend yun eh.. Ayaw pa niya.. May mga nanligaw din sa kanya dati pero wala eh.. Saka strict ata family niya.. only girl kasi..”

“Uh.. Ganun ba kasi siya dati pa?” sabay subo ko ulit.

Tumawa si Larisse.

Larisse: “Uhmm.. Medyo mataray nga yan.. Pero mabait talaga siya.. Medyo boyish nga kumilos siguro kasi mga lalake yung madalas niyang kasama niya mula pagkabata.. puro lalaki ata yung mga relatives niya..not sure..”

“Halata nga..”

Larisse: “Uh.. Toph..”

Nagulat na lang ako biglang lumapit sa akin si Larisse.

Ayan na.

Palapit na ng palapit yung mukha niya

Kinabahan ako bigla.

Napaatras ako.

“Ba-bakit?”

Tapos biglang pinunasan niya yung gilid ng lips ko.

Larisse: “May sauce ka kasi sa ano mo..”

Tapos ngumiti siya.

“Uh.. Thanks..”

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano.

“Ah.. Ehem..”

Napalingon kaming dalawa ni Larisse.

Larisse: “Uy.. Stephen..”

Pagtingin ko kay Stephen. Todo ngiti.

Naku po, nakita niya ata. Haay..

Chapter 47:

Stephen: “Talaga naman.. Alam mo yung reaksyon mo kanina? Ang kulet pare.. Ano bang akala mo.. hahalikan ka niya? hahaha.”

Sabay tawa siya. Sabi ko na nga ba eh. Bat kasi di pumasok yung prof. ni Stephen?? Haay naku. Eto palakad na kaming dalawa. Naiwan si Larisse sa may tambayan. Papunta na kaming next class namin.

“Hinde ah.. Nagulat lang ako..”

Stephen: “Kunyari ka pa.. haha..”

“Sige.. Dito na ko..”

Stephen: “Sige.. Di ko talaga makakalimutan yung eksena mo kanina.. hahaha..”

“Sus.. magtigil ka nga..”

Pumasok na ako sa room. Wala pa yung prof ko. Pero as usual nandun na ang mga ka-group ko.

Mara: “Ano nangyari? Marami ba kayong nainterview kahapon?”

“Oo marami-rami din.. Saka kinuhan rin namin ng video yung event kahapon..”

Emm: “Nagpunta ka? Kayong dalawa?”

“Oo.. Masaya nga eh..”

Maya-maya dumating na si Alex.

“Uh.. Alex!”

Alex: “Bakit?”

“Nasabihan bo yung tita mo?”

Alex: “Naku po.. sorry.. nawala sa isip ko talaga.. Pero di naman aalis ng bahay yun kasi mag-aayos na ng gamit yun dahil bukas na alis niya..”

“Ganun ba..”

“Good afternoon, class..”

Biglang pumasok yung prof. namin sabay patong ng mga gamit niya sa table. Ngumit siya.

Ma’am J: “Gusto ko lang mag-thank you sa mga nagpunta kahapon.. Sobrang natuwa yung mga lolo’t lola sa ginawa natin..”

Nagulat ako nung tumingin ng direcho sa akin si Ma’am.

Ma’am J: “At syempre, palakpakan natin si Mr. Delgado.. Ilang beses siya tumugtog dahil panay request nila.. At saka magaling din pala siya mag-magic tricks ah.. turuan mo nga kami..” sabay tawa siya. “Pati rin si Ms. Santillan na kaduet pa ni Mr. Delgado….”

Nagkatinginan kami ni Alex sabay ngiti. Patuloy na nagsalita at nag-thank you si Ma’am sa mga nagpunta. Enjoy naman talaga kahapon eh. Nakakalungkot lang na pinabayaan sila ng mga pamilya nila.

Pagkatapos nag-discuss lang ulet si Ma’am. Pagkatapos kaming idismiss, nilapitan ko si Alex.

“Uwi muna ko saglit.. tapos punta ko sa inyo..”

Alex: “Sige.. text text na lang..”

Sumakay na ako ng jeep at direchong uwi na sa bahay. Kumain muna ako at nagmeryenda. Nagpalit ako ng t-shirt at naghilamos. Tinignan ko yung wall clock.

“5:30 na.. punta na siguro ko..”

Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko, si Alex? Tumatawag. Sinagot ko nga.

“Hello?”

“Toph.. Si Alex to.. Kasi ganito.. Wala si tita dito eh.. Ewan ko nga eh.. sabi nung maid di nagsabi kung saan..”

“Ano? Sige.. Text mo na lang ako ulet..”

*DING DONG*

Mama: “Ako na sasagot nun..”

Binuksan ni Mama yung pintuan.

Mama: “Sino sil..”

Nagulat ako bat parang natulala ata si Mama. Nilapitan ko siya.

Pagtingin ko..

Yung tita ni Alex.

Si Ate Pia.


Chapter 48:
“Ma?”

Ate Pia: “Hello po.. Di ko lam kung bakit pero sobrang familiar nitong place na to.. Teka.. Di ba kaw yung kaibigan nung pamangkin ko?”

“Pasok po kayo..”

Mama: “Sige.. kukuha lang ako ng maiinom..”

Umupo kami dun sa may living room. Maya-maya bumalik si Mama na may dala-dalang isang pitsel ng iced tea.

Ate Pia: “Alam ko po ang weird.. You must think I’m crazy.. pero basta nung napadaan ako dito.. Parang may nagsabi sa akin na bumaba ako.. Ang hirap po i-explain.. Kasi ang alam ko may mga bagay akong hindi maalala eh.. Kasi nagsakit po ko tapos..”

“Nagka-sakit ka sa brain.. tumor.. pero inoperahan ka.. kaso ang side-effect nun amnesia.. tapos dinala ka sa Canada..”

Ate Pia: “Pano mo nalaman yun..”

Tumayo ako at kinuha ko yung box.

Mama: “San mo nakuha yan.. Bat ngayon ko lang nakita yan?”

“Siguro, hindi lang natin napapansin kasi nasa kwarto eh nakatambak.. You mean di mo alam na nagkasakit siya..”

Mama: “Hinde eh.. Wala kasing nababanggit si Lester sa akin.. Ayoko namang itanong yun tungkol sa kanya.. Alam mo naman may sakit na rin siya nun..”

Inisa-isa niyang basahin yung mga sulat.

Ate Pia: “Oh my.. Lester? Sino siya? Boyfriend ko?”

Nagkatinginan kami ni Mama.

Ate Pia: “Nasan na siya?! Kailangan ko siya makita.. After all these years..”

Mama: “Wala.. Wala na siya..”

Ate Pia: “Asan.. Lumipat na ba siya?”

Iniabot ko yung huling sulat ni Kuya Lester sa kanya.

“Here.. Hindi na niya napabigay sayo..”

Habang binabasa niya yung sulat, kita ko yung pagpatak ng luha niya.

“He died.. the same day you were about to undergo your operation..”

Tahimik lang kami. Pinagmamasdan namin siya habang umiiyak.

Kinubukasan, pagkatapos ng klase. Dumirecho uwi na ako. Nagbihis ako at sabay-sabay kaming pamilyang pumunta sa puntod ni kuya. Kasama namin si Ate Pia.

Ate Pia: “Now I know why I had the feeling I have to go back here.. Di pa kasi nakukumpleto yung identity ko.. Ngayon.. Kumpleto na..”

Mama: “He loved you so much..”

Ate Pia: “Alam ko po..”

Pinikit niya yung mga mata niya.

Ate Pia: “Nararamdaman ko..”

Niyakap namin si Ate Pia isa-isa. Pagkatapos nun,  inihatid namin siya sa airport.

“Bye.. Ingat ha..”

Ngumiti siya.

Ate Pia: “Ingat.. Siguro pagbalik ko may mga asawa na kayo..”

“Let’s see..”

Ate Pia: “Dapat pag nakita mo na yung taong sa tingin mo para sayo.. Mahalin mo siya.. Ipadama mo.. Parang ginawa ng kuya mo..”

Sabay kindat niya.

“Oo naman.. mana ako kay kuya eh..”

Tapos naglakad siya at hinintay namin hanggang sa makapasok na siya sa loob.

Marielle: “Tara na..”

Habang naglalakad kami pabalik ng kotse biglang parang may dumaan na malamig na hangin.

Marielle: “Ang lamig.. Ramdam mo yun?”

Huminga ako ng malalim.

Tapos na kuya.

Everything’s fine now.

Chapter 49:

Magtatatlong linggo na rin ang lumipas mula nung nakaalis si Ate Pia. Gumaan yung pakiramdam ko pagkatapos nun kasi alam ko eto yung gustong mangyari ni kuya. Maliwanagan ang lahat at yung maalala ni Ate Pia ang lahat.

Tumingin ako sa relo ko.

“4:15 na.. Anong oras ba yung meeting sa tambayan?”

Stephen: “4:30 ata.. Makakahabol pa tayo..”

Nagmamadali kaming maglakad ni Stephen. May meeting kasi kami. Tungkol ata sa outreach. Napag-usapan kasi namin na sa Sabado yung tentative date. Three Days from now.

Pagdating namin dun, di pa naman nagsisimula. Wala pa si Hannah eh. Umupo kami sa tabi nina Jeffrey. Sa tapat namin, kita ko si Larisse may hawak-hawak ulit na teddy bear.

Stephen: “Aba.. Pang-ilan na ba yan ah?”

Leila: “Di na nga mabilang eh.. Basahin mo nga..”

Larisse: “Hmm.. Number 10: My heart just can’t stop shouting your name… 9 teddy bears more to go..”

Stephen: “Okay ah..”

Hannah: “Naku.. guys.. sorry medyo late ako.. So ganito, nakipag-usap na kami dun sa orphanage bale sa Saturday daw pwede kung gusto natin, okay ba sa inyo?”

Umoo naman halos lahat kasi kakatapos naman ng mga exams. Pinag-usapan yung oras kung what time magkikita-kita sa school para sabay-sabay na pupunta dun. In the end, nafinalize na 7:30 am na lang pupunta dun.

Sabado.

Tumingin ako sa relo ko.

“7:30 ah.. Eh mag-aalas-otso na..”

Stephen: “Alam mo na.. Ganyan naman talaga eh.. May palugit..”

Maya-maya nagsidatingan na rin yung iba. Sabay-sabay na kaming nagcommute papunta dun. Kanya-kanyang dala ng utensils, saka yung mga ipapakain namin sa kanila pati na rin yung mga laru-laruang binili namin panregalo sa kanila.

Pagdating namin, inayos at nilapag na namin sa table yung mga pagkain. Binubuksan ko yung isang box ng Zesto dun nung nakita ko si Larisse, bitbit-bitbit yung isang bilao ng pansit. Tumakbo ko para lapitan siya.

“A-Ako na..”

Larisse: “Naku, Thank you ah..”

Ngumiti ako.

Nung nakaayos na kami saka pinalabas ni Ms. Vergel yung mga bata dun sa pagdadaausan namin ng mga activities. Umupo muna sila at nagsalita si Hannah.

Hannah: “Hello! Ako si Ate Hannah. Kami lahat dito mga ate at kuya niyo. Magpapalaro kami ng mga games. Gusto niyo yun di ba?”

Kids: “Opoooo..”

Hannah: “Okay.. Ang first game natin.. Bring me.. Alam niyo ba yun?”

Kids: “Opoooo..”

Hannah: “Sige.. Basta walang tulakan ah.. Bring me. Uhmm.. Isang panyo..”

Takbuhan na naman yung mga bata. Kanya-kanyang kuha ng panyo.

Hannah: “Galing ah.. Bring me.. Isang sinturon..”

Yung iba. Pinagkukuha yung mga belt namin. Ang kukulit nga nila eh.

Hannah: “Wow.. Eto naman.. Bring me.. Yung Pinakamagandang ate..”

Nagsitakbuhan lahat ng mga bata. Kanya-kanyang hila dun sa mga girls, kina Leila.. Larisse atbp. Tawa kami ng tawa eh.

Stephen: “Ano naman.. Pinakagwapong kuya.. Ako! Ako!”

Tawanana kaming lahat.

Hannah: “Ngayon naman.. Ganito ah.. Hanap kayo ng ate saka kuya niyo para makapartner.. Dahil madami kayo.. Bawat isang kuya o ate.. dalawang bata.. Okay?”

Takbuhan na naman. Hila dito. Hila diyan. Maya-maya may kasama na akong dalawang bata.

Twins.

“Hello.. Anong mga pangalan niyo..”

“Jennifer po.”

“Jennica po.”

“Ahh.. Ilang taon na kayo?”

Jennifer: “Mag-eeight na.. di ba ate?”

Jennica: “Oo..”

“Mas matanda ka?”

Jennica: “Opo. By 4 minutes daw..”

“Nasan na parents niyo..”

Jennifer: “Di namin alam eh.. Sabi ni Nanay babalikan naman niya kami..”

“Ilang taon na ba kayo dito..”

Jennica: “Mag-one year na po..”

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Naawa ako. Ang babata pa nila.

Hannah: “Ngayong may kasa-kasama na kayo. Games ulit. The boat is sinking naman.”

Hannah: “Uhmm.. The boat is sinking.. Group yourselves by 9..”

Takbo naman kaming tatlo. Hanggag sa.. Nakagrupo namin sina Larisse saka Jeffrey.

Jeffrey: “Kakapagod to ah..”

Larisse: “Hinihingal na nga ako..”

Hannah: “Group yourselves by.. six..”

Nagsitakbuhan na naman ulit. Tumakbo papaalis sina Larisse tapos tumigil tapos humarap ulit.. kaya..

*DUG*

Larisse: “Aray..”

“Aray..”

Larisse: “I’m sorry..”

“Okay lang.. Napango lang yata yung ilong ko.”

Tumawa si Larisse.

Sabay hawak ko sa ilong ko. Ang sakit nun ah. Tumama ba naman yung noo niya sa ilong ko.

Nagulat ako nung hinawakan nya yung mukha ko. Pakiramdam ko naninigas ako.

Larisse: “Upo ka muna siguro..”

“Siguro nga..”

Chapter 50:

Maya-maya tinawag na kami ni Hannah.

Hannah: “Gusto niyo bang mag-games sina ate at kuya? Eto na..”

Nagtawag siya ng isang bata dun para bumunot.

Hannah: “Ang unat nabunot ay si.. Kuya Jeffrey..”

Tapos bumunot ulit yung bata..

Hannah: “At ang partner niya ay si.. Ate Leila..”

Partner-partner pala. Nagtatawag si Hannah ng magpapartner. Ang tagal naman ako tawagin. Kinakabahan ako.

Hannah: “Ang next si ay si Kuya Stephen..”

Bumunot uli yung bata.

Hannah: “Ang partner naman niya ay si.. Ate Larisse.”

Napatingin sa akin si Stephen. Pumunta silang dalawa sa harapan.

Hannah: “Ang next naman ay si..”

Nagulat ako biglang umubo si Stephen. Ang lakas nga eh. Tapos humawak siya sa ulo niya.

Stephen: “Wait.. Di maganda pakiramdam ko.. Ang sakit ng ulo ko.. Pass muna siguro ko..”

Hannah: “Naku.. Pahinga ka muna.. Ang next ay si Kuya Toph.. So.. Kayong dalawa na lang ni Larisse ang magpartner..”

Paglapit ko sa harap, nagkasalubong kami ng tingin ni Stephen. Kung di ako nagkakamali, kumindat siya. Aba. Masakit daw ang ulo ah?! Pakana na naman niya to.

Hannah: “So ang game natin ay newspaper dance.. Familiar na siguro sina Ate at Kuya sa game na ito.. Sasayaw sila pag may music tapos titigil at aapak sa dyaryo pag wala na.. Okay.. game na..”

Binigyan kami ng newspaper tapos nilagay namin sa gitna naming dalawa tapos nag-start na yung tugtog.

Ha ha ha
Pump it
Ha ha ha
And pump it (louder) [4x]

Turn up the radio
Blast your stereo
Right

N*ggas wanna hate on us (who)
N*ggas be envious (who)
And i know why they hatin’ on us (why)
Cause that’s so fabulous (what)

Nagulat ako nagstop. Tumapak kami agad sa newspaper.

Hannah: “Okay ah.. Sige tuloy natin.. Itupi niyo yung dyaryo ah.”

I’ma be real on us (c’mon)
Nobody got nuttin’ on us (no)
Girls be all on us, from london back down to the us (s,s)

We rockin’ it (contagious), monkey business (outrageous
Just confess, your girl admits that we the sh*t

Tumigil na naman. Ang bilis ah. Buti nakapak agad kami. Kaso may natanggal ng isang magpartner.

F-r-e-s-h (fresh)
D-e-f, thet’s right we def (rock)
We definite b-e-p, we rappin’ it
So, turn it up (turn it up) [3x]
Cmon baby just,

Pump it (louder) [6x]

And say, oh oh oh oh
Say, oh oh oh
Yo, yo

Tumigil na naman ulit. This time dalawa magpartner na ang natanggal.

Larisse: “Pano kaya to.. ang liit na lang nung dyaryo..”

“Kaya pa yan..”

Turn up the radio
Blast your stereo
Right now
This joint is fizzlin’
It’s sizzlin’
Right

(yo, check this out right here)
Dude wanna hate on us (dude)
Dude need’a ease on up (dude)
Dude wanna act on up
But dude get shut like flavor shut (down)
Chicks say, she ain’t down

Biglang tinigil yung sounds. Nagulat ako biglang niyakap ako ni Larisse habang nakatiptoe siya. Napatingin ako kay Stephen. Todo ngiti na naman. This time, May natanggal na namang isa.

Hannah: “Si Kuya Jeffrey-Ate Leila at Ate Larisse-Kuya Toph na lang..”

But chick backstage when we in town (ha)
She like man on drunk (fool)
She wanna hit n’ run (errr)
Yeah, that’s the speed
That’s what we do
That’s who we be
B-l-a-c-k -e -y-e-d-p to the e, then the a to the s
When we play you shake your ass
Shake it, shake it, shake it girl

Pagkatigil, ang unang pumasok sa isip ko umapak dun sa dyaryo. Tapos binuhat ko si Larisse tapos saka ako nagtiptoe kasi aapak yung sapatos ko pag nagkataon.

Okay na sana eh… Kaso.. Kaso..

“Te-Teka.. Di ko na ka-kaya.. ”

Hannah: “Aaay.. Out.. Panalo si si Kuya Jeffrey saka Ate Leila.. ”

“Pasensiya na.. Naout of balance kasi ako eh.. baka kasi mahulog ka pag di ako umapak sa ground..”

Ngumiti si Larisse.

Larisse: “Okay lang yun no..”

Blog at WordPress.com.