`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch71-80

Chapter 71:

RIIINNGGG RINGGG..

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng kwarto ko. Kinakabahan ako. Kanina pa walang sumasagot sa phone niya. Haay.

Bumaba ako saglit para kumuha ng isang basong tubig. Napansin ko si Marielle tawa ng tawa habang may kausap sa phone sa may living room.

“Sino yan?”

Tinakpan ni Marielle yung phone.

Marielle: Kuya.. Wag ka maingay.. Okay.. Si TJ.. Sshh..

“Sus.. Wag ka nga magtetelebabad diyan..”

Tapos naisip ko bigla. Nilapitan ko si Marielle at kinuha yung phone sa kanya.

Marielle: Kuya?!

“Hello? TJ? Alam mo ba number nina Alex sa bahay?”

Pagkasabi niya sinulat ko sa papel tapos..

“Sige.. Salamat..”

Tapos binaba ko yung phone.

Marielle:Teka.. Di pa kami tapos mag-usap.. Grrr.

“Ay.. So-sorry nawala sa isip ko.. Sorry.. Libre na lang kita bukas..”

Di ko naman talaga sinasadya. Nawala sa isip ko. Kinakabahan kasi ako. Nakakahiya kay Alex. Umakyat ako pabalik ng kwarto ko at dinial yung number. May sumagot na babae sa phone.

“Hello? Pwede po kay Alex?”

“Uh.. Sino to?”

“Pakisabi ho si Toph..”

Biglang natahimik yung babae sa phone.

Alex: O Toph, napatawag ka..

“Kasi ano.. sorry hindi ako nakapunta kanina.. nawala talaga sa isip ko.. sorry talaga..”

Alex: Uh.. yun ba?

Tapos natahimik ulit siya.

“Alex?”

Alex: Naku.. Di rin ako nakapunta eh..

“Pero di ba nagtext ka kung papunta na ako?”

Alex: Uhmm.. Kasi ano.. Di na ako nakapagtext ulit.. May kinailangan pa pala ko puntahan..

Napansin ko parang iba yung boses niya.

“Ah ganun ba.. Sorry ulet ah..”

Alex: Ha? Eh di rin naman ako nakapunta eh..

“Kasi nakakahiya pa rin.. Kinalimutan ko na lang ng ganun..Sorry..”

Alex: Yaan mo na yun..

“Okay ka lang kasi parang.. uh.. may sakit ka ba? Kasi parang iba boses mo.. umiiyak ka ba?”

Alex: Ha? A-ano kasi may pinapanood akong movie ngayon.. Kakaiyak nga eh.. Di ko mapigilan..

“Ah.. Ganun ba.. Sige.. Sorry naistorbo ata kita..”

Tapos narinig ko na lang umiiyak talaga siya.

“Uy.. Nakakaiyak ba talaga yung movie na yan ha.. Dalang-dala ka ah..”

Alex: Oo.. *Hikbi*  Nakaka.. *Hikbi* iyak talaga..

“Ano ka ba.. Tsk.. tsk..”

“Alex? ” Huminga ako ng malalim.

Alam mo ba.. si Larisse aa—”

Alex: Uhmm.. Naku, may.. may *hikbi* nag-doorbell kasi..”

“Ganun ba? Sige.. Bye..”

Alex: Babye..

“Alex?”

Alex: O?

“Sorry ulet ah..”

#################################3

Chapter 72:

Tumingin ako sa telepono. Wala na Binaba na niya.

Huminga ako ng malalim. Di pala siya nakapunta. Pero bat parang binabagabag pa rin ako? Di ko siguro alam ang gagawin ko kung sakaling nagpunta siya talaga tapos hinintay niya ako. Ngayon pa nga lang, guilty na ako eh.. Pano kaya pag ganun nga.. Haay..

Lunes. Papunta na ako sa last subject ko, Socsci1. Naglalakad ako sa hallway. Pagtingin ko sa di kalayuan.. Teka.. Si Alex ata yung naglalakad eh. Kabisado ko ata yung cap+napakalaking tshirt with sleeves na iniipit niya sa balikat para angas ang dating+jeans+rubbershoes look niya kahit nakatalikod.

Tumakbo ako para mahabol siya.

“Alex?!”

Hinde ata ako narinig nun ah. Pagtingin ko, teka, palabas na room yung iba kong mga classmates.

Emm: “O Toph..”

“Bat palabas na kayo eh 2:15 na ah.. Baka dumating na si Ma’am..”

Tinuro ni Emm yung board sa loob. Sumilip ako.

Emm: “Ipasa na lang daw natin yung project sa kanya.. Wala ng classes..”

“Ganun ba?”

Emm: “Text text na lang siguro..”

“O sige..”

Dalawang linggo na lang at magsesembreak na. Wala na rin si Larisse. Umalis siya three days ago.

Stephen: Halos wala na tayong class eh no..  Kaso next week exams na naman.. Ikaw may class ka pa ba?

“Wala na rin halos eh.. Mga meeting na lang para sa group project.. Mamaya nga may meeting kami nina Alex eh..”

Stephen: San ba meeting place niyo?

“Sa library..”

Tumingin ako sa watch ko.

“Siguro, pupunta na ako dun..”

Stephen: O sige.. pare. Ingat..

Naghiwalay kaming dalawa at dumirecho na ko sa library. Pagdating ko nandun na mga kagrupo ko pero..

“San si Alex?”

Mara: Kanina pa siya umalis eh.. May pupuntahan pa daw siya.. Binigay na niya yung video niyo.. edited na..

“Ah.. Tagal ko na di nakikita yun ah..”

Nakakailang group meetings na kami pero di ko pa siya nakikita. Ano na kaya nangyayari dun?

Pagkatapos ng group meeting, naglakad ako papuntang sakayan. Nagulat ako biglang nagbusina si Stephen.

Stephen: Sabay ka na?

Sumakay ako sa kotse niya.

Habang nasa kotse, tahimik lang ako.

Stephen: Tol.. Okay ka lang.. Teka, soundtrip nga tayo..

Sabay bukas ni Stephen nung radyo.

Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
‘Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga

Ang senti nung kanta ah.

“Ah.. Wala lang.. Oo nga pala, Nakita mo ba si Alex?”

Stephen: Paminsan-minsan nakakasalubong ko sa campus..

Iniba ni Stephen yung istasyon ng radyo.

Ngunit di mo naman pinapansin
Mga tawag ko
Di mo naman pinapansin mga sulat ko
Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?
Lahat naman ay kayang ibigay sa yo
Kahit na mahirap basta gusto mo
Ano ba talaga?
Para lang ako’y pansinin mo

Sana nama’y maintindihan mo ako
Lahat na itoy para sayo
Nang ako ay lumayo ikaw pa rin ang
Hanap ko ang gusto ko’y sa’yo lamang

“Di ko pa kasi nakikita yun eh..”

Stephen: Aaah.. Baka busy? Uhmm.. Toph.. May tatanong ko sayo..

“Sure..”

Stephen: “Kasi ganito.. May tropa ko.. tawagin nating si pekto tapos nagkagusto siya sa isang babae tawagin nating mahal tapos umalis si mahal.. si pekto may kaibigan ding babae na tawagin naman nating si love.. Si love mukhang nahuhulog ang loob kay pekto pero di napapansin ni pekto.. At mukhang lumalayo na si love kay pekto..”

“Seryoso ba yan? May katropa kang Pekto?”

Ngumiti si Stephen. Iniba niya yung istasyon ulit ng radyo.

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be as it was before
Don’t think that i care
I’m not over you yet
And i don’t wanna be your friend

Sinakyan ko na lang yung trip ni Stephen.

“Hmm.. Okay ba naman si love?”

Stephen: Oo, maganda.. mabait.. nilakad pa nga ni love si pekto dati kay mahal eh..

I’ll forget we ever met
I’ll forget i ever let
Ever let you into this heart of mine baby..
You just gotta let me be
You gotta keep away from me
Coz’ all i wanna do is be free from you baby
Don’t you come around
And say you still care
About me..just go now , go now

Stephen: Ano lang ano sa tingin mo?

“Talaga? Ewan ko eh. Lam mo naman di ako magaling sa ganyan eh.”

Stephen: Alam mo sa tingin ko? Sana mauntog yung kaibigan ko.. Para magising sana siya…

“Sa bagay, medyo manhid nga naman.. Siguro naman mapapansin din niya yung sinasabi mong babae.. in time..”

Tumawa si Stephen.

Stephen: Siguro.. Sana nga.. Hmm.. Alam mo, papakilala nga kita kay Pekto minsan..

Chapter 73:

“Haay.. Last day na ng exam pagkatapos nito.. Sembreak na.. Hell week talaga..”

Marielle: Kaasar naman.. Kami ang sembreak isang linggo lang.. Hmpph..

“Bayaan mo.. Pag nag-college ka na..”

Mama: JC, Oo nga pala.. Nakita mo na ba yung invitation na pinadala ni Liza? Nandiyan sa may telepono..

“Ha? Bakit? Si Ate Liza?”

Si Ate Liza, second cousin namin. Yung mom niya, si Auntie Julie, pinsan ni Mama.

Mama: Ikakasal na.. Secondary Sponsor ka nga eh.. Candle..

“Ah.. Ikakasal na siya? Sa bagay 26 na ata siya.. di ba? Sige po mauna na ko..”

Tumayo ko mula sa hapagkainan, nagtoothbrush saglit at pumasok na ng school.

Dumirecho agad ako sa classroom para sa una kong exam. Okay lang naman. Two Hours yung exam pagkatapos nun mahilu-hilo ako. Pagkatapos nun, Math Finals naman. Nagjumble-jumble na yung formulas sa utak buti nakasurvive pa ko.

“Haay.. Salamat.. Heaven na..”

Lumabas ako ng room. Biglang may tumawag sa akin..

“Uy..”

Emm: Mamaya punta ka ba?

“Saan?”

Emm: Parang farewell ng class..

“What time ba saka san?”

Emm: Mga 3 pm siguro.. After ng mga exams.. Sa room natin..

“Sige.. Tignan ko..”

Tinignan ko yung watch ko, 11:30 na. Tapos na kaya si Stephen? Pinuntahan ko si Stephen sa room nila. Math din exam nun eh. Pagdating ko, sakto palabas na siya.

“Uy.. Pare..”

Stephen: Tara na.. Canteen na tayo.. Ginutom ako sa exam na yun ah..

Naglakad kami papuntang canteen.

“Teka, mauna ka na…”

Stephen: Sige..

Nauna na si Stephen sa canteen. Ako naman nag-CR muna. Pagdating niya dun..

Stephen: Psst.. Mag-isa ka?

Alex: “Ha?”

Nagulat si Alex. Kasalukuyan siyan may sinusulat noon sa pahina ng notebook. Pinunit niya. Sabay crumple nung papel. Sinilip niya kung may kasama si Stephen.

Stephen: “Di ko siya kasama..”

Alex: Uh.. Ano.. Meryenda lang naman.. Uhmm..Di mo ata kasama si ano..

Nakiupo si Stephen dun sa table kung nasan si Alex.

Stephen: Iniiwasan mo ba siya?

Tahimik lang si Alex habang nagbabasa.

Stephen: Wala ring mangyayari kahit iwasan mo siya.. Sayang naman yung pagiging magkaibigan niyo kung mababalewala lang..

Tumayo si Alex at niligpit yung mga gamit niya.

Alex: Sige, mauna na ko.. May exam pa ako..

Stephen: Sige.. Ingat..

Naglakad palayo si Alex at lumabas dun sa isang pintuan sa canteen. Dalawa yung pintuan dun eh.

Maya-maya..

“Uy..”

Stephen: Tagal mo ah..

Nilapag ko yung mga gamit ko sa table.

“Tara, bili na tayo ng pagkain..”

Pumila kami at bumili ng makakain. Sisig na lang yung binili ko. Bumalik ako sa may table at pinatong yung food tray saka ako umupo.

Bigla akong may naupuan..

“Teka.. Ano to..”

Tinignan ko kung ano yun.

“papel?”

Stephen: “Ano yan?”

Nilapad din ni Stephen yung pagkain niya sa table. Sabay hablot sa akin nung papel.

“Uh.. Papel lang naman yan eh.. Lukot-lukot pa..”

Stephen: “Oo nga..”

Tapos binuklat niya yung papel at binasa..

Nakakainis ka.. Alam mo ba yun. Ang sarap mong sapukin! Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa yun.. Hindi mo lang alam nasasaktan ako. Pero ganun naman ata talaga.. parehas lang naman tayo ng sitwasyon di ba.. yung gusto mo hindi mapasayo.. ang sakit di ba.

Nung nakita ko kayo na magkayakap, sumabay yung pagpatak ng luha ko sa paglakas ng ulan. Pero ang tanga ko kasi kahit anong sabi ko sa sarili ko na makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko para sayo, meron pa rin dito.. sa puso ko.. umaasa na mapapansin mo ko.

Kahit ayaw ko, naitanong ko din sa sarili ko.. ano bang meron siya na wala ako.. tapos sa huli, naisip ko.. kung ano.. kung sino..

yun ay IKAW

Natahimik ako nung binasa ni Stephen yung nasa papel.

“Sino kaya nagsulat niyan..”

Stephen: “Ah.. Eh.. Di ko lam.. Kaw nakakita niyan di ba? O Eto, kaw na lang magtago..”

Sabay abot sa akin ni Stephen nung papel. Tinignan ko ulit yung lukot-lukot na papel.

Hindi ko alam pero parang eksakto niyang sinabi yung mismong nararamdaman ko. Yung pakiramdam na…

Umaasa ka kahit alam mong wala na talaga.

Yung nasasaktan ka pero ayaw mong ipahalata sa iba.

####################################

Chapter 74:

Pagtingin ko sa relo ko, 2:30 pm pa rin. Teka, parang ang bagal naman ng relo ko. Tinignan ko yung phone ko. 4:00 na?!

“Pare.. alis na ako..”

Stephen: “Uwi ka na?”

“Hinde.. Farewell daw kasi sa Socsci 1 eh..”

Pagdating ko sa room, nandun na yung mga kaklase ko pati yung prof. ko. Konti na nga lang sila eh.

“Magdadala pala ng pagkain.. di ko alam..”

Emm: Ang dami na niyan.. sobra-sobra na nga eh.. Kumuha ka ng pagkain..

Kumuha ako ng plato tapos kumain ng kaunti. Busog naman na ako. Nakipagkwentuhan ako dun sa mga kaklase kong nandun.

“Emm, si Alex?”

Emm: Uh.. Nag-CR lang ata.. Andyan pa bag niya eh o..

“Ganun ba?”

Paglingon ko, nakita kong pumasok si Alex sa room.

“Pssst!”

Lumingon siya. Nagulat ata nung nakita ako. Ngumiti lang. Lumapit ako sa kanya.

“Long time no see ah..”

Alex: “O nga eh..”

Nagulat ako bigla niyang kinuha yung bag niya sa upuan.

Alex: Kailangan ko na pala umuwi..

“Ha? Bat naman.. Kakadating ko lang ah..”

Ngumiti siya.

Alex: Ang aga mo kasi dumating di ba… Sige..

Paalis na siya nung pinigilan ko.

“Uh.. Alex.. Next time, libre kita para makabawi naman.”

Alex: Ha? Para san? Dun sa dati na naman.. Wala yun.. Di rin naman ako nakapunta di ba?

“Kahit na…”

Alex: “Sige.. Next time..”

“Okay..”

Alex: Uh.. Yung kamay ko?

“Ay.. Sorry..”

Sabay bitaw ko sa kamay niya.

Alex: Para kang tuko kung kumapit ah..

“Grabe ka naman..”

Tumawa siya.

Alex: Sige.. Mauna na ko.. Happy Sembreak pala..

“ingat..”

Bumalik ako at nakipag-usap ulit dun sa mga classmates ko pati na rin sa prof. ko. Kwentuhan kung anu-ano. Mga quarter to five na nga ako umalis dun eh.

Naglakad ako papuntang sakayan. Pumila ako dun sa pagkahaba-habang pila. Haay. Palingon-lingon ako nun nang nakita ko.. si Alex?? Nandun siya sa may tapat patingin-tingin sa kanan at kaliwa. Mukhang patawid siya ng kalsada. Akala ko umuwi na yun?

Tumatawid na siya nung..

“Alex!!”

Nagkatinginan kami. Napatigil siyang maglakad nung nakita ako.

*BEEP BEEP*

Napatingin ako sa kaliwa. May paparating na jeep.

Oh Sh*t

Si Alex!!!

################################

Chapter 75

Bumilis yung paghinga ko. Ang unang pumasok sa isip ko tumakbo. Dali-dali akong tumakbo tapos tinulak ko si Alex.

SCREEEEEEEeeeeecch..

Alex: Toph!!

Wala na akong natandaan pagkatapos nun. Ang alam ko lang, huli kong nakita si Alex napaupo nung naitulak ko.

“Uggghh..”

Ewan ko ba. Ang bigat ng pakiramdam ko. Dahan-dahan kong binuksan ng kaunti ang mga mata ko kaso pinikit ko agad kasi nasilaw ako bigla.

Bumulong ako.

“Na..san.. ako..”

May narinig na lang akong boses.

“Toph.. Toph.. Nasa…

Heaven ka na.. Heaven..”

Ano raw?

Nagulat ako parang may naamoy akong pagkain. Amoy Chickenjoy ng Jollibee. May Jollibee sa Heaven?

Naramdaman ko na lang may gumalaw sa akin.

“Uy..”

Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko si Alex saka Stephen sa tabi ko.

Stephen: Nasa Ospital ka..

Lumingon-lingon ako. Nasa ospital nga ako.

“Ah.. Teka, sino yung nagsalita kanina ah?”

Nagtinginan silang dalawa.

Alex: Siya!

Stephen: Siya!

Nagturuan pa tong mga to?!

“Never mind.. Ano bang nangyari?”

Stephen: Ewan ko.. Tinawagan lang ako nitong si Alex eh..

“Ang alam ko lang may paparating na jeep tapos..”

Alex: Tinulak mo ko.. Take note.. Masakit yun.. Napaupo ako ah..

“Kaso wala na ako maalala pagkatapos nun..”

Alex: Nawalan ka ng malay eh.. Kasi tumama ka dun sa jeep eh..

“Ganun ba..”

Alex: Kasi naman no?! Feeling mo si Superman ka.. Di mo naman dapat ginawa kasi yun di ba..”

“Wow. Salamat ah..”

Alex: Anyway, thank you na rin..

Narinig ko bumulong si Stephen pero di ko masyado marinig yung binubulong.

Stephen: Kunyari pa to.. Samantalang kahapon.. Concerned na concerned..

Napansin ko lang siniko ni Alex si Stephen.

Stephen:  O dinalhan ka namin ng pagkain.. Breakfast mo na..

“Ha?”

Stephen: Oo no.. Isang gabi ka na dito.. Kakaalis nga lang ng parents mo eh.. Nakasalubong namin..

Sinubukan kong gumalaw para makupo kaso..

“Owww..”

Alex: O? Bakit?!

Sabay lapit siya sa akin.

“Yung kaliwang kamay ko kasi eh.. Medyo masakit pag ginagalaw..”

Maya-maya may pumasok na doctor, teka si Dr. Valenzuela to ah, yung kaibigan ni Mama.

Dr. Valenzuela: “O, nagising ka na pala..”

“Opo.. Uh.. Ano po ba? Kailan po ko pwede umuwi?”

Dr. Valenzuela: Mga mamayang hapon siguro pwede na.. Lalagyan muna natin ng sling yung kaliwang kamay mo pansamantala.. Ilang araw lang naman..

Maya-maya umalis na rin yung doctor. Napatingin ako kay Alex. Nakatingin siya sa malayo tapos kagat-kagat yung lower lip niya.

“Alex?”

Nagulat ata nung tinawag ko.

“Don’t worry.. Wala ka namang kasalanan sa nangyari sa akin eh.. Wag ka na mag-alala”

Alex: Ha? Ano.. Uh.. Wala naman akong sinasabi ah..

Stephen: Eh.. Hem.. Change topic.. Ano nga palang gagawin niyo this sembreak..

“Di ko pa alam..”

Alex: Ewan ko.. Uuwi na yung parents ko eh.. Baka mag-aout of town siguro kami..

Stephen: Aah.. Ako? Siyempre, gigimik..

Tumambay lang silang dalawa sa ospital para samahan ako. Nung mga lunch time..

Stephen: Teka, labas lang ako.. Bili lang ako pagkain..

Alex: Uh.. Wait.. Sama na ako..

Tumigil si Stephen sa may pinto.

Stephen: Ano ka? Diyan ka na lang.. Para may magbantay diyan..

Alex: Ha? Ka-kasi..

Stephen: Sige.. Babye..

Sabay sarado ni Stephen nung pinto. Naiwan sa may pinto si Alex, nakatayo. Tahimik siyang umupo dun sa upuan malapit sa kama. In-on niya yung t.v at naglipat-lipat ng channel hanggang sa napatigil siya sa HBO..

LANDON: Jamie —

JAMIE: I’m sick.

LANDON: Then I’ll take you home. You’ll feel better tomorrow.

JAMIE: Landon. I’m sick .. with leukemia.

JAMIE: I found out last winter. I’m not responding to treatment anymore.

LANDON: Why didn’t you tell me?

JAMIE: The doctors said to do everything the same as long as possible.
(pause) I didn’t want anyone being — weird around me.

LANDON: Including me?!

Di ko napigilan tumulo yung luha ko habang pinapanood yun. Paborito yun ni Marielle eh kaso di ko pa napapanood.

Alex: Toph?! Umiiyak ka??

Napalingon ako kay Alex. Nandun nga pala siya.

“Ha? Ano ka.. Sinisipon ako.. Oi.. Nandadamay ka pa.. Tignan mo yung mata mo o.. Naiiyak ka o..”

Alex: “Ah.. Hin.. Hinde ah..”

Nagkatinginan kami tapos sabay kaming tumawa. Huminga ako ng malalim.

“Ang sakit nun no.. Yung malaman mo na mawawala na yung mahal mo..”

Alex: Oo naman.. Sobra..

Sabay tingin niya sa T.V

“Alam mo ba.. umalis na siya..”

Alex: Si Landon? Hinde.. Kasi ganito.. Pupuntahan niya—

“Si Larisse..”

Biglang natahimik siya. Tumingin siya sa akin.

Alex: Umalis na siya?

“Oo.. Nung nakaraang linggo.. Nagmigrate na sila ng pamilya niya eh.. Nagkaroon nga ng parang farewell nung nakaraang Friday eh..”

Hindi na nagsalita si Alex. Tumingin uli siya sa T.V. Parang may binubulong siya eh..

Alex: Umalis na siya.. Kaya pala.. Ibig sabihin nung.. nung magkayakap sila… Kay—–

Biglang bumukas yung pintuan. Nagulat kaming ni Alex sabay kaming lumingon.

Stephen: PIZZA DELIVERY!! Ano gusto niyo may Hawaiian dito saka Pepperoni?

#####################################

Chapter 76:

Inistretch ko yung kamay ko. Kakadating lang namin galing ospital. Isang linggo na ang nakalipas. Kakatanggal lang nung sling ko eh.

“Haay..”

Humilata ako sa kama at in-on yung player ko. Maya-maya may kumatok sa pintuan.

“Pasok..”

Mama: “Inihanda mo na ba yung barong mo ha?”

“Barong? Para san..”

Mama: “JC?!!”

“To naman.. Handa na po.. Ako pa..”

Mama: “Akala ko naman.. O sige.. Maaga tayo alis bukas ah.. kasi 10 am yung kasal eh sa laguna pa yung simbahan..”

Bukas ng Sabado na yung kasal ni Ate Liza. Ang bilis din ng panahon, ikakasal na yun. Siguro, kung buhay pa si Kuya Lester. Malamang ikakasal na rin sana siya.

Pagkatapos magdinner, nagtoothbrush at nagpalit na ako. Pumasok akong kwarto ko at humiga na hanggang sa nakatulog na ko.

ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..

“Ano ba..”

Sabay palo ko sa tenga ko. Haay naku. Kilala ko na kung sino to.

“Marielle.. ang ku..leeet..”

Marielle: “Bangon na.. Maligo ka na.. Abay ka pa naman..”

Etong utol ko parang baliw, laging pinapanggising sa akin yung feather nung ballpen niya. Nilalapit niya lagi sa tenga ko.

“Oo na.. gigising na..”

Binuksan ko ang mga mata ko sabay bumangon.

“Halika nga dito ah..”

Sabay takbo naman ni Marielle. Naabutan ko siya sabay kiniliti ko siya sa may bewang. Tawa naman siya ng tawa.

Marielle: “Maaammaaaaa!! Si Kuya!!!”

Binitawan ko siya saka siya tumakbo pababa. Ako naman pumasok na ng banyo at naligo. Pagkatapos, sinuot ko yung black pants ko saka t-shirt. Nilabas ko na rin yung barong ko na nakahanger na. Saka ako bumaba para kumain muna.

Whoa. Nagulat ako medyo madami-dami rin palang bisita sa baba eh. Nag-mano ako kung kani-kanino. Mga kamag-anak daw namin eh makikisabay papunta sa kasal.

Mga 8:00 kami umalis ng bahay tapos nakarating kami ng simbahan mga 9:30. Ang daming tao! Ang dami pala nilang bisita.

Pagdating namin, nagmano na naman ako dun sa mga bisita siyempre pati kay Auntie Julie, pinsan ni Mama, na nanay ni Ate Liza saka kay Uncle Jojo, asawa niya.

Auntie Julie: “Aba’y binata na pala ito ah..”

Ngumiti lang ako.

Auntie Julie: “Teka, yung corsage mo ah.. Kunin mo dun o..”

Sabay may tinuro siya. Mga abay din ata eh. Lumapit ako dun. Medyo nagkakagulo na rin sila eh. Kasi yung sa mga ninong at ninang pa ata sila rin nagbibigay.

“Uh, Miss.. Yung corsage pala..”

Kinalabit ko yung babae dun. Nakatalikod siya nun eh habang nagpipin sa isang ninang.

Pagtalikod niya.. Natigilan ako.

Ganda. Babae.

Biglang lumapit sa akin si Marielle, kinalabit ako.

Marielle: “Kuya yung susi raw ng kotse.. pahiram..”

Binigay ko yung susi sa kanya. Napatingin siya dun sa babae.

Marielle: “Wow! Ate Alex? Ang pretty-pretty mo ah..”

Nagulat ako. Napatingin ako kay Marielle tapos kay..

“Alex?!”

####################################

Chapter 77:

Tinignan ko si Alex. Nakalugay siya tapos medyo kulot yung dulo. Suot-suot niya siyempre yung gown na purple (motiff nung kasal). Ang sexy niya pala.

Malayung-malayo talaga ang itsura niya sa regular na istura niya pag nakikita ko siya sa school. Yung tipong nakapants lang tapos nakacap o minsan nakatali lang yung buhok niya.

Alex: “Huy..”

“Ah.. Cencia na.. Alex?! As in Alexandra Santillan?”

Alex: “Ewan ko sayo.. Kuha lang ako ng corsage..”

Maya-maya umalis na siya sa paningin ko.

Marielle: “O kuya, maya balik ko din tong susi sayo ah.. may kukunin lang ako saglit..”

“Siya ba talaga yun?!”

Tinignan ako ni Marielle sabay taas ng kilay.

Marielle: “Di mo ba alam? Di mo tinignan yung invitation?”

“Ah.. Di ko nakita yung invitation eh..”

Marielle: “Santillan-Rivera Nuptial.. Pinsan siguro ni Ate Alex yung mapapang-asawa ni Ate Liza..”

“Ganun ba..”

Umalis na si Marielle at pumunta sa may kotse. Sakto bumalik naman si Alex dala-dala yung corsage. Lumapit siya sa akin para i-pin na yung corsage.

Alex: “Eto na..”

Habang ipinipin niya yung corsage sa barong ko..

“Kaw ba talaga yan.. Teka.. Hinde.. Baka mamaya.. Naku po.. Ilabas mo si Alex.. Ilabas mo!”

Maya-maya..

“Aray.. Aray! Sakit nun ah.. Haay. Ikaw nga si Alex..”

Alex: “Ang kulit mo kasi.. Galaw ng galaw.. Ayan..”

Nagtawag na rin yung wedding coordinator ata, inisa-isa na niya yung mga nasa entourage. Maya-maya tinawag yung pangalan ko. Candle pala ako. Di ko alam, kala ko abay lang ako.

Wedding Coordinator: “John Christopher Delgado and Celina Monzon, Candle..; Randy Inocencio and Vanessa Diaz, Cord ; Walter Rivera and Jennifer Santillan, Veil..”

Pumila naman na yung mga nasa entourage. Kasi halos 10:00 na eh, kaya kailangan magsimula na, dumating na rin naman yung bridal car eh. Kaso..

“Uh.. Miss.. Yung partner ko kasi wala pa eh..”

Wedding Coordinator: “Teka.. Celina Monzon? Naku.. 10 na kasi eh.. Uh.. Yung isang abay din na lalaki, wala rin..”

Umalis siya saglit tapos nagulat na lang ako may kinakausap siya. Hala! Maya-maya..

Wedding Coordinator: “Siya na lang yung partner mo sa candle ah.. Sige.. Start na tayo..”

Naiwan ako dun kasama yung partner ko.

“Hi partner..”

“Partner ka diyan..”

Wedding Coordinator: “So ganito ho ah.. ang paghawak nung lalaki bale hahawak dun sa elbow nung babae….”

Nagsimula na yung pagpasok nung mga nasa entourage, bandang hulihan na yung mga secondary sponsors eh. Nung kami na..

Wedding Coordinator: “Hawak sa elbow ah.. O sige.. lakad..”

Habang papasok, ngiti naman kaming dalawa. pero pasimple akong nagsasalita..

“Partner may kamukha kang artista..”

Alex: “Magtigil ka..”

“Pramis, meron talaga..”

Alex: “Ewan ko sayo..”

Naghiwalay na kaming dalawang sa bandang gitna. Kasi magkahiwalay nga yung mga babae sa lalaki.

Naging maayos naman yung takbo nung kasal. Sumablay lang kaunti dun sa Candle ni Alex. Kasi nasa may bandang electric fan kaya namamatay yung sindi niya kaya sinindihan niya ulet.

Mga 12:00 natapos yung kasal, kasama na yung picture-picture dun. Nung palabas na ako ng simbahan, nakita ko si Alex. Palapit na ako sa kanya ng may lumapit sa kanyang lalaki, yung isa sa mga photographer ata..”

“Miss o.. yung picture niyo nung syota mo..”

Pagkarinig ko nun. Syota? Aba. May syota na pala tong si Alex ah. Lumapit nga ako. Biglang may inabot sa akin yung photographer..

“O eto naman yung sayo.. Ganda ng kuha ko diyan.. 60 lang ho..”

Pagtingin ko picture naming dalawa, habang palakad sa loob ng simbahan. Tinignan ko hawak-hawak ni Alex. Parehas pala kami. Teka?! Ako daw yung syota niya?!

“Teka ho.. Balikan ko na lang yung bayad..”

“Ang gwapo ko diyan no..”

Alex: “Siyempre mukha kang gwapo kasi nahawa ka lang dahil maganda ang partner..”

“Aba naman..”

Tumawa kami tapos nag-apir pagkatapos. Maya-maya bumalik yung photographer. Inabot ko sa kanya yung 200. Nagulat na lang ako.. Binigyan niya ako ng 80 pesos.

“Manong, kulang ho to..”

“Akala ko binayaran mo na rin yung sa syota mo?”

“Ho?”

Tapos napatingin ako kay Alex. Naalala ko yung di ko pagpunta nung isang araw sa Rodics.

“Uhmm.. Sige po..”

“Uy.. Bagay kayo ah.. Sa kasal niyo ako rin kunin niyong photographer ah..”

#######################################

Chapter 78:

Maya-maya umalis na rin yung photographer.

Alex: “Si Manong talaga.. Para makabenta lang kung anu-ano pa sinasabi.. Uy.. Salamat sa paglibre ah..”

“Siyempre naman.. Para may souvenir ka..”

Alex: “Souvenir?”

“Oo naman.. Ang gwapo pa naman ng partner mo.. Tignan mo sa picture o..”

Alex: “Ewan ko sayo.. Kita na lang tayo ulit sa reception..”

Umalis na rin siya at sumunod dun sa mga pinsan niya ata tapos ako pumunta na rin sa pinagparadahan namin ng kotse. Dumirecho na rin kami dun sa gaganapan ng reception.

Maganda yung lugar. Punung-puno ng bulaklak. Pati yung pool may nagflofloat na mga bulaklak.

Umupo na kami dun sa mga nakaassign na seats namin. Pagpasok nung bagong mag-asawa, nagsipalakpakan kaming lahat. Sinimulan yung program ng prayer tapos isa-isang nagsitayuan per table para mauna sa buffet table.

Habang kumakain kami, may pinakita na video presentation. Ang astig nung pagkakagawa. Pictures nung mga bata ba sila hanggang sa lumaki na silang dalawa saka yung mga pictures na magkasama na yung mag-asawa.

Nagbigay din ng messages yung mga ninong at ninang nila. Pati mga kaibigan at relatives.

Tapos nagtawag din ng mga kaibigan nila para kumanta. Yung unang tinawag, si Kuya Ariel, kapatid ni Ate Liza. Ganda kasi nung boses nun eh.

Wedding Coordinator: “Let’s call on, a cousin of Bong.. to render the couple a song.. Give it up for Alexandra..”

Nagulat ako nung nakita kong tumayo si Alex. Huwag mong sabihing siya yung kakanta? Sa bagay, may boses naman talaga siya eh.

“Come and lay here beside me
I’ll tell you how i feel….
There’s a secret inside me
I’m ready to reveal….

To have you close
Embrace your heart with my love
Over and over…
These are things that i promise,
My promise to you…

For all of my life
You are the one
I will love you faithfully forever
For all of my life
You are the one
I’ll give to you my greatest love….
For all of my life.”

Habang kumakanta siya, di ko maiwasang mapatingin sa kanya. DI lang naman ako, halos lahat ng kami. Parang iba yung pagkakanta niya eh.. Parang tagos sa puso.. Ay ewan..

“Let me lay down beside you
There’s something you should know….
I pray you decide to
Open your heart and let me show.

Enchanted worlds of fairytales
A wonderland of love…
These are the things that i promise,
My promise to you….

For all of my life
You are the one
I will love you faithfully forever
For all of my life
You are the one
I’ll give to you my greatest love….
For all of my life……”

Biglang napatingin siya sa akin saglit, sa akin ba siya nakatingin o pakiramdam ko lang yun? Bigla na lang ako umiwas ng tingin. Kinabahan ako bigla. Tinotopak ata ako ah.

Nung natapos na siya kumanta, nagsipalakpakan lahat. Ako naman tumayo. Tinanong ko yung isang waiter dun kung san yung C.R. Lumabas ako at hinanap kung san. Pagpasok ko, walang tao. Nung natapos na ako.. Pagbukas ko nung pintuan..

“Pucha.. Wag mong sabihing..”

Binuksan ko. Pero ayaw talaga. Wala na. Na-lock na talaga ako. Bad trip! Sinimulan kong kumatok.

“Ano ba naman to.. Malas..”

Umatras ako. Magigiba kaya to? Umatras pa ako. Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo ako para bungguin na lang tong pinto para bumukas.

“1.. 2.. 3..”

Sakto pagbuwelo ko para tumakbo biglang

bumukas yung pinto?!

“Sir?”

Nakatingin sa akin yung waiter na parang naweweirduhan. Lumabas na lang ako ng walang imik. Dumirecho papasok. Ang dami namang tao sa may harapan? Nagulat na lang ako bigla akong hinila ako nung wedding coordinator at the same time host na din.

Wedding Coordinator: “Ayan kumpleto na ang ating searchees.. Lima na sila..”

Searchees?? BUmulong ako dun sa katabi ko.

“Ano bang meron ah?”

“Ewan. Pakulo lang nung coordinator.. Imbes na ibabato yung garter para saluhin natin.. yung babaeng nakasalo nung bouquet yun mamimili pero ayun o.. Nakatalikod siya..”

Sabay turo dun sa babae. Di ko na masyado tinignan basta nakiride na lang ako.

“Aah..”

Wedding Coordinator: “First Question: Kung bagay ka, ano ka?”

Searchee no. 1: “Uh.. Eh..”

Ang tagal sumagot nung una kaya tinanong na yung pangalawa.

Searchee no. 2: “Singsing? Para laging suot.. Laging naalala..”

Searchee no.3: “Relo? Time is gold kasi para sa akin?”

Searchee no.4: “Basketball.. Mahilig kasi ako sa dun eh..”

Huling tinanong ako..

“Ano ba.. Eh di ano.. Tsinelas.. Masarap sa paa.. Simple..  DI pa masasaktan ang mga paa mo kasi komportable.. Parang ako masarap kasama saka simple? May sense ba?”

Wedding Coordinator: “Okay ang mga sagot ah.. Next question: Anong parte ng katawan ka?”

Searchee no. 1: “Ngiti.. Cute daw ako magsmile eh..”

Searchee no. 2: “Buhok.. Alagang-alaga yung buhok ko kasi.. “

Searchee no. 3: “Kamay.. KAsi yun yung gumagawa.. napapagod.. parang symbol ng work and hardship..”

Searchee no. 4: “Mukha.. Kasi yun ang unang tinitignan ng lahat.. Nandun halos lahat ng senses..”

“Eyes.. Sa mata pa lang makikita mo na kung anong nararamdaman ng tao.. Kung masaya, malungkot, nasasaktan..”

May dalawa pang tinanong sa amin. Nakakatawa nga yung mga pinagsasagot namin eh.

Wedding Coordinator: “Last question: Kung kakantahan niyo ang ating princess, anong kanta ito.. Kantahin niyo yung ilang lines man lang..”

Searchee no. 1: “Macho.. Gwapito daw ako.. Di malilumutan..”

Searchee no. 2: “Sana ay ikaw na nga..”

Searchee no. 3: “Abot kamay ang langit..”

Searchee no. 4: “Ibang-iba ang pinoy.. Wag kang matatakot.. Ipagmalaki mo

Nung tinanong na ako.. Nag-isip ako. Hmm.. Tapos ngumiti ako..

“Kapag tumibok ang puso.. Wala ka nang magagawa kung di sundin ito..”

Tawanan lahat. Tapos nilapitan nung host yung babaeng nakatalikod.

Wedding Coordinator: “So.. Sino na.. Si 1.. 2.. 3.. 4.. o 5..”

Iniabot yung mike dun sa babae.

“Yung last na lang..”

Nagulat naman ako. Nagsiupuan na lahat. Nakablindfold pa kasi yung babae eh. Lumapit ako at sinenyasan ako nung host na ako daw ang magtanggal nung blindfold. Pagtanggal ko..

“Alex??”

“Toph?!”

Malayung-malayo talaga ang itsura niya sa regular na itsura niya pag nakikita ko siya sa school. Yung tipong nakapants lang tapos nakacap o minsan nakatali lang yung buhok niya.

Searchees?? Bumulong ako dun sa katabi ko.

“Ano bang meron ah?”

“Ewan. Pakulo lang nung coordinator.. Imbes na ibabato yung garter para saluhin natin.. yung babaeng nakasalo nung bouquet yun mamimili pero ayun o.. Nakatalikod siya..”

Sabay turo dun sa babae. Di ko na masyado tinignan basta nakiride na lang ako.

“Aah..”

Wedding Coordinator: “First Question: Kung bagay ka, ano ka?”

Searchee no. 1: “Uh.. Eh..”

Ang tagal sumagot nung una kaya tinanong na yung pangalawa.

Searchee no. 2: “Singsing? Para laging suot.. Laging naalala..”

Searchee no.3: “Relo? Time is gold kasi para sa akin?”

Searchee no.4: “Basketball.. Mahilig kasi ako sa dun eh..”

Huling tinanong ako..

“Ano ba.. Eh di ano.. Tsinelas.. Masarap sa paa.. Simple..  Di pa masasaktan ang mga paa mo kasi komportable.. Parang ako masarap kasama saka simple? May sense ba?”

Wedding Coordinator: “Okay ang mga sagot ah.. Next question: Anong parte ng katawan ka?”

Searchee no. 1: “Ngiti.. Cute daw ako magsmile eh..”

Searchee no. 2: “Buhok.. Alagang-alaga yung buhok ko kasi.. “

Searchee no. 3: “Kamay.. KAsi yun yung gumagawa.. napapagod.. parang symbol ng work and hardship..”

Searchee no. 4: “Mukha.. Kasi yun ang unang tinitignan ng lahat.. Nandun halos lahat ng senses..”

“Eyes.. Sa mata pa lang makikita mo na kung anong nararamdaman ng tao.. Kung masaya, malungkot, nasasaktan..”

May dalawa pang tinanong sa amin. Nakakatawa nga yung mga pinagsasagot namin eh.

Wedding Coordinator: “Last question: Kung kakantahan niyo ang ating princess, anong kanta ito.. Kantahin niyo yung ilang lines man lang..”

Searchee no. 1: “Macho.. Gwapito daw ako.. Di malilumutan..”

Searchee no. 2: “Sana ay ikaw na nga..”

Searchee no. 3: “Abot kamay ang langit..”

Searchee no. 4: “Ibang-iba ang pinoy.. Wag kang matatakot.. Ipagmalaki mo

Nung tinanong na ako.. Nag-isip ako. Hmm.. Tapos ngumiti ako..

“Kapag tumibok ang puso.. Wala ka nang magagawa kung di sundin ito..”

Tawanan lahat. Tapos nilapitan nung host yung babaeng nakatalikod.

Wedding Coordinator: “So.. Sino na.. Si 1.. 2.. 3.. 4.. o 5..”

Iniabot yung mike dun sa babae.

“Yung last na lang..”

Nagulat naman ako. Nagsiupuan na lahat. Nakablindfold pa kasi yung babae eh. Lumapit ako at sinenyasan ako nung host na ako daw ang magtanggal nung blindfold. Pagtanggal ko..

“Alex??”

“Toph?!”

#########################################

Chapter 79:

Wedding Coordinator: “Aba.. Friends pala kayo..”

Ngumiti na lang kaming dalawa.

Wedding Coordinator: “So eto na pala yung garter o.. Upo ka dito, princess..”

Pinaupo si Alex dun sa may upuan. Ako naman parang ewan nakatayo lang dun sa tabi hawak-hawak yung garter.

Wedding Coordinator: “O ayan.. isuot mo sa kanya..”

Oo alam ko isusuot ko sa kanya yun. Pero uh.. Ang diyahe naman nun.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod nang konti. Nagkatinginan kami ni Alex. Mukhang nag-aalangan din siya eh.

Tumingin ako dun sa wedding coordinator.

“Pwede sa kamay na lang isuot..”

Tumawa lang sila. Malamang akala nila nagjojoke lang ako. Dahan-dahan kong isinuot yung garter. Una sa may paanan lang niya… Sigawan naman yung mga tao. Naguilty tuloy ako kasi naalala ko nakikisigaw din ako pag mga ganito eh..

“Woohoo.. Higher.. Higher pa!..” Grin

Nanginginig na kaya ko habang inaakyat yung garter. Inaakyat ko hanggang sa may tuhod na niya.Tumigil na ako saka tumayo.

“Okay na yan..”

Pinatayo din si Alex. Kinuha ko yung panyo ko. Pinagpawisan ako dun ah.  ::)Lumapit sa aming dalawa yung bride saka groom.

Wedding Coordinator: “Ngayon.. Para sa inyong dalawa.. Kailangang may magtouch na parte ng katawan sa inyo.. Kahit anong part.. Tapos yung bride saka groom.. siyempre magkikiss.. Mga 10 seconds.. Okay?”

Nagkatinginan kami ni Alex. Napasubo ako dito ah.

Wedding Coordinator: “Sige.. 1.. 2.. 3.. Go..”

Dahan-dahan ko na lang na nilapit yung kamay ko sa kanya.

Tapos naghawak kami ng kamay.  Embarrassed

“10.. 9..”

Ewan ko. Ang bilis ng paghinga ko ah.

“8.. 7..”

Ang tagal naman ng lecheng ten seconds na yan!

“6.. 5.. 4..”

Sumilip ako ng konti kay Alex. Nakapikit siya tapos kagat-kagat na naman niya yung lower lip niya.

“3.. 2.. and 1..”

Nakahinga rin ako ng maluwag. Nagbitaw kami ng mga kamay ni Alex.

Pagkatapos nun, wala naman kaming sinabi sa isa’t isa. Umupo na uli kami sa mga upuan namin.

Nagpatuloy yung program ng reception. Mga 3:30 na natapos. Pagkatapos nun, nagbigay ng message yung bagong mag-asawa saka nag-end. Nauna na akong lumabas. Hinintay ko na lang sina Marielle sa may kotse kasi nag-C.R pa ata sila saka sina Mama kinausap pa si Ate Liza.

Nakatayo ako dun nung nakita ko si Alex palakad papunta sa direksyon ko. Kinabahan ako bigla. Siguro kasi diyahe talaga yung kanina. Papunta pala siya sa van na katabi nung pinagparadahan namin. Nung nagkatinginan kami, walang kahit anong lumabas sa bibig ko pati sa kanya.

Ngumiti lang kami sa isa’t isa.  Tongue

Mag-dadalawang linggo na ang nakalipas. Ang bilis din ng panahon ah.

“Yaaawn..”

Bumangon ako sa kama. Pupungas pungas pa ako ng mata. Ginugutom na ako ah.  Nagulat na lang ako.

“Cyrus!! Insan!!”

Lumapit ako sa kanya at tulad ng lagi naming ginagawa nung bata, nagrewrestling kunyari.

“Musta? Tagal mong di napadaan dito ah..”

Cyrus: “Alam mo naman sembreak din eh.. Saka graduating na to, pare..”

Si Cyrus. 4th year College na yan. Kung tutuusin dapat, kinukuya ko yan, pero di uso sa amin yun eh.

Cyrus: “Napadaan lang ako dito eh..”

“Ganyan ka naman..”

Pumunta kami sa kwarto ko. Parang kapatid ko na rin yun eh, palitan kami madalas ng mga CD.

Umupo siya dun sa may kama ko.

“Cy.. Ligo lang ako..”

Kinuha ko yung twalya at dumirechong banyo. Paglabas ko, pumunta akong kwarto. Nakita ko si Cyrus, nagtitingin siya sa may CD Rack ko malapit sa desk.

Cyrus: “Pahiram nito ah..”

“Sige.. Balik mo ah..”

Ngumiti lang si Cyrus tapos umupo siya may kama ko.

Cyrus: “Mustah mga chicks natin ah.. Meron na ba..”

“Wala.. wala..”

Cyrus: “Kunyari ka pa.. eh sino to..”

Sabay pakita pa niya ng picture. Hinablot ko yung picture sa kanya. Kala ko kung ano. Picture pala namin ni Alex nung kasal. Nakuha niya siguro sa may desk ko.

“Wala.. partner ko nung kasal nung pinsan ko.. sa mother side..”

Cyrus: “Talaga lang ha.. Eh bat nasa ilalim ng unan mo?”

“Ano?! Sira ulo..”

Tumawa lang si Cyrus. Lakas mantrip ah.

Cyrus: “Pero maganda ah..”

“Ha?”

Tinignan ko yung picture.

“Oo nga.. Maganda siya.. Kaklase ko yan last sem eh..”

Cyrus: “Aba. Type mo yang chick na yan noh.. Sa wakas, nagbibinata na si insan..”

“Ano ka ba?! Hinde.. Di kami talo niyan.. Hinde..” Roll Eyes

################################

Chapter 80

Cyrus: “Anong hindi talo.. Asus.. Bakit?”

“Oo noh.. Kasi.. kasi..”

Napatingin ako dun sa picture namin.

“Friends lang kami..”

Nagulat na lang ako binato ako ng unan ni Cyrus.

Cryus: “Wahaha. Gagi. Showbiz ka ha..” Roll Eyes

Tumawa lang kaming dalawa.

Di naglaon dumaan na namang ang mga araw, linggo.. Okay naman ang sembreak. Nagpunta kami nung tropa ko nung highschool sa galera ng tatlong araw. Sobrang saya.

Haay.. Eto na. Second Sem na naman. Second day na ng classes. Tuesday. Sabay kaming palakad ni Stephen palabas ng halll. Uwian na eh.

Stephen: “Sa wakas nakakuha na rin ako ng P.E., bowling, Ikaw?”

“Meron.. Yun nga lang Wednesday.. Wallclimbing..”

Stephen: “At least meron.. Ako rin eh.. Wednesday..”

“Sige, pare mauna na ako..”

Nakayuko ako nun habang naglalakad eh. Pagtingin ko, badtrip yung tali nung rubber shoes ko pala. Yumuko ako para abutin at itali yung yung sapatos ko. Habang nagtatali ako, napansin ko o may dumaan sa gilid ko. Parang kilala ko yun ah. Si Alex ba yun. Nakaponytail din kasi yung buhok saka  maluwang na t-shirt.

Tumayo ako at hinabol siya. Hinawakan ko sa may balikat.

“Alex?”

Paglingon..  Shocked

Miss: “Ha?”

“Uh.. Sorry.. Akala ko kasi..”

Pinanood kong maglakad yung babae palakad. Akala ko si Alex. Nakakahiya. Huminga ako ng malalim. Paglingon ko sa kaliwa.. Palakad sa direksyon ko.

Natigilan ako.  Cool

“Oi.. Toph..”

Napangiti ako.

“Ibang-iba itsura mo ngayon ah..”

Alex: “Ha? Bakit.. Naglugay lang naman ako ah..”

“Nakasleeveless ka na ngayon? Aba naman.”

Alex: “Niregalo lang sa akin to mga two weeks ago?”

Sabay kaming naglakad papuntang sakayan.

“Aaah.. Okay lang yan.. Bagay mo nga eh..”

Alex: “Nambola pa..”

“Mustah mga subjects mo? Patingin nga ng Form 5 mo..”

Alex: “Bakit? Puro mga majors na ako.. Isa lang G.E ko eh..”

Sabay abot sa akin nung Form 5 niya.

“Ay.. Oo nga.. Wala na tayong parehas na class.. Sayang..”

Bumulong si Alex.

Alex: “Buti nga eh.. Haay..”

“Teka.. Hinde.. Uy! Classmate tayo sa P.E! Astig..”

Alex: “Ano?!”

Sabay hablot sa akin nung Form 5 niya.

“Oo.. Wallclimbing din every Wednesday.. Yan din section ko eh..”

Bumulong na naman si Alex.

Alex: “Naku po.. Huhu..”

“Ang saya no magkaklase tayo ulit.. Kahit once a week lang..”

Ngumiti lang si Alex sabya bulong..

Alex: “Haay.. Ang saya-saya.. Huhuhu..” Undecided

Wednesday.

Pagdating ko sa gym, medyo marami ng tao. Orientation pa lang. Umupo ako dun sa tabi nung kakilala ko, si Carlo, naging kaklase ko din dati. Maya-maya dumating na yung instructor namin. Tinawag yung pangalan namin isa-isa. Tapos binigay yung classcards namin. Sinulatan namin, iniabot sa kanya at dinismiss na kami. Next meeting sa may Power-up na yung class namin.

Nung palabas ng gym, nakita ko si Alex.

“Huy.. Pauwi ka na rin?”

Alex: “Uh.. Oo.. Pero punta muna ako sa may library..”

Sumakay kami ng toki. Iisa lang din naman ang babaan namin. Sabay kaming bumaba.

Habang palakad kami..

*BEEP BEEP*

Aba. CRV ni Stephen to ah. Bumaba siya bigla.

Stephen: “Uy.. San kayo galing?”

Alex: “Sa P.E..”

Stephen: “Aaaah.. Kala ko..”

Maya-maya may bumaba sa kabila. May kasama pala siya? Lumapit siya sa amin. Parang kilala ko to ah. Oo nga pala. Yung pinsan ni Stephen.

Stephen: “Si Matt pala.. Di ba nagkakilala na kayo dati?”

“Ah.. Oo..”

Stephen: “Oo nga pala.. Alex.. Si Matt, pinsan ko..”

Napansin ko nakangiti lang siya tapos.. Teka, nakatingin siya kay Alex, na kasalukuyang nakatingin naman sa malayo. Kinalabit ko si Alex.

“Huy..”

Alex: “Uh.. Sorry..”

Ngumiti lang si Alex. Taray. Wala man lang hi. Tsk. Tsk.

Iniabot ni Matt yung kamay niya.

Matt: “Hi.. Nice meeting you..”

Nakipagkamay din si Alex. Napatingin ako dun sa kamay nilang dalawa. Bat ganun parang..

kinabahan ako bigla.. Undecided

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: