`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch61-70

Chapter 61:

Nagulat ako biglang tinakpan ni Alex yung bibig ko.

Alex: Ano bang pinagsasabi mo ah??!! Baka may makarinig sayo..

Nagulat ako biglang may pumasok sa kwarto. Si Stephen.

Inalis ko yung kamay ni Alex.

Stephen: Gising ka na pala.. Bat namumula ka pare?

“Uh.. Kasi ano…”

Alex: “Nagising siya nung sinusuot ko yung t-shirt.. Akala niya..”

Nagkatinginan si Alex saka Stephen. Napangiti si Stephen.

Stephen: Alex?! Pinagtatangkaan mo ba tong kaibigan ko?! Ikaw ha.. Tsk.. tsk..

Alex: Shut up..

Biglang tumawa si Stephen.

“Anong nakakatawa dun?”

Stephen: Akala ko pa naman.. Kung sino yung sumisigaw..

Alex: That wasn’t funny.. Pano kung iba yung nakaranig nun no.. Baka kung anong sabihin nila.. I mean.. Hello?!

“Teka.. Ano bang nangyayari dito ah..”

Stephen: Ganito kasi yun.. Nakita ka namin.. Dun sa may duyan.. Lasing ka ata.. Kaya dinala ka namin dito.. Para di ka makita nina Tito.. Saka yung t-shirt na yan sa akin yan.. sinusuot yan ni Alex sayo..

Napatingin ako dun sa t-shirt. Oo nga no? Di  nga sa akin to.

“Ha?! Te-Teka.. Sinong Lasing? Ako??”

Alex: Oo.. Sino pa ba.. Eh may nakita kaming bote ng San Mig..

“Wait lang..”

Tapos natawa ako bigla.

Alex: Bat ka natatawa?

“Hinde.. Klaro ko lang.. Nakita niyo kong lasing?”

Stephen: Binuhat ka pa nga namin papunta dito eh..

“Binuhat niyo ko?”

Tapos tumawa na naman ako.

Stephen: Okay ka lang pare?

“Kasi nga.. Oo kumuha ako ng San Mig kaso.. Dapat nga iinom ako.. Kaso naisip ko wala namang maitutulong yun eh.. Kaya yun.. Di ko na natuloy.. Siguro nahulog ko yung bote nung nakatulog ako.. kaya natapon yung laman.. ”

Alex: You mean.. Binuhat ka namin mula dun?! Tapos all the while.. Tulog ka lang pala?!  Grrr.. Stephen?!!!

Stephen: Te-Teka malay ko ba?

Alex: Halika dito.. Patay ka sa akin!!

Tumakbo si Stephen bigla.

Tawa ako ng tawa. Nagulat ako biglang tumigil si Alex tapos lumingon sa akin.

Alex: Patay ka rin sa akin..

“Ha?!! Bat ako? I’m innocent!”

Kumaripas na rin ako ng takbo. Lumabas kaming dalawa ni Stephen dun sa kwarto hanggang sa nakaabot na kami sa beach. Si Alex habol pa rin.

“Takbo pare.. Dali..”

Alex: Patay kayo sa akin pag nahuli ko kayooooooooo!!!!!!

####################################

Chapter 62:

Mama: Uy.. Kain na..

Lumapit kaming lahat pati yung iba pang mga anak nung mga kaibigan nina Papa. Buti naman nahimasmasan na si Alex. Pero diyahe talaga yun, napagkamalan ko siya. Haaay..

Stephen: Ang daming pagkain.. Sarap..

Ang dami ngang pagkain, di mo alam kung ano uunahin mong tikman. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad ako. Naisipan kung magpulut-pulot ng mga kahoy.

Marielle: Anong ginagawa ni Kuya?

Stephen: Pagpasensiyahan mo na ang utol mo.. Tatakbong presidente yan ng Save Mother Earth Campaign..

Tawanan naman sila.

Pagkatapos magpulut-pulot ng kahoy, dinala ko at nilapag ko dun sa may tabing-dagat. Nagkiskis ako ng dalawang kahoy hanggang sa makagawa ako ng apoy. Ang kinalabasan? Bonfire. Boyscout ata to noon.

Pagkatapos, umupo ako dun sa ilalim ng puno ng niyog at sumandal.

“Haaay..”

“Pssst..”

Lumingon ako sa kaliwa ko. Pagtingin ko kung sinong nakatayo..

Si Alex.

Alex: May pabonfire-bonfire ka pa diyan.. Kala namin kung anong ginagawa mo..

Ngumiti ako. Maya-maya umupo siya at tinabihan ako. Tahimik lang kaming dalawa.

Alex: May problema ka ba?

“Kunyari ka pa.. Sinabi na sayo ni Stephen no?”

Huminga ng malalim si Alex.

Alex: Okay lang yan..

“Sana nga ganun kadaling sabihin..”

Alex: At least you have told her..

“Siguro..”

Alex: You really like her..

“Oo naman.. Mahigit isang taon din no..”

Tapos nagtapon ulit ako ng kahoy dun sa bonfire.

Narinig ko bumulong si Alex.

Alex: Ang swerte naman niya..

“Anong sabi mo?”

Alex: Ah sabi ko ganda ng sunset kanina noh?

“Ah.. Pasensiya ka na pala kanina ah.. Sobrang nagulat kasi ako eh..”

Alex: Mas lalo naman ako noh?! Sumigaw ka ba naman?

Tapos tumawa kaming dalawa.

Tahimik lang kami habang nakatingin dun sa apoy.

Alex: Alam mo lahat naman napagdadaanan yung nararamdaman mo eh.. Lahat.. Pati ako..

“Bakit ano nangyari?”

Tumahimik siya.

“Sorry.. Okay lang kahit di mo na sabihin..”

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti.

Alex: No.. it’s okay.. matagal naman na yun eh..

Tumingin siya ulit sa bonfire.

Alex: Kasi.. Noong third year ako.. Lumipat kami.. Nahirapan din ako nun kasi di ba.. Bagong lugar.. Bagong country.. Bagong mga mukha.. Lahat nag-iba.. Tapos.. Ayun.. nakilala ko siya.. Ian yung name niya.. Filipino-American siya.. Ang bait niya.. Maaalalahanin.. Siya ang tumulong sa akin para mag-adjust.. Nung una, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.. Pero ewan ko ba.. Unti-unting nahulog yung loob ko sa kanya.. Alam mo yun.. Hanggang sa isang araw nakita ko siya may kahalikang isang babae.. Ang sakit nun sobra.. Naging sila pala nung babaeng yun nung araw na yun.. Haay.. Never naman niya nalaman na nagkagusto ako sa kanya.. Friends pa rin naman kami.. Nahirapan din ako nun.. Iniiyakan ko siya.. Kaya di ka nag-iisa sa narara—

ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzz

“Toph?!”

Inalog-alog ako ni Alex.

“Nagkukuwento ko dito tapos… Hmmphh… Tulugan daw ba ko??”

Tinignan ako ni Alex. Ngumiti siya.

Alex:  Ang cute mo pala pag tulog..

Tinakpan ni Alex yung bibig niya. Napapikit siya.

Alex: Ano bang pinagsasabi ko.. Oh no.. May.. may nararamdaman na ata ko para sa kanya… Di to pwede.. Not.. Not again..

“Ah.. Ehem..”

Nanlaki yung mga mata ni Alex. Lumingon siya.

Alex: Ka-kanina ka pa diyan??

Stephen: Slight?

Tumayo si Alex.

Alex: Uh.. Sige.. Mauna na ako..

Tapos naglakad palayo si Alex. Biglang sumigaw si Stephen.

Stephen: Huwag ka mag-alala.. Wala akong narinig!!

####################################

Chapter 63:

Miyerkules.

*DING DONG*

Binuksan ko yung pinto.

“O Alex.. Pasok ka..”

Pinapunta ko muna siya sa living room.

“Teka, kunin ko lang yung laptop sa taas pati yung video cam para makapagstart na tayo..”

Pagbaba ko, binibigay ni Ate Tess yung mga photo albums namin.

Ate Tess: “Eto o.. Yan si JC.. Prom ata nila niyan.. Partner niya si Marielle..”

“Eh.. Hem.. Ate.. Pwede ba sa garahe kami gumawa.. Wala naman yung kotse eh..”

Ate Tess: “Oo.. Okay lang..”

“Tara..”

Nilabas ko yung wooden table saka chairs sa may garahe. Nilapag ko yung laptop at sinet-up ko. Pagtingin ko kay Alex, nakatitig lang sa akin.

“Huy..”

Nagulat ata parang wala ata sa sarili to ah.

“Okay ka lang?”

Alex: Uh.. Oo.. Si Marielle partner mo nung prom?

Ngumiti ako.

“Uh.. Oo.. Kakagulat ba?”

Bumulong si Alex.

Alex: Cute nga eh..

“Ano sabi mo?”

Alex: Ah.. Sabi ko.. Cool nga eh..

“Aaah.. Okay na… Panoorin na natin..”

Pinanood na namin yung mga interviews.

Alex: Okay ah.. Ganda ng kuha.. Edit na lang natin..

“Te-Teka ano to..”

Alex: Oops..

Pagtingin ko dun sa video..

“Kinuhanan mo talaga ako? Kala ko..”

Flashback:
“Kakapagod, kanina pa tayo paikot-ikot dito sa school..”

Alex: Pahinga muna tayo.. Uh.. Kain ka muna… Ayan o.. Taho.. Akin na nga muna yang videocam..

“Manong, isa nga po.. Kaw gusto mo?”

Alex: Hinde.. Kaw na lang.. Busog pa naman ako..

Lumapit kami dun sa may shade tapos umupo ako dun sa may bench.

Tumayo si Alex tapos humarap sa akin hawak-hawak yung videocam.

Alex:  “Smile naman diyan..”

Ngumiti naman ako. Akala ko di niya talaga ako kinukuhanan eh. Nag-pose pose pa ako.

“Sira ka talaga.. Sige.. CR lang ako..”

Alex: Okay..

Naiwan si Alex dun habang pinapanood yung video.

Yung nasa video.. Nakazoom-in yung mukha ko habang kumakain ng taho.

Dahan-dahang hinawakan ni Alex yung screen.

Ngumiti siya.

Lumabas ako papuntang garahe, nagulat ako biglang sinarado agad ni Alex yung laptop.

“Okay ka lang.. para kang nakakita ng multo?”

Alex: Uh.. Wala.. Wala..

“Dadalhan pala tayo ni Ate Tess ng meryenda..”

Alex: Sige. Tutulungan ko na lang siya..

Bago pa ko nakapagsalita pumasok na siya sa loob.

“Anong nangyari dun?”

###############################

Chapter 64:

Alex:Eto na ang meryenda.. Guess what?

“Ano?”

Alex: Lasagna.. Roll Eyes

Ngumiti ako. Tumayo ako para lapitan at tulungan siya.

“Alex…yung step ah… Baka kasi..”

*BLAAG*

“Alex!!”

Dali-dali ko siyang tinulungan. Di niya nakita yung isang step dun.. Marami ngang nadadaling bisita dun eh..

Alex: I’m sorry..

Nahulog yung dala-dala niyang tray ng lasagna. Nabasag.

“Okay lang.. Halika dito.. Upo ka muna..”

Inalalayan ko siya para makaupo.

Alex: Uh.. Oww.. Ang sakit..

“Saan?”

Tinuro niya yung tuhod niya. Tinupi ko yung pantalon niya hanggang sa tuhod.

Alex: Oh no..

May malaki-laki siyang sugat sa may tuhod. Dumudugo nga eh.

“Tsk.. Tsk.. Teka lang ah..”

Pumasok ako sa loob para kunin yung first aid kit.

Nilabas ko yung  anti-septic wipe tapos dahan-dahan kong pinunasan yung sugat niya.

Alex: Oww.. Medyo mahapdi..

Hinipan ko yung sugat niya.

Napatingin ako kay Alex.

Alex: Uh.. Thanks..

Ngumiti ako.

Kumuha ako ng Betadine tapos naglagay ako sa cotton tapos pinahid ko sa sugat niya.

“Naku.. Magkaka-peklat ka na niyan..”

Nilabas ko yung band-aid tapos nilagay ko sa sugat niya.

Alex: Haay.. Oo nga eh..

Dahan-dahan kong binaba yung pagkatupi ng pantalon niya.

“Yaan mo.. Lilibre na lang kita..”

Alex:Ha?

“Oo no.. Tapusin lang natin to.. Mayang hapon hatid kita..”

Alex: Naku.. Huwag na..

“Okay lang yun.. Hatid na kita.. Maya-maya darating na rin si Mama.. Hihiramin ko yung kotse..”

Alex: Thanks ulit..

“Sus.. Back to work na ulet..”

Niligpit ko yung first aid kit tapos tumayo ako. Napatingin ako dun sa basag na tray ng lasagna.

“Pansin mo.. Parang pag magkasama tayo laging may natatapon na lasagna.. Tsk.. Tsk..”

Tumawa si Alex.

##################################

Chapter 65:

“Ayan… Tapos na natin..”

Alex: “Yung kalahati..”

“Haay.. Oo nga eh.. Ang hirap talaga mag-edit.. At least may natapos na tayo..”

Tumingin ako sa relo ko. Hapon na. Maya-maya darating na rin si Mama. Hahatid ko na si Alex pagkatapos.

Pumunta muna kami sa living room tapos in-on ko yung TV. Panay lipat ko ng channel. Hanggang sa napunta na sa Star Movies.. White Chicks. Nasa scene na kadate nung agent yung Black tapos kinakagat niya yung kuko niya para lang umayaw sa kanya yung lalaki. Laughtrip talaga.

Tawa kami ng tawa ni Alex.

“Favorite.. Ko yan..”

Nagkatinginan kami.

Ngumiti ako.

“Ang kulet no. Pinanood namin yan ng tropa ko pero sa DVD nga lang..”

BEEP.. BEEP..

“Ayan na ata si Mama..”

Lumabas si Ate Tess para pagbuksan ng gate si Mama. Maya-maya..

Mama: “Naku po.. Ang traffic.. May bungguan pala diyan sa labasan..”

Tumayo si Alex.

Alex: “Good Afternoon po..”

Nakatingin lang si Mama sa kanya. Natulala ata.

“Ma?”

Mama: “Ay.. Good Afternoon din.. iha.. Kaw yung pamangkin ni Bert di ba?”

“Si Alex.. Classmate ko..”

Sabay ngiti siya.

Sinundan ko si Mama sa kwarto niya.

“Ma, pahiram ng susi.. Hatid ko lang si Alex..”

Humarap siya sa akin. Nagkasalubong yung kilay niya tapos ngumiti siya.

Mama: “Ngayon ka lang nagdala ng babae sa bahay ah..

“Ha?”

Nagtaka naman ako bigla. Tapos naisip ko.. Hala..

“No.. It’s not what you think.. Kagroup ko lang siya.. Tinatapos lang namin yung project..”

Mama: “Okay.. If that’s what you say..”

Sabay hagis sa akin ng susi. Lumabas ako ng kwarto nila.

“Tara..”

Lumabas kami tapos pinagbuksan ko ng pintuan ng kotse si Alex. Biglang tumingin siya sa akin..

“Bakit? Gentleman din naman ako kahit papaano..”

Tumawa siya.

Alex: “Hindi masyado halata..”

Tapos pumasok siya sa loob.

Nagdrive kami papuntang mall.

“Dito na tayo..”

Alex: “Ha? Bakit?”

“Sabi ko.. lilibre kita di ba?”

Alex: “Kaw bahala..”

Nagikot-ikot kami sa loob ng mall. Hanggang sa napadaan kami sa may arcade.

Alex: “Tara, arcade tayo..”

“Ha?”

Sabay labas namin ng powercard namin. Wala ko nagawa kung hindi sundan siya. First Stop: Racing

“Kaskaserang driver to..”

Tumawa si Alex.

Alex: “Sorry na lang.. Malapit na ako sa finish line..”

“No way..”

Tinapakan ko ng todo yung gas.

Ayan. Malapit na.

Malalagpasan ko na siya. Kita ko na yung finish line.

“Yes!!”

Alex: “Tsamba lang yun..”

“Hinde no..”

Sumunod na nilaro namin. Basketball.

“Sige.. Pananalunin na kita..”

Alex: “Whatever.. Game na?”

“Oo ba..”

Babagalan ko na lang. Paglabas ng bola, nagshoot ako.. tapos nagshoot ulit. Sinilip ko si Alex. Whoa. Mabilis din pala siya magshoot saka may porma siya tumira. Pagtingin ko sa points niya. Whoa.

Binilisan ko nga yung pagshoot ko kaso nabagalan ko na kasi nung una kaya..

Alex: “Pano ba yan.. I won..”

“Five points lang naman lamang eh..”

Alex: “Kahit na..”

“Marunong ka pala magbasketball..”

Alex: “Sino ba nagsabing di ako marunong..”

“Sige nga.. Next time one-on-one..”

Alex: “Hmm.. I’ll think about it.. Baka kasi di pa ako pagpawisan pag naglaban tayo..”

“Ang Yabang..”

Alex: “Joke lang.. Tara dun naman tayo o..”

Tinuro ni Alex yung game na may hammer tapos pag may lumalabas ng character sa mga butas pupukpukin mo.

“Pambata yun eh..”

Alex: “So what..”

Tapos nauna na siya dun sa may game. Nag-swipe na siya ng card. Kinuha niya yung hammer.. Para siyang bata. Excited pa talaga.

Tumayo lang ako dun sa may tabi. Lumingon-lingon. Nanlaki yung mga mata ko. Oh no.

Si..

Si Larisse.

Kasama yung William ata. Nag-reracing.

Tumalikod ako.. Pinatong ko yung mga kamay ko.. kaso..

“Aaaaraaaay..”

Alex: “Sorry.. Sorry..”

“Ang sakit nun ah..”

Alex: “Bat mo naman kasi pinatong yung mga kamay mo dyan ah..”

“Sorry na..”

Alex: “Haay.. Tara na nga..”

Maya-maya nung nakalabas na kami at medyo malayu-layo na yung nalakad namin..

Alex: “Nakita mo siya no?”

Tumahimik lang ako.

Alex: “Tara..”

Hinila ako ni Alex papuntang.. Teka.. San nga ba kami pupunta?

Maya-maya nasa harap na kami ng ice cream stand.

“Ice Cream?”

Alex: “Oo no.. Ang init kaya ngayon..”

“Sige.. Kaw na lang.. Ako magbabayad..”

Alex: “Hinde no.. Ako na..”

“Ako na..”

Tapos narinig ko na lang yung katabi naming babae bumibili ng ice cream.

Miss: “Yung sa akin.. yung scoop niya.. strawberry saka chocolate lang..”

Saka iniabot yung order sa kanya.

Sinundan ko ng tingin yung babae.

Ewan ko ba.

May naalala lang akong bigla.

Chapter 66:

Naalala ko nun parehas pa kami ng binili ice cream..

Yung ngiti niya.. Yung saya ko nung magkasama kami..

Huminga ako ng malalim..

Haay..

Pero siguro kailangan kalimutan ko na yun..

Dapat lang..

Alex: Toph? Toph..

Nagulat ako nung hinawakan ako ni Alex sa balikat.

“Okay ka lang?”

Sinundan ni Alex yung tingin ko.

Alex: Bakit.. Kilala mo ba yun?

“Uh.. Hinde.. Wala.. May naalala lang ako.. Anong gusto mong flavor?”

Alex: Cookies n’ cream na lang siguro..

“Okay.. Isang cookies n’ cream nga..”

Binayaran ko yung ice cream tapos iniabot ko kay Alex.

Alex: Thanks..

Naglakad-lakad kami hanggang sa napunta na kaming Greenbelt.

“Uh.. Bili lang ako sa Starbucks..”

Alex: Ako na.. Ano bang orderin mo?

“Mocha Frappe.. Grande..”

Tapos iniabot niya sa akin yung kamay niya. Tinignan ko siya. Nakasmile siya. Bat kaya?

Binigay ko sa kanya yung 200 ko tapos sinundan ko siya papasok sa loob.

Miss: “Good afternoon Ma’am..”

Alex: Uhmm.. Isang Mocha Frappe.. Grande..

Miss: Name please?

Bumulong si Alex.

Alex: Narda..

Lumapit si Alex dun sa kahera. Bumulong ulit.

Alex: Narda.. N-A-R-D-A

Naku po. May topak na naman to. Tsk.. Tsk..

“Uhmm.. Pasensiya na.. Kasi ano..”

Alex:Bakit? Haay..

Ang kulet talaga nitong babaeng to. Tinitignan kami nung kahera nagtataka.

Alex: Sige.. Alex na nga lang..

Huminga ako ng malalim. Ang labo talaga nito. Pero nakakatuwa siya, ang lakas ng loob.

Pagkakuha nung Mocha Frappe, lumabas na kami.

“Okay ka lang? Narda?!”

Tumawa si Alex.

Alex: Bakit ba? Ginagawa kaya namin yun nung kuya ko eh..

“Kuya?”

Alex: Oo pero nag-aaral siya ngayon ng Graduate studies abroad eh..

“Aaah..”

Alex: Bakit ikaw.. Kaya mo ba yun?

“Huh? No way..”

Alex: For fun lang naman eh.. Sabihin mo ikaw kasi.. Uh.. Aguiluz?

Tumawa ako. Bumulong siya bigla.

Alex: Tapos Alwina na lang sana sinabi ko..

“Ano?”

Alex: Ah.. Tapos hahanapan kita ng Alwina mo..

“Sira ka talaga.. Tara na nga..”

Naglakad-lakad kami banda dun sa may fountain. Umupo ako dun sa may bench dun.

Si Alex naman nagpuntang fountain. Nakatitig lang dun.

Tumayo ako at nilapitan siya.

“Okay ka lang..”

Alex: Ha? Oo..

Tapos binabad niya yung kamay niya.. Nagulat ako ng..

“Alex!!!”

Tinignan ko yung damit ko. Basa na.

“Akala ko pa naman nagdadrama ka?!”

Tapos binasa na naman niya ko ulit.

“eto sayo..”

Hinabol ko siya..Ang bilis tumakbo. Pinagtitinginan na nga kami nung mga iba dun eh.

Nung maaabutan ko na siya.. Bigla siyang tumigil..

Alex: Okaay.. Sorry.. I’m sorry..

“Grabe ka.. Malala ka na..”

Tapos tumawa ako.

“Napagod ako dun ah..”

Alex: C.R lang ako..

Pumasok siya dun sa C.R.. Ako naman naghintay lang sa labas.

Nakatalikod ako nun.. biglang may humawak sa balikat ko.. Lumingon ako..

Stephen: Uy.. Sabi ko na nga ba.. Kaw yan..

“O.. Dito ka rin pala..”

Stephen: Ba’t nandito ka? Saka ba’t basa ka?

“Ah.. Wala to.. Kaw sino kasama mo?”

Nagulat na lang ako biglang may lumapit na lalaki..

Stephen: Ah.. Pinsan ko nga pala…

“uy.. Pare.. Toph pala..”

Nakipagkamay ako dun sa pinsan niya.

“Matthew.. pero Matt na lang..”

Stephen:Sige.. tol.. una kami..

“Sige..”

Maya-maya lumabas na rin si Alex..

Alex: Si Stephen yun di ba?

“Ah.. Oo.. Saka yung pinsan niya.. Tara na.. Hatid na kita..”

Bumulong si Alex.

Alex: “Buti na lang.. Di kami nakita..”

Mga ilang minuto lang nakarating na rin kami sa bahay nila. Pinagbuksan ko ulit ng pinto si Alex.

Nag-doorbell siya sa bahay nila. Tapos, pinagbuksan din siya maya-maya nung maid ata nila. Hinintay kong makapasok siya sa loob..

Pumasok na ako sa loob ng kotse. Nag-drive na ako pauwi. Pinarada ko sa may garahe namin yung kotse, baba na sana ako nung may nakita ko sa inupuan ni Alex kanina.

“Di ko to napansin kanina ah..”

Napangiti naman ako.

Yung napkin sa may Starbucks.

Tapos nakasulat.. “I had fun.. Thanks.. =P”

######################################

Chapter 67:

Ilang linggo na lang sembreak na. Ang saya. Woohoo. Pero sunud-sunod na ang mga projects saka exams. Haay.

Lunes. Sobrang napagod ako dun sa exam ko sa math. Napiga na yung utak ko. Pagkatapos ng exam, dumirecho kong canteen para bumili ng pagkain. Saka ako nagpuntang SocSci1 ko. Pagsilip ko sa room, wala pang tao kaya umupo muna ako sa may bandang hallway na lang. Nagkataon, pinatong ko sa kanan ko yung iced tea ko pagtingin ko sa di kalayuan. Nakaupo din si Alex.

“Alex!!”

Hindi lumilingon? Bakit kaya. Parang tulala ata yun ah. Tumayo ako at tinabihan siya.

“Huy..”

Parang nagulat siya nung nakita ako. Tulala nga.

Alex: “Nandiyan ka pala..”

“Okay ka lang?”

Sabay kagat ko dun sa burger na binili ko at inom na rin ng iced tea.

Alex: “Ha? OKay lang..”

Sabay punas naman ng mata niya. Naku po. Umiiyak pala siya. Lumingon-lingon ako sa paligid ko.

“Bakit? Ano problema? Baka sabihin nila pinaiyak kita..”

Ngumiti si Alex.

Alex: “Kasi ano..”

Huminga siya ng malalim.

Alex: “Kakakuha ko nung exam results ko kanina eh.. Grabe.. Ang baba.. Natatakot tuloy ako.. Di rin kataasan yung grade ko last exam eh.. Target grade ko pa naman at least 2 or 2.25 man lang.”

“Ano bang subject?”

Sabay inom ko ulit ng iced tea.

Alex: “Math 17”

“Math?? Haay.. Di ka nag-iisa ano..”

Pero nakita ko mukhang namomoblema talaga siya.

“Patingin nga ng exam mo..”

Nilabas naman ni Alex yung exam niya. Tinignan ko.

“Hmm.. Gusto mo turuan kita? Kasi tapos na kami dito Math 54 na ako eh.. Buti pa kayo walang Math series..”

Alex: “Talaga?! Uh.. I mean.. Okay lang?”

“Oo naman.. Uh.. Gusto mo sa Wednesday.. Sa library..”

Ngumiti si Alex. Nagsimula na rin magsidatingan yung mga kaklase namin.

Alex: “Okay..”

Tumayo kaming dalawa at pumasok na sa classroom.

Miyerkules.

Nilapag ko yung mga higanteng libro sa lamesa sa may library.

Alex: “Whoa?! Ang lalaki naman niyan..”

“Ang bigat pa.. Okay.. Game.. San tayo magsimula..”

Iniabot niya sa akin yung recent exam niya.. Tinignan ko.. Hmm.. Umupo ako nang..

“Aaarraay ko..”

Alex: “Toph!?”

Tumayo si Alex para tulungan ako.

Alex: “Kasi naman.. ang layo pa kaya nung upuan mo noh? ilapit mo.. ganito o..”

Tapos nilapit niya yung upuan.

“Pasensiya.. Nagcoconcentrate ako eh..”

Tumawa si Alex.

Alex: “Nakakatuwa ka pala magconcentrate..”

“Eto na.. start na tayo.. Ganito..”

Una muna inexplain ko sa kanya bawat problem dun sa exams niya muna. Problem solving kasi yung topic nila dun. Tapos sinubukan din naming magsagot ng mga sample problems sa libro. Pagkatapos, kinuha ko yung dati kong mga exams tapos pinasagutan ko sa kanya.

“Oi, C.R ako.. Pagbalik ko dapat tapos na yang dalawang problem na yan..”

Alex: “Ganun? Opo. sir..”

Pagbalik ko, patapos na siya dun sa pangalawang problem. Pagtingin ko..

“Okay naman.. pero ang haba ng solution mo.. mahihirapan ka baka kulangin ka sa oras di mo naman masagutan yung ibang tanong pag exams..”

Tinuruan ko siya ng mas maikling paraan ng pagsagot nung mga problems.

“Haay.. Ang init naman dito sa pwesto natin..”

Alex: “Oo nga eh.. Dun kaya tayo sa may electric fan o.. Wala na yung nakaupo dun kanina eh..”

Lumipat kami dun sa may table dun. Nilapag ko yung mga gamit. Kaso nahulog yung calculator ko bigla.. Bad trip baka nasira yun ah. Pinulot ko tapos pagtayo ko.. Nanlaki yung mga mata ko..

“Hala.. Bilis.. Nililipad yung mga papel o..”

Alex: “Dali.. Magpulot ka kaya..”

Pinatay ko muna agad yung electric fan, ang laki kasi grabe. Tapos saka naming pinagpupulot yung mga papel. Ang daming nahulog eh..

*DUUG*

“Araay..”

Alex: “Ang sakit nun ah..”

Sabay hawak namin sa noo namin.

“Ako kaya naunang nakakita nung papel..”

Alex: “Okay? Makipagagawan daw?”

Tapos tumawa kami.

Inayos na namin yung mga gamit tapos tinuloy ko na yung pagturo sa kanya. Sumunod na inaral namin yung lessons niya ngayon, yung ieexam niya bukas.
Pagkatapos, kumain muna kami ng lunch saglit tapos review na naman ulit. Mga 3:30 na kami natapos.

“Sa wakas.. Ang galing ah.. Perfect na.. Baka mauno mo na yung exam mo..”

Ngumiti siya.

Alex: “Sana..”

Niligpit na namin yung mga gamit tapos lumabas na kami ng library. Nagulat ako biglang hinawakan ako sa balikat ni Alex.

Alex: “Uhm.. Salamat ah.. Sobr– Owww.. Oww…”

“O.. Bakit..”

Biglang hawak niya dun sa kanang mata niya.

Alex: “Napuwing ata ko… Sakit..”

“Teka..”

Dahan-dahan kong hinawakan yung mata niya tapos hinipan ko.

“Ayan.. Okay na?”

Pinikit ni Alex yung mga mata niya.

Alex: “Medyo.. Uh..Thanks ulet.. Sige, mauna na ko.. May dadaanan pa ko eh..”

“Sige.. Good Luck sa Exam bukas..”

Tapos ngumiti si Alex.

#######################################

Chapter 68:

Huwebes. Palakad na ako papuntang sakayan. Stressed talaga ko. Tatlo exams ko kanina. Sana naman pasado ko lahat at pinagpuyatan ko rin yun ng ilang araw.

Wala na ata ako sa sarili habang naglalakad eh gusto ka na makauwi at matulog.. Haay.. May exam pa ako bukas. Nakapila ako sa may sakayan. Naghihintay ng jeep papuntang pantranco..

“Toph!!!”

Lumingon ako sa kanan. Wala namang tao. Pero parang may narinig akong tumawag sa akin. Pagharap ko sa kanan, nagulat ako kaharap ko na bigla si Alex.

“Kakagulat ka naman..”

Hinawakan niya ako bigla sa balikat.

Alex: “Guess what?!”

Ngumiti ako.

“Spill it..”

Alex: “1.25 ako sa exam ko!!”

“Wow! May result na agad.. Buti pa prof niyo masipag magcheck..”

Tumawa si Alex.

Alex: “Kakakuha ko nga lang eh.. “

“Sabi ko sayo eh..”

Alex: “Thank you ah.. Sobra..”

“Wala yun..”

Maya-maya may dumating na jeep na.

“Sige.. Sakay na ako..”

Papila na ko nang..

Alex: “Uh.. Toph?”

Lumingon ako.

Alex: “Dahil magaling kang tutor.. lilibre na lang kita.. Parang thank you ko na rin..”

“Aba naman. Oo ba. Libre eh. Hmm.. Parang gusto ko ng tapsilog bukas sa Rodics ah..”

Alex: “O sige ba.. Bukas..”

“After na lang ng exams.. mga hapon.. 4 siguro.. Naku po. Ginugutom tuloy ako..”

Alex: “Okay.. Ingat..”

Ngumiti ako tapos umakyat at pumasok na ako sa jeep. Pagtingin ko, nandun pa siya sa may sakayan. Hinintay niyang makapasok ako hanggang sa makaalis na yung jeep, sabay kaway pa sa akin.

Pag-uwi ko ng bahay. Umidlip ako saglit tapos gumising ako para mag-review para sa mga exams ko kinabukasan. Madaling araw na nga ako nakatulog eh.

“Yaaaawwwwnnn..”

Pagtingin ko sa wall clock.

“Patay!” Dali-dali akong nagpuntang banyo para maligo at magbihis. Bumaba ako agad para magbreakfast. Pagtingin ko yung plato ko na lang yung nandun.

Mama: Iho.. Bilisan mo..

Umupo ako agad para kumain tapos direcho toothbrush agad pagkatapos. Five minutes before the exam ako nung nakarating sa school. Buti nalang wala pa yung proctor. After ilang minutes, pumasok na yung proctor at binigay yung exam namin.

Pagkatapos nun, dumirecho ako sa next exam ko. Dun naman medyo maaga-aga ako kahit papaano. Nakipagmeet din ako dun sa mga groupmates ko pa sa isang subject. Tapos after nun, nakipag-usap ako dun sa isa kong prof. Gusto niya kasi akong kausapin regarding dun sa project ko kung pwede akong gumawa ng kaunting revisions lang naman.

“Sige po sir.. Thank you po..”

Lumabas akong office niya. Pag-labas ko narinig ko yung pagkulo ng tiyan ko.

“Di pa pala ako kumakain..”

Dali-dali akong pumuntang canteen hanggang sa..

*BLAG*

Pagtingin ko kung sinong nabangga ko.

“Uy.. Pasensiya..”

Stephen: okay ka lang?

“Dami kong ginawa ngayon.. Exams.. Kinausap ko yung prof ko.. Di pa ko kumakain.. Haay..”

Stephen: Di ka pa kumakain? 2:30 na ah? Tsk.. Tsk..

Sinamahan ako ni Stephen. Umorder ako ng kanin at ulam kasi gutom na ako nang sobra.

Stephen: Uh.. Pinapunta pala tayo sa tambayan mamaya.. May meeting daw..

“Ganun? Tungkol san? Sa Induction natin as members?”

Tumahimik si Stephen.

Stephen: Di ko alam eh.. Siguro.. Pero ang narinig ko may sasabihing importante si Larisse eh..

Natigilan ako.

“Ah.. Okay..”

Stephen: Pupunta ka ba?

Ang tagal bago ko sumagot.

“Uh.. Oo naman..”

Stephen: Wala ka ng lakad? Parang ang dami mong pinuntahan ngayon ah.. Busy ba?

“Di naman.. Sunud-sunod lang.. Lakad? Hmm..”

Napaisip ako.

Parang meron pero di ko naman matandaan.

“Wala ata.. Wala..”

########################################

Chapter 69:

Nag-stay kami ni Stephen sa canteen hanggang mga 3:30 pm.

“Anong oras ba yung meeting?”

Stephen: 4 pm daw.. Ano punta na tayo dun?

“Sige..”

RIIIIIIINGGG

Tinignan ko yung phone ko. Naka-off naman?

Stephen: Hello?

Akala ko sa akin. In-on ko yung phone ko. Nagbukas naman. Nagvibrate bigla.

1 message received

Opening..

Battery Empty!!

Nagulat ako biglang namatay yung phone ko. Wala na pala akong battery. Bad trip naman nakalimutan ko palang mag-charge kagabi.

Stephen: Tara na?

Pagdating namin sa tambayan, ang daming pagkain. Anong okasyon?

Stephen: Ang daming chibog ah..

Lumapit si Leila sa amin.

Leila: Haay..

“Bakit?”

Leila:Basta..

Biglang nagsalita si Hannah.

Hannah: Kung mapapansin niyo ang daming pagkain ngayon.. Siyempre, nalalapit na ang induction natin as members kaya kailangan magcelebrate..

Palakpakan naman kaming lahat.

Hannah: Kaso.. Haay.. May bad news naman..

Nagulat ako nung nagpunta sa harapan si Larisse. Ngumiti siya.

Larisse: Sobrang saya ko at di ako nagsisisi na sumali ako dito kasi kung hindi.. di ko sana kayo nakilala…. Bago ako umalis gusto ko sana pasalamatan kayo sa lahat-lahat..

Stephen: Aalis ka?

Ngumiti si Larisse.

Larisse: Yah.. Nag-advanced exams na ko para makuha agad yung transcript ko.. Lilipat na kami ng family ko.. Ma.. Mamimiss ko kayo..

Tumahimik kaming lahat. Lumapit lahat para yakapin siya. Naiwan kaming dalawa ni Stephen sa may sulok.

Stephen: Okay ka lang pare..

Tahimik lang ako. Hindi ko iniexpect yun ah.

Larisse: Kainan na..

Nagsimula na kumuha ng kanya-kanyang plato lahat. Nagpatugtog din ng music. Maya-maya dumating si Jeffrey. Basang-basa.

Jeffrey: Sorry ngayon lang ako.. Umulan bigla.. Ang lakas nga eh..  Nabasa tuloy ako..

Sumilip kami sa may pintuan sa labas.

“Ang lakas nga ng ulan..”

Stephen: Ang malas naman nung mga nasa labas..

Ewan ko. Pero bigla akong kinabahan.

###################################

Chapter 70:

Umupo ako dun sa may sulok.

Nagulat na lang ako nung may lumapit sa akin.

Larisse: Di ka kakain?

Ngumiti ako.

“Kumain na ako..”

Tumabi siya sa akin.

Larisse: Sorry..

“Para san?”

Larisse: Sa lahat..

“Wala ka namang kasalanan eh..”

Ngumiti siya.

Larisse: Teka lang ah..

Tumayo siya bigla. Pagbalik niya may dala-dala siyang isang plato ng cake.

Larisse: O eto.. cake man lang..

“Ha?”

Larisse: Masarap yan..

Kinuha ko yung plato sa kanya.

Larisse: Mamimiss ko kayong lahat…

Natigilan ako.

Larisse: I really appreciated everything.. Pag nakakatanggap ako nung teddy bear.. Napapangiti ako.. Thank you..

“Wala yun.. Salamat din.. For.. For being a friend..”

Ngumiti siya.

Stephen: Tol.. Sabay ka na sa akin? Umuulan na eh.. Mag-5:00 na rin..

“O Sige.. Uy.. Mauna na kami..”

Larisse: “May payong ba kayo?”

Stephen: Okay lang yun.. Konting basa lang naman..

Larisse: Ha? San ba kayo nagpark?

Stephen: Dun sa may parking lot sa may kabilang hall..

Larisse: Malayo yun.. Teka.. Payungan ko na kayo..

“Ha? Wag na..”

Larisse: Okay lang yun.. Pauwi na rin naman ako.. Dun na lang din ako magpapasundo..

Nagpaalam na kami salahat. Nag-group hug pa nga eh.

Stephen: Dalian natin.. Ang lakas ng ulan..

Buti na lang kahi papaano malaki-laki yung payong ni Larisse. Direcho agad kaming parking lot.

Pumasok agad si Stephen sa loob ng kotse.

“Yung sundo mo?”

Larisse: “Malapit na yun.. Sakay ka na..”

Tinignan ko siya.

“So.. Goodbye na..”

Ngumiti siya.

Larisse: Magkikita pa rin naman siguro tayo.. Someday..

Nilapitan ako ni Larisse.

Palapit ng palapit.

Naramdaman ko yung pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

Tapos nagyakapan kami.

“Sige..”

Pumasok na ako sa CRV ni Stephen. Maya-maya dumating din yung sundo ni Larisse.

Stephen: Tara na?

Nag-drive na siya paalis.

Stephen: Napansin mo ba yung babae sa may sakayan kanina sa tapat ng parking lot?

“Huh? Hinde..”

Stephen: Wala lang.. Di ko masyado nakita yung mukha eh.. Walang payong.. Basang-basa nga eh..

Lumiko pakaliwa si Stephen. Medyo traffic na. Maya-maya nakarating na rin ako ng bahay.

Mama: Iho.. Buti nandito ka na..

“Akyat lang ako.. palit ako ng damit..”

Pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Nilabas ko na rin yung cellphone ko at nagcharge ako. Inon ko… Pagbukas ko..

Natigilan ako. May text ako galing.. galing kay..

Alex?!

“Patay..”

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Blog at WordPress.com.