`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch31-40

Chapter 31:

Nasa kwarto ako ngayon. Nakatingin sa may ceiling. Naisip ko rin yung mga sinabi ni Alex. Babae pa nagsabi sa akin ah. Sa bagay, di ko pa rin naman nasasabi yung tungkol dun kay Stephen. Di rin naman palatanong yun. Siguro nga paranoid lang ako.. Pero natatakot pa rin ako..

Naalala ko bigla si Larisse.

Oo. Gusto ko nga siya. Masaya ko pag nakikita ko siya. Basta…

Gagawa na kaya ng move? Haay..

Tapos kinuha ko yung phone ko. Nagcheck ako kung may bagong messages tapos nagkataon nandun pa yung mga reply ni Larisse last time. Kumuha ako ng maliit na notebook dun sa cabinet ko. Kinopya ko yung mga reply niya. Tapos naalala ko yung sinabi ni Alex..

“Sense of humor daw ha..” Tapos nagbrowse ako ng mga messages sa phone ko. Tinignan ko kung ano yung mga nakakatawa talaga.

To: Larisse
Daddy: anak,bli mo ko ng softdrinks.
Anak: coke o pepsi?
Daddy: coke
Anak: diet o regular?
Daddy: regular
Anak: bote o can?
Daddy: bote
Anak: 80z o litro?
Daddy: tubig na lng!!!
Anak: mineral o natural?
Daddy: mineral
Anak: malamig o hindi?
Daddy: hampasin kta ng walis e!!!
Anak: tambo o tingting
Daddy: HAYOP ka!!!
Anak: baka o baboy

Sana napangiti ko man lang siya kahit papano. Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko.

From: Larisse
uy.. ang kuleet nun ah.. natawa talaga ako dun.. hehe. tnx.

Sobrang napangiti talaga ko nung nabasa ko yung reply niya. Haay. Huminga ko ng malalim. “Ano kayang gagawin ko? Lord.. help naman diyan..” Napatingin ako dun sa notebook ko. “Hmm.” Tapos nagsimula na akong magsulat. Mga simpleng notes lang. Kung anong nararamdaman ko pag nakikita ko siya.. Kung pano ko sumasaya pag ngumingiti siya.. Kapag kinakabahan ako pag nandiyan siya.. Haay.

Maya-maya di ko namalayan nakatulog na pala ko.

Nagising ako ng di oras dun sa alarm ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho c.r agad para maligo. Kinuha ko yung backpack ko tapos hinablot ko na yung mga gamit na makita ko. Nag-ayos ako tapos bumaba agad para magbreakfast. Unang bumati sa akin si Marielle.

Marielle: Kuya!! Naku.. Thanks talaga ha.. Binili mo pa rin ako ng napnap kahit sinabi ko huwag na.. Kasi kala ko baka diyahe sayo yun di ba? Pero binili mo pa rin ako..

Mama: Aba.. Totoo ba yun?

Ngumiti lang ako. Naku po. Kung alam lang nila.. Nagpaalam na rin ako sa kanila maya-maya at sumakay ng jeep papuntang MRT. Mga 8 am nasa campus na ako. At ang sumalubong sa akin sa board?!

No class today. We’ll meet next Monday. Don’t forget to bring again your take home quiz.

“Di ko alam kung ngingiti ako o mababadtrip.. Haay..” Ang aga-aga ko nagising tapos ganito. Buhay nga naman. Pag labas ko ng room, nakasalubong ko si Stephen. “Uy.. Wala tayong class..”

Stephen: “Ano?! Ano ba namn yan.. San ka na punta ngayon?”

“Ewan ko nga eh.. Kaw?”

Stephen: Samahan mo naman ako.. Philcoa tayo..

“Sige ba..” Pumunta kaming parking lot tapos sumakay na ko sa kotse niya. Nagpark siya sa may harap ng McDo. Akala ko kakain siya tapos dumirecho lang siya sa may loob. Sinundan ko naman siya. “Pare, san ka ba pupunta ha?”

Tapos biglang tumigil kami sa may isang shop. Flower Shop?!

Stephen: Ano kaya magandang bilhin?

“Teka.. teka.. Bibili ka?”

Stephen: Malamang.. Ano ka ba?

“Aba.. May pinopormahan ka ba ngayon?”

Stephen: Tol.. this time tinamaan na ko..

“Mukha nga.. hindi mo nga binibilhan ng bulaklak yung dalawa mong naging girlfriend eh..”

Stephen: Iba to pare..

“Sige na.. Sabi mo eh..”

Pagkatapos niyang makapili, saka kami nagmeryenda at tumambay saglit sa may McDo.

Stephen: Halika na.

Tumingin ako sa watch ko. Teka, ang aga pa ah. Eh parehas kaming 11:30 pa ang next class eh 9:30 pa lang halos.

“Ang aga pa ah..”

Stephen: Bibigay ko na sa kanya to..

Sumunod na lang ako sa kanya sa kotse tapos nagpark siya uli sa may parking lot. Nagpunta kami dun sa may likod ng library.

“Dito pa talaga kailangang magkita ah..”

Umupo kami dun sa mga benches dun. Ang tagal ha. Sino kaya yung babaeng sinasabi ni Stephen?

Stephen: Ayan na siya..

Lumingon ako. Hinahanap ko kung sino yung sinasabi niya. Tapos biglang may kumalabit sa akin. Nagulat pa ko. Si Alex lang pala.

Alex: “Uy.. Sino hinahanap mo diyan ah?”

“Uy.. Yung babaeng sinasabi ni Stephen..”

Alex: “Aaah..”

“Asan na ba yun?”

Tapos kinalabit ako ni Stephen.

Stephen: “Kausap mo na tsong..”

“Ha?!” Si Alex? Shocked

################################################

Chapter 32:

“Teka.. You mean.. Ikaw..” Tinuro ko si Stephen. “At ikaw?” Tinuro ko si Alex.

Tapos nagkatinginan si Alex saka Stephen. Ngumiti sila. Tapos biglang tumawa. Sobrang tawa talaga.

“May nakakatawa ba dun sa sinabi ko?”

Alex: “Sabi ko na nga ba yun ang iisipin mo eh.. Ano ba sinabi mo?” Tingin kay Stephen.

Stephen: “Pare.. may tama na ata ako..” With facial expression pa.

“Pinagloloko niyo ba ko?”

Stephen: “Halika nga..” Tapos umupo mo kami dun sa may table dun.

“Paki-explain nga ang mga pangyayari..”

Stephen: “Ganito kasi yun.. Kinausap ko si Alex na kausapin ka..”

“Ano?!”

Stephen: “Kasi naman no.. Tol, bestfriend mo ko pero halos di mo naman ako sinasabihan ng mga sikreto mo.. Kung di dahil kay Alex di ko malalaman yung tungkol sa naging syota ng utol mo.. Gusto ko na nga magtampo sayo eh..”

“Teka.. Ano?”

Stephen: “Saka gusto ko na rin iconfirm kung may gusto ka nga kay Larisse?”

“Pano siya napasok dito?”

Stephen: “Ano ka ba.. Kahit papaano naman napapansin ko yung mga tingin mo sa kanya no.. Saka natatandaan mo yung isang beses na bumaba yung isang babae sa kotse tapos nakatitig ka sa kanya? Namukhaan ko na si Larisse yun nung App’s orientation..”

Kaya pala parang sinabi agad ni Alex na may gusto ako kay Larisse si Stephen pala nagsabi sa kanya.

“So para san yung flowers..”

Tumingin si Stephen kay Alex. Tapos ngumiti si Alex.

Alex: “Basta..”

“Ha?”

Stephen: “O ano na.. ligawan mo na ha..”

“Pero..”

Stephen: “Tol.. Wala ng pero-pero..”

Mga 11:00 naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Pumunta kami sa kanya-kanyang class namin.

Ang tagal kaming dinismiss dun sa 1:00 class ko. Akala ko nga malelate na ko sa next class ko eh. Pagdating ko sa room, halos kasabay ko lang pumasok yung prof. ko. Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako papasok sa room. Bad trip talaga. Eh nakalimutan ko palang isara yung backpack ko kaya nahulog yung maga gamit ko. Hinablot ko na lang yung mga makita ko. Buti na lang nasa bandang harap si Alex kaya tinulungan niya ko magpulot.

Discussion lang ulit kami. Napatingin ako kay Alex. Naalala ko bigla yung flowers na binigay ni Stephen. Wala naman sa kanya. San kaya napunta yun? Nahiya siguro magdala ng bulaklak sa campus. Maya-maya dinismiss na kami. Pumunta agad akong tambayan. Nandun si Leila at Jeffrey.

Leila: “Uy.. Kayo pala nina Stephen saka Larisse mag-aayos ng outreach?”

“Oo nga raw..”

Jeffrey: “May nakita na kayo?”

“May mga pinagpipilian pa kaming mga lugar..”

Leila: “Ayan na pala si Larisse o..”

Lumingon ako. Nagulat ako. Bat ganun?!

Jeffrey: “Wow.. May flowers.. Hanep..”

Larisse: “Oo nga eh.. Nagulat ako.. May isang bata kanina.. Iniabot sa akin to..”

Leila: “Ang sweet naman..”

Jeffrey: “Kanino kaya galing? Tignan mo may card o..” Sabay turo.

Kinabahan ako. Kinuha ni Larisse yung card. Di ko napigilan yung sarili ko. Kinuha ko sa kanya bago pa niya mabasa.

Larisse: “Uh.. Toph?”

“Ah.. Eh.. Beautiful flowers for a beautiful lady.. From.. Romeo??” Tapos binalik ko yung card sa kanya.

Larisse: “Romeo.. Ano yun real name niya kaya..”

Naku po. Kilala ko na kung sinong may pakana nito. Yung mga yun talaga. Aatakihin ako sa puso ng di oras eh.

May pa-Romeo.. Romeo.. pang nalalaman.. Roll Eyes

###########################################

Chapter 33:
Pagdating ko sa bahay tinext ko agad si Stephen. Tong mga to talaga.

To: Stephen
Hoy! Ano na nmang gnawa nyo at pnbgay nyo kay Larisse yng flowers?

Tapos sinend ko na sa kanya. Maya-maya nagreply naman agad.

From: Stephen
Ha? Anong Flowers?

Aba. Kunyari pa to ah.

To: Stephen
Pg d ka umamin, tatawagan ko si Vina. Patay k dun.

Si Vina yung girlfriend ni Stephen dati.

Nagreply naman agad.

From: Stephen
So nagustuhan niya ba yung flowers? hehe.

Sabi ko na nga ba eh. Yung mga yun talaga.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Inayos ko na yung mga gamit ko. Sira na pala yung zipper nung bag ko kaya di masarado ng maayos eh.

“Haay..” Naalala ko na naman si Larisse. Isusulat ko nga yung mga nangyari ngayon. Hinanap ko yung blue na notebook ko sa desk ko. Wala naman. “Nasan na yun?!” Bumaba ako. Tinanong ko si Ate Tess. “Ate Nakita mo ba yung blue na notebook ko sa taas?”

Ate Tess: “Hindi eh.. Di ako nakapaglinis ngayon diyan..”

“San na kaya napunta yun..” Kinabahan ako bigla. Dinala ko ba siya sa school? Hindi ko na kasi matandaan. Nagmamadali na kasi ako. Pano kung nadala ko nga? Hinalungkat ko na naman yung gamit ko sa bag ko. Pero walang blue na notebook.

“Sa bagay.. wala namang nakasulat na pangalan dun..”

Humiga ako sa kama. “Kaso sayang.. sayang yung mga naisulat ko..” Maya-maya nakatulog na ako.

Late na ako nagising. Mga 7:00 na ata. Wala na sina Mama saka Papa. Nagbreakfast ako mag-isa. Naligo at nag-ayos tapos direcho school na. As usual, direrecho na naman ang class ko kaya heavy breakfast ang kinain ko.

Sumakit pa ang ulo ko pagkatapos ng Math ko. “Grabe yun ah..” Nag-exam kasi kami, first exam pa man din. Halos mga 15 items ata yun pero worth 65 points all in all. Sana naman ayos yung grade ko dun.

Mga 3:30 natapos yung last class ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung dadaan akong tambayan. Pero in the end, dumaan na rin ako. Naabutan ko lang na kapwa ako applicant din, sina Leila saka Larisse. Wow. Ganda naman ng araw ko.

“Uy..” Bati ko.

Tinignan lang nila akong dalawa tapos bumalik sa ginagawa nila. May binabasa ata sila. Ayoko namang makiosyoso baka kung ano pang sabihin nila.

Leila: “Ang sweet.. Siguro yan din yung nagbigay sayo ng flowers..”

Pagkarinig ko palang nun. Kinabahan na naman ako. Ano na naman to?!

Biglang dumating si Stephen. Hinila ko papalayo.

“Ano na namang ginagawa niyo?”

Stephen: “Ha?”

“Di nga?”

Stephen: “Wala.. Wala akong alam diyan..”

Lumapit kami ulit kina Larisse.

Stephen: “Ano yan..” Sabay turo dun sa binabasa nila.

Leila: “Parang personalized card para kay Larisse..”

Tapos binasa niya.

“The first time I saw you.. Your smile made my heart beat faster as it could.. Each day, Each night you never left in my mind, my sight.. and in my heart..”

Stephen: “Okay ah..”

Tapos biglang bumulong sa akin si Stephen.

Stephen: “Hindi ako gumagawa niyan..”

“Alam ko..”

Galing yun sa notebook ko eh.. Huh

#########################################

Chapter 34:

Mga ilang oras din akong nag-stay dun sa tambayan. Nagpasign ako dun sa mga members na nandun. Mga 5:30 ata ako umalis at nagpaalam umuwi.

“Sige.. mauna na ako..”

Stephen: “Sige.. pare.. oo nga pala.. kailangan natin titignan yung mga tinawagan nating lugar para sa outreach?”

“Ah. Kayo..” Tinignan namin si Larisse.

Larisse: “Kayo bahala..”

Stephen: “Gusto niyo bukas ng Wednesday para matapos na..”

“Okay..”

Larisse: “Fine..”

Nagpaalam na ko sa kanila tapos sumakay ng jeep papuntang sakayan ng MRT at direcho uwi na.

Pagdating ko sa bahay, nagpalit ako ng pambahay agad at humiga sa kama. Nagulat ako nang may napansin akong short brown envelope na nakatape pa sa may desk ko. Kinuha ko tapos binuksan ko. Aba.

Yung blue notebook ko! May note pang nakasulat.

“Ang buhay parang pagsakay sa bisekleta.. Minsan natatakot kang sumakay sa una.. Kasi baka mahulog ka, baka masugatan ka.. Kapag nakasakay ka na, may aalalay sayo at biglang tutulak ng napakalakas para umandar ka lang.. Kapag tinulak ka, malamang magagalit ka sa una.. Pero di mo mamamalayan.. kaya mo na pala mag-isa..”

“Hmm.. kanino naman galing to?” Sinilip ko ulit kung may nakasulat dun sa notebook ko. Kung may pangalan man o ano pero wala eh. Sakto biglang pumasok si Ate Tess sa kwarto ko.

Ate Tess: “Iho.. Mga pantalon mo o.. Kakaplantsa ko kanina..”

“Sige po.. Pakilapag na lang po sa kama..”

Ate Tess: “Okay..”

“Uh.. Kanino po pala galing to..” Sabay pakita ko nung envelope.

Ate Tess: “Ay.. hindi ko lang alam..”

Nagtaka naman ako. Pano naman mapupunta sa desk ko to? Kinagabihan, kumain kami ng dinner nina Mama’t Papa.

“Ay.. Bukas po pala may lakad ako.. May aasikasuhin po ko para sa inaayos naming outreach..”

Mama: “Ganun ba? San ba kayo pupunta?”

“Sa may bandang Quezon City lang po muna kami titingin..”

Marielle: “Ah.. Kuya.. Nakita mo na ba yung pinatong ko sa desk mo?”

“Ha? Sayo galing yun?”

Marielle: “Pinabigay lang sa akin ni TJ yun eh..”

“Si TJ?”

Tapos naalala ko bigla. Ah. Siya pala kumuha.

Si Alex.

Kinabukasan, mga 9:00 ako nagpuntang school. Sabi nina Larisse sa may harap ng library kami magkita-kita. Makikisabay na lang kami kay Stephen para iisang sasakyan na lang yung gamit namin. Pagdating ko dun, nandun na nakaupo si Larisse.

“Uy.. si Stephen?”

Larisse: “Wala pa eh..

“Uhmm.. Kanina ka pa?”

Nakakahiya. Siya pa nauna sa amin.

Larisse: “Hindi naman.. Kanikanina lang din..”

Tinignan ko yung relo ko. 9:45 na halos. Sa bagay, ang usapan naman namin is 10:00 am.

Biglang nagvibrate yung phone ko..

1 message received

Opening..

From: Stephen
tol, cencia d ako mkkapunta, yaw ako pygan ni mama. sama ng pakrmdam ko..
taas lagnat ko.

Te-teka.. Pano na to?!

##########################################

Chapter 35:

Hinga ng malalim. Magsasalita sana ko.. Kaso naunahan niya ko..

Larisse: “Naku.. nagtext si Stephen.. May sakit daw siya..”

Pag wala talagang sakit si Stephen, patay sa akin yun.

“Oo nga eh.. Pano yan?”

Larisse: “Hmm.. okay lang naman sa akin magcommute eh..”

“Sige, punta na tayo sa may sakayan.. Isang sakay lang naman papunta dun tapos tricycle ata.. Yun yung sabi ng tumawag ako..”

Larisse: “Tara..”

Naglakad kami papuntang sakayan. Mahaba-haba rin yung pila. Nung dumating na yung taga-kulekta ng bayad, binigay ko na yung 20 pesos. “Manong dalawa ho.” Tapos napatingin sa akin si Larisse.

Larisse: “Naku.. Nakakahiya.. Ako na lang magbabayad sa tricycle mamaya..”

“Okay lang yun.. Sisingilin ko naman si Stephen kasi siya dapat transpo di ba?” sabay tawa siya. Sisingilin ko talaga yung Stephen na yun. Naku po.

Sumakay na kami ng jeep. Tapos bumaba dun sa may mga tricycle. “Kuya dun po sa may Children’s Paradise.” Yun yun pupuntahan naming orphanage. Titignan naman kung pwede kami dun mag-organize ng outreach.

Binaba kami dun sa may kanto. Medyo masikip na yung daan papunta dun kaya di na kasya yung tricycle. Inunahan ko na magbayad si Larisse. Nakakahiya naman kung siya pagbabayarin ko. Sabi nung driver, direchuhin lang namin yung daan. Naglakad-lakad kami nang biglang..

AAARFF.. AARF. ARF..

Larisse: “Toph..”

Napatigil kaming dalawa. Nagulat ako biglang humawak si Larisse sa sleeves ng shirt ko. Nagtawag pa ng backup. Biglang may lumabas pang isang aso. Lumakas tuloy yung tahol nila.

“Huwag ka tatakbo..”

Dalawang kamay ni Larisse na yung nakahawak sa left arm ko, di na sa shirt ko. Ang higpit nga nung hawak niya eh. Rinig na rinig ko na yung paghinga niya eh. Takot na takot siya.

Larisse: “Ta-takot ako sa a-aso..”

“Di naman siguro tayo kakagatin niyan.. Dahan-dahan lang tayo maglalakad..”

Dahan-dahan kaming naglakad kaso palakas ng palakas yung tahol nila. Naramdaman ko na lang biglang bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Larisse.
Tumakbo siya!

“Larisse!!”

Hinabol tuloy siya ng aso. Napatakbo tuloy ako para habulin sila. Biglang lumabas yung isang lalaki dun sa isang gate. Tapos tumakbo papasok yung mga aso dun sa gate. “Pasen

Sinarado niya yung gate. Lumingon ako.

“Nasan na siya..” Pagtingin ko sa kaliwa nandun siya.

Hala. Tumakbo agad ako para puntahan siya.

“Anong nangyari..”

Larisse: “Toph, ang sakit..” sabay turo niya dun sa paa niya. “Natapilok ako nung tumakbo ako eh..”

Kinarga ko siya. “Pano yan?” Pagtingin ko dun sa dulo ng kalsada may naka paskil na CHILDREN’S PARADISE, “Dito lang pala..” Pumunta kami dun sa may gate. “Tao po?” Tapos maya-maya may lumabas na babae. “Nandiyan po ba si Ms. Vergel?” sabi ko. “Ako nga.. Sino sila?”

“Kami po yung tumawag nung isang araw..”

Ms. Vergel: “Ganun ba? Pasok kayo.. Dali.. Teka, anong nangyari?”

“Natapilok po siya kasi hinabol kami ng aso..”

Pinaupo kami dun sa sofa nila sa loob.

“I-stretch mo nga yung kaliwang paa mo..” Nilagay ko yung paa niya sa lap ko at dahan-dahan kong inikot.

Larisse: “A-aray.. ang sakit talaga..”

“Pasensiya na ah..”

Larisse: “Ano ka ba.. wala ka namang kasalanan eh..”

Inikot-ikot ko yung paa niya ng mga ilang minuto din. “Okay na?”

Larisse: “Medyo okay na..”

Tapos maya-maya minasahe ko ng konti. Bigla naman akong tinadyakan!

“O Bakit? Okay ka lang?”

Larisse: “Ano kasi.. may.. may ano ako sa talampakan..”

“Ha? May kiliti ka?” Tapos napangiti ako.

Larisse: “Bakit? Ang yabang mo ah.. Bat ikaw wala kang kiliti?”

“Wala naman akong sinasabi ah..” Tapos nakangiti pa rin ako.

Bigla niyang binaba yung paa niya tapos nilapitan ako. Kiniliti ba naman ako sa bewang.

“Wala akong kiliti..”

Larisse: “Ah ganun ah..”

Tapos nilagay niya yung kamay niya sa leeg ko.

“Larisse..Larisse!! Wag diyan..”

Ms. Vergel: “Juice o..”

Umayos kaming dalawa nung dumating si Ms. Vergel.

Ms. Vergel: “Teka, kunin ko lang yung planner ko kung kailan kayo pwede dumalaw dito para sa outreach niyo..”

Umalis siya tapos. Naiwan kaming dalawa dun. Tumingin ako sa kanya.

“Sino kaya may kiliti sa paa..”

Larisse: “Ang kapal mo ah..” Tapos tumawa siya. Tumingin siya sa akin.

Larisse: “Thank you ah.. Buti na lang kasama kita..”

Ngumiti ako.

“Same here…”

Chapter 36:

Stephen: Pare, grabe ka naman.. may sakit talaga ako kahapon.. Sabi ko na nga ba yun.. iisipin mo.. Pero may sakit talaga ako..

“Oo na..”

Stephen: Nakuha niyo ba yun listahan ng dates?

“Binigay kahapon.. Na kay Larisse yung list.. Bibigay na ata niya kay Hannah..”

Stephen: Ganun ba..

Naglakad kami papuntang canteen para maglunch. Nilapag namin yung gamit sa isa sa mga table.

Stephen: So kailan mo naman balak sabihin na ikaw si Romeo..

“Sus.. Kayo kasi eh..”

Stephen: Bakit? Di mo ba nagustuhan yung ginawa namin ni Alex.. Pero one time lang yun, ikaw na bahala sa next move..

“Ewan ko sa inyo…”

Stephen: Sa bagay, yan ang malaking tanong, kailan ang next move? Next year? Next millenium?

“O.A mo.. Bumili ka na nga ng pagkain mo..”

Stephen: Okay.. Ikaw?

“Uh.. Labas lang ako saglit.. May kukunin lang ako.. Balik agad ako..”

Pagkatapos naming maglunch, naghiwalay na kami at dumirecho sa kanya-kanyang class. Nakuha ko na yung results ng first exam ko sa Math. Ang taas ko!! Third to the highest ako sa class. Buti naman dahil napiga yung utak ko nung time na yun ah.

Pagdating ko naman sa SocSci1 class ko, nandun sila Alex pati sina Emm, nag-uusap.

Emm: Toph!

Lumapit ako sa kanila. Mukhang tungkol sa project ito ah.

Mara: Kailangan na natin simulan yung project na paunti-unti..

Trina: Bale partner-partner na lang.. Kami ni Rex.. Si Mara saka Emm tapos kayong dalawa ni Alex..

“Hmm. Okay..”

Emm: Kayo bahala kung sino iinterviewihin niyo ah.. Yun kasi yung part niyo eh.. Interview people.. may videocam ba kayo?

“Ako meron.. ako na magdala..”

Alex: Ikaw.. kailan mo gusto magsimula?

“Next week siguro?”

Alex: Sige ba..

Maya-maya dumating na ulit si Ma’am J. Nag-games kami ngayon ah. Kaso talo kami nanalo yung isang group. Muntik na sana kami manalo. After kami dinissmiss, pumunta na akong tambayan.

Pagdating ko, may hawak-hawak na maliit na teddy bear si Larisse saka card. Nandun na rin si Leila saka Stephen.

Leila: Ang cute talaga nung bear.. sino kaya yang mystery guy mo ah?

Larisse: Di ko alam.. Di ko talaga alam.. Pinabigay na naman ulit sa akin kanina eh..

Leila: 20 reasons why you make my heart beat so fast.. basa niya dun sa card. Number 20: You make my world stop whenever I see you.. Even when you just go down from your car… Or walk towards your room.. Teka.. Nasan na yung iba? Tinignan niya yung likod. 19 more teddy bears left til we meet..

Larisse: Sino kaya siya? Nameet ko na kaya siya before?

Nagulat ako bigla akong hinila ni Stephen palabas.

Stephen: Pare, ano ka ba!!

“Ba-Bakit?”

Stephen: Hindi ako yung nagbigay nun.. Patay.. May karibal ka na! Gumawa ka ng paraan..

“Stephen..”

Stephen: Babagal-bagal ka.. Pano yan.. Mamaya niyan…

“Pare.. HOY!”

Stephen: Ano?

“Ako yung nagpabigay nun..”

###################################3

Chapter 37:

Mga 6:30 ako nakarating sa bahay. Tawang-tawa naman ako sa reaksyon ni Stephen. Hindi siya nakapagsalita nung sinabi ko na ako yung nagpabigay nun. Hindi niya siguro naalala na nung lunch time, umalis ako saglit. Dun ko pinabigay dun sa nakilala kong bata, pinabigay ko dun sa may classroom niya, malapit sa canteen. Chineck ko kasi yung schedule niya.

Binili ko yung bear kahapon ng hapon. Ang tagal ko pinag-isipan kung bibilhin ko ba o hinde. Nung gabi, kabado ako kung ibibigay ko na ba sa kanya o hinde. Naisip ko ipabigay muna sa kanya.

Nagbihis ako at naligo. Sumabay akong magdinner kasama ang pamilya ko.

Mama: Oo nga pala.. Sa Saturday, may lakad tayo ah..

Marielle: Tayo? Saan naman..

Papa: Highschool reunion namin eh..

Marielle: Naku.. Kailangan sumama ba kami? Puro matatanda na nandun.. I mean puro mga ka-age niyo po pala..

Mama: Ganun? Di pwede kasama yung family dapat eh.. Whole Day Affair siya..

“San ba?”

Papa: Sa Tagaytay kaya dapat maaga kayo gumising ah..

“Di ko lang sigurado ah..”

Papa: Kasama sina Bert pati yung mga anak niya..

Marielle: Si TJ?

“Aba.. Sasama pala ko..”

Tumawa sina Mama saka Papa.

Kinabukasan, medyo na-late ako nagising. Kaya nagmadali akong mag-ayos para pumuntang school. Mga 10 mins na lang bago mag-time nung nakarating akong school. Tumatakbo na talaga ako papuntang classroom ko nung nakita ko bigla si Larisse. Napatigil tuloy ako.

“Uy.. Ang dami mong dala?”

Biro mo may hawak siyang dalawang paper bag sa kaliwa. Isang 1/4 illustration board sa kanang kamay.

Larisse: Ah.. Para sa next class ko..

“Tulungan na kita..”

Larisse: Okay lang ako.. Saka malelate ka na..

“Saglit lang naman eh.. San ba next class mo?”

Larisse: Sa Rm. 207

Tumingin ako sa relo ko. May five minutes pa ko.

“Uh.. Samahan na kita..”

Hinatid ko siya hanggang sa room niya.

Larisse: Salamat ah..

Binigay ko na yung mga gamit niya.

“O-Okay lang yun..”

Pagkatapos kumaripas na ako ng takbo papuntang first class ko.

Dahil Biyernes, dire-direcho yung class ko. Naghihintay ako sa prof. ko para sa 11:30 class ko. Nakatingin ako sa kawalan nang biglang may kumalabit sa akin.

“Uy!! Ano ginagawa mo dito?”

Larisse: Wala.. Nakita ko kasi sched mo sa directory.. Dire-direcho pala class mo ah..

Tapos nagulat ako nung may nilapag siyang iced tea saka cheeseburger sa desk chair ko.

“Naku.. Nakakahiya..”

Larisse: Okay lang yun no.. Sige mauna na ko.. Kain ka na..

Tapos lumabas na siya sa pinto.

“Wait..”

Lumingon siya.

“Thanks..”

Ngumiti siya sa akin.

“You’re welcome..” Wink

#########################################

Chapter 38:

Marielle: “Kuya.. KUYA!!”

Nagulat naman ako dun sa boses ng kapatid ko. Nagising tuloy ako ng di oras. Bad trip talaga pag tumitili yun. Ang sakit sa tenga.

“Bakit.. antok pa ko..”

Marielle: Antok ka diyan.. Umayos ka dali.. Di ba pupunta tayo ngayon sa Tagaytay?

Nagulat ako biglang hinili niya yung paa ko.

“Oo na babagon na..”

Bumangon ako at inayos yung kama. Naligo ako at nagdamit. Kinuha ko yung backpack ko tapos kumuha ako ng extra shirt. Kinuha ko rin yung CD player ko in case wala na namang magawa dun, magsa-soundtrip na lang ako.

Sumunod na ako pababa. Tapos sumakay ng kotse. Mga 4 am na kami umalis ng bahay. Natulog nga uli ako sa loob ng kotse eh.

Naramdaman ko na lang na hinila ni Marielle yung t-shirt ko.

Marielle: Kuya.. Dito na tayo..

Pagdating namin dun, marami-rami na ring tao. Sa Picnic grove sa Tagaytay yung location nung reunion nina Papa eh. Binaba na namin yung mga gamit namin. Dinala namin dun sa isang cottage dun.

“Haay ang sarap dito ah.. Hindi masyado mainit.. Mahangin pa..”

Marielle: “Oo nga..”

Lumapit ako kay Marielle tapos inakbayan ko siya.

“Halika, tol.. Pasyal tayo.. Ma.. Pa.. Libot lang kami..”

Marielle: Ang bigat ng kamay mo..

“Bakit.. Para isipin nila.. bf mo ko.. Para walang lalapit sayo..”

Marielle: Ganun?

Naglibot-libot kami dun. Maganda yung lugar. Alam ko nagpunta na kami dito dati kasama yung mga pinsan namin pero matagal na kasi yun eh.

MARIELLE!

Paglingon naming dalawa..

Marielle: Si TJ o..

“Tender Juicy..”

Marielle: Kuya naman eh..

Nakita namin, pababa yung family niya. Lumapit sila sa amin.

Tito Bert: San Papa mo?

“Dun na po sila sa mga cottages..” Tapos tinuro ko kung saan.

Tito Bert: Sige, punta na kami dun..

Sumunod sina TJ pati Tita Marisse, yung asawa ni Tito Bert.

Nagulat ako biglang may umakap sa akin.

“Miguel..”

Alex: Nandito rin pala kayo..

Pagtingin ko si Alex pala.

“Uy.. Pinasama ako ni Mama at Papa eh..”

Alex: Ako rin eh.. Sabi ni Tito Bert.. Sumama ako.. Kasi may lakad yung Tita ko tapos wala pa parents ko..

Marielle: Kuya, dun tayo o.. sabay turo dun sa mga kabayo.

“Bakit marunong ka ba sumakay niyan ah..”

Marielle: Kaya nga itatry eh.. Dali.. Sama rin kayo..

Alex: Sige ba..

Pumunta kami dun sa mga kabayo. Nagtanong ako dun kung magkano. Bale tatlo kasi kami plus si Miguel, mapapamahal pa kung may mag-aalay.

“O ano, kaya niyo ba mag-isa?”

Marielle: Hmm.. I think so..

Alex: Na-try ko naman na siya dati eh..

Pumili na kami ng 3 kabayo. Tig-isa sina Alex saka Marielle. Ako naman saka Miguel ang magkasama. Mga 30 minutes din kaming nag-horsebackriding. Gustung-gusto nga ni Miguel habang nakasakay siya sa kabayo eh lalo na pagbinibilisan ko yung pagtakbo.

Nauna na kaming bumaba ni Miguel mula dun sa kabayo. Hinintay namin matapos sina Marielle saka Alex. Nilapitan ko si Marielle at inalalayan pababa. Pagkatapos nilapitan ko rin si Alex, iniabot ko yung kamay ko sa kanya.

Alex: Okay lang ako.. Kaya ko..

“Ano ka ba.. Baka mahulog ka..”

Alex: Sus.. kaya ko.. Para yuuuuuuuun..

*BLAG*

“Aray..”

Naramdaman ko yung sakit nung pagtama nung likod ko sa lupa. Buti na lang lupa, hindi semento.

“Nasaktan ka ba?”

Alex: Sorry..

Naout of balance si Alex pagbaba niya. Ang tigas kasi ng ulo eh. Buti na lang humawak siya sa balikat ko kaso parehas naman kaming nahulog.

Tumayo siya bigla.

“Okay ka lang? Bat namumula ka?”

Alex: Uh.. Ano.. Wala..

Biglang lumapit sa amin si Marielle. Nagsalubong yung kilay niya.

Marielle: Uhmm.. Tinatawag na ata tayo..

“Tara na..”

Alex: Uh.. Sige.. May babalikan lang ako sa kotse.. Halika Miguel..

Tapos bumalik sila dun sa may parking lot.

Marielle: Uh.. Anong nangyari dun kanina?

“Bakit? Anong ibig mong sabihin?”

Marielle: Kuya JC?! She was on top of you.. Akala ko nga magkikiss pa kayo parang sa mga movie.. Tapos tumawa siya.

Nanlaki yung mata ko.

“Ano?!”

#####################################

Chapter 39:

Marielle: Ha? You mean di mo man lang napansin?

“Hinde nga? Ganun ba talaga itsura kanina?”

Marielle: Tsk.. Tsk.. Halika na nga..

Bumalik na kami dun sa may cottage. Ang ganda ng view mula dun. Kitang-kita mo yung Taal Volcano.

Papa: Halika punta tayo dun.. May mga activities daw..

Sabay-sabay kaming pumuntang pamilya. Mukhang merong ngang program. Nagkaroon ng mga games. Unang game, sack race. Dahil ang labanan ay per family at tig-4 ang members. Sakto lang kami. Ako yung last sa aming apat.

“Bilisan mo, Ma.. Dali.. Para mauna tayo!!”

Mama: Eto na.. Bilis..

Nilagay ko agad yung mga paa ko sa sako. Talon dali. Talon! Ang hirap tumalon ah.

Marielle: KUYA!! Ang bagal mo ah.. Bilis baka maunahan ka!!

“E-Eto na nga.. tumatalon na!”

Ayun. Nanalo kami sa sack race. Kakapagod. Yung ibang games naman, talo na kami. Paano ba naman yun egg race? Hindi pa nga nakakalayo si Marielle, nahulog na niya yung itlog. Basag tuloy. Tsk.. Tsk..

Nung tanghalian, kumain na kami. Ang sarap ng pagkain. Ihaw-ihaw kasi kaya may barbeque at kung anu-ano pa. After lunch, nagpa-bingo sila.

Marielle: Kuya.. pasyal ulit tayo..

“Sige.. Mukhang di ako mananalo dito eh..”

Marielle: Ma, pasyal lang kami..

Mama: Sige.. Ingat kayo ah.. Balik kayo agad maya..

Naglakad-lakad kami hanggang sa napadpad kami dun sa may skate park.

Marielle: Kuya.. Dali.. skate tayo..

“Kaw na lang.. Di ako marunong..”

“Tsk.. Tsk.. Ano ba yan.. Di marunong?”

Paglingon ko andun sina TJ saka Alex pati Miguel nag-seskate na.

Marielle: Uy.. Dito pala kayo..

Alex: Mag-skate na rin kayo.. Aba talo pa kayo ni Miguel o..

Marielle: Oo nga naman Kuya JC..

“Oo na.. sige na..”

Kumuha kami ni Marielle at nagrent ng roller skates. Sinusuot ko yung skates ko pagtingin ko biglang nawala si Marielle. Paglingon ko, kasama na niya si Tender Juicy na nag-seskate.

“Aba..”

Sinubukan kong tumayo habang suot yung skates.

“Ano ba naman to..”

Humawak ako dun sa may mga railings sa gilid at naglakad-lakad. Biglang may narinig akong tumawa.

Alex: Ano ba yan.. Toph..

Miguel: Kuya.. skate tayo..

“Oo na.. di na ako marunong..”

Alex: Halika na nga..

Tapos inabot niya yung kamay niya sa akin. Nagdalawang-isp ako pero kinuha ko na rin.

Alex: Miguel, hawakan mo yung isang kamay niya.. Miguel?

“Mukhang nag-solo na yung pinsan mo ah..”

Alex: Mukha nga.. Mahilig yan mag-skate eh..

“Dapat pala nag-aral din akong mag-ganito nung bata..”

Alex: Okay lang yan.. Dahan-dahanin mo.. Madali lang yan pag natuto kang magbalance..

“Ang hirap ah..” Nadudulas kasi ako. Pakiramdam ko matutumba ko.

Inalalayan niya akong mag-skate ng mabagal. Paunti-unti lang yung pag-galaw namin.

Alex: Kaya mo yan.. Bitawan na kita ah..

Dahan-dahan niyang binitawan yung kamay ko. Medyo makakapagbalance na ako kaso..

“Te-Teka.. A-Alex.. Waaaitt!”

Hinila ko yung kamay ni Alex. Parehas tuloy kaming nag-slide at..

*BLAG*

Alex: Ouch.. sakit nun ah..

“Sensiya.. nahila kita.. ang sakit nga..”

Bigla siyang tumawa. Pati ako natawa rin eh. Mukha kaming ewan dun. Napaupo kami ng di oras.

Alex: Talo ka pa nila o.. sabay turo dun sa mga bata..

“Oo nga eh..”

Tapos tumayo siya. Iniabot niya yung kamay niya.

Alex: Tara.. Try and try untill you.. buy..

“Buy?”

Alex: Malamang may kapalit to.. Libre mo kong pagkain pagkatapos..

“Ganun.. May bayad ang tutorial?”

Alex: Aba.. Oo naman..

Sabay tawa siya.

Sinubukan ko ulit magskate. Dahan-dahan muna. Binitawan ulit niya ko. Pero this time..

“Pano ba yan.. Yakang-yaka ko na..”

Alex: Aba.. Sige na.. Magaling na yung estudyante ko..

Ngumiti ako.

“Magaling yung teacher ko eh..”

##################################3

Chapter 40:

Lunes na naman. Nagpuyat na naman ako. Pano ba naman.. Eh 2nd exam na namin sa Math. Sasakit na naman ang ulo ko nito.

Umupo kami dun sa isa sa mga benches dun. Dala-dala yung pagkain namin. Walang maupuan sa canteen. Jampacked.

“O bat may dala ka niyan?”

Stephen: Eto? Sabay turo sa gitara. May presentation kami mamaya eh.. Ako tutugtog..

“Ah..”

Stephen: Bat di ka na pala masyado natugtog?

“Hinde na eh.. Nakakapaggitara lang naman ako nung highschool pag hinihiram ko yung gitara nina Adrian..”

Stephen: Eh di ba may gitara naman kayo sa bahay..

“Ayokong galawin yun.. Kay.. Kay.. Kuya Lester yun eh..”

Natahimik si Stephen.

Stephen: Uh.. Kailan pala second exam niyo sa Math? Bukas na sa amin eh..

“Kami nga.. ngayon na eh.. Tol.. sandali lang ah.. May pupuntahan lang ako..”

Pagkatapos maglunch, pumunta na akong Math Building. Exam na naman. 20 items naman ngayon tapos worth 75 points. Akala ko kukulangin ako sa oras sa pagsagot pero natapos ko naman.

Pagdating ko sa Soc Sci 1 class ko, nagulat ako nandun na yung prof ko. Tumingin agad ako sa watch ko.

“2:15 pa lang ah..”

Pumasok ako. Konti pa lang naman yung tao sa loob. Tapos nagsasalita yung prof. ko

Ma’am J: “Kung gusto niyo lang naman.. extra credit..”

Umupo ako sa upuan tapos tinanong ko si Emm.

“Ano daw?”

Emm: Sa Wednesday daw, nagtatanong siya kung sino gusto sumama.. may pupunta daw kasi ditong mga matatanda.. Yung galing sa Home for the Aged.. Kilala ata ni Ma’am yung org na naghahandle nun kaya nag-iinvite siya..

Nagulat ako nagtaas ng kamay si Alex.

Alex: Ano bang gagawin Ma’am?

Ma’am J: I-eentertain lang naman natin.. Part din yun ng human and social interaction di ba? Dinuscass ko na yun di ba?

Tapos tumawa siya.

Emm: What time po ba?

Ma’am J: Mga Hapon.. Basta punta na lang kayo kung may time kayo.. Diyan lang naman sa likod ng canteen.. Maluwag kasi dun..

Hapon? Nagyaya sina Tristan mag-basketball sa park. Hmm.. Bahala na.

Nag-start na ulit ng discussion si Ma’am. Maaga kami dinismiss mga 3:30 tapos na kami. Palabas na ako ng pinto nang narinig kong tinawag yung pangalan ko.

“Uy.. Bakit?”

Alex: Kailan pala tayo magstart kumuha ng video.. Kahit paunti-unti lang..

“Hmm.. Sa Wednesday?”

Alex: Kasi baka pupunta ako dun sa sinasabi ni Ma’am eh..

“Ganun ba.. Kahit sa umaga lang..”

Alex: Uhmm.. Okay.. Txt na lang kita.. Ano ba number mo?

Binigay ko yung number ko tapos nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Dumaan na ulet akong tambayan. Wala pa akong kasamang co-applicant. Nagpasign ako dun sa mga members na nandun saka nakipag-usap na rin ako. Nagulat ako biglang may kumalabit sa akin.

Stephen: Marami ka na napa-sign ah..

“Medyo..”

Stephen: Kanina ka pa? San yung iba?

“Wala pa nga yung iba eh..”

Maya-maya dumating na si Larisse kasama si Jeffrey. Bitbit ni Jeffrey yung mga gamit ni Larisse. Ewan ko ba. Parang sumama yung pakiramdam ko.

Stephen: Uy..

Jeffrey: Tignan niyo may nagbigay na naman kay Larisse o..

sabay turo dun sa hawak-hawak na bear ni Larisse.

Basahin mo naman Larisse yung card..

Ngumiti si Larisse at Binuksan yung card.

Larisse:Number 19: Whenever I see you, I can hear nothing.. but my heart beat..

Tinignan niya yung likod ng card.

18 teddy bears more to go.

Jeffrey: Aba naman..

Larisse: Haay.. Sana.. Makilala ko na siya..

Nagulat ako biglang siniko ako ni Stephen.

Stephen: Sigurado, magpapakilala din yan.. Gwapo rin siguro yan tulad namin.. Di ba Toph?

Tumawa si Larisse.

“Ah… Eh.. E..Ewan..”

Larisse: Kailan ko kaya siya makikita?

Haaay.. Kapag.. Kapag nagkaroon na siguro ako ng lakas loob..

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: