`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch21-30

Chapter 21:

YaaAawWNnnnnnnn!

Pagbukas ko ng mga mata ko, napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 9:00?! Di pala ko tinablan ng alarm clock. Buti na lang Sabado ngayon. Pagbaba ko, may isang plato na nakalatag dun.. Tapos may ulam na bacon, hotdog saka rice.

“Siguro pumasok na sina Mama saka Papa.. Si Marielle kaya?”

Chineck ko sa room niya. Wala naman.

“Nasan na kaya yun?”

Nakita ko si Ate Tess nagpaplantsa.

“Ate, nasan si Marielle?”

Ate Tess: Naku, umalis eh.. inihatid ng Papa mo.. May project ata sila.. Yun yung pagkarinig ko..

“Ah. Ganun ba. Sige magbreakfast lang ako..”

Kumain muna ako ng almusal. Pagkatapos ko kumain, kukuha sana ako ng pitsel ng tubig ng may napansin akong papel sa may ref.

JC,
Sunduin mo si Marielle ulit kina Tito Bert mo.. mga 4 pm. May lakad kami ng Mama mo, gagamitin namin kotse ko.
Yung susi ng kotse ni Mama malapit sa TV. Okay? Ingat.

-Papa-

“So pupunta na naman pala ako kina Tender Juicy?”

Naiwan lang ako sa bahay at pinanood yung DVD ng CSI Season 6 na binili ko nung isang araw. CSI Marathon ito! Mga 2 pm, naligo ko at nag-ayos. 2:30 ako umalis ng bahay kasi mahirap na at baka abutin ako ng traffic. Sabado pa naman. Mga 3 pm nasa Village na ako nina TJ. Naisip ko maglibot-libot muna kasi maaga pa.

“Maganda rin pala tong Village nila ah.”

Nakaabot ako hanggang dun sa park nila. Malaki yung park nila. Malawak saka malinis. Medyo madami nga taong nandun eh.

Tapos.. Napansin ko bigla si..

si.. Alex?

Babalik na sana ako sa bahay nina TJ. Kaso, mukha talaga siyang problemado eh.Basta yung itsura niya parang nagpapanic.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Huh

Kaya pinarada yung kotse dun sa may gilid ng daan. Tapos nilapitan ko siya..

“Uy, Okay ka lang?”

Tumigil siya kakalakad tapos tinignan ako. Pero, dinedma lang niya ako.

“Mukhang may problema ka eh?”

Alex: Wala ka nang pakialam dun..

“Oo nga naman.. Sige mauna na ko..”

Alex: Uh.. Wait.. Ano bang ginagawa mo dito?

“Uh.. Wala Sumulpot lang akong parang bula? Hinde.. Susunduin ko uli si Marielle. Wag ka mag-alala wala naman na akong dalang lasagna.. Di na kita tatapunan uli..”

Alex: Okay fine.. sige.. Tulungan mo na ako.. Nawawala kasi yung pinsan ko.. si Miguel..

“Miguel?”

Alex: Oo.. Yung younger brother ni TJ. Dinala ko kasi siya dito. Pinasyal ko lang. Tapos.. biglang nawala siya kanina.. Di ko na alam ang gagawin ko..

Parang naiiyak na siya.

“Okay.. Wag ka magpanic.. ilang taon na ba siya?”

Alex: Four years old..

“Ganito.. maghiwalay na lang tayo sa paghahanap.. tapos after 30 minutes.. kita uli tayo dito sa may swing..”

Alex: “Okay.. Uh.. Wait..”

“Bakit?”

Alex: Bakit naka-jacket ka? Ang init kaya..

“Ha.. Eto? Wala lang. Bagong bili kasi ni Mama. Kaya sinuot ko.. Saka pagtingin ko sa salamin.. Mas gwapo pala ko pag nakajacket..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Alex: Ewan ko sayo.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Lips Sealed

Naghiwalay kaming dalawa ni Alex. Nilibot ko yung buong park pero di ko talaga makita. Tinignan ko na yung bawat batang makasalubong ko. Moreno na medyo chubby tapos spike yung buhok. Tapos white shirt saka maong shorts daw ang suot niya. Pero wala pa rin.

Sana nakita ni Alex. Pagbalik ko sa may swing, nandun na si Alex. At walang Miguel.

Alex: Nakita mo?

“Wala eh..”

Alex: Anong gagawin ko ngayon? Baka kung ano na nangyari dun?

“Wag ka mag-alala.. mahaha— Teka, umaambon ah..”

Di nagtagal bumuhos ang ulan.

“Naku, umuulan na. Halika, pasok na tayo sa kotse.”

Alex: Hinde.. Yung pinsan ko pa!

“Pano yan..”

Hinubad ko yung jacket ko tapos tinalukbong ko kay Alex.

Alex: “Pano ka?”

“Okay lang.. Mahirap na baka magkasakit ka.. Di ba kakagaling mo lang sa lagnat.. Dun tayo sa may ilalim ng puno o..”

Nung papalapit na kami sa may puno.. May narinig akong iyak..

“Narinig mo yun?”

Alex: Teka, parang si Miguel yun ah.. MIGUEL! Si Ate Alex to.. Nasan ka?

Tapos may nakita akong gumalaw dun sa loob nung playhouse di kalayuan.

“Tignan mo parang may tao dun sa playhouse.. Baka siya yun..”

Paglapit namin.. Nandun nga si Miguel.. Umiiyak.. Pagkakita kay Alex, niyakap agad siya.

Miguel: Ate..Ate..

Alex: Tahan na.. Dito na si Ate..

“Tara.. Hatid ko na kayo..”

Pagdating sa bahay nina TJ..

Tito Bert: O bat basang-basa kayo.. pasok kayo dali..

Marielle: Kuya? Ano nangyari?

Ipinaliwanag ni Alex sa kanila kung ano nangyari.

Tito Bert: Buti pala dumating ka iho. Salamat ah..

“Okay lang ho. Sige mauna na po kami ni Marielle. Tumila na po ata yung ulan.”

Alex: Tito, hatid ko lang po sila hanggang sa gate.

Sinara ko yung pinto ng kotse pagpasok ni Marielle. Nung papasok na ako ng kotse..

Alex: Toph..

“Bakit?”

Alex: Thanks ah..

“So.. Ibig sabihin niyan.. bati na ulit tayo?”

Alex: Oo naman.

“Pramis yan ah. La na bawian. Sige alis na ko..”

Alex: Uh.. Friends?

Napatingin ako kay Alex.

“Talaga?”

Alex: Ayaw mo?

“Okay. Friends.”

Ngumiti siya.

Nginitian ko rin siya.

Friends na kami?

####################################

Chapter 22:

Linggo. Wala sina Mama at Papa. May out of Town trip sila. Umalis sina kanina madaling araw. Gumising ako ng maaga. Aba. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. San ka pa? Pagtingin ko sa orasan, 7 o’clock. Kadalasan, 7:30 ako nagising eh.

Bumaba ako at nagpuntang kitchen. Nagtingin-tingin ako kung anong pwedeng lutuin. Wala si Ate Tess. Kaming dalawa lang ni Marielle ang nasa bahay kaya malamang ako ang maghahanda ng breakfast. Pagbukas ko ng refrigerator, nilabas ko yung tapa saka naglabas na rin ako ng itlog para iprito. Nagsaing na rin ako ng kanin. Yung tama lang para sa aming dalawa.

Nung nag-aayos ako ng lamesa, narinig ko na pababa na si Marielle.

Marielle: O, wala sina Mama no? at ikaw ang nagluluto?

“Umalis sila eh.. May out of town trip.”

Marielle: Dapat ginising mo ko para natulungan kita.

“Okay lang yun.. Saka napagod ka sa paggawa ng project niyo kahapon sigurado..”

Marielle: Bait talaga ng kuya ko

“Nambola ka pa.. Tara na nga kain na tayo..”

Marielle: Sige, ako na lang maghuhugas ng plato.

Pagkatapos magbreakfast, inayos namin ni Marielle yung pinagkainan namin. Tapos, naligo at nagpalit na kami ng damit. Nagsimba kami ng mga 9 o’clock ng umaga.

Pagkatapos magsimba, bumalik na rin kaming bahay.

Marielle: Ano na ngayon gagawin natin?

“Di ko rin alam..”

Marielle: Mall tayo!

“Ha? Ang init kaya..”

Marielle: Sige na..

“O sige.. sige.. Kukuha lang ako ng pera..”

Nagcommute kami ni Marielle papuntang Glorietta, ang aming tambayan pag walang magawa. Eto na ata ang aming second home. Buti na lang at sa Makati kami nakatira.

Ayun. Naglibut-libot lang kami dun. Sinamahan ko mag-windowshopping ang aking little sister. Ay. Sabi niya di na raw siya little eh.. dalaginding na kasi.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Tumigil kami banda dun sa activity center. Bumili kami ng hotdog sandwich. Kahit palakad-lakad lang kami dun. Nakakagutom din no. Habang hinihintay ang aming hotdog sandwich.. May naramdaman akong humihila sa pantalon ko.. Tumingin ako sa baba..

Marielle: Miguel!

Si Miguel?

Marielle: Tignan mo.. nagpapakarga ata sayo.. Naaalala ka niya..

“Hello.” Binuhat ko naman yung bata.

“Nandiyan lang pala yan eh.. Kala ko kung san napunta..”

Paglingon ko kung kaninong boses yun.. Aba.. Si Alex pala.

“Uy, Nandito rin pala kayo..”

Marielle: Sino kasama niyo?

Alex: Nauna lang kami ni Miguel dito.. May pinuntahan pa sina Tito Bert eh.. Baka mamayang hapon sila susunod dito.

Marielle: Ganun ba? Eh kung sumama na lang kayo sa amin ni kuya?

Alex: Ha? Nakakahiya.. Baka nakakaabala kami sa inyo..

Marielle: Okay lang yun no..

Sama-sama kaming namasyal sa loob ng mall. Buhat-buhat ko si Miguel na tuwang-tuwa pag nakaangkas siya sa balikat ko. Nung mga bandang lunch time, kumain kami sa KFC. Ang ingay sa loob ng KFC. Ang daming tao kaya kailangan mo pa ata sumigaw para magkarinigan. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Marielle: Ate Alex.. Bat madalas ka nga pala kina Tito Bert? Pinsan mo sina TJ di ba?

Alex: Yah. Kapatid ni Mama si Tita Marisse yung wife ni Tito Bert. Wala parents ko for one month kasi may business trip silang pinuntahan. Pag umaalis parehas parents ko, madalas pumupunta na lang ako sa kanila.. Tutal isang sakay lang naman mula sa amin papunta sa kanila eh..

Marielle: Ah.. Ganun pala.. Alam mo ang pretty-pretty mo..

Eto na naman tayo. Tong si Marielle talaga o. Mahilig mambola? Napatingin ako kay Alex. May itsura nga siya. Lagi kasing nakatali, nakacap, naka-rubbershoes tapos mukha naman siyang payat pero XL ata laging suot na damit. Mas astig pa siya tignan kaysa sakin eh. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

Alex: Ha?

Marielle: Promise.. Ang simple mo pero pretty pa rin.. Kung may ate lang ako.. gusto ko kasing pretty mo..

“Teka.. Teka.. parang nasaktan naman ako dun.. mas gusto mo pala ng ate..”

Marielle: O.A mo naman kuya.. Iba pa rin pag may ate di ba?

Alex: Bakit yung girlfriend ni Toph? Di ba considered as ate mo na rin yun?

Napalunok ako. Mukhang alam ko na ang susunod na pag-uusapan ah.

Marielle: Naku, yun nga ang problema eh.. Wala eh.. Eversince.. Grabe, kuya JC anong petsa na?

Sige. Ilaglag ba ko ng sarili kong kadugo.

Alex: Ha? Wait. Di ko ata naintindihan. Ano ba yan ang ingay talaga..

“Pardon? Ano?”

Alex: NBSB ka? Ah Mali. No Girlfriend since Birth?

“HA?”

Alex: NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH KA?

Napalakas ata boses ni Alex. Tumahimik yung ibang katabi naming table sa KFC at napalingon sa amin.

Okaaaaay.

Alex: Oops.. Sorry..

#############################################

Chapter 23:

Alex: Oops.. Sorry..

“Never mind..”

Ring.. Ring..

Alex: Naku, si Tito Bert na ata to.. (sabay kuha ng phone) Yes Tito, sa may KFC po.. Sige punta na lang po kami diyan..

“Alis na kayo?”

Alex: Oo eh.. Nasa Landmark na sila.. Sige mauna na kami..

Marielle: Kuya, samahan mo na sila.. hatid mo hanggang Landmark..

“Ha? Pano ka?”

Marielle: May bibilhin lang ako saglit sa Body Shop.. Text na lang kita..

Pagkatapos kumain, nagpunta na kami nina Alex at Miguel sa Landmark.

Alex: Sorry kanina.

“Naku, okay lang yun..”

Alex: Hmm.. Bakit?

“Anong bakit?”

Alex: Alam mo na..

“Anong alam ko na?”

Alex: Yung wala ka pang ano..

“Kulet mo ah.. bat ayaw mo sabihin? Walang syota?”

Alex: Wala lang..

“Ayoko pa eh.. Bata pa naman ako.. Saka.. ano.. strict ang parents ko..”

Alex: Sira ka talaga..

Alex: Hulaan ko na lang..

“Ha?”

Alex: Lagi kang basted no?

“Hinde ah..”

Alex: You mean di ka nanligaw?

“Parang ganun na nga..”

Alex: “Ah.. ayaw mo pa magkagirlfriend..”

“Yun nga..”

Alex: “Gusto mo boyfriend?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

“Haha.. Ewan ka talaga..”

Alex: “Eh bakit?”

“O ayan na pala sina TJ o..”

Tito Bert: “O iho.. nandito ka pala..”

“Sinamahan ko na po sina Alex.. Kasama ko rin po yung kapatid ko.. Sige po mauna na ko.. Pauwi na rin po kami..”

Tito Bert: “Teka.. Pwede ba samahan mo si Alex pauwi.. Kasi may kailangan pa kaming bilhin.. Eh kailangan na umuwi ni Alex.. Dala mo naman yung kotse niyo ata?”

“Ah..”

Alex: Pero Tito.. Kaya ko naman umuwi mag-isa..

Tito Bert: Mas mabuting may kasama ka.. O Sige.. akyat na kami.. Ingat kayo ah..

Umakyat papuntang secondfloor ng Landmark sina Tito Bert.

“Hala.. Di man lang ako nakapagsalita..”

Alex: Bakit? Pasensiya na.. Naabala ko pa kayo..

“Okay lang.. Kaso di ko dala yung kotse ni Papa eh.. Nag-commute lang naman kami..”

Alex: Ganun ba? Okay lang kaya ko naman umuwi mag-isa..

“Hindi.. Samahan ka na lang namin.. Text ko lang si Marielle na balik ulit tayo sa KFC..”

Naglakad kami pabalik ng KFC. Umorder ako ng fries saka iced tea para may kinakain kami habang naghihintay.

Alex: Sorry ah.. Kinukulet kita tungkol dun..

“Okay lang..”

Alex: Cencia na..

“Mahabang istorya eh..”

Alex: Hmmm.. Eh di isummarize mo.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

“Ganun?”

“Ganito kasi yun..”

Alex: Ano?

“Ayokong matulad sa kuya ko..”

Alex: Ha? Kuya? Di ba dalawa lang kayo magkapatid..

“Meron kaming kapatid.. si Kuya Lester..”

“…he died six years ago..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>iyak

#########################################

Chapter 24:

Alex: I’m sorry..

“No, it’s okay.. Nagkaroon siya ng sakit sa kidney eh.. We opted for a kidney transplant.. Pero bago pa siya natransplant.. he.. he died..”

Silence..

Alex: You miss him?

Ngumiti ako. “Sobra..”

Alex: How old was he when..

“Twenty.. Papasok na siya sa medical school nun eh.. Pangarap ni kuya maging doctor sana.. He would have been a very good doctor..”

Nilabas ko yung wallet ko. Kinuha ko yung picture naming tatlong magkakapatid. Pinakita ko kay Alex.

Alex: Magkamukhang-magkamukha kayo…

“Sino mas gwapo?”

Alex: Sira ka talaga..

“Pero alam mo.. Pag nakakakita ko ng mag-kuya, naaalala ko si Kuya Lester. Alam mo yung kaninang karga-karga ko si Miguel sa balikat ko.. Madalas ginagawa ni kuya yun nung bata ko..”

Alex: Aliw na aliw nga si Miguel eh..

“It was very hard for us to see him in the hospital.. Minsan ayaw kaming pasamahin ni Mama eh.. Ang payat-payat niya.. Makikita mo sa mga mata niya na nahihirapan siya.. Sobrang nasaktan kami nung nawala siya.. Alam mo kung ano huli niyang sinabi sa akin?”

Alex: “Ano?”

“JC, aalis na si kuya.. lagi mo tatandaan ah na mahal na mahal na mahal kayo ni kuya.. alagaan mo si marielle ah..”

Alex: He must have been a great brother..

“That’s why it hurts more.. Ang hirap talaga if you lose someone very important to you.. It made me cherish every single moment with the people I love..”

Alex: I know.. James.. my brother.. died three years ago..

“I’m sorry..”

Alex: Pero unlike you.. he’s younger than me.. seven years old siya nung namatay siya..

“Anong nangyari?”

Alex: He died because of leukemia.. mas mahirap kasi siya gamutin if you have down syndrome..

“Down syndrome? Your brother?”

Alex: Yah.. Alam mo.. Ang hirap.. When James was growing up, people would always.. always look at him differently.. To others, he was abnormal.. But for us, he was a blessing.. Sabi nga ni Mama.. siya ang angel namin.. At alam ko wherever he is right now, he’s happy..

“Kaya ba malapit loob mo kay Miguel?”

Alex: Parang ganun na nga.. nakikita ko rin siguro yung kapatid ko sa kanya..

“Haay.. Siguro.. Pinapanood nila tayo ngayon..”

Alex: Sigurado.. Teka, ano nga palang kinalaman ng pagkamatay ng brother mo sa—-

Marielle: Pasensiya na.. Kanina pa ba kayo?

Alex: Hindi naman..

“Marielle, hatid muna natin si Alex sa kanila..”

Marielle: O sige.. Maaga pa naman..

Sumakay kami ng taxi para mas mabilis na saka direcho na kina Alex.

“Bat kailangan mo pala umuwi agad?”

Alex: Nagtext kasi yung maid namin sa bahay.. Darating na yung Tita ko galing Canada.. Yung bunsong kapatid nina Mama..

“Oo nga pala.. wala parents mo no kaya ikaw kailangan mag-asikaso..”

Di nagtagal nakarating na rin kami kina Alex. Pinagbuksan kami nung maid nila at pinapasok sa loob.

Alex: Teka lang.. kuha lang ako ng inumin saglit..

“Hinde.. Okay lang.. Mauna na kami..”

Alex: Naku.. hinatid niyo na nga ko.. Sige na.. Diyan lang kayo ah..

Umalis saglit si Alex at pumuntang kitchen.

Marielle: Wow.. ganda ng bahay nila ah.. ang laki pa..

“Oo nga.. Ang linis pa..”

DING DONG!

Alex: [may dala-dalang dalawang basong-iced tea] Eto o.. inom muna kayo.. Tignan ko lang kung sino yung nag-doorbell..

Kinuha namin ni Marielle yung iced tea at ininom saka palingon-lingon sa bahay nina Alex.

Aba.. Dalaga na ang pamangkin ko ah..

Marielle: Kaninong boses yun?

“Baka sa tita ni Alex..”

Bumukas yung pinto at pumasok sina Alex saka yung bisita niya.

Alex: Tita Sofia.. si Marielle ska Toph.. mga kaibigan ko pala..

Marielle: Ate Pia??

Si Ate Pia?! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

############################################

Chapter 25:

Tita Sofia: I’m sorry?

Alex: Uh.. Sinong Pia?

Tumingin sa akin si Marielle. Malamang gusto niyang magsalita ko.

“Uhmm..” [hinga ng malalim] “Sige.. Alex.. mauna na siguro kami..”

Alex: Pero..

Hinila ni Marielle yung sleeves ng t-shirt ko. Tinignan ko siya.

Marielle: Sige.. mauna na kami..

“Baka abutan din kasi kami ng traffic..”

Hinatid kami ni Alex hanggang labas ng bahay nila. Sumakay kami ng tricycle palabas ng village at sumakay ng taxi papuntang bahay.

Tahimik lang kaming magkapatid habang nasa loob.

Marielle: Sigurado ko si Ate Pia yun eh..

“Hayaan mo na..”

Marielle: Sa tingin mo, nakalimutan na kaya niya tayo? Ibig sabihin nakalimutan niya na rin si Kuya Lester?

“Marielle..”

Marielle: Pero kuya.. siya yun.. siya yun eh..

“O sige.. sabihin na nating siya yun.. sabihin na nating nakalimutan na niya tayo.. hayaan na nga natin siya.. ni hindi nga siya nagpuntang burol o libing ni kuya eh.. kahit bisita man lang sa ospital.. let’s just.. not talk about it okay?”

Marielle: I’m sorry.. [hinga ng malalim] It’s just that.. i suddenly remembered kuya lester when i saw her..

Hinawakan ko ang kamay ni Marielle.

Marielle: He loved her so much.. so much..

“I know..”

Mga 4 pm na kami nakarating sa bahay. Wala pa rin sina Mama at Papa pero dumating na si Ate Tess. Tumawag daw sina Mama.. mga 7 pm na raw sila makakauwi tamang-tama dinner na. Umakyat kami ni Marielle sa mga kwarto namin. Nagpalit ako ng damit. Naisip kong magpuntang park para magbasketball pero pakiramdam ko sobrang pagod ako. Humiga ko saglit. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ko.

“JC.. JC..”

Binuksan ko mga mata ko.

“Mama?”

Mama: “Dinner na.. iho..”

“Sige po.. susunod na po ko sa baba..”

Nag-hilamos muna ko at nag-ayos bago bumababa para mag-dinner. Pagtingin ko sa wall clock. 7:30 na pala. Mahigit tatlong oras din pala kong nakatulog ah.

Papa: “So.. ano ginawa niyo buong araw? Huwag mong sabihing natulog lang kayo ah..”

“Hindi naman.. Nakaidlip lang ako kanina.. Nagpunta kaming Glorietta pagkatapos magsimba..”

Marielle: “Musta po lakad niyo?”

Mama: “Okay naman.. May mga inayos lang kaming papeles.. Saka nag-date na rin kami ng Papa niyo..”

“Aba. Business trip daw ah..”

Papa: “Alam niyo naman ang Mama niyo.. Patay na patay pa rin sa akin kaya ayun pinagbigyan ko na nung niyaya akong magdate..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Mama: “Talaga lang ha.. Papa niyo talaga o..”

Pagkatapos ng dinner. Nag-stay muna ko sa may living room at nanood ng TV.
Lipat-lipat ng channel hanggang sa napunta ko sa Star World. That’s 70 Show yung palabas. Trip ko yung show na yun. Laughtrip kasi eh saka crush ko yung Jackie dun eh. Nung wala na kong mapanood, saka ko na naisipan umakyat.

“Ate Tess, sige akyat na po ko.”

Ate Tess: “Sige.. Ako na bahala magpatay ng mga ilaw..”

“Sige po..”

Ate Tess: “Oo nga pala.. May tumawag sayo kaninang tulog ka..”

“Sino po?”

Ate Tess: “Ah.. Pasensiya na.. Di ko matandaan eh.. Di ko kasi masyado naintindihan..”

Ngumiti ako. “Tsk.. Tsk.. Tumatanda na ata kayo.. Sige. Akyat na po ko..”

Nung paakyat na ako..

Ate Tess: “Teka.. Naalala ko na.. Larisse.. Tama.. Larisse nga..”

Napatigil ako. Bigla akong kinabahan. Ewan ko ba.

“Larisse po? Larisse?”

Ate Tess: “Tama yun nga..”

“Bakit daw po?”

Ate Tess: “Hindi sinabi eh..”

Umakyat ako papuntang kwarto ko. Eto na naman. Naririnig ko na naman ang kalabog ng dibdib ko. Naku po..

Bad Trip. Dapat hindi na lang ako natulog!! Bad Trip talaga.. Eh di sana.. Sana narinig ko yung boses niya sa telepono.. Sana.. Sana..

Tapos naisip ko bigla.. Kinuha ko yung backpack ko.. Hinalungkat ko yung laman.

“San na ba yun?”

Halungkat dito. Hanap doon.

“Hayan.. Nandiyan ka lang pala..”

Binuksan ko yung papel na may malalaking letrang nakasulat na APPLICANT’S DIRECTORY.

Lumabas akong kwarto tapos kinuha ko yung phone. Haay. Buti na lang naimbento ang cordless phone.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Tongue

Hinanap ko yung pangalan niya.

[Hinga na malalim] “Kaya ko to.. Tatanungin ko lang naman siya.. Kung bakit siya tumawag di ba..”

Tinitigan ko yung telepono. Sinimulan ko na i-dial yung number niya pero bago ko pindutin yung huling number.

“Haay.. Sino ba niloloko ko.. Di ko kaya.. Baka.. Baka kung ano na naman masabi ko..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Undecided

Ayun. Binalik ko na lang yung phone. At humilata sa kama. Haay. Duwag. Duwag. Duwag. Ano ba namang buhay to?! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Embarrassed

Nagulat ako biglang nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko kung anong oras na. 10:30 na pala. Buti na lang di ako tumawag baka nabulabog ko pa siya. Sino naman kaya to?

1 Message Received

Opening Message…

“Si Larisse?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

Chapter 26:

Inhale.

Exhale.

From: +63917*******
Hi. c Larisse pala to. tnawagan kc ako ni hannah. okay lng b kung tyong 3 nina stephen mag-ackaso ng outreach? pumayag n pala si stephen

Binasa ko paulit-ulit yung text. Kinuha ko yung directory. Tinignan ko kung yun nga yung number niya. Si Larisse nga. Mga ilang minuto rin ata akong wala sa sarili. Di ko lam kung ano i-rereply ko eh.

To:+63917*******
Hello .ganun ba? sige, okay lang po..

Tinignan ko yung reply ko. Okay na siguro to. Magrereply kaya siya uli? Teka..

To:+63917*******
Hello . ganun ba? sige, okay lang po.. . Uh.. Kaw po ba yung tumawag kanina?

Ayan. Sana magrereply siya uli. Pagkatapos, dagdagan yung irereply ko. Sinend ko na sa kanya. Nakatingin lang ako sa wall clock sa kwarto ko. Maya-maya nag-vibrate na yung phone ko.

From: +63917*******
Ah oo. Tulog ka raw kasi kanina eh. May ‘po’ pa talaga ah.. hehe.. .

Napangiti naman ako sa reply niya. Nag-reply naman ako agad.

To:+63917*******
Hehe. Wala lang. . Ano gawa mo?

I-sesend ko na sana. Kaso napatingin ako sa clock.. 11 pm na pala. Tinignan ko yung reply ko. Kinabahan ako. Iniistorba ko na siya.. Baka kung ano isipin niya.. Saka baka ano.. Haay ewan. Kaya pinalitan ko na lang yung reply ko.

To:+63917*******
Hehe. Wala lang. . cge..gud nyt na po .

Pagkatapos, sinend ko na ulit yung reply ko. Gusto ko pa sana siyang makatext eh. At least sa text, hindi ako kinakabahan. At least sa text, hindi ako papalpak kasi na-checheck ko kung ano irereply ko. Mga ilang minuto rin akong naghintay sa reply niya. Pero, wala na. Di na siya nagtext uli. Baka nakatulog na siya. Nawalan ng load o kung ano. Ewan ko pero kahit papaano medyo nalungkot din ako. Siguro nag-eexpect din ako na magreply siya ulit. Pero.. Ganun talaga eh. Di nagtagal, nakatulog na rin ako.

Yaaaaaawn!

Naginat-inat ako. Nagising na naman ako ng maaga. Monday na naman eh. As usual, 8:30 na naman pasok ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho banyo na para maligo. Pagkatapos, nagpalit na ako ng damit saka bumaba. Nag-breakfast uli kami ng sabay ng family ko. Ang sarap ng ulam namin ah. Tapa saka sinangag. Busog na naman ako. Nagpaalam na ako kina Mama kasi baka puno na naman yung mga jeep at wala na naman akong masakyan. Paglabas ko ng gate, kinuha ko yung phone ko para patayin. Ugali ko na kasi yun, saka ko na lang uli i-oon kapag nasa school na ako. Pagtingin ko sa phone ko..

1 message received

Binuksan ko naman. Sino naman kaya to? Nagulat ako nung nabasa ko! <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

From:+63917*******
ganun? .gud nyt na rin ‘po’ . tc! .

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Wow. Nagreply pala siya kagabi? Di ko mapigilang ngumiti. Bago ko in-off yung phone ko. Sinave ko na yung number niya.

“Ang ganda talaga ng simula ng araw ng to..” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

Mga 8 o’clock nakarating na rin akong school. Direcho agad ako sa room namin. Nandun na rin si Stephen.

Stephen: “Uy.. Aga natin ah..”

“Uy..”

Stephen: “Nasabi na ba sayo ni Larisse?”

“Ah.. oo”

Stephen: “Okay ka lang? Parang wala ka na naman sa sarili mo? Nakangiti ka tapos nakatingin ka sa kawalan?”

“Wala.. Okay lang ako..”

Stephen: “Lagi ka namang ganyan.. Yung ngiti mo parang nanalo ka ba sa lotto o ano?”

“Pano mo nalaman?”

Stephen: “Ewan ko sayo pare..”

Di nagtagal dumating din yung prof namin. Okay talaga ang araw na to. Di ko ma-explain eh. May quiz kami sa dalawang subject. Akalain mo perfect ko yun parehas. Kanina naman, may recitation kami. Nasagot ko yung tanong ni Ma’am. Swerte talaga. Di ko na namalayan last subject ko na pala para sa araw na to. Maaga-aga rin ako nakarating sa classroom. Magkakatabi yung mga kagrupo ko kaya nakisama na rin ako sa kanila.

Emm: “Hi Romeo..”

“Uy.. Ano Meron..”

Mara: “Wala naman.. usap-usap lang..”

“Tungkol san? Sa project?”

Emm: “Hindi naman.. Kung anu-ano lang..”

Nagulat ako bigla akong kinalabit ni Alex.

Alex: “Bat ang aga niyo umalis kahapon?”

“Ah.. yun ba? Kailangan na rin namin kasi umuwi saka baka makaabala pa kami sayo saka may bisita ka pa di ba?”

Alex: “Ah.. Bat nga pala tinawag ni Marielle si Tita ng Ate Pia?”

“Naku.. Yaan mo na.. May kamukha lang kasi yung Tita mo..”

Alex: “Ah.. ganun ba..”

Emm: “Wow.. Ayos na pala kayo.. Nice..”

Ngumiti lang kaming dalawa.

Maya-maya pumasok na yung prof namin. Wala kaming activity ngayon kaya discussion lang daw. Maaga rin nga kami natapos eh. Mga 3:30 tapos na kami. Ang saya! Uwian na! Kaso.. Naisip ko dumaan sa org tambayan. Magpapasign na rin ako sa applicant’s sheet. Naglalakad na ako sa may hallway tapos nagulat ako may papalabas dun sa isang room. Si Larisse?

Okay.

Inhale.

Exhale.

Binilisan ko na lang yung lakad ko. Hindi naman niya siguro ko mapapansin. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Larisse: “Uy.. Toph..”

Napapikit ako. Lumingon ako. Wala na. Nakita na niya ko eh.

“Uy.. Dito rin pala class mo..”

Larisse: “Oo. Geog1 ikaw?”

“Socsci1.. Sige mauna na ako..”

Larisse: “Sige.. San ka na?”

“Sa tambayan..”

Larisse: “Talaga? Papunta na rin ako dun eh..”

Napalunok ako. Ano gagawin ko?

Larisse: “Gusto mo sabay na tayo? Kung okay lang.. Kasi baka may dadaanan ka pa..”

“Uh.. Sige..”

#####################################

Chapter 27:

Lumabas na kaming Hall at sabay kaming naglakad papuntang tambayan. Sa lahat ng pinakaewang kausap, ako na ang pinakaewan. Wala akong masabi eh. Ano ba naman yan. Buti na lang at nadaanan naman si si Manong Peter.

“Uh.. Ice Cream?”

Ngumiti lang siya.

“Ay. Diet?”

Larisse: “Oy, hindi ah.. Manong Peter, isa nga ho yung tulad ng dati..”

Nagulat ako. Kilala pala niya si Manong Peter?

Manong Peter: “Aba, magkakilala pala ang dalawa sa mga suki ko ah..”

“Kilala mo si Manong?”

Larisse: “Oo naman.. Eh Mahilig kaya ako sa ice cream. Kaya nagulat ako nung tinanong mo ko..”

“Ay.. yung akin po chocolate-strawberry ah..”

Manong Peter: “So Dalawang chocolate-strawberry?”

“Isa lang po..”

Mang Peter: “Yun din yung sa kanya eh..” Sabay turo kay Larisse.

Tumawa naman si Larisse.

Larisse: “Gaya-gaya ka ah..”

“Hindi ah.. ikaw naunang nag-order pero mas nauna kong naging favorite yan.. di ba Manong?” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

Larisse: “Ah.. Ganun ah..”

Manong Peter: “O siya.. siya.. peyborit na kung peyborit.. eto na..” Sabay abot sa amin nung ice cream. Kinuha naman namin yung kanya-kanya naming ice cream.

Binuksan ni Larisse yung bag niya at hinanap yung wallet niya.

“Uy.. Ako na..”

Larisse: “Wow.. Ililibre mo ko?”

“Hinde uy.. Sabi ko hahawakan ko lang ice cream mo para makuha mo na wallet mo.. Di ba ikaw manlilibre? Pumayag na nga akong sumabay ka sa akin eh para may bodyguard ako..”

Larisse: “Aba..”

“Joke lang.. Manong eto po bayad..”

Larisse: “Bodyguard pala ah..”

Nginitian ko lang siya. Hindi naman. Sa totoo lang, angel nga eh. Haay. Eh di sana nasabi ko yun di ba?

Tumuloy na kaming maglakad. As usual, tahimik na naman. Hindi ko alam kung nasa sarili ba ko kanina? Yun na ata pinakamatinong usap namin eh. Ata?

Larisse: “Di kita maintindihan?”

“Ha?”

Larisse: “Wala lang.. Parang kakaiba ka..”

Parang kakaiba ka? Aba. Katakot naman yun.

“in a good or bad way?”

Larisse: “hmm.. secret?”

“Secret? Deodorant yun eh..”

Larisse: “Sira.. Parang ganyan.. Minsan kasi tahimik ka.. Tapos ngayon..”

I know. I know. Ewan ko. Pakiramdam ko kasi.. swerte ako ngayon dahil sa kanya.. Parang nanalo na ako sa lotto ngayong napapangiti ko siya, napapatawa. Haay. Ngayon, nasa harap ko siya. Akalain mo. Nakangiti siya na kitang-kita yung dimples niya. Tapos hinahangin-hangin pa ng hangin yung buhok niya. Tapos.

“Hoy..”

Nagulat ako kung sino yung tumapik sa likod ko. Si Stephen lang pala..

Stephen: “San kayo punta? tambayan?”

“Uy.. Oo.. Kaw?”

Stephen: “Oo eh.. Pero saglit lang ako.. Hi Larisse.. tambayan ka rin?”

Larisse: “Oo.. Di rin kasi ako masyadong nakadaan last week..”

Nung nakapasok na kami sa Hall, nagpaalam si Larisse. Daan daw muna siyang canteen. Kami naman ni Stephen dumirecho ng tambayan.

Stephen: “Tahimik ka kanina ah..”

“Di ka na ba nasanay..”

Stephen: “Sabagay..”

Kilala ko ng mga tao na medyo di masyado lapitin sa babae. Hindi ako yung tipong unang lalapit, para makipagkaibigan o anuman. Hindi rin ako makuwento kaya lagi akong sinasabihang suplado, mahiyain etc. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bumabaliktad ang mundo ko pag nasa harap ko na si Larisse. Nag-jojoke ako, namumula, natutuyuan ng lalamunan.. Sintomas na ba to ng sakit?
Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor eh.. Sa totoo lang..

…may tama na ata ako eh.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Cool

################################

Chapter 28:

Gumising ako mga 8 o’ clock na ng umaga. Wala na sina Mama. Malamang pumasok na kaya nagbreakfast akong mag-isa sa baba. Ewan ko ba’t di ako tinablan ng alarm clock ko kanina. Paggising ko naman, ang bigat ng pakiramdam ko. Buti na lang 10 pa ang pasok ko.

Buong maghapon, wala ata ako sa sarili ko. Masama pakiramdam ko. Dagdagan mo pa na diredirecho ang class ko mula 10 hanggang 4. Wala man lang break.

Pagkadismiss na pagkadissmiss sa amin sa last class ko, labas agad ako ng room. Pumunta muna kong canteen. Bumili ng iced tea at umupo dun sa malapit sa electric fan. Hinawakan ko yung ulo ko at pinikit yung mata ko. Ano ba naman yan. Pano ko uuwi nito?

Nagulat ako, biglang may tumapik sa akin.

“Uy.. okay ka lang?”

Binuksan ko yung mata ko. Nginitian ko siya at umupo siya sa may harap ko.

“Okay lang.. Medyo nahihilo ko eh..”

Hinawakan ni Alex yung noo ko.

Alex: “May sinat ka.. Nagpunta ka bang clinic?”

“Hindi.. Okay lang.. Pauwi na rin naman na ako.. Pahinga lang ako saglit..”

Alex: “Aba.. Pasaway ka rin ano ah.. Baka mamaya himatayin ka rin.. Di kita kayang buhatin.. Kailan pa binuhat ni Juliet si Romeo..”

Ngumiti ako. Ewan ko ba pero wala akong energy ngayon. Bad trip talaga pag ganito.

Alex: “Wait.. May Biogesic ako dito.. At least matanggal man lang yung hilo mo para makauwi ka..” Sabay binuksan niya yung bag niya para hanapin ata yung gamot.

“Naku.. Wag na.. Ano lang to siguro kasi di pa ako nakakakain..”

Alex: “Ay.. Talagang pasaway ka ah.. Di ka pa kumakain? Bakit? Teka nga..” Tumayo siya bigla. Siguro nag-CR lang. Maya-maya nagulat ako. May dala-dala ng kanin saka ulam, burger at spaghetti.

“Di ka rin gutom no?”

Alex: “Sira.. O Ayan. Kain na..”

“Ha? Sa akin yan?”

Alex: “Hmm.. Di naman.. Bale akin yung burger saka spaghetti.. Sayo tong adobo saka kanin. Para makainom ka ng gamot.”

Nilapag niya yung plato sa harap ko. Tapos siya naman inupakan na yung spaghetti.

Alex: “Teka.. Ba di ka pa kumakain?”

“Wala.. Wala lang..” Ako naman, sinimulan ko na rin kainin yung pagkain ko.
Tinitignan ko si Alex. Isang platong spaghetti tapos burger pa?

“Diet ka no?”

Alex: “Haha.. Pasensiya.. gutom..” Pagkatapos ko kumain, bumili ako ng mineral water. Pagbalik ko, wala naman na si Alex. Pero nandun pa yung bag niya. Aba. Paglingon ko, nandun.. Bumibili ng donut.

Alex: “O eto.. Biogesic..” Kinuha ko yung tablet at ininom.

“At talaga namang diet ka no..” Bumili siya ng dalawang donut? Di pa siya nabusog kanina?

Alex: “Masarap kaya.. Gusto mo rin ano?” Tapos binibigay niya sa akin yung isa.

“Di ka ba naglunch?”

Alex: “Naglunch.. Tikman mo, masarap to..” Ako naman. Kinuha ko na yung donut. Kinain ko.

Alex: “O ano.. Sarap?”

“Okay lang.. O sige na nga.. Masarap. Masarap siya..”

Napansin ko biglang kumaway si Alex. Tinignan ko kung sino yung kinawayan niya.

Alex: “Si Larisse..”

“Ha?”

Alex: “Siya yung kinawayan ko..”

“San? Nandito siya?” Sabay lingon naman ako at hanap kung nasan. Tapos pagharap ko kay Alex. Tumatawa?

Alex: “Wala.. nakalabas na.. Sabi ko na nga ba..”

“Bakit? Anong sabi mo na nga ba?”

Alex: “Crush mo siya no?”

“Ha.. A-anong crush? Hindi ah.. Di ko crush si Larisse..”

Alex: “Teka, wala naman akong sinabing Larisse ah.. Sabi ko yung ano babaeng yun o..” Sabay turo dun sa babaeng mahaba yung buhok na hindi ko naman kilala.

“Ngeee..”

Alex: “Huli ka..”

“Anong huli?”

Alex: “Okay lang yan.. Madami talagang nagkakagusto kay Larisse.. Kahit noon pa..”

Tahimik lang ako. Baka kung ano pang masabi ko eh. Mabuking pa ko lalo.

Alex: “Isa siyang triple m..”

“Triple M?”

Alex: “Maganda.. Mabait.. Matalino”

“Kaw din naman triple m ah..”

Tapos ngumiti si Alex.

Alex: “Naman..”

“Matakaw.. Macho.. Maganda..”

Alex: “Sapak gusto mo.. Di na nga sana kita sisingilin sa adobo mo eh.. 50 pesos ko?”

“Joke lang.. Sinabi ko na nga maganda eh..”

Alex: “Ngee..”

“So? Sige tuloy mo lang kwento..”

Alex: “Yun nga.. Madaming nanliligaw sa kanya.. Pero ano eh..” Sabay tingin sa akin. “Lahat Basted.”

“O Bat nakatingin ka sa akin?”

Alex: “Wala lang..”

“At bat mo nga pala kinukwento sa akin to? Di naman ako nanliligaw ah.. Di ako interesado..”

Alex: “Sinasabi ko lang.. Haay.. Pero pag nakikita ko siya nalulungkot ako sa nangyari sa kanila ni Paolo..”

“Paolo?” Sabay hinawakan niya yung noo ko.

Alex: “Ayan wala ka na sinat masyado.. Mukhang okay-okay ka na..” Tapos kinuha na niya yung mga gamit niya. “Sige, mauna na ko. Ingat..”

“Ha.. Teka.. Sinong Paolo?”

Nginitian ako ni Alex.

Alex: “Kala ko ba di ka interesado ha? Buh-Bye..”

Okay?

Sinong Paolo yun?

####################################3

Chapter 29:

Nakauwi naman ako ng maayos. Tumalab-talab naman yung Biogesic ni Alex. Pero pagdating ko sa bahay, direcho tulog agad ako pagkatapos magbihis. Hindi na nga ako nakapagdinner eh.

Maaga ako gumising kinabukasan. Eh mga 6 ata ng gabi tulog na ako eh. Ayos na pakiramdam ko. Buti naman. At dahil Miyerkules, walang pasok. Tambay na naman ako sa bahay. Haay. Nag-breakfast kami sabay-sabay nina Mama, Papa saka Marielle.

Mama: “May lakad ka ba iho?”

“Wala.. Dito lang po ko bahay..”

Marielle: “Ay, Ma.. May papabili po pala ko sa inyo, kailangan ko sa school bukas eh..”

Mama: “Naku, may board meeting ako mamaya.. Wala akong time.. Pa?”

Papa: “Gagabihin din ako ngayon eh..”

Mama: “JC.. kaw na lang, pwede?”

“Sure, ano bang bibilhin?”

Marielle: “Konti lang naman.. nasa may malapit sa telephone yung list..”

“Okay..”

Mga 9 o’ clock ako naligo. Nanood muna ako ng TV. Mga 10:30 ako nagbihis tapos saka nagpaalam kay Ate Tess. Habang nasa taxi, binuklat ko yung papel na iniwan ni Marielle.

“Hmm.. Eto lang pala eh.. 2 1/8 illustration, 2 black cartolina, art paper, 1 inch styro balls…”

Dumirecho na ako agad ng National Bookstore para bilhin yung mga kailangan ni Marielle. Kumuha ko nung red na basket at nagikot-ikot na sa loob para kunin yung materials. Bumili na rin ako ng 3 bagong ballpen ko. Pawala na yung tinta eh nung akin eh. Kinuha ko ulet yung papel at chineck yung mga kailangan niya habang naglalakad.

“illustration board.. checked.. cartolina.. checked.. art paper.. checked.. styro balls.. checked.. nap–” Nanlaki mata ko. Bat hindi ko to napansin kanina?!

“ARAY!” Hala. May nabunggo pala ko! Pagtingala ko kung sino. Aba naman.

“Uy..”

Alex: “Ano ginagawa mo dito? Ang sakit nun ah..”

“Sorry ah.. May pinapabili kasi sa akin si Marielle.. Sige..”

Alex: “Sige.. may bibilhin lang din ako..”

Umalis din si Alex. Naiwan ako dung nakatitig dun sa papel. “Anong gagawin ko?” Sa totoo lang, di ko talaga nakita to kanina eh. “Napkin?” Iisipin ko sana yung napkin na napkin kaso napkin na ‘girl thing’ ika-nga nga ni Marielle kasi may nakasulat pang brand eh.

“Naku po..” Habang piniproblema ko kung pano bibili, pumila na rin ako sa counter. Tapos nabaling ang tingin ko kay Alex, nandun siya sa may books section. Naghahanap ata ng libro.

“Alam ko na..” Pagkatapos, kung bayaran yung mga pinamili ko. Pinuntahan ko na si Alex. Tumayo ko dun sa harap niya.

Alex: “Ano ginagawa mo diyan?”

“Anong hinahanap mong libro?”

Alex: “Ha? House of Spirits. Kailangan ko kasi si Eng12.. Bakit?”

Pagkasabi niya nun, umalis ako agad. Pagbalik ko dala-dala ko na yung librong hinahanap niya. Paano? Kasi nakabili na ko nun dati kaya lam ko na kung san nakapwesto yun.. nag-Eng12 din kasi ako.

Alex: “Okaaay? Thanks..” Nagsalubong yung kilay niya. Nagtataka ata. Pumunta siya sa counter para magbayad. Sinundan ko naman siya.

Alex: “Hmm.. Kung di tayo magkakilala, mapagkakamalan kitang stalker ah..”

“Grabe ka naman.. Sinasamahan ko lang naman yung kaibigan ko ah..”

Alex: “Talaga lang ha?”

Pagkatapos niyang magbayad. Lumabas na siyang bookstore. Ako naman sunod pa rin. Makulit ako pag may kailangan eh. Kinalabit ko siya. Lumingon naman siya.

“Uhmm.. Favor?”

Alex: “Kaya pala ah..”

Nilabas ko yung listahan. Tapos tinuro ko yung pinapabili ni Marielle. Natawa siya bigla.

Alex: “Kaya mo na yan no..” Tapos nagpatuloy siya maglakad. Ano ba naman tong babaeng to? Hinabol ko naman siya.

“Uy. Sige na..”

Alex: “May mga kailangan pa kasi akong bilhin eh..”

“Okay.. Samahan kita.. Ako magdadala ng mga bibilhin mo..”

Tinignan naman niya ko tapos ngumiti siya.

Alex: “Talaga lang ha?”

“Opo..”

Ayun. Kinuha ko na rin yung dala-dala niyang libro. Tapos sinamahan ko siyang maglibot sa mall. Okay din ang mga trip nitong si Alex eh. Kala ko pupunta kami sa mga kadalasang pinupuntahan ni Marielle tulad ng Body Shop, Watsons, Cinderella. Pero hindi eh. Unang pinasukan namin, Odyssey, sunod American Boulevard, Human, Guess. Yung mga nabili niya, cap, cap uli, DVD, at t-shirt ata yung huli. Pumunta kaming department store naman, akala ko kung san kami pupunta. O Hinde.. mukhang alam ko na kun san.

“Psst..”

Alex: “Bakit?”

“Dun ka ba pupunta?” Tinuro ko yung Lingerie Section.

Alex: “Hmm.. Pano mo nalaman? Nagdududa na talaga ko sayo ah..” Sabay tawa.

“Ngee.. Sige, mauna ka na. Hintayin na lang kita dito sa may malapit sa counter.”

Alex: “Ano ka hilo?”

“Ba–Bakit?”

Alex: “Madami kasi akong kailangang bilhin. Pinapabili ni Lola Papadala ko sa US yun eh.”

“So?”

Alex: “Kala ko ba ikaw magbibitbit?”

“Ano??”

Alex: “Sige.. Okay lang..”

“Fine.. Fine..” Ako naman sumunod sa kanya. Palingon-lingon naman ako at baka may makakita sa akin. Si Alex naman panay buklat ng underwear. Ano ba naman to.

Alex: “Hmm.. Toph.. Sa tingin mo okay na ba yung L o XL yung Lola ko?” Sabay pakita pa sa akin nung underwear. WAAAAAAAAAAAAAAHHH. Tulong?!

Pagkatapos ng 1 million years, natapos din ang pagbili ni Alex. Ang dami ngang pinamili ni Alex. At ako ang pinagdala niya ha?! Pinagtitinginan nga ako nung mga salesday dun eh. Grrrrr.

“O Ayan.. Tapos pwede ako naman..”

Alex: “Oo na.. Bibilhin ko na..”

Pumunta na rin sa wakas si Alex sa Watsons para bumili nung pinapabili ng utol ko. Pagkabigay na bigay niya sa akin nung plastic, kinuha ko agad tapos binigay ko na rin sa kanya yung mga binili niya.

“Sige.. uwi na ko..”

Alex: “Wait..”

“Bakit? May bibilhin ka pa?”

Alex: “Hindi naman.. Baka gutom ka na rin?”

“Eh kung lilibre mo ba naman ako di ba? Okay lang sana. Di mo rin naman ako masyado pinagod?”

Alex: “Hmm.. Sorry na.. Libre ko..”

“Aba.. Sige ba..”

Naglakad kami ni Alex papasok ng McDo. Biglang nagvibrate yung phone ko.

1 message received

opening message..

From: Marielle
kuya, nkalmutan ko. wag mo na bilhin yung huling cnulat ko ha. cge. ingat.

“Ano daw??!!!” <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Shocked

######################################
Chapter 30:

Hinga na malalim. Pagkatapos ng lahat ng yun?! Ano ba naman yan.. Pumasok akong McDo at sinundan si Alex sa may counter.

Alex: “Isang 2 pc chicken, iced tea, large fries, saka chocolate sundae.. ikaw?”

Grabe ring tong babaeng to ah. Pero mukha namang hindi siya nataba?

“Uh.. Kahit ano kaw bahala..”

Alex: “Same din nung kaninang sinabi ko..”

Ha??

“Sige.. ako na lang magbabayad nung akin..”

Alex: “Hinde.. sabi ko lilibre kita eh..”

Nung binigay na yung order namin.
Ako na lang nagdala nung foodtray. “Sige ako na magdadala.” Tapos sinundan ko siya.

Nung naghahanap na kami ng mauupuan, may tumawag sa akin bigla. “Uuy.. Toph.. pare..” Si Mark pala, classmate ko sa Math ngayong sem.

“Uuy.. Dito ka rin pala..” Tapos, umupo kami dun sa nahanap ni Alex na upuan.

Alex: “Sino yun?”

“Classmate ko sa Math..”

Alex: Sino yung kasama niya?

“Malay ko.. Baka girlfriend.. nakasandal sa kanya eh..”

Alex: Ganun? Eh Nakita ko rin siya nung isang araw may ka-holding hands na babae sa campus.. kung di ako nagkakamali siya yun eh..

“Baka nga..” Tapos sinimulan ko ng kagatin yung chicken ko.

Alex: Oh well.. what’s up with you guys?

“Ha?” Ang sarap talaga ng chicken pag sinasawsaw sa gravy ah.

Alex: Can’t stick to just one girl?

Natigilan ako dun ah.
Bat biglang napunta dun usapan? Si Mark kasi eh..

“No Comment?” Tumaas yung kilay ni Alex. “Siguro para sa iba exciting yun..”

Alex: Ganun? Ikaw ano naman ang opinion po sa mga ginagawa ng mga kapwa mo?

“Haay.. Uh.. Mali.. Mali yun kasi hindi mo dapat pinaglalaruan ang damdamin ng iba…”

Ngumiti si Alex.

Alex: Wow.. San mo nakuha yun ah?

“Pinag-isipan ko naman yun ah..”

Alex: Alam mo tama ka diyan..

“Ako pa.. Joke lang.. Pero ganun naman yun di ba.. saka ang love love na yan.. minsan kasama diyan yung mga risks.. tulad nung masasaktan ka.. iiyak.. nasa sayo na yun kung handa ka i-take yun..” Tapos kumagat na ako dun sa burger ko.

Alex: Eh bat ikaw ayaw mong i-take yung risk?

“Hindi pa ko handa eh.. Ayoko pa masaktan.. at lalong ayokong makasakit..” Tapos kumagat uli ako sa burger ko.

Alex: Lahat naman tayo.. Ganyan talaga.. Teka, ano pala yung sinasabi mo tungkol sa kuya mo dati?

“Ayokong matulad sa kanya.. Naalala mo yung si Pia? Siya yung girlfriend ni kuya.. Alam mo ba ni anino niya di ko nakita nung nagkasakit yung kapatid ko.. Anong klase yun?!” Nag-iinit dugo ko pag naalala ko.

“Mahal na mahal pa naman siya nung kuya ko.. Walang ibang bukambibig kung hindi siya pag nagkukwento.. Saka lam mo siya ang first.. and last girlfriend niya.. Kaya mula nun.. siguro.. natakot na rin akong masaktan kasi nakita ko kung pano nasaktan si kuya.. minsan sa ospital, tulog siya nun.. binabanggit pa niya yung name nun tapos makikita mo naluluha siya..”

Alex: Ang paranoid mo..

Ha?

“Ano??”

Alex: Ang sinasabi ko lang..Wag mong isipin na matutulad ka sa kuya mo.. O kaya makakakita ka ng tulad nung Pia na sinasabi mo.. Kasi iba-iba tayo ng kapalaran..

“Ewan ko.. Basta..” Kinuha ko yung sundae ko tapos tinikman. Naisip ko din yung sinabi niya. Siguro nga tama siya. Pero pinangungunahan pa rin ako ng takot.

Alex: Minsan sa buhay kailangan magtake ng risks.. Ganun talaga.. Kaya i-try mo.. Lalo na ngayon.. nandiyan na si Larisse..

Umiinom pa naman ako ng iced tea nun. Muntik na kong mabilaukan ah.

“Ano?”

Alex: Hmm.. Naging magkaklase ba kayo ni Larisse dati?

“Uh.. Last year.. Sa Math.. Bakit?”

Alex: Tignan mo.. Isang taon na? Grabe ah.. Balita ko sinisilip-silip mo pa siya bago sumakay ng kotse niya no?

Hala? Teka.. Paano niya nalaman yun?

“Paano mo nalaman??”

Tapos bigla siyang tumawa.

Alex: Hindi nga?? Wala lang… Hula lang..

Grrrr. Grabe tong babaeng to. Nadala ko dun ah.

Tapos nagseryoso siya.

Alex: You know what? A lot of guys have courted her in the past.. Most of them are jerks..

“Ha?”

Alex: Pramis.. Kala yata nila trophy si Larisse eh.. Yung iba magkakabarkada pa.. sabay nanliligaw.. Buti nga.. Basted..

“Aah..” Di ko alam kung ano pa sasabihin ko kasi klarong-klaro na sa akin na basted silang lahat.

Alex: Ewan ko ba.. Paano napasagot ni Paolo yun..

Ah. So yun pala si Paolo. Boyfriend ni Larisse.. Ano??! May boyfriend na siya?

Alex: Si Paolo.. Pinsan ko yun.. Ka-age din natin.. Nakita niya yung isang picture na meron ako na kasama ko si Larisse.. Mula noon kinukulit-kulit niya ko sa number niya.. Deadma lang ako kasi kilala ko si Paolo.. Chickboy yun sobra.. Hindi ko alam kung paano pero nakuha pa rin niya yung number.. Sinabi lang sa akin ni Larisse na nagtetext sa kanya.. Ako naman.. Deadma ulit. Kasi di ba wala nga siyang sinasagot sa mga nanliligaw sa kanya? Kaya grabe.. nagulat ako nung nalamang kong sila na ng mga May ata bago mag-third year.. Gulat talaga ko nun. Pero nung nakita ko naman si Larisse, masaya naman siya. Mga August kasi umalis na ko ng Pilipinas, at lumipat sa Canada. Kaya wala na akong nabalitaan sa kanila. Nalaman ko na lang by September, break na sila.. Sino nakipagbreak? Si Paolo.. Grabe talaga.. Kung hindi ko lang siya pinsan.. Naku po..

Kahit di ko pa nakikita yung Paolo na yun. Gusto ko nang sapukin.

Alex: Sobrang guilty nga ko eh.. Kasi parang ako may kasalanan kung bat nakilala ni Paolo si Larisse.. Saka dapat sinabihan ko na agad si Larisse o kaya pinigilan ko na si Paolo.. Basta..

“Ano ka ba? Sadyang sira-ulo lang talaga yung pinsan mo..” Tapos ngumiti si Alex.

Biglang tumunog yung cellphone ni Alex. Kinuha niya tapos binasa. Ngumiti siya.

“Bakit?”

Alex: Ha.. Wala.. Tignan mo to.. Sabi kasi.. Parang Based sa isang study ang number 1 na hinahanap ng mga lalaki ngayon, beauty inside and out.. yung mga babae naman.. sense of humor.. Wala lang.. Tapos ka na kumain? Halika na?

Tapos tumayo na kami at lumabas ng McDo.

Sense of Humor daw? Hmmm.. <!–[if gte vml 1]> <![endif]–>Roll Eyes

5 Comments »

  1. tol tnx sa pag continue ha..
    so nag ka girlfriend ka na ba ngaun??
    kong meron na cnu??
    gandang story mo…keep it up bka umasenso ka din sa huli..
    hirap kc hanapin 2ong storya mo eh..
    pero kong makita lng to ng marami 100% sure na magugustohan to ng mga teenager…

    tol nag lalaro ka ba ng ran??

    Comment by bm — April 30, 2008 @ 1:13 pm

  2. sana tol ma dugtungan mo story mo bitin prin eh..ung end sana ung may GF KA NA…

    Comment by bm — April 30, 2008 @ 1:14 pm

  3. tol tgal mo nba ginawa 2ong story mo?? tru 2 life ba lhat to?? …

    Comment by bm — April 30, 2008 @ 8:28 pm

  4. Yup naglalaro ako ng RAN, actually one of the pioneers hehe. Di sya true to life tol. Di ako nagsulat nitong story eh nagandahan lang ako sa story kaya pinost ko dito. Try ko i-complete.

    Comment by melfabro — May 5, 2008 @ 12:11 am

  5. ano name mo sa ran??kalayaan din ako eh

    Comment by bm — May 9, 2008 @ 9:05 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Create a free website or blog at WordPress.com.