`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch5

Chapter 5:

“Sorry miss.. Sorry talaga..” Undecided

Napatingin ako dun sa babae. Parang familiar yung voice niya eh.. Parang nakita ko na siya pero di ko lang matandaan ko san.

Miss: “Anong sorry? Di mo ba pupulutin cellphone ko?”

Aba. Nagulat ako. Pagtaasan ba ko ng boses. Tinitignan tuloy kami ng mga taong dumadaan. Ako naman pinulot ko yung battery saka cover. Inayos ko tapos sinubukan kong i-on.

(Hinga ng malalim)

Lord, please. Please… Hindi siya sira.. hindi siya sira… Pagtingin ko sa cellphone, okay siya! Nakahinga ko ng maluwag. Biglang hinablot nung babae sakin yung cellphone.

Miss: “Akin na nga. Pasalamat ka.. Naku, kung hindi. Patay ka sakin.” Tongue

Kung hindi lang to babae eh, pinatulan ko na to. Kala mo kung sino eh.. Teka..

Alam ko na! Eto ata yung babaeng macho sa jeep. Titignan ko sana ulit kung siya nga kaso nakalakad na siya paalis. Alangan namang habulin ko pa?!

“Ang tigas din nung babaeng yun. Macho talaga. Parang monster..” Shocked

Monster? Hmm.. Bagay… Kakatakot naman talaga yun. Parang bulkan kung magtatalak. Mga babae talaga o.

Nag-commute na uli ako pauwi. Maaga pa kaya di pa trapik. Nakarating akong bahay mga 12:30. Wala pa parents ko saka si Marielle. Si Ate Tess lang, yung maid namin yung nandun.

Ate Tess: “O JC, Ang aga mo ah..”

“Wala ho kasi akong class ng hapon. Sige, ate, akyat lang akong kwarto ko”

Natulog muna ko. Walang magawa. Ayoko namang lumabas. Ang init eh. Nagset na lang ako ng alarm ng 4:00 para makapagbasketball ako ng saglit sa may park ng hapon.

*RRRiinnnGGG!*

Nagising ako sa alarm. Pagtingin ko sa watch 4 na nga. Nagbihis ako ng pangbasketball at bumababa. Pagtingin ko sa may dining table, nandun si Papa nagbabasa lang ng dyaryo. Si Mama naman nasa Kitchen mukhang naghahanda ng meryenda.

“Uy, ano yung naaamoy ko? Bango ah. Lasagna ba? Tamang-tama, yan may kakainin ako sa pagbalik ko..”

Mama: “Basta uwi ka bago mag-6 ah. Mahirap na medyo madilim na sa labas.”

“Sige, Ma.. Pa.. Alis na ko..”

Palabas na sana ako ng pinto nang may nakita akong pumasok sa may gate namin. Aba. Aba. Sino tong kasama ni Marielle?! Huh

Marielle: “Ah.. Eh.. Hi.. Kuya? Bat ang aga mo ata?”

“Sino ka?”

Guy: “Ho? Ah. TJ po”

“Ano? CJ?”

Guy: “TJ po”

“PJ?”

Marielle: “Kuya.. TJ nga eh.. (napatingin sa basketball na hawak ko)O magbabasketball ka pala eh.. ingat..”

Nginitian ko si Marielle. Tinignan ko yung TJ na yun.

“Ah. Hinde.. nagbago ka na isip ko. Bigla akong tinamad. Halika, pasok na dali.”

Napansin kong sumimangot si Marielle at bumulong ng “pasensiya na..” dun sa lalaking yun.

“Pa, may bisita si Marielle o.”

Papa: “O, TJ iho, mustah na daddy mo? Di na kami nakakapag-usap ah. Pakikamusta ako sa kanya ah.”

Ano? Close sila? Aba. May hindi pala ako nalalaman sa mga nangyayari dito.

“Ah. Sinong daddy?”

Mama: “Ah. Anak siya ni Tito Bert mo. Yung kumpare ng Papa mo. Kabarkada niya nung highschool.”

Lumapit ako kay Papa at binulungan siya.

“Pa, eh mukhang manliligaw yan sa utol ko eh. Wag niyo namang kunsintihin..”

Papa: “Wag ka ngang ganyan. Magkabarkada lang yan ano. Saka wala ka bang tiwala sa kapatid mo.”

Hay naku. Umiral na naman ang pagkakunsintidor ng mga magulang ko. Mahirap na. Kahit anak pa siya ng kung sinong presidente pa yan.. Di natin alam ang tumatakbo sa isipan niyan..

TJ: “O sige po.. Alis na ako..”

Mama: “Magmeryenda ka muna..”

TJ: “Naku.. Wag na po..”

“Oo nga.. dito ka muna.. kain ka lang kahit saglit.. Masarap lasagna ni Mama.” Roll Eyes

Tinignan ako ni Papa, Mama saka Marielle. Parang nagulat ata sila ah.

Umupo si TJ sa sofa katabi si Marielle. Aba. Parang nag-init ang dugo ko. Lumapit nga ako sa kanila. Tinignan ako ni Marielle na parang nagtataka. Ngumiti ako… at…

Umupo’t siniksik ang sarili ko sa gitna nilang dalawa. Cool


Back

Chapter 6

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: