`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch4

Chapter 4:

*DUGDUuuuG.. DUGDUuuuG.. DUGDUuuuG *

Parang sumikip yung Dibdib ko. Feeling ko nasa last 1 minute ako ng isang basketball game namin. Tension talaga.

Siya ba yun??

Mas lalo siyang gumanda. Nagpagupit pala siya. Shoulder-length na yung hair niya kumpara dun sa mala-shampoo commercial niyang haba ng hair dati. Pero nandun pa rin yung dimples niya na kitang-kita pag ngumingiti siya.. Tapos.. Tapos..

Stephen: ‘Oi, Toph?? Okay ka lang?? Mukha kang tanga diyan! Nakangiti ka mag-isa.” Roll Eyes

“Huh? Ano?”

Lumingon ako. Nasan na siya??! Haay.. Ayun. Malayo na pala siya. Naglalakad na siya papuntang library. Wala na rin yung kotse sa tabi. Siguro hinatid lang siya ulit nung driver nila. Sh*t. Mukha na pala kong panga di ko namalayan. Nakita kaya niya ko? Nakakahiya… Embarrassed

“Ah. Eh. Wala may naalala lang ako.”

Tinignan ako ni Stephen na parang naweirduhan ata sa akin.

Stephen: “Tara na nga. Kung di lang kita kilala, baka mapagkamalan pa kitang baliw diyan.” Cheesy

Sumakay na ko sa loob tapos pumunta na kaming Katips. Bago kami pumuntang Shakey’s dinaanan muna namin sina Adrian sa Hobby Stop.

Adrian: “Oi, Tol. Long time no see ah. Mustah bakasyon? May class na nga pala kayo ngayon. Next Monday pa yung amin eh. Pero sa condo na ko mag-stay uli.”

“Okay naman. Buti pa kayo. Pero okay lang din, wala pa naman masyado ginagawa ngayon. Break nga namin ni Stephen ngayon eh.”

Adrian: “Ay si Peter pala saka Jason mga blockmates ko.” “(Sabay turo sa dalawang katabi niyang nag-cocomputer) “Si Stephen saka Toph, tropa ko nung highschool na sa UP na ngayon nag-aaral. Uy, Dota tayo. Bilis di na tayo masyado naglalaro ah.”

“Sige, Tol Next Time. Pero di ako masyado nagdodota eh. Saka kahit R.O (Ragnarok) medyo di na rin masyado”

Stephen: “Eh sa basketball naman yan adik eh.”

Adrian: “Oo nga pala. Ay may bago ngayon, yung Freestyle. Astig yun. Basketball naman yun eh. Try mo.”

“O nga, narinig ko nga yun. Pinapahiram nga ako nung pinsan ko ng CD. O sige tol. Alis na rin kami.”

Adik talaga tong si Adrian sa PC oh. Sa bagay, mula naman nung highschool ganyan na siya. Kahit ngayong college na at sa Ateneo na nag-aaral, ganun pa rin. Second Home na niya ang mga computer shop.

Pagkakuha ni Stephen nung hinihiram niya kay Adrian, nagpark na kami sa may Shakey’s. Jackpot. May nakatabi kaming pagong este Volkswagen.

“Twelve..”

Stephen: “Anong binubulong mo diyan?”

“Ah eh. Wala naman”

Nagbibilang kasi ako ng Volkswagen na sasakyan. Okay. Okay. Nakuha ko yung ideyang yun kay Marielle. Nagbibilang kasi siya ng ganun. Napansin ko lang one time habang nasa biyahe kami papuntang Batangas dati.

Marielle: “Twenty”

“Anong binibilang mo diyan?”

Marielle: “Pagong. I mean yung Volkswagen. Sabi kasi ni Badette, magbilang daw ng ganun tapos kapag naka-50 ka na. Kung sino unang kakalabit sayo, siya daw yung soulmate mo.”

“Soulmate. Soulmate. Naniwala ka naman kay Badette? Inuuto ka lang nun eh.”

Marielle: “Sus. Wala namang mawawala pag ginawa ko di ba? If I know, mamaya magbibilang ka na rin ng pagong niyan..”

“Asa.” Roll Eyes

Ewan ko ba. Trip trip lang. May nakita ko nung isang linggo eh kaya ayun tuloy-tuloy na yung pagbilang ko. Saka wala nga naming mawawala di ba? Wag lang malaman ni Marielle tong ginagawa ko’t aasarin ako nun sigurado. Grin

Pumasok kaming Shakey’s tapos nag-order lang. Parehas kami ni Stephen na Bunch of Lunch ang inorder.

“Kumukulo na ata tiyan ko. Di ako nakapag-breakfast eh.”

Pagkabigay sa amin ng order. Galit-galit muna. Walang pakialamanan. Gutom na kami eh. Cheesy

Tumambay lang kami dun hanggang mga 11 tapos bumalik na kaming school. Dinaan muna ako ni Stephen sa Math Building kasi dun yung sunod na class ko. Siya kasi sa CAL ulit ang class niya.

Pagdating ko, may note sa blackboard.

(MHV2) We’ll meet on Thursday.

Tinignan ko yung form 5 ko kung anong section ko. MHV2 nga.

“Bad trip. 11:15 pa lang tapos next class ko 2:30 pa.” Undecided

Sumakay ako ng jeep papuntang Palma Hall. Tinignan ko yung room namin sa next class ko umaasang baka sakaling may note din. Pagsilip ko… aba meron nga!!

“Socsci1 class (MTh 2:30-4) No meeting today! Ayos! Makakauwi na ko.”

Kaso pagtalikod ko..

*PAK.*

“Ouch!”

*BLaaaG.*

Naku po. Ang panga mo talaga Toph! Napalunok ako. Nakita ko ang isang 3650 na nasa sahig na nakakalat na yung cover saka battery niya. At isang…

“Pucha! Bulag ka ba??!”

Back

Chapter 5

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: