`Sugar Coated Delusions`

February 17, 2009

MGA PILOSOPIYA NI BOB ONG SA PAG-IBIG

Filed under: Main — melfabro @ 4:59 am

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng  motibo para mahalin ka nya.”

 

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang  hawak ng iba.”

 

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.” –

 

4. “Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

 

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

 

6. “Kung maghihintay ka lang nang lalandi sayo, walang magyayari  sa buhay mo. dapat lumandi ka din.” astig

 

7.”Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.” –

 

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

 

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. kaya quits lang.”

 

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman mgmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

 

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang Friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

 

12. “Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa maganda o nakakalibog ito. Totoong mas maganda ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

 

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

 

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang yung bida sa script na pinili nya.”

 

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo.”

 

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa sa isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

 

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

 

18. “Kung nagmahal ka ng taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling ka

sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ mo ang mga sama ng loob mo sa buhay. Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!.”

 

19. “Ang pag-ibig parang imburnal. nakakatakot mahulog. at pag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

1 Comment »

  1. ajaja astig!!!

    Comment by KURTH — March 29, 2010 @ 7:39 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: