`Sugar Coated Delusions`

June 14, 2008

nakakapagod din pala…

Filed under: Main — Tags: , , , , , — melfabro @ 12:28 pm

Nakakapagod din palang…

Maghintay sa hindi naman darating
Maghanap sa taong nakapiring
Hagilapin ang ayaw magpapansin
Mag-isip kahit uloy sumasakit
Sambitin ang pangalang
hindi nakakasawa kahit ipilit

Nakakapagod din palang…

Managinip kahit sa paggising alam mo
Na pangarap ay isang imposibleng hiling
Tapusin ang araw kahit na
Alam mong kadiliman ang maninimdim
Bumuhay ng nakahimbing na kaaway
Lumaban sa paligsahan
Upang paulit ulit lamang na madamay
Sa labang walang kasiguraduhan…
Itaya ang puso sa gitna ng karimlan, upang
Tapusin ang hindi pa nasisimulan
O kayay simulan ang istoryang nagwakas na
At basahin ang librong paulit ulit
O gamayin ang letrang kailangan pang ipahiwatig

Nakakapagod din palang…

Kantahan ang isang taong bingi
Makinig sa isang taong pipi
Yakapin ang isang taong manhid
Sumulat ng tula sa taong ayaw umibig
Humawak sa gasinulid na pagsinta,
Kahit marupok at mapipigtaw na

Nakakapagod din palang…

Tumingala sa langit na madilim
Tumungo at titigan ang buhangin
Magbabad sa malamig na tubig
Matunaw sa araw, sa tindi ng hagupit
Masilaw sa gabing madilim
O kayay mabulag sa makinang na bituin
Mabingi sa nakakawindang na katahimikan
Mag-isa sa gitna ng kaguluhan
Magpagaling ng panghabang buhay na sugat
Habang hawak ang mabisang agimat
Humingi ng sagot sa mga ulap
Sa mga katanungang hindi maipaliwanag
Magtanong man sa hangin
Kahit ibulong na lang sa akin
Kumapit sa madulas na kamay
Umakbay sa kaibigang nakahimlay
Kindatan ang taong nakapagbibigay buhay
Halikan ang makakapal na kilay
Magtrabaho upang makapagbigay,
Ngumiti ng walang humpay,
Sumimangot kahit hindi bagay
Magsuklay sa ulong walang saysay

Nakakapagod din palang…

Magbasa ng mga letrang tumatatak sa kaluluwa
Kahit na pusoy nangungulila
Umibig sa pusong bato
Kahit buhusan ng asido, hindi magsusumamo
Tumayo sa sariling paa
Ipakita lamang sa iyo ang pagsinta
Magpapansin sa gitna ng entablado
Saliw ng banda at musiko
Sumayaw kahit na hindi bagay sa tono
Umindak sa tugtog na hindi magbabago
Mahiga sa papag ng pag-asa
Umupo sa silyang may korona
Matulog ng mahimbing,
Ngunit basang unan ang kapiling
Magmahal sa isang kaluluwa
Na sa panaginip lamang nakikita

Nakakapagod din palang…

Mapuyat sa kakaisip ng paraan,
upang ikaw ay makamtan
Sumulat ng mga tula,
kahit walang kwenta ang nilalaman
Awitan gamit ang pusot kaluluwa,
wala rin namang epekto
kahit dugo pay kasama
Pagod na ang taong sumusulat,
itutulog na lang ang pusong kaybigat
Makakabawas pa ng taghiyawat.

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: