`Sugar Coated Delusions`

June 6, 2008

pasensya na…somewhere from pinoyexchange

Filed under: Main — Tags: , , , — melfabro @ 10:08 pm

Pasensya na
kung hindi kita pinapansin
nitong mga nakalipas na araw.

Pasensya na
kung d kita tinitingnan man lang
pag nagkakasalubong tayo sa daan.

Pasensya na
kung parang kaluluwa ang kaharap ko
sa tuwing nagkakatapat tayo.

Pasensya na
kung hindi ko natupad ang pangako ko
na manatiling kaibigan mo
sa habang buhay.

Hindi ko kasi inakala
na magiging ganito kasakit,
ang makita kayong magkasama muli.

Pasensya na
kung tila binasura ko na
ang lahat ng ala-ala nating dalawa.

Pasensya na
kung wala na akong ginagawa
para masagip pa
ang ating pinagsamahan.

Pasensya na talaga.

Yan lang kasi
ang paraan na alam ko
upang makalimutan ka na
ng tuluyan.

sa susunod na magkasalubong tayo
dedmahin mo nalang ako
parang hangin na dumaan
na walang naging silbi,
walang naging saysay,
at d naging bahagi
ng buhay mo.

at kung sa susunod pang muli
na magkita tayo
ay kinakausap na kita
at nakakangiti na ako sayo
at nakakatingin na ako
sa mga mata mo
at wala ka nang nakikitang bakas ng luha
sa mga mata ko..
asahan mong
nakalimutan na kita
at naibaon ko na
ang lahat ng ating ala-ala
nakatarangka na sa baol
na di na muling bubuksan pa.

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: