`Sugar Coated Delusions`

Torpe Ch51-60

Chaper 51:

“Haay.. Buti nakapag-aral ako kagabi.. Biruin mo may quiz?”

Stephen: Oo nga eh.. Saka biruin mo.. niyakap ka niya nung sabado?

Napatingin ako kay Stephen.

“Sus. Ano ka ba? Baka may makarinig sayo ah..”

Stephen: Iba ka na pare. Umaariba ka na.

“Ewan ko sayo..”

Stephen: Oo nga pala.. Sa Wednesday, manlilibre ako.. Enchanted Kingdom tayo.. Kasama sina Hannah..

“Ba’t anong meron?”

Stephen: Wala lang..

Ginulo ko yung buhok ni Stephen.

Stephen: Teka.. Kakaayos ko lang eh..

“Kala mo naman nakalimutan ko.. Birthday mo na tsong ah.. Tumatanda na ang bestfriend ko ah..”

Stephen: Cute pa rin kahit ganun..

“Ang problema may project kasi kami nina Alex eh.. Video..”

Stephen: Hmm.. Eh di agahan ninyo tapos isama na rin natin sa Alex.. Pag nakita mo yun sasabihan mo siya..

“O sige..”

Pag-dating ko sa SocSci 1 class ko, nandun na si Alex. Wala pa sina Emm. Nilapitan ko siya.

“Uy..”

Alex: Uy..

“Teka, Okay ka lang? Matamlay ka ata?”

Alex:Stressed lang.. exams kasi..

“Aaah..”

“Birthday pala ni Stephen sa Wednesday.. Sabi niya.. Sama ka raw after natin kumuha uli ng video..”

Alex: Ha? Naku.. Huwag na.. kakahiya yun.. Di ko rin naman masyado kakilala yung mga andun..

“Nandun naman si Larisse eh..”

Alex: Uhmm.. Di ko alam.. bahala na..

Pagdating ng Miyerkules, maaga kaming nagpuntang school. Ngayon naman, nag-interview kami sa campus ng mga nagtitinda ng bananaque dun, yung nagtitinda ng monay saka taho atbp.

“O, san na tayo pupunta ngayon..”

Alex: Basta..

Sinundan ko naman siya. Hanggang sa nakarating na kami sa may isawan.

Alex: Mang Popoy, Sampung pisong isaw ho..

Mang Popoy: Oki doki..

Alex: Ikaw..

“Uh..”

Alex: Huwag mong sabihing di ka kumakain niyan ah?

Tapos tumawa siya. Tahimik lang ako.

Alex: Oh no.. Di nga? Tsk. Tsk.. Masarap kaya..

Mang Popoy: Eto o..

Sabay abot sa kanya nung supot ng isaw saka cup na may sawsawan.

Alex: Ba’t ayaw mo?

“Ewan ko..Wala lang..”

Alex: Ang labo naman nun.. Tikman mo lang.. Dali.. Tapos sawsaw mo dito o..

Tinitigan ko yung hawak-hawak niya.

“Okay.. Titikman ko lang.. Isa lang ah?”

Habang hawak-hawak niya. Kumagat ako ng kaunti. Nilasahan ko saka ninamnam.

Alex: Ano? Sarap?

“Uhmm..”

Alex: Ano?

“Uh..”

Alex: Eh kung magsalita ka kaya?

“Masarap. Akin na lang to ah..”

Alex: Sige ba.. Sabi ko sayo eh..

*BEEP BEEP*

Paglingon namin yun CRV ni Stephen tapos sa likod kasunod yung kotse naman ni Jeffrey. Binaba ni Stephen yung bintana.

Stephen: O.. Dito pala kayo.. Tara na? Tapos na ba kayo?

“Oo.. Alex.. Tara..”

Alex: Sige.. Kayo na lang..

“Sigurado ka?”

Alex: Oo..

Papasok na sana ko.. Tapos nakalimutan kong itapon yung stick nung isaw. Bumalik ako at tinapon dun sa basurahan sa may isawan. Napatingin ako kay Alex.

“Halika na nga..”

Alex: Ha?!

Hinila ko siya papasok ng kotse.

Alex: Bakit ba kailangan kasama ko..

“Sus.. Kailangan ba may dahilan.. The more the merrier..”

###########################################

Chapter 52:

Stephen: Yahoo! Dito na tayo.. Baba na.. Bibili lang ako ng tickets..

Bumaba kami at naghintay sa labas habang bumibili ng tickets si Stephen.

“Uh.. Si Alex pala.. classmate ko.. sila naman.. mga co-applicants ko sa org..”

Alex: Hello..

Larisse: Batchmates ko pala yan si Alex nung highschool..

Leila: Talaga?

Alex: Yup..

Stephen: Eto na.. Pasok na tayo..

Pumasok na kami sa loob suot-suot yung ride-all-you-can tags namin.

Leila:Bump cars tayo!

Stephen: Oo ba.. Partners ah.. Alex tayo dali..

Hinila niya si Alex tapos sumakay na sila dun sa isa.

Sumunod na kaming lahat. Kami ni Larisse yung mag-partner.

Stephen: Eto na..

*BUMP*

Larisse: Whoa..

Ang garapal ni Stephen mag-drive. Panay ang bunggo sa amin kaya nasusubsub tuloy si Larisse sa akin.

“Bungguan ah.. Eto sa inyo..”

*BUMP*

Pagkatapos namin sa Dodgem, nagpunta kaming Jungle Log Jam. Kaming dalawa naman ni Stephen ang magkasama. Tawa kami ng tawa pagkatapos namin kasi tinignan namin yung pictures namin na kinuha ng cam.

“Haha. Stephen, tignan mo yung itsura mo o..”

Stephen: Cute ko nga eh.. Ikaw nga eh o.. haha..

Leila: Carousel tayo..

Stephen: Ano?

Leila: Sige na..

Sama-sama kaming sumakay. Ang kulit nga eh. Tawanan kaming lahat ang dami pa naman namin.

Stephen: Pano yan.. Meryenda muna tayo..

Bumili kami ng food dun sa mga stalls dun. Kanya-kanyang bayad na this time.

Larisse: San tayo next?

Stephen: Yan kaya.. Swan Lake.. Partners uli..

Leila: Sige ba.. Larisse tayong dalawa dali..

Siniko ako ni Stephen. Ang kulit talaga nito.

Larisse: Okay..

Sumakay na yung iba dun sa mga swan. Kami na lang tatlo nina Stephen saka Alex ang naiwan.

Stephen: Sige.. sumakay na kayo.. CR muna ko..

“Ikaw bahala..”

Sumakay na kaming dalawa.

“Alex naman.. ang bigat mo.. di tuloy tayo makagalaw masyado.. Ilang pounds ka ba?”

Alex: Hoy.. Ang yabang neto.. Dalawa kaya tayong nakaupo dito? ikaw kaya diyan.. ang hina mo kasi.. bilisan mo para makaabante naman tayo.. Saka ano lang ako 105 pounds noh?!

“Eto na nga.. Sana makalakad pa ko pagkatapos nito.. Hmm.. Hindi halata ah.. Kala ko mga 150 pounds..”

Sabay batok naman sa akin.

#############################

Chapter 53:

Stephen: Mag-aalas-sais na pala ah..

“Oo nga no.. Ang dami na rin nating nasakyan ah.. Konti lang kasi ang tao ngayon..”

Leila: Teka.. Ayun o.. Wala na masyado nakapila.. Space Shuttle tayo..

“Sige ba..”

Larisse: Kayo na lang.. Ma-maiiwan na lang ako..

Nilapitan ko siya.

“Bakit? Natatakot ka ba?”

Larisse: Di ko ata kaya..

“Safe naman yan.. Don’t worry..”

Larisse: Natatakot ako eh..

“Sige.. guys.. kayo na lang samahan ko na lang siya dito sa labas..”

Stephen: Okay.. tara..

Pumasok na yung iba sa loob.

Larisse: Nakakahiya.. nagpaiwan ka pa.. kaya ko naman mag-isa.

“Okay lang yun..”

Larisse: Nakasakay ka na ba diyan dati?

“Oo.. Okay naman.. Kakatakot lang sa una pero pag natry mo na.. di na masyado..”

Napansin ko huminga ng malalim si Larisse.

Larisse: Sige na nga.. Tara.. Sakay na rin tayo..

“Sigurado ka ah..”

Pagdating namin, pasakay na sila buti na lang nakahabol kami. Pagkatapos sumakay..

Larisse: Wow.

“Sarap no.. Ang bilis..”

Larisse: Akala ko mawawalan ako ng hininga..

Stephen: Nasakyan na ata natin lahat ah..

“Di pa lahat.. Yung Ferris Wheel di pa..”

Alex: Uh.. Wag na yun.. Ang dami na nating nasakyan eh..

Stephen: Oo nga.. Ferris wheel pa.. Tara..

Pumunta kami dun sa may ferris wheel at pumila. Napansin ko nakatingala si Alex sa Ferris Wheel.

“Okay ka lang.. Alex?”

Alex: Uuhh.. O-Okay lang..

Leila: Uy.. sakay na..

Ako, si Larisse saka si Alex yung papasok na sa loob.. Pasarado na nga nung operator eh..

RIIIIINNNGGG

Sinagot ni Larisse yung phone niya.

Larisse:  Hello.. po? Ganun po ba? Sige po..

“Sino yun?”

Larisse: Naku, kailangan ko na umalis.. Nandiyan na si Daddy eh..

Alex: Di ba pwede after na lang nung ride?

Larisse: Kailangan ko na umalis eh.. Kuya.. pwede pabukas naman..

Nilapitan kami nung operator at binuksan. Palabas na sana si Larisse nung hinawakan ko yung kamay niya.. Napalingon siya.. Binitawan ko agad..

“Gu-Gusto mo hatid kita?”

Larisse: Naku.. Okay lang ako..

“Uh.. Ingat..”

Ngumiti siya.

Larisse: Thanks.. I had a great time with you guys..

Tapos lumabas na siya. Binati niya si Stephen palabas. Pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Haay..

Nagulat ako biglang kumanta si Alex. Tinakpan ko nga yung bibig niya.

Alex: Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin.. Napakasakit na tanggapin..

“Ano ka ba..”

Binitawan niya yung kamay ko.

Alex: Pweee.. Bat mo tinakpan yung bibig ko.. Bakit nasira ko ba yung moment mo ha? Hahaha..

Maya-maya umandar na yung ferris wheel. Kaming dalawa na lang yung naiwan sa loob. Tumingin ako sa labas.

Ang ganda. Gabi na kasi kaya nakailaw na lahat.

“Ang ganda o..”

Pagharap ko kay Alex..

“O bat nakapikit ka..”

Alex: Uh.. Wala lang.

“Aaaah.. Takot ka sa Heights no..Hala.. Ang taas o.. Grabe..”

Pero nakita ko talaga takot na takot siya. Nanginginig pa nga eh.

“Uy.. Okay ka lang.. Dapat sinabi mo kanina para di ka na sumakay..”

Alex: Nakakahiya eh.

“Bat sa Space Shuttle sumakay ka?”

Alex: Ewan ko.. Okay lang naman sa akin yung ganun eh.. Pero yung mga ganito.. Di talaga ako sumasakay.. Di ako makatingin sa baba..

*DDDDDDDUUUGGG*

Nagulat kami biglang tumigil yung ferris wheel. Nag-jerk pa nga ng onti yung sinasakyan namin.

Alex: A-ano yun?!

Tumingin ako sa baba. Nakita ko tumakbo yung operator palabas.

“Uh.. I think there’s something wrong.. We’re.. uuhh.. stuck here?”

Bumukas agad yung mata ni Alex.

Alex: Ano?!!

##########################################

Chapter 54:

Dahan-dahang tumingin sa labas si Alex. Biglang pinikit niya ulit yung mga mata niya. Tapos nag-sign of the cross siya.

Alex: Diyos ko po..

“Alex.. Relax.. Everything will be fine okay?”

Bumukas yung mata niya.

“Alam mo.. Ikaw nagsabi sa akin.. To conquer my fear.. sabi mo sa akin lahat naman ng bagay may risks.. Kaya natuloy na yung kay Larisse.. ikaw din dapat..”

Alex: At talagang i-connect daw yun sa fear ko sa heights?!

Tinignan ko siya tapos tumawa ko.

Alex: Anong nakakatawa..

“Wala kala ko kasi wala kang kinakakatakutan..”

Ngumiti siya.

Alex: Talaga?

“Yup.. Kasi kaw yung tipong kakatakutan..”

Alex: Ah ganun?

“Tumingin ka kaya sa labas.. Ang ganda.. Sayang naman kung di mo maaapreciate dahil sa takot mo..”

Lumingon ako sa labas. Tumingin ako kay Alex. Napansin ko nakatingin siya sa akin kaso biglang yumuko agad.

Tumayo ako.

Alex: O bat ka tumayo?! Baka umalog tong sinasakyan natin..

Tinabihan ko siya.

“Ano ka ba..”

Alex: Ewan ko sayo.. May sayad ka na..

Ngumiti ako.

Tapos lumingon ako sa labas. Huminga ako ng malalim.

“ANG TABA NI ALEX!!”

Alex: Ano?!

Pagtingin ko yung ibang mga tao sa baba napatingin sa amin sa taas.

“Di mo ba ko gagantihan.. Lingon ka lang sa labas o.. Tapos sigaw ka..”

Alex: Ano ko hilo?!

“Sige ka..”

“MAY CRUSH SI ALEX KAY—–”

Nagulat ako biglang lumingon si Alex sa labas.

Alex: ANG PAAAANGEEET NI TOPH!!!!!!

Ngumiti ako.

“40 ANG WAISTLINE NI ALEX!!”

Alex: “MAY GUSTO SI TOPH KAY—–“

Tinakpan ko agad yung bibig ni Alex.

“Uy.. Wag yun..”

Tumawa si Alex.

Alex: Tignan mo pinagtitinginan nila tayo sa baba o..

Tinignan ko si Alex.

“O eh di.. Hindi ka na takot?”

Biglang tumingin sa akin si Alex.

Alex: Oo nga no?

Tapos tumawa siya.

Alex: Thanks..

Sabay kaming tumingin sa baba. Nakailaw lahat. Ang ganda tignan. Tapos pagtingin mo naman sa sky. Kitang-kitang yung mga stars.

Alex: Ang ganda pala..

“Sabi ko sayo eh..”

Maya-maya nagulat kami biglang umandar na ulit yung ferris wheel. Pagbaba namin..

Stephen: Kayo ba yung sumisigaw kanina? Kasi parang may narinig kaming sumigaw eh..

Tumawa lang kaming dalawa.

##############################

Chapter 55:

Stephen: Buti naman at tapos na ang midterms ano? Grabe..

“Oo nga eh.. Haay..”

Maya-maya nakita namin si Larisse sa malayo bitbitbit uli yung isang cute na teddy bear na pinabigay ko. Napangiti ako.

Stephen: Huuy.. Baka matulala ka na naman.. Ilang teddy bears pa ba ang ibibigay mo ha?

“Isa na lang..”

Stephen: Aba.. dali-dalian mo.. Tsk.. Tsk.. Kung alam mo lang..

“Ha? Bakit?”

Stephen: Tara na.. Punta na tayong tambayan..

Pumunta kaming tambayan at naginterview na naman ng mga members dun. Maya-maya dumating si Larisse saka Leila.

Leila: Ang sweet naman niya.. Siya ba yung nagbibigay dati pa ng teddy bears?

Larisse: Hindi raw eh..

“Pssst.. Ano yung sinasabi nila..”

Stephen: Uh.. Pare..

Tinuro bigla ni Stephen yung isa pang hawak-hawak ni Leila naman. Isang napakalaking teddy bear.

“Ang laki naman ng teddy bear mo Leila?”

Leila: Ay.. di sa akin to kay Larisse.. Binigay nung isa na naman sa manliligaw niya.. Si William.. Third year, Chem engg naman. May pag-asa ba naman yun ha?

Ngumiti si Larisse.

Larisse: Mabait siya.. Sweet.. Uhmm.. Siguro..

Pagkarinig ko nun parang nalaglag yung puso ko.

Larisse: Dati ko pa kakilala yun eh..

Leila: Aba.. Ang haba ng hair mo.. Sino naman kaya yung mystery romeo mo no?

Larisse: Di ko alam eh.. Wala talaga akong clue.. Isang bear na lang eh..

Leila: Patingin nga.. Number 2:  I like you. I just do.

Stephen: Sana magpakilala na siya no?

Tapos siniko ako ni Stephen. Huminga ako ng malalim.

Magpapakilala na ko.

Bukas.

#############################

Chapter 56:

Miyerkules.

“Good morning..”

Mama: Good morning din.. Kain na..

“Mukhang mapapakain na naman ako ah.. Si Papa?”

Mama: Wala.. Umalis ng maaga.. Oo nga pala.. May lakad tayo sa Sabado ah.. Sa Laguna.. Birthday na kasi ng Papa niyo sa Sabado eh..

Marielle: Oo nga pala no? Sino bang mga bisita?

Mama: Yung mga kumare saka kumpare namin.. saka mga pamilya nila..

“Okay yun ah..”

Pagkatapos ng breakfast, umakyat na ako sa taas at nagtingin kung ano pwedeng suotin. Inisa-isa ko yung mga damit ko. Hanggang sa napag-isipisip ko na yung niregalo na lang sa akin ni Marielle nung Christmas ang suotin ko, yung red. Ibinaba ko at pinaplantsa ko kay Ate Tess. Bumalik ako sa room ko.

“Haay.. Sana magustuhan niya to..”

Tinignan ko yung napakalaking teddy bear na light pink. Paboritong kulay kasi niya yun.

Bumaba ako ulit para manood ng TV. Mamayang hapon ako kasi pupunta kina Larisse. Malayo nga yung bahay nila eh. Buti na lang magagamiti ko yung sasakyan ni Mama kasi may meeting siya ngayon kay ihahatid siya ni Papa.

Ate Tess: Iho, okay ka lang panay lipat mo ng channel ah..

“Uh.. Okay lang po ko..”

Ate Tess: Eto.. Plantsado na..

“Salamat po..”

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Inakyat ko yung damit ko at nilapag sa kama. Panay ang tingin ko sa wall clock namin. Humiga muna ko. Maya-maya narinig ko tinawag na ako ni Ate Tess para kumain ng lunch.

Ate Tess: Tapos ka na? Parang ang konti naman ng kinain mo?

“Busog na po ko..”

Ate Tess: Himala..

Bumalik ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa wall clock 1:00 pm na.

“Ilang oras na lang..”

Humarap ako sa may salamin. Huminga ako ng malalim.

“Larisse.. I.. I like you..”

Okay na kaya yun?

“Ako si Romeo..”

Ang baduy ata.

“Anong gagawin ko?!”

Humilata ako sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko.

TOK. TOK. TOK.

Binuksan ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa wall clock ko. 4:00 pm na?! Hala. Binuksan ko yung pinto.

Ate Tess: Iho.. O.. Gising ka na pala..

“Oo nga ho.. Sige po.. Magbibihis na ko.. May lakad pa po ko..”

Nagmadali akong nag-ayos at nagbihis. Kinuha ko yung teddy bear. Humarap ako sa salamin ng huling beses.

“Kaya ko to..”

Inistart ko yung kotse at nagdrive paalis ng bahay. Dumaan ako saglit sa isang flower shop at bumili ng isang bouquet ng flowers. Pagkatapos, chineck ko yung address ng bahay nina Larisse.

Malayu-layo din ang narating ko bago ako nakarating dun sa bahay nila.

“Eto na ata..”

Huminga ako ng malalim.

################################

Chapter 57:

Sinubukan ko munang tawagan si Larisse sa phone niya pero..

The subscriber cannot be reached please try to call later.

“Bat kaya di siya ma-contact..”

Lumabas ako dala-dala yung bouquet ng flowers saka teddy bear.

*DING DONG*

Naghintay ako dun sa labas ng pinto.

“Kaya ko to..”

Matagal-tagal din bago may lumabas. Maya-maya bumukas din.

“Uh.. Sino po sila?”

“Si Larisse po?”

Maid:”Ay.. Naku.. Wala po si Ma’am..”

“Ha?”

Pano kaya to?

Maid: “Pero pabalik na rin po yun.. Pasok po kayo..”

Nagdalawang-isip ako kung papasok ako o uuwi na lang ako at sa ibang araw na lang.  Pero.. Wala nang atrasan to.. Nandito na ako..

“O Sige..”

Pinapunta ako nung maid nila sa may living room. Umupo ako dun at naghintay ng mga ilang minuto.

Yung ilang minuto naging isang oras.

Maid: “Uh.. juice po o.. Pasensiya na po.. Baka matagalan pa ata si Ma’am”

“Sige.. Di bale.. Hintayin ko na lang..”

Yung isang oras naging isa’t kalahati.

At yung isa’t kalahating oras naging dalawa.

“Mauna na siguro ako..”

Maid: “Sige po.. Sabihan ko na lang si Ma’am..”

Nagulat ako biglang sumilip yung maid sa may bintana.

“Bakit?”

Maid: “Wala po.. Mamaya na lang po kayo umalis.. Hintay muna kayo saglit..”

“Ha?”

Lumapit ako dun sa may bintana para tignan. Nung una, parang hinaharangan pa ako nung maid.

Pagtingin ko..

si Larisse.

Yakap-yakap nung isang lalaki.

Maid: “Sir?”

Napayuko ako. Di ko alam. Pero parang iba yung naramdaman ko nung nakita ko silang magkayakap.

Maya-maya pumasok na si Larisse at pinagbuksan siya ng pinto.

Maid: “Ma’am may bisita po kayo..”

Larisse: “Ha? Sino?”

Naglakad papuntang living room si Larisse.

Larisse: “Toph..”

Tapos napatingin siya dun sa malaking teddy bear at flowers.

“Number One: You…are really really special to me..”

Larisse: “Ikaw?”

Ngumiti ako.

Lumapit siya sa akin. Ngumiti siya..

Larisse: “Uh.. I.. I don’t know what to say..”

“I like you.. And I want to prove to you how—”

Larisse: “Thank you.. I’m so flattered but..”

Pagkarinig ko nun… Kinabahan ako bigla..

Larisse: I think we’re better off as friends.. I mean we started out as friends and ayokong masira yun..

“Pero..”

Larisse: You are a great guy.. It’s just that..

“Yung lalaki kanina? Uh..”

Ngumiti siya.

Larisse: No.. Hindi naman dahil sa kanya.. But yeah.. He’s special to me.. I hope you understand..

“I.. I guess..”

Tumayo ako. Pakiramdam ko nalaglag yung puso ko. Literal.

“I’ll go ahead.. Medyo madilim na rin..”

Hinawakan ni Larisse yung kamay ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pinikit ko yung mga mata ko habang yakap-yakap siya.

Larisse: Thank you.. For everything..

Pinilit kong ngumiti.

Naglakad ako palayo papuntang pintuan nila.

Larisse: Toph..

Lumingon ako.

Larisse: Friends pa rin ah?

Ngumiti ako.

“Of course..”

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kotse. Tinignan ko yung bahay nina Larisse.

Maya-maya biglang umambon.

Hanggang sa umulan.

Basang-basa na ako. Pumasok ako sa loob at nag-drive pauwi ng bahay.

Mama: Basang-basa ka iho..

Marielle: Okay ka lang kuya?

“Akyat na po ko.. Nakakain na ko..”

Pumasok ako sa kwarto ko at sinara yung pintuan. Nilock ko. Nakatayo ako at nakasandal dun sa may pintuan hanggang sa napaupo na ako.

Kahit pinipigalan ko, napaluha na ako.

###################################

Chapter 58:

Pagmulat ko ng mga mata ko, pagtingin ko nasa kama na ako. Pagtingin ko sa wall clock ko 10:30 na?! Babangon na sana ko pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Nagulat ako biglang pumasok sa loob si Mama.

Mama: O iho.. Eto sopas o.. Di ka pa kumakain mula kanina..

“Wala po ba kayong pasok? Saka.. Teka.. Papasok na po ko.. late na late na ako..”

Mama: Bat ka papasok eh may sakit ka? Bat ka naman kasi nagpaulan kagabi?

Natahimik ako.

Hinaplos ni Mama yung forehead ko tapos umupo siya sa may kama ko.

Mama: May problema ba iho?

Tumalikod ako.

“Okay lang ako..”

Kahit di ko kita, naramdaman kong tumayo si Mama.

Mama: Sige.. Iwan na kita..

Pasarado na ni Mama yung pinto.

“Uh.. Ma?”

Pumasok ulit si Mama.

Mama: Bakit?

Natahimik ako.

Lumapit siya sa akin.

Mama: Iho?

Tumulo yung luha ko hanggang sa napaiyak ako.

Niyakap ako ni Mama.

Mama: Anong problema?

Tahimik pa rin ako.

Mama: Kung ano man yun.. wag ka mag-alala.. dito lang ako…

Habang yakapyakap ko si Mama parang gumaan yung pakiramdam ko..

Kahit papaano.

Kahit kaunti.

Kinabukasan…

Stephen: Pare? Ang tamlay mo ah.. Nagkasakit ka daw.. Okay ka na ba?

“Okay naman..”

Stephen: Birthday na pala ng Papa mo sa Sabado ah.. May surprise party pa.. Galing ng Mama mo ah.. Pinapapunta niya kami eh.. Toph?

“Ha? Ano?”

Stephen: May problema ka ba? Kanina pa malayo ang tingin mo ah..

Maya-maya nakita namin sina Larisse kasama yung ibang classmates niya paparating sa loob ng canteen. Tapos napadaan siya sa table namin.. Nagkatinginan kami..

Larisse: Uy..

Ngumiti siya.

“Uy..”

Tapos umupo sila dun sa kabilang table. Di ko maiwasang tignan siya. Pag tinitignan ko siya, mas lalo akong nasasaktan. Siguro may mga bagay talagang di para sayo.. mga bagay na kailangan kalimutan.. sa puntong to? Yun eh yung nararamdaman ko para sa kanya..

Stephen: Tara na..

Lumabas kaming dalawa. Habang naglalakad tahimik lang kaming dalawa. Nagulat ako biglang tumigil maglakad si Stephen.

Stephen: May nangyari ano..

“Ha?”

Stephen: Alam na ni Larisse?

“Oo..”

Stephen: Anong sabi niya?

Tumahimik lang ako.

Hinawakan ni Stephen yung kanan kong balikat.

Stephen: Don’t worry.. Magiging okay din lahat..

Ngumiti ako. Huminga ako ng malalim..

“Sana..”

Chapter 59:

Marielle: Gising na kuya.. Dali..

“Ha..”

Binuksan ko yung mga mata ko. Ang dilim pa.

Marielle: Wag ka maingay.. Baba na dali.. Isusurprise natin si Papa..

Oo nga pala. Birthday pala ngayon ni Papa. Bumangon ako agad. At sabay kamig bumaba ni Marielle.

Nasa baba na si Mama saka Ate Tess. Dala-dala nila yung cake.

Mama: Eto na dali..

Binuksan namin yung pinto at in-on yung ilaw. Nagising bigla si Papa. Ayaw kasi nun pag nabubuksan yung ilaw. Nagigising agad

“Happy.. Birthday to you.. Happy Birthday.. Happy Birthday.. Happy… Birthday.. to.. you…”

Nagulat si Papa. Bumangon ng di oras.

Mama: Happy Birthday.. Pa..

Papa: Naku.. Talaga naman..

Niyakap namin at binati si Papa.

Mama: O.. magbihis na kayo.. Pupunta na tayo sa laguna.. Swimming! Yung mga iba baka papunta na rin dun..

Papa: “Ha? Sinong iba?”

Nag-ayos na kami ng gamit at nilagay sa loob ng kotse.

“Ako na po ang mag-dadrive papunta dun.”

Papa: Aba.. Okay ah..

Maya-maya nakarating na rin kami. Nagulat si Papa pagdating dun. Nandun yung mga kaibigan nila nina Mama.

Binaba ko yung mga gamit namin.

Stephen: Uy.. Tulungan na kita..

“Dito ka pala..”

Stephen: Kasama ko sina Daddy..

Binitbit namin yung mga gamit dun sa isang cottage dun. Nirent ni Mommy yung isang resort dun. May pool na rin tapos may mga cottages overlooking the beach. Astig. Ang dami ngang bisita eh. Nagpalit kami ng damit pang swimming. Tapos naglakad-lakad kami banda dun sa may beach.

Stephen: Tara.. Swimming na tayo..

“Sige.. Kayo na lang.. Balik muna ako dun sa cottage..”

Stephen: Sigurado ka ah..

Pagbalik ko dun sa cottage, nakita ko parating sina Tito Bert kasama yung pamilya niya pati si Alex nandun din.

“Uy..”

Alex: Hi..

Miguel: Ate.. Swimming na tayo.. Dali..

Alex: Sige.. Toph.. Ikaw.. di ka ba magsiswimming?

“Mamaya siguro.. Mauna na kayo..”

Tumakbo yung dalawa papuntang beach.

Stephen: Uy.. Nandito ka pala..

Alex: Anong nanyari dun sa kaibigan mo?

Stephen: Haay.. Heartbroken kasi..

Alex: Bakit? Ano nangyari?

Stephen: Ayun.. Sinabi na niya kay Larisse.. And alam mo na the next is history..

Alex: Ang saklap..

Umupo ako dun sa may cottage. Pinanood ko yung iba habang nagtatampisaw dun. Nagulat ako pagtingin ko sa kaliwa ko may katabi akong box bigla.. Binuksan ko nga..

Pagbukas ko..

mga bote pala ng SANMIG..

“Kala ko kung ano..”

Huminga ako ng malalim. Nagdadalawang-isip pa ako pero kumuha rin ako ng isa.

Binuksan ko.

Naglakad-lakad ako sa may beach. May nakita akong duyan dun sa may puno.

Umupo ako.

Tinignan ko yung bote ng SAN MIG na hawak ko.

#############################

Chapter 60:

Stephen: Ayun pala si Toph o..

Alex: Halika puntahan natin..

Stephen: Uy.. Pare.. Dito ka lang pala..

Alex: Anong nangyari diyan?

Stephen: Teka, ano to.

Sabay pulot niya ng bote ng SAN MIG sa may buhangin.

Tinignan nilang dalawa. Kinuha ni Alex yung bote.

Alex: Uminom siya..

Stephen: Pucha.. Eh Parehas kami niyan eh.. Hindi umiinom.. Tsk.. Tsk..

Alex: Ang bilis naman niyang tamaan.. Pano yan.. Anong gagawin natin?

Stephen: Di pwedeng malaman nina Tito yan.. Birthday pa man din.. Uhmm.. Ano na lang dalhin natin sa may kwarto..

Alex:Ha? Pano.. Wag mo sabihing bubuhatin natin yan?

Sabay tumawa si Alex. Tahimik lang si Stephen.

Alex: Ah okay.. Seryoso ka nga..

Stephen: 1.. 2.. 3.. Uuuhggh..

Alex: Waaah.. Ang.. Ang Bigat..

Stephen: Kaya yan.. Di naman kalayuan yung kwarto nung family namin.. Saglit lang naman siguro.. Mahimasmasan lang to..

Alex: Kasi naman.. Uminom ng beer.. Di naman pala umiinom.. Buhusan kaya natin ng tubig mamaya?

Stephen: Dito na tayo.. Teka. Uggh.. Di ko abot.. Ikaw nga.. Pabukas naman..

Pagkabukas nung pinto, dali-daling nilapag ako sa kama.

Alex: Sumakit yung kamay ko ah..

Stephen: Teka lang.. Kumuha siya ng t-shirt sa bag niya malapit sa may kama. O Eto.. T-shirt ko.. Pakisuot naman sa kanya o.. Kasi nakaswimming trunks lang siya.. Eh aircon to.. Baka magkalagnat ulit yan..

Alex: Bat ako?! Kaw na lang no..

Stephen: Kaw na..

Alex: Ano ba naman to..

Kinuha ni Alex yung t-shirt mula kay Stephen. Bumulong si Alex..

Alex: Hmm.. In fairness.. May abs nga siya..

Stephen: Ano?

Alex: Ah.. Wala.. Eto isusuot ko na sa kanya..

Stephen: Teka.. Labas lang ako saglit..

Dahan-dahang sinuot ni Alex yung t-shirt sa akin.

Sa kakagalaw niya sa akin, napamulat tuloy ako.

Nagulat ako nung nakita ko si Alex.

Pagtingin ko, nasa kwarto ako. Pano ko napunta dito? Kanina lang nasa..

Tapos pagtingin ko.. Si Alex?

Hinuhubad niya yung t-shirt ko?!!! Nanlaki yung mga mata ko! ShockedShocked

“ANONG GINAGAWA MO??!!”

Alex: Ha?? Te-Teka.. Bakit?

Binaba ko agad yung t-shirt ko.


3 Comments »

  1. uy pre asan na yung 42-50???
    ha? ha? ha?
    di ko makita…
    ang astig pa naman nung next chapter..

    Comment by flyn28 — March 30, 2010 @ 8:34 pm

  2. … [Trackback]…

    […] Find More Informations here: melfabro.wordpress.com/torpe-ch51-60/ […]…

    Trackback by URL — July 18, 2012 @ 4:51 pm

  3. i like what you’ve done

    Comment by Knowledgable Kid — August 7, 2012 @ 7:40 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Blog at WordPress.com.